You are on page 1of 6

ROMBLON STATE UNIVERSITY

Main Campus
College of Education
GE14: SINESOSYEDAD/Pelikulang Panlipunan
Mid Year Class: A.Y. 2020-2021

Modyul 1: SAGUTANG PAPEL

Pangalan: Mark Kenneth Arboleda Petsa ng Pagpasa: Hunyo 20, 2021

Taon/Block: BSED II BLK. 4

GAWAIN 1: Pagsusuri at Pagpapaliwanag


PANUTO: Panoorin ang pelikulang “Way Back Home”ni Kathryn Bernardo at Julia Montes. Suriin kung anong
teorya ang iyong makikita rito at ipaliwanag. Gawin ito sa paraang sanaysay.

Ang Pelikulang "Way Back Home" ay isang inspirasyonal na kwento na binigyang


pagpapakahulugan ang tunay na pagmamahal ng pamilya. Ang palabas na ito ay sumasalamin sa
makulay na teorya sapagkat ayon sa aking pagsusuri ay di lamang iisa ang konseptong teorya ang
isinasabuhay ng pelikulang ito.

Ang drama na ito ay umiikot sa mga pangunahing tauhan na ang kasarian ay babae, nailahad dito
ang mga karaniwang kalakasan ng kababaihan. Bilang inang mapagaruga't di nawawalan ng pag
asa at mga anak na kakikitaan ng pagkamasining, pagsisikap higit sa lahat may positibong
perspektibo sa buhay, kung kaya sa aking pananaw ito ay dumudulog sa teoryang Feminismo. Ang
Katotohanang pinakita na ang pamilya ay likas na nagkakaroon ng problema at hidwaan ay isang
patunay na may bahid ng Realismo ang pelikulang ito. Dagdag pa riyan, nakatulong sa kakintalan
ang pagsasakilos ng dalawang magkaibang antas ng buhay na kinabibilangan ng mga tauhan na
tila'y makatotohanan. Ito ay ang payak na buhay na Mayroon si Anna noong simula at si Jessie
naman ay nasanay na sa karangyaan. Kung kaya't ang puso ng manunuod ay 'di imposibleng
makuha ni Anna/Joanna na ginampanan ni Kathryn Bernardo, lalo't higit sa mga pananakit at
pangaaping dinanas nya mula kay Jessie (Julia Montes). Pahapyaw na tinalakay ang kaibahan ng
kalagayan ng buhay ng magkapatid na nagpabatid sa atin na ang kayamanan ay di sukatan ng tunay
na kasiyahan. Sadyang malinaw at wala ng iba pang mga tagong pahiwatig ang daloy ng kwentong
ito. Binigyang diin ang kahalagahan ng pagpapatawad at pagtanggap na kaakibat ng pagmamahal.
Sa kabuuan ang pormalistikong paraan ng pagsasaad ng kwento ay naging simple at di kritikal na
maging ang mga kabataan ay mahihinuha ang aral na kaluluwa ng palabas na ito.

Talagang kahanga hanga ang pagsanib ng mga teoryang ito sa pelikula at kahit sino'y di
pagsisisihang panuorin ang pelikulang ito. Kukurot sa puso mo ang mga dayalogo kasabay nito'y
yayakapin ka ng kasiyahan sa ilang mga eksena lalo't higit ang wakas nito.
Rubriks sa pagsulat ng Sanaysay

Pamantayan 4 3 2 1 Puntos
1. Organisasyon Napakalinaw ang Mainaw ang hindi gaanong Walang kaayusan
kaisipang inilahad, kaisipang inilahad, maayos at ang paglalahad ng
maayos na maayos ang maayos ang malinaw ang kaisipan
pagkakasunod-sunod pagkakasunod- paglalahad ng
ng mga inilahad na sunod ng mga kaisipan
kaisipan inilahad na
kaisipan
2. Nilalaman Gumamit ng sanhi at Gumamit ng Gumamit ng Hindi gumamit ng
bunga at paghahambing paghahambing sa sanhi at bunga at sanhi at bunga at
sa pagbuo ng talata at pagbuo ng talata paghahambing sa paghahambing sa
naayon ang nilalaman pagbuo ng talata pagbuo ng talata at
sa paksa. ngunit hindi naayon ang
naayon ang nilalaman sa paksa.
nilalaman sa
paksa.
3. Kakintalan Nag-iwan ng malalim Nag-iwan ng Hindi gaanong Walang kakintalan
na impresyon sa isipan malalim na nag-iwan ng
ng mambabasa upang impresyon sa malalim na
mahikayat ito. isipan ng impresyon sa
mambabasa upang isipan ng
mahikayat ito. mambabasa
upang mahikayat
ito.
4. Kawastuhang Wastong wasto ang Wasto ang gamit Hindi gaanong Walang kawastuhan
Gramatikal gamit na bantas, na bantas, baybay wasto ang gamit
baybay ng mga salita at ng mga salita at na bantas, baybay
pagkakagamit ng pagkakagamit ng ng mga salita at
maikling letra maikling letra pagkakagamit ng
maikling letra
Kabuuang Puntos

