You are on page 1of 7

Sinesosyedad (2 – Lektyur)

PAGSUSURI NG PELIKULA

(Mga Elemento)

MGA ELEMENTO NG PELIKULA

1. DIREKSYON
- Mga pamaraan at diskarte ng direktor kung paano patatakbuhin ang kuwento sa telebisyon o pelikula.
- “Nagawa ba nang malinaw ang intensyon ng pelikula?
- “Naisakatuparan ba ang layunin sa pamamagitan ng epektibong orkestrasyon ng lahat ng elemento ng
pelikula?”
2. SCREENPLAY
- Dulang Pampelikula
- “Naging malinaw ba ang intensyon ng pelikula sa pamamagitan ng karakterisasyon, diyalogo, banghay at
naratibong estruktura ng pelikula?”
3. SINEMATOGRAPIYA
- Wastong pagkuha ng anggulo sa isang pangyayari o eksena sa isang pelikula
- “Malikhain bang naipakita ang pelikula sa pamamagitan ng komposisyon ng pag-iilaw, galaw ng kamera
at mga kaugnay na teknik ng kamera sa paraang akma sa intensyon sa pelikula?
4. PAG-EEDIT
- Proseso ng pagpili, pagsasaayos at paglalapat ng nakunang materyal sa "film" upang maipalabas o
maipahayag ang isang tao, bagay o pangyayari sa pinakadramatiko at pinakamabisang paraan.
- “Malikhain bang napaikli o napalawig ang oras, espasyo at galaw?”
- “Naisaayos ba ang mga imahen sa paraang akma sa intensyon ng pelikula?”
5. DISENYONG PAMPRODUKSYON
- Naaangkop na kasuotan, gamit, props, at background ng pelikula.
- Pagpapanatili sa kaangkupan ng eksena, sitwasyon, lugar at pananamit upang mapantili ang biswal na
paglalahad ng kuwento.
6. PAGLALAPAT NG MUSIKA
- Music Scoring
- “Nagamit ba ang mga musika upang paigtingin ang mood at emosyon?”
- “Nakatulong ba sa pagbibigay-kahulugan sa karakter?”
- “Napanatag ba nito ang pace ng ritmo sa paraang akma sa intensyon ng pelikula?”
7. TUNOG
- Binubuo ng diyalogo, musika, sound effects at maging ng katahimikan
- “Naging proporsyonal ang reproduksyon, orkestrasyon at paghahalo-halo ng mga iyon upang umakma sa
intensyon ng pelikula?”
8. PAG-ARTE/ PAGGANAP
- “Nagampanan ba ng mga artista ang kanilang karakter nang makatotohanan at matapat sa estilo?”

ANG PAGSUSURI NG PELIKULA

o PAGSUSURI
1. Tumutukoy sa masusing pag-aanalisa at pag-aaral upang mabigyan ng matibay na impormasyon at
solusyon ang suliraning kinakaharap.
o Dapat gawin sa pagsusuri ng pelikula…
1. Liwanaging mabuti ang paksa at intensyon ng pelikulang sinusuri.
2. Panoorin nang masinsinan ang pelikula at igawa iyon ng sinopsis.
3. Banggitin ang kahusayan at kahinaan ng pelikula.
4. Lakipan ang pagsusuri ng ilang sipi na makapagbibigay ng kabuluhan at kredebilidad sa pagsusuri.
5. Iwasan ang pagbibigay ng anumang kapasyahan nang walang lakip na batayan.
6. Gamitin ang pananalitang makatutulong sa mambabasang makapagpasya kung ang pelikula ay karapat-
dapat panoorin o hindi.
7. Iwasang makulayan ang pagsusuri ng palagay o kuro ng mga propesyonal na mamumuna.
8. Tiyaking mailalapat sa pagsusuri ang angkop na dulog sa paksa at mga katangian ng pelikula.
9. Ilista sa katapusan ang mga sangguniang pinaghanguan ng lahat ng siping binanggit sa pagsusuri.
10. Makailang-ulit na basahin ang pagsusuri.

