You are on page 1of 9

Course Title

1
Module Title

Module 004: Mga Dulog sa Pagsusuri ng


Pelikulang Panlipunan

At the end of this module you are expected to:


1. Cognitive: Maipaliwanag ang tungkulin ng bawat teorya sa pagsusuri ng
pelikulang panlipunan
2. Affective: Mapalalim ang pagpapahalaga sa mga positibong aspekto ng
kultura ng mga mamamayan sa iba’t ibang panig ng mundo.
3. Psychomotor: Magamit ang wikang Filipino sa pagsulat ng
komparatibong pagsusuri ng pelikulang panlipunan.

Dulog sa Pagsusuri ng Pelikulang Panlipunan


Ang isang pelikulang panlipunan ay nagkakaroon ng silbi kapag ito ay
pinahahalagahan ng mga tagapanood sa isang lipunan kabilang na rito ang
mga mag-aaral at guro sa akademya. Ang pagpapahalaga ng isang pelikulang
panlipunan ay maaaring maipakita sa pamamagitan ng isang simpleng
panonood, sa isang pagtatanghal o sa isang panunuring pampelikula.
Ang sumusunod ay ang mga dulog na makatutulong sa pagsusuri ng mga
pelikulang panlipunan:
Realismo
Moralismo
Sikolohikal
Feminismo
Marsismo
Ideolohiya

Realismo
Nagpapahayag ito ng pagtanggap ng katotohanan o realidad ng buhay.
Nangangahulugang lantarang ipinakikita sa dulog na ito ang kung ano ang mga
tunay na pangyayari sa buhay ng mga tauhan sa pelikula sa lipunang kanilang
kinabibilangan nang walang bahid na pagkukunwari, maging ito’y
nagpapakita ng kagandahan o kapangitan ng isang lipunan.
Halimbawa ng mg Pelikulang masusuri sa dulog realismo ay ang:

Course Module
Course Title
2
Module Title

1. Metro Manila
2. Anak
3. Maynila sa Kuko ng Liwanag
4. Eskapo
5. Dekada 70
6. Cobrador
7. Sakay

May iba’t ibang pangkat ng pagdulog realismo sa Pelikulang


Panlipunan:
1. Pinong (Gentle) Realismo. May pagtitimping ilahad ang kadalisayan
ng bagay-bagay at iwinawaksi ang anumang pagmamalabis at
kahindik-hindik.
2. Sentimental na Realismo. Mas optimistiko at inilalagay ang pag-asa
sa damdamin kaysa kaisipan sa paglutas ng pang-araw-araw na
suliranin.
3. Sikolohikal na realismo. Inilalarawan ang internal na buhay o motibo
ng tao sa pagkilos.
4. Kritikal na Realismo. Inilalarawan ang ang gawain ng isang lipunang
burgis upang maipamalas ang mga espektong may kapangitan at
panlulupig nito.
5. Sosyalistang Realismo. Ginagabayan ng dulog Marxismo sa
paglalahad ng kalagayan ng lipunang maaaring mabago tungo sa
pagtatayo ng mga lipunang pinamumunuan ng mga anak pawis.
6. Mahiwagang (Magic) Realismo. Pinagsanib na pantasya at
katotohanan nang may kamatayan. Higit na mahalaga ang katotohanan
kaysa kagandahan.

Mga Gabay na Tanong sa Pagsusuri ng Pelikulang Gumagamit ng Dulog


Realismo
1. Ano ang paksang-diwa ng pelikula? Paano ito ipinakita sa bawat
tagpo nito?
2. Ano-ano ang mga karanasang panlipunang ipinakikita sa pelikula?
3. Realistiko o makatototohanan ba ang pelikula? Patunayan ang mga ito.

Course Module
Course Title
3
Module Title

Moralismo
Pagnilayan: “Di sapat na matutuhan ng isang indibidwal ang tungkol sa
kawayan buhat sa isang kawayan, siya na rin mismo ang dapat maging
kawayan” ([Noorinaga, 1730-1801], Mendiola at Ramos, 1994).