Katumbas: 16--------------100 12-13- -----------90 8-9-----------------80

14-15--------- 95 10-11------------ 85 7 pababa---------75

GAWAIN 2: Panonood at Pagsusuri


Panuto: Panuorin ang pelikulang “Pasang Krus” ni Rosanna Rocess. Suriin ang pelikula at ibigay ang bahagi o
eksena na nagpapakita ng teoryang Marxismo, Feminismo, Realismo at Pormalismo.

TEORYANG MARXISMO TEORYANG FEMINISMO

EKSENA: Ang eksenang pagbabalik sa EKSENA: Sa aking pananaw, ang lahat


nakaraan kung paanong ipinaglaban at ng eksena ni hermina’y itinaguyod ang
pinagsumikapan ni Abel ang teoryang Feminismo. Sapagkat
makapagtapos upang makamtan ang isinakilos ni Hermina ang pagiging
ninanais na paghihiganti mula sa matatag at mapagmahal na ina sa
pangaapi na ginawa sa kanila ng kanyang mga supling. Kung kaya
politikong si Congressman Bernardo. naganap ang imahinatibong pagpasan at
Ang siyang nagpakita na ang tauhan ay pagpapapako ng sarili ni Hermina sa
nasa magkabilang antas. Ito ang mahirap krus dahil sa matinding lungkot at bigat
at ang makapangyarihang politiko. ng problema na kanyang dinadala.

TEORYANG REALISMO TEORYANG PORMALISMO

EKSENA: Ang kabuuan ng kwento ay EKSENA: Sa kabila ng mga simbolikong


naghayag ng makatotohanang pangyayari iniangkop sa palabas na ito ay direkta pa
ngunit hindi tuwirang naganap dahil ring naipahayag ng manlilikha ang nais
isinaalang alang ang kasiningan nito. ipahatid nito ukol sa kahirapan,
Ngunit ang mas higit na tumatak saking pagsususmikap at katagumpayan. Ang
eksena na susuporta sa realismong teorya pagsususmikap ni Hermina na mapalaki
ay yaong paghabol sa buong pamilya ni ang mga anak at makompleto ito sa
Hermina upang patayin dahil sa tiwaling kabila ng dagok ng buhay lalo na sa
si Bernardo at mga pagdurusang naganap wakas nito ay malinaw ang mensaheng
ng dahil doon. nais ihayag.

GAWAIN 3: Pagsulat ng Kritisismo

Panuto: Magsulat ng isang kritisismong pampelikula sa pelikulang “Pasang Krus” ni Rosanna Rocess. Gawing
gabay sa pormat ng pagsulat ang balangkas sa ibaba.
I. P a m a g a t :
II. D i r e k t o r :
III. Tauhan
Rosana Rocess- bilang si Hermina (pangunahing tauhan)
Isang Mapagaruga at mapagmahal na ina nina
Abel, Jess, Adora, Lucas at Marco. Kilala rin siya bilang
isang makadiyos at may prinsipyong tao sa kanilang
lugar.
Joross Gamboa- bilang Abel, siya ang panganay na anak
ni Hermina na siyang nawalay ng ilang taon sa kanyang
pamilya dahil sa di inaasahang pagkakataon. Nang di lumaon naging Konsehal siya na nagahon mula sa hirap
sa tunay niyang pamilya ng matagpuan niya ang mga ito sa Maynila.
Ketsup Eusebio- bilang Jess, pangatlo sa mga supling ni Hermina. Siya ay naging kawatan kasama ang
kanyang mga kaibigan na sa huli siya’y nasawi dahil sa pangingidnap na sa pamimilit ni Guiller.
Empress Schuck- bilang Adora, ang pangapat at kaisa isang babae sa kanilang magkakapatid. Tulad ni Abel
ay nawalay din siya sa kaniyang pamilya sapagtakas mula sa humahabol sa kanilang ibig silang patayin.
Inabuso ng kanyang mga naging kasintahan kaya ito'y nagkaroon ng malubhang sakit sa kidney.
Beejay Morales- bilang si Lucas, Ang bunso sa kanilang magkakapatid. Siya ay mahilig sa sugal, Pilyo at
mas madalas makasama ng kanyang ina kung ikukumpara kay Jess. Nasangkot siya sa pagtutulak ng droga
dahil sa ninais niyang bilhan ng simpleng baro ang kanyang ina na nagbunsod na saksakin siya na muntik
niya ng ikamatay.
Christian Burke- bilang si Marco ang pangalawa sa kanilang magkakapatid. Siya ay nakakulong sa bilibid
dahil sa pinatay niya ang kaniyang sariling asawa dahil sa pangangalunya nito.

