You are on page 1of 11

Sinesosyedad/Pelikulang Panlipunan

Kabanata 5

Mga Dulog sa Pagsusuri ng Pelikulang


Panlipunan

Kabanata 5
Mga Dulog sa Pagsusuri ng Pelikulang Panlipunan ___________
Panimula

Ang pagbasa/panoood ng isang uri panitikan ay hindi lamang naka sentro sa proseso ng pagkuha
ng kahulugan ngunit mahalaga rin dito ang pagbuo ng ng kahulugan. Dito pumapasok ang dulog sa
pagsusuri ng panitikan..

Sa pagtatapos ng kabanata, ang mag-aaral ay inaasahang:


1. Natutukoy ang mga dulog sa pagsusuri ng pelikulang panlipunan
2. Naiisa-isa ang mga tanong sa pagsasakatuparan ng panunuri sa teorya ng pelikula.
3. Napahahalagahan ang mga halimbawa ng suring pelikula ayon sa dulog.

Bilang Oras at Haba ng Pagtalakay

Kabanata 3: Mga Dulog sa Pagsusuri ng Pelikulang = 6 oras


Panlipunan (4 oras para sa talakayan; 2
oras para sa mga gawain at
pagsasanay ng kabanata)

Talakayan

Mga Teorya/Dulog sa Pagsusuri ng Pelikulang Panlipunan


1. Marxismo -Ang Markismo ay isang pandaigdigang pananaw at pagsusuri ng lipunan na tumutugon
sa ugnayan at hidwaan ng mga antas ng lipunan na gumagamit ng materyalistang interpretasyon ng
takbo ng kasaysayan at diyalektikong pananaw ng pagbabago ng lipunan.
Produkto ng isang makatotohanang panlipunan at ekonomiyang isyu ng bansa/lipunan.
Binibigyang-diin sa pelikula ang ideolohiya ng uri ng mga manggagawa at masa ng lipunan.Mabisang
panlaban sa opresyon ng naghaharing uri na pinaniniwalaan na dapat pagsilbihan ng pelikula ang masa
sa lipunan.
Ang marxismo ay isang teoryang pampanitikan na nagpapakita ng tunggalian ng mayaman
at mahirap, mahina at malakas, makapangyarihan at api.
Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay may sariling
kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-ekonomiyang kahirapan at suliraning
panlipunan at pampulitika. Ang mga paraan ng pag-ahon mula sa kalugmukan sa akda ay nagsisilbing
modelo para sa mga mambabasa.
Ang layunin ng panitikan ay ilantad ang iba’t ibang paraan ng mga tao sa pagtugon sa
suliraning kanyang kinakaharap. Isang halimbawa nito ay ang pagkilala sa prostitusyon bilang tuwirang
tugon sa suliraning dinaranas sa halip na ito’y kasamaan at suliranin ng lipunan.
Ang teoryang markismo ay inuuwa ang akda batay sa kalagayan ng mga tauhan sa pelikula.
Hinahanapan ang akda ng patunay ng mga naglalabasang lakas sa pagitan ng mahina at malakas,
matalino at mangmang, duwag at matapang, mahirap at mayaman. Dito nakapaloob ang mga tauhang
bida at kontrabida. May suliranin ang bida at ang gumagawa nito ay ang kontrabida. Sa teoryang ito, di
padadaig ang naaping tauhan, babalikwas ito upang madapi ang nangaaping lakas.
Ang teoryang ito ay tumatalakay din sa paglalaban-laban ng mahirap at mayaman. Ang layunin
ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay may sariling kakayahan na umangat
buhat sa pagdurusang dulot ng pang-ekononiyang kahirapan at suliraning panlipunan at pampulitika.

Layunin ng Markismo/Marxismo
1.Maisawalat ang kasalukuyang kalagayan panlipunan.
2.Magpatuloy ang bisa at sigla ng aral ni Karl Marx.
3.Masuri ang Pelikula na gamit ang Markismo.