Ang moralismo ay isa sa mga pananaw na ginagamit sa mga pagsusuri ng iba’t


ibang tekstong pampanitikan gaya ng pelikula. Gumagamit ito ng sukatan ng
tamang pag-uugali o ugaling itinatampok sa isang pelikula bilang instrumento
sa sosyalisasyon ng mga manonood. Ang pananaw na ito ay may layuning
mabigay–aral sa mga mambabasa. Masasabing ito ay ekstensyon ng pananaw
humanismo dahil sa pagbibigay-halaga ng mga humanista sa pagpapanatili ng
integridad at dignidad ng tao bilang nilalang na may isip.
Isa sa mga impluwesyal na kritiko na nagbigay ng malaking pagpapahalaga sa
teoryang moralismo ay si Horacio (Horace). Ayon sa kanya, may dalawang
bagay na naidudulot ang tula sa mambabasa: ang dulce, ang aliw at
kaligayahang naipadarama ng akda; at utile, ang aral at kaalamang naibibigay
ng akda. Malinaw na ang pangunahing tungkuling dapat gampanan ng mga
manunulat sa teoryang ito ay ang magbigay-aliw, magsilbing guro at
tagapangaral sa kanyang lipunan.
Dahil may didaktibong oryentasyon ang mga akdang moralismo, itinuturing
ang panitikan bilang tagaakay sa tao sa mabuting landas.
Sa panahon ng katutubo, maituturing na mga akdang didaktiko o moralistiko
ang mga salawikain, kasabihan, pabula, ilang alamat at iba pang mga
kwentong-bayan nito.

Sikolohikal
Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa pamamagitan ng pagpapakitang
mga salig (factor) sa pagbuo ng naturang behavior (pag-uugali, paniniwala,
pananaw, pagkatao) sa isang tauhan sa kanyang akda. Ipinakikita sa akda na
ang tao ay nagbabago o nagkakaroon ng panibagonbg ehavior dahil may nag-
udyok na mabago o mabuo ito
Ginagamit ang sikolohiyang pagdulog bilang isang proseso sa pagiging
malikhain ng manunulat. Ito rin ang maaaring magagamit bilang pagdulog
upang matugunan ang mga katanungan kung ano ang naging dahilan na
nagtulak sa mga karakter, manunulat, paggamit ng mga simbolikong
kahulugan ng mga pangyayari at lugar.
Si Kurt Lewin ay nagwika na wala ng pinakapraktikal pa sa pagkakaroon ng
magandang teorya. Sa usaping pag-aanalisa mahalaga ang sikolohiyang teorya
bilang gabay sa pagsasanay sa edukasyon, kalusugang pangkaisipan, at iba
pang domeyn. Tinutugunan ng pagdulog na ito ang mga katanungang nauukol
sa maraming uri ng pag-iisip saklaw na ang emosyon, pagkatuto, emosyon at
paglutas ng problema.
Course Module
Course Title
4
Module Title

Ang pelikula, sa kanyang pinaka-esensiya ay pag-uugaling (behavior)