IV. Tagpuan
Ang lugar kung saan naganap ang malaking porsyento ng mga eksena ay sa iskwater na matatagpuan sa
Maynila. Bago sila makaipagsapalaran sa Manila ay namumuhay ng payak at masaya ang kanilang kaanak sa
Isabela.

V. Suliranin/Tunggalian
Ang mas umuusbong na tunggalian na kinaharap ng mga pangunahing tauhang sina Hermina at ng
kanyang mga anak ay Tao laban sa lipunan. Lipunang di makatarungan ay siyang ugat ng suliranin sa kwento
na siyang nagtulak sa mga tao upang gumawa ng masasamang gawain. Katulad na lamang ng pagnanakaw,
pagtutulak ng droga, pagbibigay ng aliw at iba pang trabahong di kasikmu sikmura o ilegal. Ang kakulangan
ng pagkilos na inaasahang magmumula sa gobyerno tungo sa kahirapan at hustisya ang isa sa naging salik
upang magkaroon ng alitan ang mga tauhan sa kwentong ito.

VI. Buod (Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari)


Kinakamkam ng isang politiko ang lupaing pagmamay-ari ng asawa ni Hermina na humantong sa
pagpatay dito. Tinugis din pati si Hermina at ang apat na mga nito upang paslangin. Tumakas sila at nagtungo
sa pulisya upang humingi ng tulong ngunit sa kasamaang palad ay kasabwat sin pati ang hepe. Sa ikalawang
pagkakataon ay tumakbong muli sila kasama ang mga anak ngunit napahiwalay sa kanya ang kanyang
panganay na si Abel. Nakarating sila sa Maynila at nagpaikot ikot sila rito upang makahanap ng
mapagpahingahan sa di inaasahang pagkakataon ay napahiwalay si Adora sa mga ito. Dahil si Hermina ay
nagdadalang tao noong panhong iyon naisilang niya ang bunso niyang anak na si Lucas malapit sa kalsada.Sa
kabutihang palad ay nakita sya ng isang babae at binigyan ng pansamantalang matutuluyan. Lumipas ang (15)
labinlimang taon ay di na niya natagpuan pa ang mga nawawalang supling. Ngunit nagpatuloy parin siya sa
buhay alang-alang sa tatlong anak na lalaki na siyang naging pasang krus niya. Nakulong ang anak niyang si
Marco, naging magnanakaw ang kayang anak na si Jess at lagi namang nagsusugal si Lucas. Napilitan si Jess
na makiisa sa pangingidnap ngunit naisahan sila ng mga pulis at sa pagnanais niyang di mahuli ay tinakasan
niya ang mga pulis ngunit ito rin ang dahilan kung bakit siyang nabaril at namatay. Natagpuan ni Hermina
ang anak na si Adora dahil sa panawagan ng anak sa telebisyon. Isinalin niya ang sarili niyang kidney para sa
kapakanan ng kanyang kaisa isang babaeng anak. Dalhin sa nasangkot sa pagtutulak si Lucas ay inambahan
siya ng saksak ng nagpadala sa kanya ng droga at iniwang nakabulagta at nagaagaw buhay. Habang
nakikiusap si Hermina sa konduktor na libreng pasakayin patungo sa Isabela ay nilapitan siya ng isang lalaki
at nagpakilala itong siya ang kaniyang anak na nawalay na si Abel. Inkinwento niya ang kanyang
pakikipagsapalaran sa kanilang bayan upang maipaglaban ang hustisya, tinulungan niya sa pagpapagamot ang
kapatid na si Lucas, Pinalaya ang kapatid niyang si Marco at napunta na rin sa puder nila ang anak ni Marco.
Kahit na sumakabilang buhay na si Jess ay nabuo naman at naging masaya ang kanilang pamilya at
mamumuhay na ng tahimik sa kanilang sariling lupain sa Isabela.

VII. Pagsusuri
Ang paksa ng Pelikulang "Pasang Krus" ay ang masugid na pagtahak ni Hermina na makamit ang buhay
na kanyang ninanais para sa kanyang mga anak. Patuloy niyang iniraraos at ginagabayan ang mga anak na
magbagong buhay ngunit di ito posible sa estado ng kanilang buhay. Ang kahirapan na nagpapasakit sa
karamihan ay pareho ring bagaheng nagpapabigat sa pasan ng mga tauhan sa palabas na ito.

