You are on page 1of 4

PAGSUSURI NG PELIKULA

PANGALAN: MARY KRISTINE VILLANUEVA


KURSO AT BLAK: BROADCASTING 3B

PAMAGAT NG PELIKULA:
CRAZY BEAUTIFUL YOU

Ito ay isang pelikulang komedya-drama ng taong 2015 para sa mga kabataaang

Pilipino sa direksiyon ni Mae Czarina Cruz-Alviar, sa produksiyon ng ABS-CBN Films at

Star Cinema na prinodyus nina Malou N. Santos, John Leo D. Garcia, Carmi Reymundo

at Charo Santos-Concho, sa panulat ni Rory B. Quintos. Ito ay pinagbibidahan ng

tambalang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na mas kilala sa tawag na Kathniel na isa

kilala bilang isa mga pinaka mahuhusay at sikat na artista sa panahon ngayon. Ang

pelikulang ito ay ipinalabas noong 25 ng Pebrero 2015 bilang handog sa espesyal na

pagdiriwang ng araw ng mga puso. Ingles at Filipino ang ginamit na wika ng pelikula.
MGA KARAKTER

Sa pelikulang ito mahusay na ipinakita at ipinadama ng mga artista ang kani-


kanilang gampanin na siyang nagbigay ganda at aliw rito. Ang mga ito ay sina;

Kathryn Bernardo bilang Jackie Serrano Daniel Padilla bilang Kiko Alcantara

Iñigo Pascual bilang Marcus Alcantara Lorna Tolentino bilang Dra. Lea Serrano

Gabby Conception bilang Mayor Ito Alcantara Bryan Santos bilang John Serrano

Kiray Celis bilang Kim Cacai Bautista bilang Madame Tweety

Dante Ponce bilang Arthur Serrano Neil Coleta bilang Darwin

Thou Reyes bilang Dencio JM Ibañez bilang Tintoy

Andrea Brillantes bilang Nene Inah de Belen bilang Andy

Loisa Andalio bilang Mia Menggie Cobarrubias bilang Lolo Ponchong

Hyubs Azarcon bilang Harvey Chienna Filomeno bilang Lauren

Tippy Dos Santos bilang Margaret Alcantara Cheska Iñigo bilang Ellen Alcantara

Asunta De Rossi bilang Carmen Dominique Roque bilang Male Car Racer

Issa Litton Jackie’s Stepmom Jennie Dela Cruz bilang Jennie

Shenna Ocampo bilang Shenna

BUOD NG KWENTO
Ang pelikulang ito ay tungkol sa kwento nang isang suwail na anak na si Jackie
Serrano. Si Jackie ay lumaki na wala sa piling ng kaniyang ina (Dra. Lea Serrano) at
ang tanging kasa-kasama niya lamang ay ang kaniyang ama (Arthur Serrano). Mahilig
si Jackie sumali sa isang paligsahan na car racing hanggang sa siya’y nakulong kaya
minabuti ng kanyang ina na ipadala ito sa isang misyong medikal sa Tarlac sa hangarin
at pag-asang matututo ito at magiging matino na bilang isang anak kapalit ng pag-aaral
nito sa New York. Doon, nakilala niya ang isang masiyahing binata na magtitiyak na
gagawin at susundin ang mga pinapagawang utos at gawain sa kanya nasi Kiko (Kiko
Alcantara). Si Kiko ang inatasan ni Dra. Lea (ina ni Jackie) na siyang magbabantay kay
Jackie. Sa Tarlac naranasan ni Jackie ang hirap ng buhay kasama ang mga Aeta at
ang kanyang dalawang nagging kaibigan na bata na sina Jennie at Shenna. Pagkuha
ng mga larawan ang umaliw at nagging libangan nito. Kasama si Kiko, dito
matutuklasan niya ang makakapagpabago sa kanyang buhay. Natutunan nyang
magpatawad, humingi ng tawad at ang higit sa lahat ang magmahal.
DISENYONG PAMPRODUKSYON

Ang pelikulang ito ay sa ilalim ng prodroksyon ng ABS-CBN Films at Star


Cinema na kilala sa pagpapalabas ng napakaraming pelikulang nagging tanyag,
kinagiliwan at higit sa mga pelikulang nagbigay karangalan sa bansa.

SINEMATOGRAPIYA
Malinaw, maganda at mataas na kalidad ang sinematograpiya ng pelikulang ito.
Mahusay ang bawat kuha at galaw ng kamera sa kuha ng bawat senaryo. Sina Moises
Lee at Dan Villegas ang nasa likod ng sinematograpiya ng pelikulang iyo.