BALANGKAS NG PAGSUSURI

I. Pamagat
II. May Akda
III. Buod ng Pelikula
IV. Pagsusuri
A. Uri ng Panitikan
B. Kahulugan ng Pamagat
C. Mga Tauhan
D. Mga Reaksyon
i. Sa Mga Nagsiganap
ii. Istilo ng Manunulat ng Iskrip
iii. Istilo ng Pagdidirehe
iv. Dulog/Teoryang Pampanitikan
V. Bisang Pampanitakan
A. Bisa sa Isip
B. Bisa sa Damdamin
C. Bisa sa Lipunan
D. Bisang Pangmoral

Sinesosyedad (3 – Lektyur)

PELIKULA HINGGIL SA ISYUNG PANGKASARIAN

Gender VS Sex

A. Sex
- Female or male
- Biyolohikal na kaanyuan ng isang tao
- Kung ano ang reproductive system noong siya ay ipinanganak
B. Gender
- Kultural
- Pumapatungkol sa preference ng isang individual kung ano ang kanyang kasarian; lesbian, gay,
transgender, bisexual at iba pa.

Mas superior pa rin ba ang mga lalaki kaysa sa ibang mga gender?

MGA ISYU

1. Diskriminasyon
- Paggawa ng hindi makatarungan o maganda sa isang tao ng isang grupo lalong-lalo na kung hindi
kabilang sa pangkat na iyon.
- Mga kababaihan:
i. 33% lamang ang managerial at administratibong posisyon sa buong mundo ang hawak ng
kababaihan.
ii. 2/3 ng matatanda ang ilitereyt – hindi marunong magbasa at magsulat
iii. Ang mayorya ng 1-3 bilyong namumuhay sa kahirapan ay babae.
2. Karahasan
- Pangunahing dahilan ng pagkamatay ng babae sa edad na 15 hanggang 44 ay dahil sa karahan ng
kalalakihan.
- R.A. 9262 – “Anti-Violence against Women and Their Children Act of 2004”
3. Aborsyon
- Pagpapalaglag ng bata sa sinapupunan.
- 1,500 ang babaeng namamatay araw-araw dahil sa hindi planadong pagbubuntis at iba pang dahilang
may kinalaman sa pagdadalan-tao.
- (sa buong mundo) 19 milyong kaso ng aborsyon ang nagyayari sa hindi ligtas na paraang pumapatay sa
68,000 babae bawat taon.
4. Prostitusyon
- Marami ang pumapasok na kababaihan dahil madali ang pagkuhanan ng salapi
- Dahil sa kawalan ng trabaho, naiisipan nilang pasukin ang ganitong trabaho; may mga kababaihan na
pinupwersang ipinapasok a ganitong trabaho nang labag sa kanilang kalooban.

Ngunit hindi lamang sila (mga kababaihan) ang nahaharap sa diskriminasyon at karahasan, maging ang lalaki din ay
biktima nito. Panghuli, ang tinawag ni Hillary Clinton (2011) na “invisible minority” ay ang mga LGBT, ang kanilang
mga kwento ay itinago, inilihim at marami sa kanila ang nanahimik dahil sa takot.

Babae at lalaki lang ba ang may karapatan?

- Hindi, sapagkat isinasaad sa Universal Declaration of Human Rights na ang bawat isa or bawat tao ay may
pantay-pantay na karapatan at dignidad.
- Subalit hindi ganoon katanggap ang LGBTQ lalo na sa Filipinas

LGBTQ – Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender at Queer

o Anti-Discrimination on the Basis of Sexual Orientation, Gender Identity and Expression


- Mas kilala bilang “SOGIE BILL”
- Ipinasa sa Senado 19 years ago ni dating Senator Miriam Defensor Santiago.
- Hindi lamang ito pabor sa mga LBGTQ, nilalaman nito ang mismong pagkakapantay-pantay ng lahat.
5. Same sex marriage
- Hanggang ngayon tutol pa rin ang lahat lalong-lalo na ang Simbahang Katoliko sa pagsasakatuparan ng
same sex marriage sa Filipinas.
6. Paglaganap ng HIV/AIDS
- Nagkakaroon ng diskriminasyon sa mga taong may HIV/AIDS.

Nakakaranas din ba ng diskriminasyon ang mga kalalakihan?

- Naaabuso rin ang mga lalaki sa pagiging under sa kanilang asawa kapag sinasaktan ng babae ang lalaki, kapag
kinukuha rin ang ATM nito, ginagawang alipin din. Nakadepende rin sa sitwasyon…

Bakit kaya patuloy ang diskriminasyon dito sa Filipinas? Ano kaya ang mga rason?