Ang kaisipang pinalulutang ay ang realidad ng buhay at pagdurusang dinaranas ng milyon milyong tao
sa ating bansa at epekto nito sa kanilang mga karapatang pantao. Samakatuwid, Ang timbangan ng hustisya
ay nasa panig ng may mga pera at makapangyarihan. Dinidinig at mulat ang mata ng awtoridad sa may mga
salapi ngunit bulag sa katotohanang dinaranas ng mga salat. Hindi man lubos na tinalakay itong ideolohiya ay
'di lingid sa ating kaalaman na ito ang siyang tunay na matagal ng namamayani sa lipunang ating
ginagalawan.

Ginamit bilang simbolo ang krus bilang mabibigat na mga problema at paghihirap na dinaranas ng mga
kapos palad sa pelikulang ito. Tunay na imumulat nito ang ating kaisipan kung papaanong umiikot ang
mundo sa perspektibo ng mga naaapi. At ang mga pako ay inihalintulad ni Hermina sa kanyang mga anak na
syang lalong nagpapabigat sa kanyang kalungkutan at pagpapasakit. Inihalintulad din ng pangunahing tauhan
ang kanyang yumaong anak na si Jess sa saranggola na kung saan ay masaya raw na nasa kalangitan at ang
buhay sa byaheng may pinanggagalingan, pinatutunguhan kahit daw anong lubak at trahedyang dadaanan
ito'y malalampasan at patuloy na uusad. Ang pahayag na ito ay kakikitaan ng Pagasa sa likod ng pagdurusang
kanilang tinamasa.

RUBRIKS SA PAGSULAT NG KRITISISMO

Pamantayan 4 3 2 1 Puntos
1. Organisasyon Napakalinaw ang Mainaw ang hindi gaanong Walang kaayusan ang
kaisipang inilahad, kaisipang inilahad, maayos at paglalahad ng kaisipan
maayos na maayos maayos ang malinaw ang
ang pagkakasunod- paglalahad ng
pagkakasunod- sunod ng mga kaisipan
sunod ng mga inilahad na
inilahad na kaisipan
kaisipan
2. Nilalaman Gumamit ng sanhi Gumamit ng Gumamit ng Hindi gumamit ng
at bunga at paghahambing sa sanhi at bunga at sanhi at bunga at
paghahambing sa pagbuo ng talata paghahambing sa paghahambing sa
pagbuo ng talata at pagbuo ng talata pagbuo ng talata at
naayon ang ngunit hindi naayon ang nilalaman
nilalaman sa naayon ang sa paksa.
paksa. nilalaman sa
paksa.
3. Kakintalan Nag-iwan ng Nag-iwan ng Hindi gaanong Walang kakintalan
malalim na malalim na nag-iwan ng
impresyon sa impresyon sa malalim na
isipan ng isipan ng impresyon sa
mambabasa upang mambabasa upang isipan ng
mahikayat ito. mahikayat ito. mambabasa
upang mahikayat
ito.
4. Kawastuhang Wastong wasto Wasto ang gamit Hindi gaanong Walang kawastuhan
Gramatikal ang gamit na na bantas, baybay wasto ang gamit
bantas, baybay ng ng mga salita at na bantas, baybay
mga salita at pagkakagamit ng ng mga salita at
pagkakagamit ng maikling letra pagkakagamit ng
maikling letra maikling letra
Kabuang Puntos

Katumbas:

16--------------100. 12-13- -----------90 8-9-----------------80

14-15--------- 95 10-11------------ 85 7 pababa---------75

Pagtataya

PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Gawing komprehensibo ang sagot o
pagpapaliwanag tanong. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang pelikula sa iyong sariling pananaw?


Ang pelikula ayon sa aking pagkakaintindi ay masining na gawain na di lamang kakikitaan ng
kariktan kundi likas din itong nagtataglay ng mensahe at aral na kadalasang ukol sa lipunang
kinagagalawan.

2. Gaano kahalaga ang panunuod ng pelikula sa bawat mag-aaral na katulad mo? Ipaliwanag.
Tunay na mahalaga lalo’t higit sa aming mga magaaral dahil namumulat nito ang ating puso’t
isipan sa pagkatuto at sa katotohanan. Ang pelikula bilang masining na paraan na nagpapahayag ng
mga pangyayari totoo man o piksyonal ay magbubunsod sa ating manunuod upang maintindihan
ang pananaw ng ibang tao at higit sa lahat maghahatid ito sa atin ng inspirasyon.

3. Naniniwala ka ba na ang pelikula ay maaaring maging salamin ng lipunan? Bakit?

You might also like