Dalawang Alemang Pilosopo ng Markismo


1. Karl Marx
2. Friedrich Engles
Marxismo sa Pilipinas
Nagsimulang lumaganap ang ideolohiyang Marxismo simula pa nang unang maitatag ang
partidong komunista sa Pilipinas noong Nobyembre 30, 1930 sa pamumuno ni Crisanto Evangelista.
Siya ay isang Pilipinong komunista ng unang bahagi ng ika-20 siglo. Siya ang pangunahing
tagapagtatag at namuno ng (lumang) partidong komunista ng Pilipinas sa araw ng 13 taon ng
rebolusyong Oktubre ng Russia. Kinulong siya sa bandang huli ng dekada ngunit pinalaya ng
pamahalaan para lumaban sa mananakop na Hapon. Tinanggap niya ang malupit na kamatayan sa
duguang kamay ng pasistang Hapon noong Hunyo 2, 1942.

⮚ Halimbawa ng Pelikulang Marxismo:


● Lion King (Walt Disney Pictures)
● Selma (Director Ava Vernay]
Gabay sa Katanungang nasasagot sa Teoryang Marxismo
• Anu-ano uring panlipunan (social class) ang nasa pelikula?
• Paano nagtunggalian ang mga uring panlipunan sa pelikula?
• Sino ang nang – api at inapi; nagsamantala at pinagsamantalahan?
• Paano inilarawan ang mga karakter: bida ba o kontrabida ang nang - api o inapi, ang
nagsamantala o pinagsamantalahan?
• Paano bumangon sa kaapihan o sitwasyong mapagsamantala ang mga karakter?
• Paano nagsamantala sa iba ang ilang karakter?
• Aling uri ang nagtagumpay sa huli?

2. Realismo - Ang realismo ay tumatalakay sa katotohanan sa lipunan. Karaniwan nitong pinapaksa ang
kalagayan na nangyayari sa lipunan at pamahalaan tulad ng korapsyon, katiwalian, kahirapan at
diskriminasyon. Madalas itong nakapokus sa lipunan at pamahalaan.
Layunin nito na ipakita ang karanasan at masaksihan ng may akda sa kanyang lipunan. Higit na
pinahahalagahan ang pagsasalaysay kaysa sa paksa. Samakatuwid ang panitikan ay hango sa totoong
buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinasaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at
pagkaepektibo ng kanyang sinulat. Nagpapahayag ito ng katotohanan at pagtanggap sa buhay.
Ang pagdulog realismo ay ang paniniwala na ang karamihan ng mga cognitive bias (kamalayang may
kinikilingan) ay hindi pagkakamali, kundi lohikal at paraan ng praktikal na pangangatwiran sa pakikitungo
sa “tunay na mundo”. Kasáma nito ang pagpapalagay na ang mga bagay ay mayroon pang mas malawak
na kaalaman kaysa sa kung ano ang sinasabi ng mga cognitive experiment (mga sumusubok sa
kamalayan o nakapokus sa pagkatuto).
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksihan ng may-akda sa kanyang
lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat
isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at pagka-epektibo ng kanyang sinulat.
Isang ulat sa ang nagsasabing ayon sa mga realista, ang sinumang tao, anumang bagay at lipunan ay
dapat maging makatotohanan ang isasagawang paglalarawan o paglalahad. Ang karaniwang paksain na
ipinapakita nito’y pumapatungkol sa kahirapan, kamangmangan, karahasan, krimen, bisyo, katiwalian,
kawalan ng katarungan, prostitusyon, atbp.
Kung ang paglutang ng romantisismo ay bilang reaksyon sa klasisismo, masasabing ang realismo ay
isang reaksyon sa pananaw na itinaguyod ng romantisismo.
Pinapaburan ng realistang manunulat ang mga pangyayaring nagaganap sa buhay ng nakararami
tulad ng: pagkaapi, paghihirap, pagbaba ng katayuan ng mga nasa gitnang uri, prostitusyon, pakikibaka
ng mga manggagawa, karaniwang panahon at lipunan, nagtatala ng mga kaganapan sa panahong iyon
ng kanyang lipunan sa masining na paraan, pag-unawa sa panahon o kaligiran o sa mga kontekstong
kultural, pulitikal at pangkabuhayan kung kailan naisulat ang akda.

Layunin ng Realismo
1.Ipakita ang karanasan at nasaksihan sa lipunan sa paraang pelikula.
2.Makita ang tunay na kalagayan na nangyayari sa lipunan.
3.Pagpapakita ng suliranin sa lipunan sa tiyak na panahon.