itinatanghal sa iskrin. Kung nagkakaroon ang isang mag-aaral ng kakayahang
makapag-analisa sa sikolohikal na aspeto ay mas nagiging kasiya-siya ang
kanyang nagiging karanasan sapagkat nagkaroon siya nang mas malalim pang
pag-unawa sa pelikula. Sa pagkakaroon din niya ng kakayahang makapag-
analisa ng pelikula gamit ang sikolohikal na pagdulog ay mas nabibigyan sila
ng pagkakataon na mapanood ang pelikula hindi lamang bilang libangan,
nagsisilbi rin ito hanguang materyal ng mga halimbawa at maaaring hanguan
ng mga modelo sa iba’t ibang tipo ng makataong pag-uugali.
Ang sikolohiya ay tumutukoy sa sistematikong pag-aaral ng interaksyon ng
kaisipan ng tao sa lipunang nakapaligid na maaaring makapagdulot sa
kanyang pag-uugali. Ang metodo sa pag-iimbestiga sa misteryo sa likod ng
kaisipan at di-konsyus na gawain ng kaisipang-pantao ay maaaring suriin
gamit ang sikolohiya. Ang prosesong kaisipang ito ay maiuugnay sa pag-aaral
ng pelikula sa paggawa ng sikoanalisis sa mga pelikula.
Sa ika-19 na siglo ay ipinakilala ni Sigmund Freud ang siko-analitikal na
proseso ng mga pelikula na isinasagawa pa rin sa buong mundo kahit sa
kasalukuyan. Dalawa sa mga kilalang indibidwal ang nagpakilala sa siko-
analiktikal na teorya. Ito ay ang Freudian at Lacanian na teorya ng siko-
analisis. Nagsimula ang siko-analitikong teorya sa pamamagitan ng pag-
unawa sa kaisipan na nagnanais na matupad ang pangangailang at ninanais o
maaaring mauwi lamang pagkaawa o pagkamuhi sa sarili dulot ng kasalanan.
Ang damdaming ito ay nababaon sa kailalaliman ng di-konsyus na pag-iisip ng
tao.
Tulad din ng bayograpikal na pagdulog, nakaangkla rin ang sikolohikal na
pagdulog sa ekspresibong pananaw. Ipinalalagay sa pananaw na ito na ang
akdang pampanitikan ay nagsisiswalat ng isip, damdamin, at personalidad ng
may akda. Kung gayon, inaanalisa sa pagdulog sikolohikal ang ugnayan ng
may-akda at ng kanyang akda. Upang maiskatuparan ito, tulad ng
bayograpikal na pagdulog, kailangang may kaalaman ang mambabasa sa
buhay ng may-akda.
Ang mambabasa gamit ang sikolohikal na pagdulog ay nag-aanalisa sa proseso
ng paglikha ng akda at ang ugnayan ng may-akda sa kanyang akda, ang dahilan
sa paglikha ng akda na nakabatay sa pinagdadaanang buhay ng may-akda.
Ipinalalagay dito na ang nararamdaman at iniisip ng mga tauhan ay siya ring
damdamin at isipang naghari sa may-akda at/o kaya ay nais na mangyari nito
ang di namamalayan.
Maaari rin namang gamitin ang sikolohiyang pagdulog sa pagsusuri sa mga
tauhan at pangyayari sa akda nang di inaalam ang buhay ng may akda.
Sinusuri rito ang mga tauhan sa akda, ang kanilang mga kilos at kaisipan, ang
relasyon ng bawat isa, kung bakit nagbago ang dating paniniwala, kung bakit

Course Module
Course Title
5
Module Title

tinatalikuran ang dating ipinakikipaglaban, ang pinagdadaanang buhay o mga


pangyayaring nakaapekto o nakakaapekto sa kanilang mga pananaw.
Malaking impluwensiya sa sikolohikal na pagdulog si Sigmund Freud, isang
sikolohista, na nagsabi na natuklasan ng mga makata at pilosopo ang
unconscious bago ako; ang natuklasan ko ay ang pamamaraan siyentipiko
upang pag-aralan ito (Reyes, 1992:46).
Ayon kay Freud, ang tao ay tulad ng isang iceberg na nakalutang na may
dalawang bahagi- ang nakikitang bahagi at ang bahaging nakalubog sa tubig.
Itinutulad niya ang nakalutang na bahagi sa conscious o ang pagiging malay ng
isang indibidwal tungkol sa kanyang sarili.

Feminismo
May mga pelikulang nakatuon sa panahon ng pagkayanig ng halos buong
mundo sa kamalayan ng mga feminista hanggang sa kasalukuyang panahon.
Nagmula ang Teoryang Feminismo sa mala-banyagang artikulasyon sa
pagsasakasaysayan sa mga natamong karapatan at karanasan ng kababaihan
noong ika-19 hanggang bungad ng ika-20 siglo ni Virginia Wolf. Naging tanyag
ang pangalang Virginia Wolf sa akdang A Room of One’s Own, nagsasaad ng
karapatan ng isang babae na magkaroon ng espasyo na dapat nirerespeto at
pinapahalagahan upang ang babae ay malayang makakilos at
makapagdesisyon ng ayon sa nararapat sa kanya. Na hindi lamang umiikot ang
buhay ng isang babae sa pag-aasikaso’t pagsisilbi sa anak at asawa o sa buong
tahanan. Tinuligsa rin ni Wolf hindi lamang ang kanyang bansa na ugat ng
diskriminasyon, kundi maging ang mga ina na dapat sana’y tutulong para
makapag-aral ang mga anak na babae at guminhawa. Diin ni Wolf na hindi
tamad ang mga babae, pinagkakaitan lamang sila ng espasyo o pagkakataong
ipakita ang kanilang kakayahan. At hindi lamang sa lipunan nag-uugat ang
suliranin kundi mismo sa mga kababaihang ayaw kumilos para ipaglaban ang
karapatan at kalayaang makapagsalita, makapag-isip, makadama at
magkaroon ng pangalan at pagkakilanlan.
Walang ibang nilalayon ang feminismo kundi ang mabigyan ang babae ng
sariling tinig, magkaroon ng pantay at oportunidad sa lahat ng aspeto ng
buhay panlipunan, maging malaya sa pagpapahayag, at wakasan ang anumang
pagsasantabi batay sa kasarian at seksuwalidad (Evasco et.al 2011).
Naniniwala ang feminismo na may pagkakaiba ang lalake at babae, na hindi
maaaring magpantay ang dalawa sa pisikal na aspekto. Kaya ang ninanais at
ang mga ipinaglalaban ng mga feminista – ay ang magtataglay ng parehong
karapatan sa lipunan na kailanman ay hindi magiging basehan ang kasarian.
Na siya naman ang nararapat na matamasa ng lahat upang maiwasan ang di
pagkakaunawaan sa isyung pangkasarian. Ito ang prinispyong dapat
matamasa din ng babae ang mga karapatang sosyal, ekonomiko, at politikal.
Sa kasalukuyang panahon may transisyon o pagbabago ng papel ng babae ang
makikita sa pelikula na tunay na nangyari sa lipunan. Ang mga pagbabagong
ito ay tinanggap at tinutuligssa ng lipunan ng pakikilahok sa pulitika,
Course Module
Course Title
6
Module Title