- Naghahanap ng atensyon kaya ibinubuhos ang galit at sama ng loob sa ibang tao.
- Nagdidiscriminate dahil sa inggit.
- Dahil sa hindi pagtanggap o pagkuntento kung anong mayroon sila, kapag nakikita nila na mahina ang isang tao
sa isang bagay, sinasaktan o dinidiscrimate ang tong iyon.
- Nagkakaroon ng diskriminasyon dahil sa kawalan ng pagttanggap at respeto, hindi kayang tanggapin ng isang tao
kung ano man ang pagkakaiba na mayroon ang bawat isa – dahil sa hindi nila kakulay, kapareho ng estado ng
pamumuhay, iba ang gender identity, iba ang uri ng pamumuhay ay dinidiscrimate na ng iba.

Sinesosyedad (4 – Lektyur)

PELIKULA HINGGIL SA DIASPORA/MIGRASYON

Ilang Pilipino na nga ba ang umaalis ng bansa upang makipagsapalaran sa ibayong dagat bunga ng kawalan ng maayos
at permanenteng trabaho sa Lupang Sinilangan?
Ilang pamilya na nga ba ang nagkakawatak-watak bunga ng bulok na sistemang pampolitika at bagsak na ekonomiya ng
ating bansa?

Ilang anak na ba ang nangungulila sa kanilang mga magulang na lumisan ng Filipinas?

Ilang domestic helper na ba ang minamaltrato ng mga amo nila sa ibang bansa o mamatay dahil sa gayong kalagayan?

MIGRASYON

- Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong political patungo sa iba pa maging
ito man ay pansamantala o permanente.

ISYU NG MIGRASYON DITO SA FILIPINAS

 “Napakaraming guro, nurse, inhenyero, karpintero, kasambahay, labandera, dito sa amin…ngunit bakit tila walang
natira……. Nag-aabroad sila”

 Ang Filipinas ay mayroong malakas na pwersang manggagawa.

Bakit marami ang pinipiling umalis?

o Mas Malaki ang sahod sa ibang bansa kumpara sa Filipinas.


o Mas maraming benefits na matatangkad kumpara dito.
o Napakaraming manpower pero limitato lang ang oportunidad dito sa Filipinas. At kung may mapasukan man, ang
sahod ay hindi kayang bumuhay ng pamilya.

Hanapbuhay

 Mas malaki ang sahod


 9.1 milyong Pilipino (2015) - umalis ng bansa
 2.2 milyong Pilipino (April-September 2019) – nangibang bansa
 Ang Filipinas ay isa sa sampung bansa na may mataas na kaso ng migrasyon

 “Mga pinuno ay ungas, Sila lang ang nakikinabang pero tayo ang utas”

 OFW = “BAGONG BAYANI”


o Bagong bayani nga ba ang tingin nila? Kung Oo, bakit wala pa ring sapat na hakbang ang
pamahalaan/gobyerno para protektahan ang OFW na dumadaranas ng pagmamalupit?
o Bagong bayani nga ba o dahil napapanginabangan lang nila ang mga ito?
o Sila ang nanginginabang pero ang mga OFW ang naghihirap at nagpapasakit sa bansang
pinagtratrabahuan

 “Mabuti kung mabuti ang kinakahinatnan, Ang kapalaran ng lahat nang nakipagsapalaran. Kahit nag-aalangan para
lang sa kapakanan Ng mahal sa buhay ang sugal ay tatayaan”
o Hindi lahat ng mga nakikipagsapalaran sa ibang bansa ay mabuti ang kahihitnan.
o Sila ay dumaranas ng…

 Hirap ng Trabaho
 Lungkot
 Pagmamaltrato

 “Gugutumin sasaktan malalagay sa piligro, Uuwing nasa kahon ni wala man lang testigo”

o Umalis dito nang buhay, babalik dito ng bangkay.


o Umalis dito nang buhay, dala-dala ang pag-asang maiahon ang kani-kanilang pamilya sa hirap pero umuwi
sila nang wala nang buhay at ang masaklap ay kalunos-lunos pa ang nangyari sa kanila.

Kuwait (namatay):
 103 na OFW (2016)
 103 na OFW (2017)
 Halimbawa ng mga OFW: Joanne Demafelis – nawalan ng isang taon at natagpuan lamang sa freezer; nahatulan
rin ng kamatayan ang mga amo…at Maricris Sioson - 1991; entertainer sa Japan; natagpuan ang bangkay na
punong-puno ng saksak.