Iba’t ibang Pangkat ng Pagsusuring Realismo:


1. Pinong Realismo [Gentle Realism] - Kadalisayan ng mga bagay-bagay at iwinawaksi ang pagmamalabis
at kahindik – hindik.May pagpipigil o pagtitimpi sa paglalahad ng katotohanan na walang masasaktan
o masasagasaan.
2. Sentimental na Realismo -Mas optimistiko at nilalagay ang pag-aasa sa damdamin kaysa kaisipan sa
paglutas ng pang-araw-araw na suliranin.Paggamit ng pag-asa [hope] sa mga paglutas sa mga
suliranin.

3. Kritikal na Realismo – Inilalarawan ang gawain ng isang lipunang burgis upang maipamalas ang mga
aspektong may kapangitan at panlulupig nito.

4. Mahiwagang Realismo- Pantasya at katotohanan at may kamalayan. Pinagsasama ang mga mito at
karunungang bayan sa takbo ng kuwento upang masalamin ang mga katotohanang nagaganap sa
lipunan.

5. Sosyalistang Realismo – Ginabayan ng teoryang Marksismo sa paglalahad ng kalagayan ng lipunang na


maaring mabago tungo sa pagtatayo ng mga lipunang pinamumunuan ng mga anak pawis.Ang
kaapihan ng mga uring manggagawa.

6. Sikolohikal na Realismo – Inilalarawan ang internal na buhay o motibo ng tao sa pagkilos.Nagbibigay-


diin sa paglalarawan ng totoong intensyong ng isip,saloobin at damdamin sa lipunan.
Naging masigla ang talakayin tungkol sa Realismo noong unang bahagi ng siglo 1900. Nakatulong
dito ang kilusang anti- Romantisismo sa Alemanya kung saan mas nagtuon ng pansin ang sining sa
pangkaraniwang tao. Idagdag pa rito ang patataguyod ni Auguste Comte (kilalang Ama ng Sosyolohiya)
ng proditibistikong pilosopiya sa paglulunsad ng siyentipikong pag-aaral; ang pag-unlad ng
propesyunal na journalismo kung saan inuulat nang walang bahid ng emosyon o pagsusuri ang mga
kaganapan at ang paglago ng industriya ng potograpiya.

⮚ Halimbawa ng Pelikulang Realismo


● Hating Kapatid (Judy Ann Santos at Sarah Geronimo)
● Dekada ’70 (Vilma Santos at Christopher de Leon)

Gabay na katanungang nasasagot sa Realismo:


• Paano inilarawan ng pelikula ang mga pangyayari sa totoong buhay?
• Matapat ba ito o subersibo sa realidad?
• Paano nito “hinubog” o “minolde” o “iprinisenta” ang realidad?
• Dulog 1: realismo = kapani-paniwala ang mga karakter at pangyayari (parang totoo, puwedeng
totoo)
• Dulog 2: realismo = totoo ang nirereprodyus na imahe sa kamera (realistiko, makatotohanan ang
pagsalamin o paglalarawan sa realidad)

3. Pormalismo -Nakapokus sa pormal o teknikal na mga elemento ng pelikula tulad ng lapat ng


musika/tunog,disenyong pamproduksyon,editing,sinematograpiya,atbp.Binibigyang-diin ang elemento
ng produksyon ng pampelikula at epekto ng emosyonal at intelektwal ng manonood.

Tumutukoy sa isang uri ng kritisismo na nagbibigay-diin sa porma ng isang teksto


at hindi sa nilalaman. Binibigyan nito ng markadong atensyon ang kaayusan, istilo o paraang
artistiko ng pelikula.
Sa dulog na ito’y pinagtutuunan ng pansin sa katha o akdang pinag-aaralan ang mga
elementong bumubuo sa katha. Madaling maipaliwanag ang kabuuan ng mga akda kung ang mga
elementong taglay lamang ng akdang higit na pinag-uukulan ng pansin.
Pormalistiko ang dulog ng pag-aaral ng isang akda kung inihihiwalay ang akda sa buhay
o pangyayaring kinasasangkutan ng may-akda pangkasaysayan man o panlipunan.
Ayon kay Soledad Reyes, “sa paggamit ng pormalistikong pagdulog na pagtutuunan
ng pansin ang mga detalye at bahagi ng kuwento upang itanghal ang pagiging masining at malikhain
ng komposisyong ito.” Tinatalakay ang magandang pagkakaugnay-ugnay ng mga bahagi sa katha- ang (1)
Tema, (2) Tauhan, (3) Tagpuan, at (4) Pagkakasunod –sunod ng mga pangyayari sa dulog
na ito.