maraming babae ang sumabak sa pulitika upang makapaglingkod sa bayan.


Mga babeng may mataas na posisyon sa hukbong sandatahan na nakipaglaban
upang makamtan at mapanatili ang kapayapaan. May mga babae na ring
pumasok sa larang ng medisina, abogasya, enhinyero, piloto at iba pa na dati
ay pawang mga kalalaki o karamihan ay mga lalaki lamang ang kumukuha.
Kahit sa pangalan ay may pagbabago na rin, na kung dati kapag pangalan ng
isang babae ito ay kadalasang nagtatapos sa titik /a/. Subalit ngayon may mga
pangalan na ng mga babae na katulad ng mga pangalan ng lalaki gaya ng Alex,
Rome, Justine, Jess, Joy, Charls at marami pang iba. Ang mga ito ay iilan lamang
sa nangyayaring transisyon na nararapat lamang bigyan ng kahalagahan.
Totoong magpahanggang ngayon ay isa pa rin sa problema ng lipunan ang di
pantay na pagtrato sa mga babae at ang mababaw na pagtingin sa kanilang
kakayahan dahil sila ay babae. Kaya’t hangarin ng feminismo na isulong ang
ideolohiya ng pagkakapantay-pantay. Ang feminismo ay maituturing na isang
adbokasiya ng kababaihan upang ipakita sa buong mundo na ang mga babae
ay may silbi at karapatang magdesisyon sa kanilang sarili. Sa loob ng
mahabang panahon na ipinaglalaban ang pagkakapantay-pantay ng pagtrato
ng babae sa lipunan hanggang sa kasalukuyan ay dumarami na ang
sumusuporta at ang pelikula ang isa sa nagpapakita ng mga ideolohiyang
kaugnay ng feminismo

Marxismo
Ang dulog Marxismo ay nagmula sa ideolohiya ni Karl Marx na isinilang at
lumaki sa Alemanya. Sa nasabing bansa nasaksihan ni Marx ang walang
katapusan na pakikipagtunggali ng dalawang uri ng tao sa lipunan (social
classes) – ang uring bourgeoisie at ang proletariat.
Sa pananaw ni Marx, ang lipunan ay isang istraktura na binubuo ng nabanggit
na dalawang uri. Ang uring Bourgeosie ay kumakatawan at nagmamay-ari ng
paraan ng produksyon. Sila ang mga KAPITALISTA na nagmamay-ari ng mga
negosyo a pagawaan, mga mayayaman, may matataas na katungkulan at
makapangyarihan sa lipunan. Sila ang nagpoprodyus ng mga produkto at
malayang nakakapagpasiya sa halaga ng mga paninda/produkto at serbisyo sa
pamilihan. Samantala, ang uring Proletariat ay kumakatawan sa mga taong
walang pag-aari na paraan ng produksyon. Sila ang mga kabilang sa masa na
madalas ay mga uring MANGGAGAWA. Sila ang mga magsasakang maralita,
mga taong kabilang sa paggawa at paglilingkod, gayundin ang mga mamimili
o konsumante ng mga produkto sa pamilihan na pag-aari ng mga kapitalista.
Taliwas sa mga kapitalista, ang mga uring maggagawa ay walang
kapangyarihan na magpasiya sa halaga ng mga paninda o serbisyo. Sa
ganitong kalakaran, makikita ang tunggalian sa lipunan. Ayon nga kay Marx,
“the history of all existing society is the history of class conflict”.

