You are on page 1of 8

Pagsasagawa ng Panunuring

Pampelikula
pagkatapos ng araling ito, ikaw ay dapat na:
• nakakikilala ng kahulugan ng panunuring pampelikula; at
• nakapagsusuri ng mga konseptong may kaugnayan sa panunuring
pampelikula.
• Mahilig ka bang manood ng pelikula?
• Anong uri ng pelikula ang kinawiwilihan mong panoorin?
• Anong mga elemento ng pelikula ang mas pinahahalagahan mo bilang
isang manonood?
Pagsasagawa ng Panunuring Pampelikula
• Maraming uri ng pelikula ang ipinalalabas buwan-buwan; may lokal at
banyagang pelikula; may aksyon, drama, at komedi;
may fiction at non-fiction. Isang paraan upang mabigyang-halaga ang
mga pelikula ay sa pamamagitan ng pagsusuri. Tinatawag natin itong
panunuring pampelikula o movie review.
• Ang panunuring pampelikula ay pagsusuri ayon sa panlasa ng isang
kritiko sa katangian ng mga elemento ng isang pelikula. Nagdudulot
ito ng epekto sa damdamin at isipan ng mga manonood.
Mga Elemento ng Pelikula
• Direksyon - Ito ay kung paano nabuo ang bawat pangyayari sa pelikula.
• Sinematograpiya - Ito ay ang paraan ng pag-iilaw at paggalaw ng kamera.
• Iskrip - Ito ang banghay ng kuwento kasama ang mga diyalogo ng mga tauhan.
• Editing - Ito ang pagpipili, pagsasaayos, at paglalapat ng mga nakuhang materyal.
• Kasuotan - Dapat ay angkop sa istilo at tono ng pelikula.
• Disenyo ng tagpuan - Dapat ay tama ang pagpili at pagsasaayos ng lugar o
lokasyon.
• Paglalapat ng musika at tunog - ito ang mga musika at tunog na ginamit sa
eksena at background.
• Pag-arte - Ito ang paraan ng pagganap ng mga artista sa kani-kanilang papel na
ginagampanan.
• Tema - Ito ang paksang iniikutan ng istorya ng pelikula.
Mga Mungkahi sa Pagsulat ng isang Panunuring Pampelikula
• Simulan sa pamamagitan ng kawili-wiling pambungad, yaong makahahatak ng
atensyon ng mga mambabasa.
• Suriin ang paksa o tema.
• Isalaysay ang maikling buod ng kuwento sa paraang biswal.
• Ipakilala ang mga tauhan.
• Suriin ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari at ang iskrip ng pelikula.
• Suriin ang pagkakaganap ng mga tauhan. Dapat ay natural ang pag-arte ng mga
nagsiganap.
• Suriin ang bahaging teknikal gaya ng sinematograpiya, editing, paglalapat ng
tunog at musika, at iba pa.
• Bigyang-pansin ang aral na nakapaloob sa kuwento.
• Wakasan sa pamamagitan ng paglalagom ng mahahalagang bisa sa iyo bilang
manonood at magmungkahi kung dapat o hindi dapat panoorin ang pelikula.
Halimbawang Pormat ng Panunuring Pampelikula

• I. Pamagat • V. Banghay ng mga Pangyayari (story


grammar)
• II. Paksa o Tema • Tagpuan
• III. Buod ng Pelikula • Suliranin
• Mga pagsubok sa paglutas ng suliranin
• IV. Mga Tauhan • Mga kaugnay na pangyayari
• Protagonista • Mga ibinunga ng mga pangyayari
• Antagonista
• Iba pang tauhan • VI. Mga Aspetong Teknikal
• Sinematograpiya
• Musika at tunog
• Visual effects
• Set Design
• VII. Kabuuang Mensahe ng Pelikula
• Mga Paalala
• Dapat ay unawaing mabuti ang kuwento ng pelikulang susuriin.
• Ang pagsusuri ay hindi dapat maimpluwensyahan ng kasikatan ng mga nagsiganap
sa pelikula.
• Hindi layunin ng panunuring pampelikula ang batikusin o siraan ang isang pelikula.
• Magbigay ng tamang impresyon at rekomendasyon ukol sa pelikulang sinuri.
• Mahahalagang Kaalaman
• Ang panunuring pampelikula ay pagsusuri sa mga elemento ng pelikula.
• Ang pagdidirehe ay isa sa mga pinakamahahalagang elemento ng pelikula sapagkat
ito ang maituturing na sentro kung paano nabuo ang isang pelikula.
• Kabilang sa mga elemento ng pelikula ang sinematograpiya, iskrip, editing,
kasuotan, disenyo ng tagpuan, paglalapat ng musika at tunog, pag-arte, at tema.

You might also like