Kaugnay na konsepto at Konteksto:


1.Ang dulog na ginagamit sa pag-aaral ng pelikula ay nakapokus sa pormal o teknikal na mga
elemento.[pag-iilaw,paglapat ng musika/tunog,disenyong pamproduksyon,paggamit ng
kulay,atbp.]
2.Kinukonsidera ang epekto ng emosyonal at intelektwal ng gawi ng manonood.
3.Ang direktor ng pelikula na napapaabot ng nais niya na walang labis,walang kulang at walang
simbolismo.
4.Binibigyang-diin ang pisikal na katangian ng pelikula at pinakabuod.
5.Naging tanyag ang dulog na ito sa dami ng gumagamit sa panunuring pampanitikan sa pagsusuri sa
ganitong pananaw.
6.Sa dulog ay mahalaga ang pagbabalangkas maging ang pagsusuri nito.
7.Mahalaga ang elemento ang pagbuo at epektong emosyonal at intelektwal at indibidwal na
elemento.
8.Ang Pormalismo na sinasaklaw ang kapwa ideolohikal at awteyuristikong sangay ng panunuri na
ang pangunahing- diin ay ang istilo.
9.May kinalaman sa istilo at kung paano paano ipinahayag ang mga ideya at tema.
10.Ang bagay hinggil sa kultura,pulitika at layunin ng may-akda o impluwensiyang panlipunan ay hindi
itinuturing na bahagi ng pormalismo.

Layunin ng Pormalismo:
1.Maiparating sa mga manonood ang mensahe o diwang nais ipaabot ng pelikula.
2.Mabigyang pansin ang anyong ng panitikan,pisikal na katangian ng akda at pinakabuod ng
pelikulang Pormalismo.
3.Malaman at maipaliwanag ang anyo ng akda.

Istilo ng Pormalismo:
1.Pagpapakita ng direktor at mga tauhan ng pelikula sa pagiging masining ng pelikula.
2.Tinitignan nito ang pelikulang bilang likhang sining na may likas na kaisahan.

Pagsusuri ng Pormalismong Pelikula:


1.Mailantad ang mahahalagang bagay mula sa simula patungo sa iba’t ibang elementong na
magkakaugnay hanggang sa katapusan.
2.Kailangang masuri ang tema/paksa ng akda,sensibilidad at pag-uugnay ng mga dayalog,imahen at
elemento ng pelikula.
3.Matukoy ang nilalaman,kaanyuan o kayarian at daloy ng eksena ng pelikula.
4.Dapat makita ang ironi/paradoks,kalabuan at ibang elemento sa akda/pelikula upang masabing
mahusay ang pelikula.
Pangunahing Elemento sa Pelikulang Pormalismo:
1.Tema = Pinakapundasyon sa pagsusuri ng pelikula na nagsasaad ng pinapaksa,layunin o mensahe
ng pelikula.
2.Karakterisasyon = Pagganap ng tauhan sa iba’t ibang katauhan o karakter sa isang pelikula.Nagiging
epektibo ang aktor/aktres kung mapaniwala ang mga manonood hinggil sa karakter sa kanilang
ginagampanan.
3.Sekwens Iskrip = Pagkakasunod-sunod ng mga panyayari sa kuwento ng pelikula.Pinapamalas ang
tunay na layunin ng kuwento at binibigyang-linaw ang daloy ng kuwento.
4.Sinematograpiya = Pagkuha sa wastong anggulo upang maipakita sa manonood ang tunay na
pangyayari sa pamamagitan ng wastong timpla ng ilaw at lente ng kamera.
5.Tunog at Musika [Musical Scoring] = Musikang naririnig sa mga eksena sa pelikula na maaring
nagmumula sa mismong eksena o sa labas ng eksena.Nagbibigay ng tagpo at pagpapasidhi ng
ugnayan ng tunog,linya ng dayalogo na pumupukaw sa damdamin ng manonood.
6.Dulang Pampelikula/Screenplay = Pagkukuwento ng istorya kung saan ang plot at karakter ay
binibigyang kahalagahan.
7.Disenyong Pamproduksyon [Production Design] = Pagpapanatili sa kaangkupan ng
lugar, eksena, pananamit at sitwasyon para sa masining na paglalahad ng biswal na
pagkukuwento. Ang Art direktor ang may trabaho sa sining biswal ng pelikula.[kostyum,meyk-
ap,set,,lugar at props]
8.Editing = Ito ay pagpuputol at pagdurugtong-dugtong mula sa mga negatibo ng eksenang nakunan.
9.Direksyon = Ang pamamaraan na diskarte ng direktor kung papaano patatakbuhin ang kuwento sa
pelikula.Pinpahatid ng direktor ang mensahe ng kuwento sa paraan ng lenggwahe ng pelikula.Ang
direktor ay tinuturing na kapitan ng barko na responsible sa pagtatamo ng kaisahan ng
tagpo/eksena sa sistemang awdyo-biswal.Mahusay ang direktor kung nagtagumpay na naisama
ang lahat ng elemento ng istorya,pag-arte,disenyong pamproduksyon,musika,editing at
sinematograpiya.
10.Pananaliksik/Riserts = Isang mahalagang sangkap sa pagbuo at paglikha ng dokumentaryo dahil sa
pamamagitan nito ay naihaharap nang mahusay at makatotohanan ang mga detalye ng palabas.