 “Ihahabilin ang anak para 'to sa kanila, Lalayo upang mag-alaga ng anak ng iba, Matapos lamang sa kolehiyo
matutubos din ang relo, Bilhin mo na kung anong gustong laruan ni Angelo, Matagal pa kontrato ko titiisin ko muna
'to , Basta ang mahalaga ito'y para sa pamilya ko”

o Hindi lang pisikal nakasapitan ang mga nararanasan ng mga OFW kundi pati na rin ang…
 Homesickness
 Kaibahan ng Kultura – ibang kultura ang madadatnan; malaking adjustment
 Pagkasira ng kani-kanilang pamilya – dahil sa mahabang panahon na hindi nila nakasama ang pamilya ay
nagdudulot ito ng pagkasira; anak - karamihan sa mga anak ng OFW ay nagtatanim ng sama ng loob o hinanakit
sa mga magulang; asawa/kinakasama - dahil sa haba ng panahon na hindi nabibigay ang kanilang
pangangailanagan, naghahanap sila ng ibang makakatugon – nagkakaroon ng kalaguyo at nasisira ang pamilya.

May mga OFW na ba ang yumaman o nabago ang buhay dahil sa pangingibang bansa?

o Malaki ang kita kaya hindi imposible/malabo para sa isang OFW na maiangat ang pamilya sa kahirapan at
yumaman sa pangingibang bansa.
o May mga sitwasyon na ganito: kahit ilang dekada na ang pamilya sa ibang bansa ay lugmok pa rin sa kahirapan
sapagkat kapag nagpapadala ang pamilya mula sa abroad akala nila napakadaling kitaan ang pera kaya ito ay
lulustayin, pangbili ng luho kaya’t marami pang nagtatagal na OFW sa ibang bansa.

 “Napakaraming tama dito sa amin...Ngunit bakit tila walang natira...”

Sinesosyedad (5 – Lektyur)

PELIKULA HINGGIL SA PAMILYA, RELASYON AT PAG-IBIG

PAMILYA

o Ito ay isang grupo ng mga taong pinagbigkis ng kasal, maaaring ng dugo o nang pag-aampon na naninirahan sa
isang tahanan at ginagawa ang kani-kanilang tungkulin bilang ama, bilang ina, asawa, magulang, anak at kapatid

 Kategorya ng Pamilya
i. Nukleyar
 Binubuo ng ama, ina at mga anak
ii. Extended
 Kabilang pa ang mga iba pa bang kamag-anak; lolo,lola, mga tito at tita at iba pa.

Pamilya Ordinayo

o Nabuo at isinulat ni Eduardo W. Roy Jr.


o Ipinalabas sa Cinemalaya Film Festival
o Isang Indie Film – Independent Film
 Uri ng pelikula na kung saan tumatalakay sa mabibigat , malulungkot at masasakit na mga isyu mayroon
ang isang panglipunan.
 Hindi tulad ng mga pangkaraniwan na pelikula na maiiibsan at makakalimutan panandalian ang mga
problema ngunit kapag Indie Film ay mas imumulat sa mga problemang mayroon sa lipunang
kinabibilangan.
o Synopsis:
► Pumapatungkol sa pangunahing tauhan na sina Jane at Aries na kapwa menor de edad at magulang na.
Ipinakita sa pelikula ang kanilang paghahanap sa kanilang anak na si baby Arjan na ninakaw sa kanila.
o Bakit kaya pinamagatang “Pamilya Ordinayo”?
► Pumapaksa sa Ordinayong buhay ng isang tao.
► Ipinapakita nito ang buhay ng isang pamilya na ordinaryo o kabilang sa mga hindi kilalang
makapangyarihan na tao.
o Teoryang Pampanitikan: Realismo
 Nagpapakita ng totoong buhay
 Inilalarawan sa pelikula ang tunay na mukha at itsura ng lansangan lalong-lalo na sa
Maynila.
 Isinabuhay, ipinakitaat ipinaranas ang tunay na mukha at itsura kung ano ang
meron sa lipunang kinabibilangan ng mga tauhan

 ISYUNG PAMPAMILYA
o Anong pinagkakaiba ni Jane sa kanyang Ina?
 Ang ina ni Jane ay walang pakialam, hinayaan lamang mga anak na malulong sa bisyo at droga
 Jane – kahit menor de edad, may malasakit sa sariling anak. Ipinakita na kahit gaano napakaraming
panghuhusga ang kanyang natanggap sa lahat ng nilapitan, hindi pa rin huminto para hanapin ang
kanyang anak.
► Marami pa ring mga magulang ang pinababayaan ang anak. At nagreresulta ito sa kawalang direksyon sa buhay
ang mga anak at hindi nabibigyan ng pagkakataon na mag-aral.

