You are on page 1of 6

Sa katotohanan,hindi ko inaaasahan na magiging maganda ang

pelikulang PAGPAG ng star cinema at regal films productions, na


pinagbibidahan ng pinakasikat na teen love team ngayon, sina Daniel
Padilla At Kathryn Bernardo na mas kilala sa bansag na kathniel.
Kabilang din sina Dominic Roque, Miles Ocampo,Matet De Leon, Shaina
Magdayao At Paolo Avelino.
Isang napakagandang Horror Movie ito. Mas maganda pa sa mga
naunang prodyksyon ng regal films at maging ng star cinema. Sa totoo
lang nalagpasan pa nito ang aking ekspektasyon sa pelikulang ito.
Ang pelikulang ito ay may temang patungkol sa mga pamahiin o
superstitious beliefs sa mga patay at burol, mga paniniwalang mula pa
sa mga sinaunang tao, matagal na panahon ang lumipas.ang bawat
eksena dito ay pinag-aralang mabuti upang maging makatotohanan
ang istorya, gaya na lamang ng mga bawal kapag may patay, ang
pagsasalamin, ang pagkuha ng mga alay na pagkain,pagpatak ng luha
sa salamin ng kabaong at maraming iba.
Sa hindi pagbanggit sa kagalingan ng mga pangunahing karakter na
sina Daniel bilang cedric at Kathryn bilang leni, sila ay talagang
magagaling na artista. Si Daniel na likas na maangas ay nakadagdag
ng interes na panooring ang pelikula hanggang sa huli pagkat ang
kanyang pag arte ay nakakahumaling. Si Kathryn naman ay hindi
lamang nagtataglay ng likas na kagandahan sapagkat nagtataglay pa
ito ng angking kagalingan sa pag arte na kanyang napatunayan sa
mga eksenang kanyang ginampanan sa pelikula. Sa ibang karakter,
nagpakita din ng angking kagalingan si paolo avelino bilang ramon na
syang kontra bida sa palikula. Si ramon ay may angking natural na
katakot-takot na pag arte at hindi na kailangang gumamit ng
nakakatakot na make up.
Sa kabuuan ng pagpag ay may perpektong mga katauhan, maaaring
ang iba ay OA ngunit ang lahat ng gumanap ay naaangkop sa
kanilang kanya-kanyang papel.
Ang mga make-up ay tama lamang. Ang produksyon ay tama din. Ang
ilaw sy eksakto lang sa mga tinututukan. Nagustuhan ko ang tunong
dahil sa nakakatakot ito at isa sa nagdala ng bawat eksena.

Napakaganda ng tagpuan lalo na ang lumang bahay na pangarapa ng


mag asawang ramon at lucy, nakakatakot ito. Ang mga kasuotan ay
naaayon sa mga papel na ginampanan ng mga artista. Hindi ko
masyadong kinagiliwan ang effects/cinematography, ngunit gusting
gusto ang mga kuha laongn-lalo na noong kinunan ang nasa loob ng
kabaong.
Ang pag hahalo ng komedya at drama sa Pagpag ay hindi nakaanyaya
sa mga manonood.
Isang magandang pelikula ang pagpag, ang pelikulang ito ay hindi
lamang nagpapakita ng katakutan. Ang pagpag ay may mahalaga ding
mensahe na nais niyang ipabatid sa akin. At para sa akin na naipabatid
ng istoryang ito dahil nakita ko dito na dapat malaman at pahalagahan
natin ang mga pamahiin sa mga patay at burol. Pag panpahalagahan
natin at susundin, malalayo tayo sa kapahamakan, lalo na sa
pagpapagpag na karamihan sa atiy marami paring gumagawa.

Pagpag, ito ay isang kaugalian nating mga Filipino, pagkatapos nating


pumunta sa nurol o patay. Sa kadahilanang ginawa natin ito sa ibang
lugar bago tayo pumunta sa ating mga tahanan ay dahil sa paniniwala
nating hindi sasama ang kaluluwa sa ating tahanan upang di tayo
guluhin ng kanilang kaluluwa.
Si Kathryn bernardo bilang leni na siyang nagpapatakbo sa funeraria
na tinawag na heavenly touch funeral parlor na iniwan ng kanyang
mga namatay na magulang. Isang araw ay kinausap ni lucy na
ginagampananan ni Shaina magdayao na asikasuhing ang burol ng
kanyang yumaong asawa si ramon(paolo avelino).
Si Daniel bilang cedric ay nagmula sa isang mayamng pamilya ay
nagdadrive kasama ang kanyang mga kaibigan ng muntik nyang
mabangga sa leni ng mawalang ng control sa kanyang sasakyan.
Habang hinihintang ang tow truck, naghintay sila sa bahay kung saan
nakaburol si ramon, syempre dahil sila ay mga dalagat binata at di
nila alam na dapat silang magpagpag bago umuwi sa kanilang bahay.
Kaya isa isa silang namatay hanggang sa piton a ang buhay ng
namatay. Si cedric at leni ay nagisip nang paraan para mapigilan ito,
dalawa ang natira at mabuo ang siyam at mabuhay ang namatay na si
ramon.
Hinanap nila ang bangkay ni ramon at dal dala ang holy water na
pinaniniwalaan nilang makakapigil dito upang makita ng dalawang
buhay si Clarence malimali ang huling buhayna kailangan upang
mabuhay si ramon ngunit natigil ito dahil sinabi ni leni na siya ay
kanilang anak.
Namatay si lucy at ang batang nasa sinapupunan niya na siyang
nakapagbuhay kay ramon . Nasiganti si Ramon ngunit nanaig pa rin

ang kabutihan, namatay ang mag-asawa. At ligtas na nakabalik si


Cedric at Leni.

Rebyu

BUOD

JOUR
JOUR
NAL
NAL

IT ALL STARTED WITH A


DREAM

EXPERIENCING LIFE
TOGETHER DURING OUR

You might also like