 Halimbawa ng Pelikulang Pormalismo


Way Back Home (Kathryn Bernardo at Julia Montes)

Gabay na katanungang nasasagot sa Pormalismo

• Paano nakatulong o nakasama ang liwanag/ilaw, tunog/sound track, presentasyon ng mga


eksena (shot composition), disenyo ng set, (mga) kulay ng eksena at editing ng mga
eksena sa kasiningan ng pelikula?
• Paano nakapukaw ng damdamin (o hindi nakapukaw ng damdamin) ang liwanag/ilaw,
tunog/sound track, presentasyon ng mga eksena (shot composition), disenyo ng set, (mga)
kulay ng eksena at editing ng mga eksena sa kasiningan ng pelikula?
• Paano nagko-complement o nag-aaway-away ang mga nabanggit na elemento?

4. Feminismo - Ang layunin ng teorya ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang pambabae


at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Madaling matukoy kung ang isang
panitikan ay feminismo sapagkat babae o sagisag ng babae ang pangunahing tauhan ay ipimayagpag
ang mabubuti at magagandang katangian ng tauhan.
- Nakapokus sa epekto ng kasarian sa pelikula,manunulat at manonood;
1. Pagganap:
a.Stereotype
b.Indibidwal
2.Punto de bista ng babae sa pelikula

Babae Kami
Babae kami
Hindi manikang
Lalaruin, huhubaran
Bibihisan, ikukulong
Hindi pagkaing
Sa mesa ihahain
Babalatan, hihimayin

Layunin:
1.Protektahan ang kababaihan sa kanyang karapatan bilang babae.
2.Naipangtanggol ang pantay na karapatan sa pampulitika,pangkabuhayan,kultural at panlipunan.
3.Pagpapakita ng kalakasan at kakayahan ng isang babae sa ginagalawan lipunan.

Pananaw ng Teoryang Feminismo sa Konteksto ng Pelikulang Pilipino:


1.Babae ang pangunahing tauhan o sagisag na kumakatawan sa babae.
2.Pagpapakita ng magandang at mabubuting katangian ng babaing tauhan.
3.Pagpapahiwatig ng paglaya sa pagkakahon sa stereotype sa lipunan.[limitadong papel at karapatan]
4.Paglalantad ng karapatan ng kababaihan sa pakikisangkot sa isyung pampulitika,pang-ekonomiya at
panlipunan.
5.Pagtalakay sa pagsalungat sa ideya na mahihina,pantahanan lamang at emosyonal ang mga
kababaihan.
6.Tuwirang pagtuligsa sa patriyarkal na kapangyarihan sa lipunan.
7.Paghango sa mga kababaihan mula sa diskriminasyon,paggamit,pananamantala,pag-aabuso at
pagturing sa kanila.
8.Pagtataguyod ng pagkapantay-pantay ng karapatan,pananagutan,kapangyarihan at pagtingin ng
lipunan sa kapwa lalaki at babae.
9.Nakapokus kung ano ang epekto ng kasarian sa pelikula,sa manunulat at manonood.
10.Pagpapakita sa pagganap ng babaeng tauhan bilang isang indibidwal at stereotype na kung ano ang
kapangyarihan ng isang lalaki sa pelikula.