Course Module
Course Title
7
Module Title

Ayon sa pilosopiya ni Marx, ang mga kapitalista ay siyang sanhi ng kawalan ng


katarungan at pagsasamantala sa mga uring manggagawa sa pamamagitan ng
pagpataw ng hindi makatarungang presyo ng mga bilihin. Ang mga kapitalista
ang nagdidikta ng mga halaga sa merkado na madalas ay nagpapahirap sa
masa. Madalas din naging suliranin sa pagitan ng manggagawa at kapitalista
ang tinatawag na unfair labor practice na may kinalaman sa mababang sahod
at pagwawalang-bahala sa kaligtasan at kapakanan ng mga manggagawa.
Makikita din ang tunggalian na ito sa pagitan ng may- kapangyarihan at ng
inaapi sa larangan ng batas at hustisya.
Batayang Sanhi ng Tunggalian Ayon sa Dulog Marxismo
Sa kabuuan, may tatlong (3) batayang sanhi ng tunggalian (class struggle)
ayon sa dulog Marxismo na umiikot sa ekonomiya at politika.
Kapangyarihan
Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng isang indibiduwal o pangkat na magsagawa
ng isang gawain na maaring kanyang ikaaangat subalit ikalulugmok naman
ng iba. Ang kapangyarihan na ito ay maaring magmula sa kanyang angking
lakas, pag-aari, at katungkulan.

Maling Paniniwala
Ito ay nangangahulugan ng estado ng pag-iisip na siyang pumipigil sa isang tao
na maunawaan ang tunay na kalikasan ng kanilang kalagayang sosyal.
Maaring dulot ito ng nakagisnang kultura na siyang nakasanayan at tinanggap
bilang katotohanan. Maaring hindi batid ng mga may-kapangyarihan na sila
ay nang-aapi, o di kaya’y, hindi tinuturing ng mga pinagsasamatalahan bilang
isang pagsasamantala ang ginagawa sa kanila.

Pag-uuri-uri
Tumutukoy ito sa klasipikasyon ng mga tao bilang bahagi ng lipunan –
mayaman at mahirap, malakas at mahina, panginoon at alipin. Dulot ng pag-
uuri-uri ang paniniwala na ang isang tao ay may higit na kakayahan kung
kayat siya ay nararapat na pag-ukulan ng higit na paggalang at pagpapahalaga
ng mga taong walang kakayahan.

Pelikula at Ideolohiya
Ang isang pelikula na binuo, pinag-isipan at pinaghirapan ay maaaring
mawawalan ng saysay kung wala naman itong manonood. Sa madaling salita,
mahalaga ang mga manonood sa tinatawag na komunikasyon sa pelikula na
kinapalolooban ng nagbabahagi ng mensahe at tagatanggap ng mga ideyang
ipinaaabot. Hindi lamang nananatili ang lahat sa kaisipan o pagsisigaw ang
mga ninanais na pagbabago sa mga isyung may kinalaman sa politika, sosyal,

