You are on page 1of 16

1

5
EPP/TLE
HOME ECONOMICS
Quarter 2 – Module 7:
PAGPAPLANO NG
MASUSTANSIYANG PAGKAIN
2

EPP/TLE- Grade 5
Quarter 2-Module 7:
Pagpaplano ng Masustansiyang Pagkain

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa aklat na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Regional Director:
Gilbert T. Sadsad
Assistant Regional Director:
Jessie L. Amin

Development Team of the Module

Writer: Maria Corazon M. Baldon, T-III Albay Central School


Editor: Gina B. Baronia, MT-I Tamaoyan Elementary School
Illustrator:
Consultant: Raul B. Bendian, EPS EPP/TLE/TVL
Management Team:
Gilbert T. Sadsad, Regional Director
Jessie L. Amin, Assistant Regional Director
Francisco B. Bulalacao Jr., CLMD Chief, ROV
Christie L. Alvarez, Regional EPS EPP/TLE/TVL
Crestito M. Morcilla, Schools Division Superintendent
Fernando C. Macaraig Assistant Schools Division Superintendent
Imelda R. Caunca Division CID Chief
Raul B. Bendian, Division EPS EPP/TLE/TVL
3

Naisasagawa ang pagpaplano at pagluluto ng masustansiyang pagkain


(almusal, tanghalian at hapunan) ayon sa badget ng pamilya.
EPP5HE-0i-24

Natutukoy ang mga salik sa pagpaplano ng pagkain ng pamilya badget,


bilang ng kasapi, gulang, atbp.-
EPP5HE-0i-25

Naitatala ang mga sangkap na gagamitin sa pagluluto ayon sa napiling


resipe.-EPP5HE-0i-27

Naisasagawa ang pamamalengke ng mga sangkap sa pagluluto.


EPP5HE0i-28
Naipapakita ang husay sa pagpili ng sariwa, mura at masustansiyang
sangkap naisaalang-alang ang mga sangkap na makikita sa paligid.
4

SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIAL IN EPP/ TLE 5


Pangkalahatang –idea (Overview):

Ang wastong dami at sapat ng pagkain ay makakatulong upang maiwasan


ang pagkakaroon ng Malnutrisyon sa pamilya. Ang tamang pagplano sa
paghahanda ng pagkain para sa Almusal, Tanghalian at Hapunan ay kinakailangan
upang maging malusog ang ating pangangatawan. Kinakailanganin ang tamang
kaalaman sa pamamalengke ng sariwa, mura at masustansiyang sangkap na
maaaring matagpuan sa sariling pamayanan.

Ang modyul na ito ay makakatulong sa pagplano at paghahanda ng mga


pagkaing masustansiya para makatiyak tayo ay nasa tamang paglaki, pag-unlad at
maayos ang kalusugan. Nilalaman din dito ang mga dapat ihandang pagkain para
sa almusal, tanghalian at hapunan. Magkakaroon din kayo ng kaalaman sa
matalinomg pamimili ng mga sangkap na sariwa, mura at masustansiya.

Sa modyul na ito, matuto kang ng mga hakbang sa pagplano ng pagkain

Aralin 1: Mga pagkain na kinakailangan ng ating katawan

Aralin 2: Mga salik sa pagplano ng pagkain para sa pamilya

Aralin 3: Katangian ng sariwa , mura at masustansiyang mga Sangkap

Layunin:
Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, makakaya mo ang

 pagsasagawa ng pagpaplano ng masustansiyang pagkain para sa


almusal, tanghalian at hapunan)ayon sa badget ng pamilya.
 maibabantay mo ang paghahanda ayon sa mga salik sa pagplano ng
pagkain para sa mag-anak.
 makapagtatala ng mga sangkap para sa napili mong resipi.
 matukoy ang mga katangian ng mga sangkap na mura, sariwa at
masustansiyang sangkap na maaaring matagpuan sa paligid
.
5

Paano ka matututo mula sa Modyul?

Alam ko excited ka na pag-uumpisa ng modyul na ito, andito ang


mga bagay na dapat tandaan upang maayos at wasto mo magagawa ang mga ito:

1. Basahin nang mabuti ang bawat panuto.

2. Gawin nang wasto at maayos ang bawat panuto.

3. Sagutin ang Pre-test bago magsimula sa aralin.

4. Makamit ang 75% na antas ng masteri sa pagsusulit

5. Gumawa nang masigasig at tapat.

6. Sagutin ang Post –test.

Vocabulary List
Agahan/ Almusal. Ang unang pagkain sa loob ng isang araw

Hapunan. Paghahain ng pagkain mula sa oras na 5:30 ng hapon hanggang


10:00 ng gabi.