Katangian ng dulog ng Feminismo:


1.Ang paksa ay karanasan at pamumuhay ng kababaihan.
2.Ang estilo ay malaya,bukal ang daloy at ginagamitan ng karaniwang pananalita.
3.Ang porma ay mabisa sa mga monologong at reyalistiko.
4.Nakatuon sa kababaihan na isang aktibo sa sarili,sambahayan at lipunan.
5.Ang kadalasang ang tagpuan ay isang tahanan,pamayanan at lipunan.
6.Ang pakikitunggali sa pakikibaka at pakikipaglaban ng kababaihan sa kanilang karapatan.
7.Ang suliranin ay umiikot sa paghingi ng kababaihan ng pantay na pag-unawa,pagtingin at
pagpapahalaga ng lipunan.
8.Pagpapakita ng wagas na pag-ibig ng ina sa anak,mahal sa buhay at lipunan na handang ibigay ang
buhay sa paglilingkod,sakripisyo at katapatan.

-Marra Lannot-

May mga teoristang nagsasabi na ang kagandahan ng feminismo ay nasa pagiging


postmodern nito [Pangkalahatang ideya- pagbabagong anyo ng ating lipunan patungo sa
postmodernong mundo--ayaw magpakahon sa alinmang kategorya. Ang kasaysayan ng
kritisismong feminismo ay puno ng kontradiksiyon. Nariyang halos subukan nitong ipasok ang
iba’t ibang teorya para lamang baliktarin at gamitin para tumbahin ang patriarkal na ideolohiya.
Isa sa mga kahanga-hangang nangyari sa feminismo ay ang pagbuhay nito ng ‘awtor’ dahil pinaniwalaang
‘patay’ na ang awtor sa kontemporaryong panahon. Binigyang-halaga at importansiya ng feminismo ang
awtor dahil siya ang nakadanas ng karanasan at akma ng paghulagpos. Mahalagang ‘marinig’ ng
mambabasa ang tinig na pinipi ng dominante at hegemonikong kalakarang patriarkal.
Mahaba ang pinagdaan ng kasaysayan ng kritisismong feminismo. Ipinaliwanag halimbawa ni
Elaine Showalter ang tatlong phases nito: ang feminine (1840-1880), feminist (1880-1920) at female
(1920 hanggang kasalukuyan). Mula sa ‘panggagaya’ ng manunulat na babae sa lalaki, papuntang
radikal na paghiwalay at sa pagkonstrak ng sulat at karanasan ng babae na mayroong “boses” na iba sa
lalaki. Samantala, kinilala lamang ni Toril Moi ang textong feminista ayon sa pagiging “feminist”
(politikal na posisyon), “female” (biyolohikal), at “feminine” (kultural at socially constructed) ---
ang mga kategoryang ito ay nabuo ayon na ‘conditioning’ at ‘socialization’ na dinanas/ipinadanas sa mga
babae sa mga akdang pampanitikan. Naging layunin kung ganoon ng feminismo na ilantad ang mga ito at
ipakita ang relasyon bilang mekanismo ng panlulupig ng patriarkal na sistema.
Noong una ang kritisismong feminismo ay nakatuon lamang sa pagbasa ng texto ngunit noong huli ay
naiangat na sa pagteteorya at dumako na sa postistruktural at postmoderno. Ang pagka-postmodern ng
feminismo ay nalikha dahil sa paghalaw nito ng iba’t ibang istilo, porma at genre sa pagsusulat; naging
‘eclectic’ na ang feminist writing. Sa isang pagbasa, ang katangiang eclectic na ito ay nakonstrak dahil sa
pagbalikwas sa dominanteng porma na naghahanap ng organikong kaisahan; na sa isang katotohanan ay
instrumento sa pagpapanatili ng sistemang patriarkal at gitnang-uri. Ngunit masasabi na itong eklektismo
ay ang pagsandig ng feminismo sa paniniwalang ang panulat ng babae (kailan man) ay hindi magiging
tulad ng sa lalaki: rasyunal, obhektibo at hindi emosyonal.
Isa sa mga patunay sa ganitong pananaw ay ang pagkilala, gamit ang linguistiko at
sikoanalitik na teorya, sa prosa o tuluyan bilang lalaking panulat. Handikap o magkakaroon ng
kapansanan ang babae kung ito ang gagamiting porma sa pagsulat. Dito naimbento ni Kristeva
ang ‘symbolic’ at ‘semiotic’ na maaring gamitin sa pagsulat at pagbasa ng akda. Sa
‘symbolic’ na aspeto ng texto pinaniniwalaang ang pagiging ‘fixed and unified’ ng
kahulugan; samantala, sa ‘semiotic’ ang texto ay malayang gumamit ng wika sa paraang
‘displacement, slippage, condensation.’ Higit nitong pinalilitaw ang katangian ng babae bilang
hindi hayag bagkus ay misteryoso. At mas naipapakita ito sa tula kesa sa prosa.
Sa kabuuan, ang kritisismong feminismo ay may layuning muling iakda ang babae sa pagsusulat
man o sa pagbasa ng panitikan. Sa ganitong layunin ay maiaangat ang estado ng babae, mabibigyan ng
boses, makalilikha ng sentro, mabigyang kapangyarihan at mailalagay sa di establing posisyon ang
sistemang Patyarkal-na ang lalaki ang may kontrol ng lipunan, na ang papel na ginagampanan ng babae’y
tagasunod lamang sa lalake sa lahat ng larangang kultural gaya ng relihiyon, pamilya, politika,
ekonomiya, lipunan, batas, sining (Mendiola, 1991).