EDITING
Ang pelikulang ito ay inedit ni Marya Ignacio. Makikita sa pelikulang ito ang
malinaw at mahusay na transisyon ng pagkakasunodsunod ng kwento nito. Angkop ang
bawat takbo ng eksena, detalyado at konektado ang pagkakalagay ng tunog at maging
ang musika nito.

MUSIKA/TUNOG
“Nothing Gonna Stop Us Now” ang napiling musika ng pelikulang ito na inawit ni
Daniel Padilla na isa sa pangunahing tauhan ng kwento at tampok si Moresette Amon
na siyang kaniyang kaduet dito.

SKRINPLAY
Malinaw na naipahatid ng bawat karakter at maayos na pag-ganap ang makikita
sa pelikulang ito. Bawat takbo ng istorya, galaw ng mga karakter, pagbigkas ng
diyalogo ay mahusay na naipadama at naipa mukha ng pelikulang ito.

Sina Bianca B. Bernardino, Maan Dimaculangan, Jancy E. Nicolas at Carmi Reymundo


ang mga nasa likod ng paggawa ng bawat diyalogo, iskrip ng pelikula.

PANLIPUNANG NILALAMAN

Ang pelikulang ito ay ipinalabas noong 25 ng Pebrero 2015 na tampok sa araw


ng mga puso. Napapanahon ang mga sitwasyon, kaganapan sa kwento sapagkat ang
pelikulang ito ay may hatid na kurot sa puso at malawak na kaalaman patungkol sa
pamilya at pagmamahal sa kapwa. Ang tema ng pelikulang ito ay hindi lamang tungkol
sa kwento ni Jackie kalakip nang pagtagpo nila ni Kiko. Kundi ito ay tungkol rin sa
relasyon ng anak sa ina at sa pamilya, pagtanggap sa kapwa, pagmamahal ng kapatid
at higit sa lahat ay ang pag-ibig na kailanman siya ang magiging takbo sa buhay ng
isang tao.
REALISMO
Makatotohanan ang istorya ng kwento sa pelikulang ito. Marami sa atin ang
minsan ng nawalay sa ina o sa pamilya. Subalit kahit ano paman ang dahilan gaya ng
kwento ni Jackie natutunan niya paring humingi ng tawad at magpatawad, tumaggap at
magbago bilang isang anak at matuto sa anumang pagkakamali.

Pagtanggap sa kapwa, sa pelikulang ito makikita na ang lokasyon sa kwento ay mula


sa Tarlac kung saan naninirahan ang mga kapatid nating IP o Aeta.

Pagmamahal sa kapatid, gaya ni Kiko sa kwento, gagawin niya ang lahat para sa
kaniyang mga kapatid bago ang kaniyang sarili.

Pag-big, ito ay isa rin sa ating mga dahilan kung bakit patuloy tayo naglalakbay
hindi para sa ating mga sarili na maabot ang rurok ng ating tagumpay kung ginagawa
natin ito para rin sa mga taong nasa likod natin, dahil sa pag-ibig narin natin sa kanila.
Dahil rin sa pag-ibig natuto tayung magbago at tumggap.

Sa kwento rin ng pelikulang ito ipinapakita na ang tunay na pag-ibig ay kayang


maghintay at ang tunay na nagmamahal ay marunong magparaya sa ikabubuti at
ikasasaya ng lahat.

FEMINISTA
Ang kwento sa pelikulang ito ay naayon rin sa theoryang feminismo (feminista)
sapagkat ang naging isa sa pangunahing tauhan ng kwento ay isang babae.

Bukod rito nais din iparating ng pelikula ang pantay na pagtingin ng bawat isa sa
kapwa, aeta man o hindi.

MARXISTANG PAGSIPAT
Ang Marxista sa pelikulang ito na aking nahinuha ay nais ipakita ay ang bukod sa
napakagandang lokasyon na kanilang napili, ito rin ay makakatulong sa pag-unlad ng
turismo ng lugar. Makikita sa pelikulang ito ay ang mga napakagandang tanawin tulad
ng Mt. Pinatubo na siyang malaking tulong sa pag-unlad ng turismo ng bansa.

Ikalalawa, ay ang pagyakap, pagmamahal at pag-tanggap sa kapatid nating Aeta o


Indigenous People (IP). Ipinapakita sa pelikulang ito na kahit ano pang ang itsura, kulay
nang tao hindi ito hadlang para maramdaman nilang kaka-iba sila sa atin. Dahil kahit
ano paman ang itsura, kulay o anyo ng tao sa mata ng diyos pantay-pantay tayo.

You might also like