Menu. Talaan ng mga pagkain at inuming ihahain

Menu Pattern. Talaan ng mga Putahe

Recipe. Talaan ng mga sangkap at pamamaraan ng pagluluto

Tanghalian. Inihahandang pagkain mula 11:00 hanggang 1:00 ng hapon.

PRE-TEST
Sa pagsisimula ng mga gawain; sagutin nang wasto at maayos ang PRE-
TEST na para sa iyo; para malaman at matiyak ang inyong kaalaman ukol sa paksa
o aralin.
Magsimula ka na! Bawat tanong ay may isang (1) wastong sagot.
Suriin at bilugan ang wastong titik ng tamang sagot.
6

1. Sa pagplanong pagkain, alin ang pinakamahalagang salik na dapat isaalang-


alang?
a. badyet b. uri ng okasyon c.laki ng mag-anak d. Panahon

2. Alin ang dapat ihanda para sa Almusal o Agahan?

a. Ginisang gulay at nilagang baboy c. gatas, ginataang gulay at kanin

b. kanin, pritong itlog, tsokolate ,at papaya d. Adobo, pritong isda at mangga

3. Sa paghahanda ng menu para sa Tanghalian, alin ang angkop na recipe?

a. Nilagang Baka b. Champorado c. Macaroni soup d. Guinataan

4. Kung ikaw ay mag hahanda ng pagkain tulad ng Tinolang Manok , ano ang mga
pangunahing sangkap para dito?

a. karneng baboy, kangkong at patatas

b. karneng manok, hilaw na papaya at dahon ng sili

c. karneng baka, kamote at kang-kong

d. lahat ng uri ng karne , talong at kang-kong

5. Sa pamimili ng mga pagkain tulad ng prutas at gulay, ano ang mga katangian
nito?

a may butas at mga pasa c. may matigas na bahagi at maliit sa laki

b.malinis, walang pasa at kulay berde d. manila-nilaw ang dahon at prutas

6. Kung ikaw ay mag hahanda ng pagkain para sa Kaarawan ng iyong Ina, at


gagawin sa hapon ang konting salo-salo, ano ang maaari mong ihanda?

a. cake, spaghetti at inumin

b. tinolang manok, adobo at pritong isda

c. nilagang baka, tinapay at kanin

d. spaghetti, tinolang manok at inumin .

7. Alin ang pinakamahalagang salik na dapat isaalang-alang sa pagplano at


paghahanda ng pagkain para sa pamilya?

a.Panahon b. uri ng okasyon c.laki ng mag-anak d. Budget

8. Sa pamimili ng mga sangkap para sa ihahandang pagkain, ano ang mga dapat
tandaan maliban sa isa?
7

a. mura, at masustansiya c. matatagpuan sa sariling pamayanan

b. mamahalin d. sariwa at napapanahon

9. Bakit mahalaga ang pagplano ng pagkain para sa pamilya?

a. upang makatiyak na ito ay mura at masustansiya

b. upang malaman na marami kayong pera

c. upang makabili ng mamahaling sangkap

d.upang magustuhan ang pagkain ng inyong lola at lolo.

10. Kung sakali, ikaw ay maghahanda para sa Tanghalian ,alin ang mga putahe o
Menu na iyong ihahanda?

a. Ginatang malunggay ,nilang baka at papaya

b. gatas, ginataang isda at kanin

c. kanin, pritong itlog, tsokolate ,at hinog na mangga

d. Adobo, pritong isda at saging

Kumusta ang pagsasanay? Nasagot mo ba nang tama ang bawat aytem?

Kung tama ang lahat ng sagot mo, magaling! Marami ka nang nalalaman
tungkol sa paksang tatalakayinsa modyul na ito. Maaari mo pa ring pag-aralan ang
modyul na ito para mabalik-aralan ang mga bagay na nalalaman na.

Kung mababa ang iyong iskor, huwag mag-alala. Para sa iyo ang modyul na
ito! Tutulungan ka nitong maintindihan ang ilang mahahalangang kasipan na
magagamit mo sa araw-araw.

Learning Activities:

ARALIN 1: Mga pagkain na kinakailangan ng ating katawan

Ang pagkain ng masustansiyang pagkain ay kinakailangan ng ating katawan


sa araw-araw. Madalas ang pagkain ay tumutulong sa pagbuo at paglaki ng ating
mga kalamnan, nagbibigay init , lakas at sigla upang magawa natin ang iba’t ibang
gawain at tungkulin sa araw-araw at higit sa lahat , ang pagkain ay nagbibigay-
buhay sa ating lahat.
8

Alamin ang mga pagkain na kinakailangan ng ating katawan!