Gabay sa katanungan:
• Sinu-sino o anu-anong puwersa ang humahadlang sa plano o pagtatagumpay ng babaeng
karakter?
• Paano inilarawan ang mga babaeng karakter: bida ba o
kontrabida ang nang-api o inapi, ang nagsamantala o pinagsamantalahan?
• Paano bumangon sa kaapihan o sitwasyong mapagsamantala ang mga babaeng karakter?
• Paano nila sinalansang ang sistemang patyarkal?
• Paano sila nagpaalipin sa sistemang patyarkal?
• Mapagpalaya ba sa aspektong pangkasarian ang pelikula?

HALIMBAWA NG MGA PASUSURI SA PELIKULA GAMIT ANG IBA’T IBANG TEORYA


Marxistang Pagsipat sa “Cesar Chavez”
 Manggagawang migrante versus kapitalista
 Tunggalian: pagtutol ng kapitalista sa hiling ng mga migrante na itaas ang suweldo nila
 Bida ang manggagawa
 Kampanyang boykot, welga, hunger strike ng manggagawa
 Ginamit ng kapitalista ang pulisya at pambansang gobyerno laban sa kapitalista (bagamat may
kaalyado ring politiko ang mga nagwewelga)
 Nagtagumpay ang manggagawa.

Feministang Pagsipat sa “Everything About Her”


 Hadlang: kanser
 Babae (Vilma): Kontrabidang naging bida
 Babae (Angel) Nagpursige sa trabaho
 Sinalansang ang sistemang patyarkal sa pagtatagumpay sa career (Vilma) at pagtataguyod sa
pamilya (Angel)
 Mapagpalaya

Formalistang Pasipat sa “Dagsin”


 Melodramatiko ang soundtrack: pinupukaw ang malalim na hugot ng pangungulila sa iniibig at
pagpapahayag ng walang hanggang pag-ibig, gayundin ng kalungkutan sa mga sugat ng kahapon
na di mabura-bura.
 Ang tingkad ng kulay ng mga eksena ay nagpapakita ng intensidad ng mga emosyon ng mga
tunggaliang tumawid sa iba’t ibang panahon.
 “Art Film” ang pelikula, makinis na makinis ang kuha ng eksena, walang magalaw na anggulo
halos, ngunit may banayad na pagbanat sa isyung nabaon na sa limot – ang batas Militar at mga
diktatura ng mga nagdaang dekada.
Sanggunian:
https://www.youtube.com/watch?v=NrJ48sFYmgs
https://www.youtube.com/watch?v=aL8-OmXow54

Webliyograpiya
Sinesosyedad,https://clubmanila.files.wordpress.com/2017/10/sinesosyedad.pdf
https://www.coursehero.com/file/65002350/Modyulpdf/

You might also like