 OUT-OF-SCHOOL YOUTH
 Ang resulta ng pagpapabaya ng ina ni Jane kay Jane ay naging out-of school siya at laman ng
kalsada at sa murang edad nakakagawa na ng hindi magandang gawain.
► Maraming mga magulang dito sa Filipinas lalong-lalo yung bahagi o parte ng mababag antas ng buhay,
hinahayaan at pinababayaan lamang nila ang mga anak, hindi nabibigyan ng pagkakataon makapag-aral.

2 Salik na bumubo sa Development ng isang tao:

1. Nature
o traits na nainherit sa mga /parents ninuno
o biological factors
o kung ano ang dumadamoly sa inyong dugo

2. Nurture
o Panglabas na salik
o Naaadapt ang isang pag-uugali/katangian na iyong kinabibilangan
o Hal. Jane at Aries at mga bata sa pelikula ay natutunong magmura, magnakaw, o gumawa ng anumang
krimen dahil ayun ang nakalakihan

 MAAGANG PAGBUBUNTIS NG MGA KABATAAN


o Hal. Jane -16 years old at Aries – 17 years old, may anak na.
o Bakit nga ba maagang nabubuntis ang kabataan?
 Peer pressure – nadadala ng mga taong nakapaligid sa kanila
 Maiuugnay sa isyung pampamilya – may mga kabataan na hindi naranasan ang mabigyan ng
atensyon, pag-aaruga, o pagmmahal kaya kapag may tao na lumapit at nagbigay ng ganyang mga
emosyon- nagiging marupok at hindi napipigilan ang kapusukang nararamdaman.
o May nabubuntis nang 14,15,16 sa Filipinas

 KRIMINALIDAD BUNGA NG KAHIRAPAN


o Dahil sa kahirapan, walang kakayahan para makapagtrabaho, hindi nakapag-aral, at walang pera para
makagsimula ng isang kabuhayan, ang ginagawa nila para mairaos ang pkanilang araw-araw na
pamumuhay sa pamamagitan ng krimen.
o Talamak ito sa Kamaynilaan.

 KAWALANG-MALASAKIT AT SUKDULANG PAGSASAMANTALA SA KAPWA


o Dahil isang ordinaryo lamang sina Jane at Aries, nakaranas sila ng kawalang-malasakit at sukdulang
pagsasamantala.
o Ano ang mga naranasan nila?
 Security guard – hindi nila binibigyan ng pansin ang hinaing nina Jane at Aries. Nabigyan lamang
noong kasama nila yung matandang mayaman
 Police Station – imbes na tulungan, binastos pa. Tinanong ng mga bagay-bagay na wala naming
kaugnayan sa kaso ng anak.
 Kapitana – akala mo bukas na bukas ang tahanan ni Kapitana para sa lahat ngunit noong nalaman
na taong lansangan ay nagdalawang-isip pa.
 Radio Station – minaliit lamang ang sitwasyon na pinagdadaanan nila Jane at Aries. Nagbukas ng
maraming pintuan ang kanilang panawagan sa radio station ngunit nagbukas rin ito ng maraming
pintuan para sa mga mananamantala para sa kalagayan nina Jane at Aries.
 Reporter – pinagkakitaan ang istorya nina Jane at Aries.
 Matanda (nanay DAW ni Ertha) – sinabi na tutulungan daw sila kapag magbibigay ng 10k.
Pagkatapos maibigay ang pera (hindi man buong 10k), hindi na sila nakatanggap ng mensahe sa
pelikula.
► Pinapakita lamang sa pelikula na kapag “ordinaryong tao” ka, hindi ka talaga makakatanggap ng tunay na
pagmamalasakit at mas makakaranas pa ng pananamantala kumpara sa pamilya na kilala at may kapangyarihan.
► Kung ordinary kang tao, hirap kang makatanggap ng malasakit at tulong sa iba’t-ibang sektor sa ating lipunan.

*Mahal ba nina Jane at Aries ang isa’t-isa?

……Oo, dahil sa kabila ng hirap na naranasan ay hindi nila iniwan ang isa’t isa. At hindi sinukuan ang isa’t-isa
para hanapin ang kanilang anak.

*Anong komento ninyo sa direktor?

*Anong komento ninyo sa mga karakter?

*Anong masasabi niyo sa wakas ng pelikula?

*Anong napulot na aral sa Pamilya Ordinaryo?

You might also like