Pagmasdan mo ang iyong sarili ngayon, sa inyong palagay taglay mo ba ang


mga palatandaan ng isang malusog na batang nagbibinata at nagdadalaga? Alamin
ang mga uri ng pagkaing masustansiya na nasa larawan.

Ang mga pagkaing nabanggit ay binubuo ng tatlong pangunahing pangkat :


Tagapag-buo mula dito ang karne, itlog, keso, gatas at mga uri ng seeds at legumes;
Tagapagbigay-lakas ay mula sa mga pagkain gawa sa arina at butil ng bigas tulad
ng keyk, puto, tinatapay, mga lamang –ugat ay kabilang din dito ; at ang Tagapag-
saayos ay binubuo ng lahat ng mga uri ng gulay at prutas.

Ngayon, bigyang-diin natin ang mga dapat na napapaloob sa paghahanda


para sa Almusal, Tanghalian o Hapunan. Ano ang madalas na kinakain mo sa
Almusal, Tanghalian at Hapunan? Mahalaga na ito ay masustansiya at angkop sa
panahon o oras ng pagkain.

AGAHAN TANGHALIAN HAPUNAN

Kanin Kanin Kanin


Pritong Isda Sinigang na Bangus Adobong Baboy
Kamatis Ginisang Patola Ginataang Sitaw
Tsokolate Malamig na Gulaman Hinog na saging
Saging
9

Subukin Natin: Ano ang Gagawin Mo?

Bilang kasapi ng pamilya, ano madalas ang inihahandang pagkain ng inyong


nanay para sa iyong almusal o Agahan, Tanghalian at Hapunan? Gumawa ng
sariling talaan ng mga pagkain at bigyan diin ang mga dapat na napapaloob dito.

Pagkain na para sa Pagkain na para sa Pagkain na para sa


Almusal Tanghalian Hapunan

Sagutin ang mga sumusunod:

1. Anu-ano ang pangunahing pagkain na meron sa Almusal, Tanghalian at Hapunan


na tumutulong sa pagbibigay-init at lakas sa katawan?

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

2. Bakit kinakailangan ng isang batang tulad mo ang pagkain ng Almusal o Agahan?

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

3. Sa palagay mo, makakatipid ka ba sa hindi pagkain ng Hapunan? Bakit Oo o


Bakit Hindi?

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

Lagi ninyong tatandaan na ang mga ihahandang pagkain ay dapat na ayon


sa Talaan ng mga pagkain sa pagbuo ng sariling Menu.

ALMUSAL TANGHALIAN/HAPUNAN

Cereal Soup
Pagkaing may protina Kanin
Prutas Putaheng Gulay
Inumin Panghimagas
10

Gamit ang Rubrics sa pagmamarka : Pagpaplano ng Pagkain:

MGA PAMANTAYAN PUNTOS

1. Naihanda ba ang talaan ng pagkain 4

2. Nasunod ba ang wastong putahe? 3

3. Naging maayos ang pagpaplano ng 3


pagkain

Kabuuan: 10 puntos

ARALIN 2: Mga salik sa pagplano ng pagkain para sa pamilya

Ang paghahanda ng pagkain para sa mag-anak ay may mga salik na isinasalang-


alang tulad ng

1. Talaan ng mga Putahe ( Menu Pattern). Ginagamit ito sa pagpaplano ng menu


upang makabuo ng resipi para sa yiyak na age group. Ang madalas na food based
menu pattern ay ang agahan, tanghalian at hapunan.

2. Resipi . Ito ang talaan ng mga sangkap at pamamaraan para sa paghahanda ng


-+isang lulutuing putahe para sa pamilya. Dapat tiyakin na kompleto at wasto ang
mga kaukulang sangkap ayon sa resipi.

3. Menu. Talaan ng mga pagkain at inumin na ihihahain sa oras ng kainan.

4 Mga Sustansiyang nakukuha sa pagkain. at dietary needs na kailangan ng


bawat kasapi ng mag-anak. Isaisip na ang mga pagkaing inihahanda ay may
sapat na sustansiya tulad ng bitamina, mineral, taba, protina at carbohydrates.