Course Module
Course Title
8
Module Title

at kultural. Mahalaga na ang mga isinisigaw patungkol dito ay mga


tagapakinig.
Bawat pelikula ay nagtatanghal ng paraan ng pagkilos- negatibo at positibo na
naglalaan sa atin ng implayd at eksplisit na moralidad o ideolohiya. Ang
ideolohiya ay tumutukoy sa katawan ng mga ideya na sumasalamin sa mga
sosyal na pangangailangan ng indibidwal, pangkat, klase, at kultura. Sa iba
pang mga salita, ang idelohiya ay tumutukoy sa mga sistematikong “mundong
pananaw” na kung saan nililiwanag ang mga konsepto ng sarili at mga relasyon
ng sarili sa estado o ano mang porma ng mga kolektibismo. Sinasabing ito ay
isang sistemang paniniwala at mga prinsipyo sa loob ng mga sistema, kahit ang
mga ideyang ito ay hindi kinikilala at hindi na itinatanong. Ang ideolohiya ay
katawan ng mga ideya na sumasalamin sa lipunang pangangailangan at mga
hangarin ng isang indibidwal, grupo, uri, at kultura na naglalayong maka-
impluwensiya sa paniniwala at pagkilos ng mga tao. Maaaring interpretahin
ang mga ideyang ito nang iba-iba depende sa isang indibidwal.
Ang mga pelikula ay sinasabing sumasalamin sa mga pundamental na
paniniwala at kaisipan ng isang lipunan. Maraming mga dominanteng
ideolohiya na inilalahad sa mga mainstraim na pelikula at mga ideolohiyang
na nagtatanong sa mga nangingibabaw na ideyal na makikita sa mga
eksperimental na pelikula. Sinasabing ang isa sa pinakadomenanteng mga
ideolohiya sa komon at pundamental na mga moral sa pang-araw-araw na
buhay katulad ng pagpapahalagang pamilya (family values)- pamilya bilang
yunit at ang pag-aasawa bilang ideyal, etika sa pagtatrabaho na ang mga
nagsisikap nang mabuti ay kariniwan nagiging matagumpay, konsumerismo,
at iba pa.
Isa sa mga karaniwang popular na mga depinisyon ng ideolohiya ay mula sa
Marsismong pilosoper na si Louis Althusser. Sa kanya ang ideolohiya ay isang
“imaginary misrecognition of the subject’s relation to his or her real conditions
of existence”. Si Stamp (2001) ay nagwika na marami sa mga teorista sa
pelikula ang naniniwala na ang mga manonood ay nakakandado sa estruktura
ng gayong misrekognasyon kaya tinatanggap nila na ang itinanghal sa pelikula
ay ang realidad at ang identidad na ipinapakita.
Si Raymond Williams ay nagbuod ng mga termino sa tatlo:
1. Sistema ng mga katangiang paniniwala ng isang partikular na uri at
pangkat.
2. Sistema ng mga ilusyonaryong paniniwala- hindi totoong mga ideya o
maling kamalayan- na maaaring pasubalian sa mga totoo o siyetipikong
kaalaman
3. Pangkalahatang proseso ng mga kahulugan at ideya.
Ang ideolohiya ay nahahati sa tatlong kategorya.

Course Module
Course Title
9
Module Title

1. Neutral - escapist na mga pelikula at magaang pang-aliw na may tuon


sa aksyon, kasiyahan at aliw saganang sarili. Mababaw lamang ang
pagtingin sa tama at mali. Ang pelikulang ito ay sumasalamin sa
pagpapahalagang sistema kung saan ang tuwa at aliw ay dalawa sa
anyo ng konsumerismo.
2. Implicit - na ang ideolohiya ay ipinapakita kaysa sa ipinaliliwanag o
isinaasaad sa diyalogo ng mga tauhan. Bagkus, nakikita ito sa kanilang
mga kilos. (contextual analysis)
3. Explicit - ang ideolohiya ay ipinaliliwanag kaysa ipinapakita. (textual
analysis)

Ang explicit o implicit na presensya ng mga ideolohiya ay isang taglay


na salik sa mga pelikula. Ang mga pelikula ay produksyon na nakabatay
sa makataong interpretasyon at reproduksyon ng mga pangyayari, ang
elemento ng ideyolohikal na pagpapahalaga ay taglay na salik sa
kwento ng pelikula. Ang digri ng ideolohiya na naibabahagi sa
pelikulay ay maaaring maitanghal bilang isang mahalagang bahagi ng
mga banghay ng pelikula, o isang partikular na kultural na palagay na
hindi nalunasan sa mismong pelikula. Karaniwan ang explicit at
implicit na ideolohikal na nilalaman sa loob ng pelikula ay naglalayong
palakasin at ipakita ang partikular na panlipunang pagpapahalaga para
pagmunihan ng mga manonood.

References and Supplementary Materials


1. Almario,V. S. (2014). Ang tungkuling kritisismo sa Filipinas. Lunsod ng Quezon: C &
E Publishing, Inc.
2. Casanova, A. P. (2012). Isahan:kalipunan ng mga dramatikong monologo.
Online Supplementary Reading Materials
1. https://www.scribd.com/document/480991554/SINESOSYEDAD-LESSON-1
2. https://www.coursehero.com/u/file/64800688/Filipino-
Moduledocx/?justUnlocked=1#question

Course Module

You might also like