5. Badyet ng pagkain. Isaalang-alang ang halaga ng kakailanganing pera sa


paghahanda ng pagkain. May mg pagkaing masarap at masustansiya ngunit mura
ang halaga tulad ng malunggay, kangkong, sitaw, talbos ng kamote, dilis,at tulya.

6. Bilang ng kasapi ng pamilya . Ang dami ng pagkaing inihahanda ay ibatay sa


bilang ng kasapi ng pamilya upang hindi sumobra at kumulang.

7. Panahon. Bigyan diin ang mga pagkain na dapat ihanda ayon sa tag-init o
taglamig.

8. Oras sa paghahanda ng pagkain. Siguraduhin na sapat ang oras na gagawin


sa paghahanda. Laging isaalang-alang ang oras ng paghahanda kung ito ba ay
agahan, tanghalian o hapunan.
11

Nabatid na natin ang mga salik na dapat tandaan sa pagplano ng ating


ihahandang pagkain. . Kung ikaw ay maghahanda ng pagkain, maaari mo ba gawin
ang mga salik sa pagplano ng pagkain?

ARALIN 3: Katangian ng sariwa , mura at masustansiyang mga Sangkap

Sa pagpaplano ng mga ihahandang pagkain,


ating alamin ang mga gagamitin sangkap sa
pagluluto ayon sa napiling resipe. Laging
isaisip na ang recipe ay binubuo ng mga
sangkap .at pamamaraan ng pagluluto. Lagi n
tandaan, na ang sariwang gulay ay berde ang
dahon, walang sira at malago.Sa prutas ay
walang pasa, mabigat ayon sa laki at luntian
ang kulay; ang mga itlog ay magaspang ang
balat, malinis, hindi umaalog at lumulubog sa
tubig. Ang karne ay dapat walang masangsang
na amoy, siksik ang laman at natural ang kulay.
Sa isda dapat mapula ang hasang, kapit na
kapit ang kaliskis at walang masamang amoy.

Mahalaga na maging positibo ang kalooban kahandaan at kawilihan sa paggamit ng


mga sangkap na maaaring matagpuan sa sariling pamayanan.

GAWIN at ALAMIN:

Self-Test 1. Panuto: Sagutin nang wasto at maayos ayon sa inyong


kakayahan.

1. Ano-ano ang mga salik na dapat isaalang-alang sa pagbabalak ng


pagkain para sa pamilya?
_________________________________________________________

2. Paano ka makakatulong sa pagpaplano ng pagkain para sa iyong


pamilya?
__________________________________________________________
__________________________________________________________

3. Bakit mahalagang matutong pumili ng mura, sariwa at masustansiyang


pagkain para sa pamilya?
__________________________________________________________
__________________________________________________________
12

Self-Test 2. Gamit ang mga Larawan. Itala ang ang mga katangian / palatandaan
na sariwa ang nabili ninyong sangkap o mga pagkain? Magbigay ng 3 sagot.

Uri ng Pagkain Katangian/Patandaan na sariwa

1.Isda
2.Itlog
3. Gulay
4. Prutas
5. Karne

Self- Test 3. Paano mo maipapakita ang sariling kahusayan sa pagpili ng sariwa,


mura at masustansiyang sangkap na kinakailangan sa pagpaplano ng mga pagkain.

Gawain: Lagyan ng tsek ( ) kung tama o sang ayon ang isinasaad at ekis(x) kung
hindi.

 makinang at kapit na kapit sa balat ang kaliskis ng isda

 maitim ang hasang ng sariwang isda.

 Gawin ang pamimili ng isahan upang makatipid.

 Hindi mahalaga ang presyo kung namimili ng pagkain

 May tatak na nagpapatunay na ang hayop ay kinatay na malusog at walang


sakit.
13

POST TEST
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Sa pagplanong pagkain, alin ang pinakamahalagang salik na dapat isaalang-


alang?
a. badyet b. uri ng okasyon c.laki ng mag-anak d. Panahon

2. Alin ang dapat ihanda para sa Almusal o Agahan?

a. Ginisang gulay at nilagang baboy c. gatas, ginataang gulay at kanin

b. kanin, pritong itlog, tsokolate ,at papaya d. Adobo, pritong isda at mangga

3. Sa paghahanda ng menu para sa Tanghalian, alin ang angkop na recipe?

a. Nilagang Baka b. Champorado c. Macaroni soup d. Guinataan

4. Kung ikaw ay mag hahanda ng pagkain tulad ng Tinolang Manok , ano ang mga
pangunahing sangkap para dito?

a. karneng baboy, kangkong at patatas

b. karneng manok, hilaw na papaya at dahon ng sili

c. karneng baka, kamote at kang-kong

d. lahat ng uri ng karne , talong at kang-kong

5. Sa pamimili ng mga pagkain tulad ng prutas at gulay, ano ang mga katangian
nito?

a may butas at mga pasa c. may matigas na bahagi at maliit sa laki

b.malinis, walang pasa at kulay berde d. manila-nilaw ang dahon at prutas

6. Kung ikaw ay mag hahanda ng pagkain para sa Kaarawan ng iyong Ina, at


gagawin sa hapon ang konting salo-salo, ano ang maaari mong ihanda?

a. cake, spaghetti at inumin

b. tinolang manok, adobo at pritong isda

c. nilagang baka, tinapay at kanin

d. spaghetti, tinolang manok at inumin .

7. Alin ang pinakamahalagang salik na dapat isaalang-alang sa pagplano at


paghahanda ng pagkain para sa pamilya?

a. panahon b. uri ng okasyon c.laki ng mag-anak d. badyet


14

8. Sa pamimili ng mga sangkap para sa ihahandang pagkain, ano ang mga dapat
tandaan maliban sa isa?

a. mura, at masustansiya c. matatagpuan sa sariling pamayanan

b. mamahalin d. sariwa at napapanahon

9. Bakit mahalaga ang pagplano ng pagkain para sa pamilya?

a. upang makatiyak na ito ay mura at masustansiya

b. upang malaman na marami kayong pera

c. upang makabili ng mamahaling sangkap

d.upang magustuhan ang pagkain ng inyong lola at lolo.

10. Kung sakali, ikaw ay maghahanda para sa Tanghalian ,alin ang mga putahe o
Menu na iyong ihahanda?

a. Ginatang malunggay ,nilang baka at papaya

b. gatas, ginataang isda at kanin

c. kanin, pritong itlog, tsokolate ,at hinog na mangga

d. Adobo, pritong isda at saging

TANDAAN MO!

Ang lahat ng tao ay nangangailangan ng tama at balanseng pagkain sa araw-araw


upang maging malakas, matalino, masaya at malusog.

Isaalang-alang ang mahahalagang salik sa pagbabalak ng pagkain para sa


pamilya. Sa pamamagitan nito, magbibigay ito ng maraming kabutihan at
kapakinabangan tulad ng pagtitipid sa oras, lakas, panahon at salapi.

KARAGDAGANG KAALAMAN:
1. Gumawa ng maikling talata kung paano ka tumutulong sa inyong ina sa
pagpaplano at paghahanda ng pagkain lalo na sa pamimili ng sariwa,
mura at masustansiyang pagkain.
2. Panoorin ang slides ukol sa pagplano ng pagkain gamit ang website:
https://www.slideshare.net/ElaineEstacio2/menu-plan-107786213
15

Mga Kasagutan
Pre- Test

1. A 6. A
2. B 7. D
3. A 8. B
4. B 9. A
5. B 10. A

Post Test

1. A 6. A
2. B 7. D
3. A 8. B
4. B 9. A
5. B 10. A

Gawin at Alamin

Self-Test 1

1. Ang mga salik tulad ng badget, laki ng pamilya, oras ng paghahanda,resipe,


Menu, Panahon ,at sustansiyang kinakailangan mula sa pagkain
2. Maaari sa pamamagitan ng paghahanda ng mga sangkap na kinakailangan
ayon sa resipe.
3. Mahalagang matuto upang makatipid sap era, oras at lakas; at matiyak ang
kalidad ng ihahandang pagkain.

Self-Test 2

Isda Gulay Prutas

1.mapula ang hasang 1. malago 1. Mabigat ayon sa laki

2.kapit-kapit ang kaliskis 2. walang sira o butas 2. Walang butas o pasa

3. walang masamang amoy 3. berde ang dahon 3.luntian ang kulay


16

Itlog Karne

1.magaspang ang balat 1. walang masamang amoy

2. hindi umaalog 2. Natural ang kulay

3. malinis at walang masamang amoy 3. Siksik ang laman

Self-Test 3

1. ✓ 2.x 3. ✓ 4.x 5. ✓

References:

Barza, Maria A.etc, Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan V, Binagong


Edisyon 2010, Sta. Teresa Publications, Inc. Manila 2012

Ventura, Ana B. Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan V,


Adriana Publishing Co.,Inc.Cubao, Quezon City ,Manila 2006
Peralta, Gloria A.etc. Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran V,
VICARISH Publilication and Trading, Inc. Sta.Ana, Manila 2016

You might also like