You are on page 1of 5

PAGSUSURING PAMPELIKULA

(ANG BABAE SA SEPTIC TANK)


DIREKTOR:
MARLON RIVERA

MGA TAUHAN:
EUGENE DOMINGO (MILA)- isang ina na nahihirapang tustusan ang
pangangailangan ng kanyang mga anak.
KEAN CIPRIANO (RAINIER)- isang director na gumagawa ng
pelikula na pinamagatang “Walang-wala”.
JM DE GUZMAN (BINGBONG)- isang producer at kasama sa
gumagawa ng pelikulang “Walang-wala”.
CAI CORTEZ (JOCELYN)- isang production assistant na tumutulong
din na gumawa ng pelikula.

TAGPUAN:
Ang unang tagpuan na ipinakita sa pelikula ay ginanap sa isang “Coffee
Shop” kung saan nagsalin-salin ang kanilang mga ideya para sa ikagaganda
ng pelikulang kanilang ginagawa. Ang tagpuan ng ginagawa nilang pelikula
na pinamagatang “Walang-wala” ay sa “Payatas Dumpsite” kung saan
maipapakita ang kalunos-lunos na kalagayan ng kahirapan. Pati sa magulong
kalye ng Maynila kung saan matatagpuan ang gusali na tinitirahan ng
pedophile na si Mr. Smithberger. Mayroon ding mga eksena na kinunan sa
sasakyan, habang naglalakbay sila. May eksena rin mula sa bahay ni Mila.
Dahil nangyari ang kaawa-awang pagsira at pagnanakaw sa kanyang kotse
kaya mayroon ding ipinakitang eksena sa himpilan ng pulis. Ang
pinakahuling tagpuan ay ang pagkuha nila sa septic tank scene.

SEQUENCE ISKRIP:
Ang unang pangyayari sa pelikulang Ang Babae sa Septic Tank ay
isinalarawan nila ang kwentong nais nilang isapelikula na pinaniniwalaan
nilang magpapanalo sa kanila sa “Oscars”. Ang sumunod na pangyayari ay
ng eksena sa isang coffee shop kung saan pinag-uusapang nila ang director na
si Arthur Poongbato na sa hindi inaasahan ay nakatagpo rin nila sa mismong
coffee shop kung saan ay naroroon rin sila. Pinag-usapan ng mga filmmakers
ang mga gusto nilang baguhin o ibahin para sa ikabubuti ng kanilang pelikula
at para mas mapaganda ang pelikula dahil hindi sila pwedeng magkamali sa
bawat proseso at hakbang ng paggawa. Pumili rin sila ng “poster design” para
sa kanilang pelikula na ang pamagat ay “Walang-wala”.
Pinag-isipan nila maigi kung sino ang gaganap bilang Mila. Pinagpilian nila
sina Cherry Pie Picache at si Mercedes Cabral upang ipalit kay Eugene
Domingo dahil nag-aalinlangan sila sa kakayahan nito sa pagganap ng
karakter ni Mila. Pati narin ang pagpili sa anak na ibebenta ni Mila. Ang
unang plano ay batang babae ang ibebenta ngunit kinuwestiyon iyon ng
producer na si Bingbong dahil para sa kanya mas kontrobersiyal kung lalaki
ang gaganap dahil mas may dating at mas pag-uusapan ng mga manunuod.
Nagka-roon din ng konting pagtatalo sa pagitan ni Rainier at Bingbong dahil
maraming gustong palitan si Rainier na ideya ng pelikula kaya naisip ni
Bingbong na mas maganda kung bumalik sila sa orihinal na plano kung saan
isa itong “docu-drama” na susundan nila ang buhay ng isang ina mula sa
payatas na may kaparehong storya ng buhay kay Mila.
Naisipan din nilang gawing “musical” ang kanilang pelikulang “Walang-
wala” kaya ito’y isinalarawan sa pamamagitan ng imahinasyon ni Jocelyn
habang sila ay nasa biyahe. Nagkaroon ng mga kanta at sayaw imbis na
diyalogo ang sinasabi ng mga tauhan.
Ang sumunod na eksena pagkatapos ng “musical” ay ang pagbisita nila kay
Eugene Domingo na gaganap bilang Mila. Nakumpirma nila na gusto ni Ms.
Eugene ang karakter ni Mila at lalong-lalo na ang istorya ng “Walang-wala”.
Nagkaroon din ng suwestiyon si Ms.Eugene para sa ikagaganda ng pelikula.
Naisip niya na lagyan ito ng narration upang mas magkaroon ng damdamin
ang istorya.Napagtuunan ng pansin ni Ms. Eugene ang “Septic Tank scene”
dahil hindi siya papayag na lumusob sa isang totoong septic tank, kaya
nagkaroon sila ng kaunting problema ngunit nangako naman ang mga
“filmmakers” na gagawan nila ng paraan ang hiling ng aktres.
Matapos nilang mapabilang si Eugene Domingo sa pelikula, mayroon pa
silang huling pupuntahan sa araw na ito, walang iba kundi ang lokasyon na
paggaganapan ng kanilang pelikula. Sila ay nagtungo sa “Payatas Dumpsite”
kung saan narooon ang reyalidad ng kahirapan sa lugar. Hindi nila alintana
ang panganib na maaaring nilang sapitin sa lugar na iyon dahil masyado
silang nagalak at natuwa sa kanilang nakita dahil naisip nila na perpekto ang
lugar sa bawat anggulo na kanilang kukuhanan para sa pelikula. Malapit na
nilang maisakatuparan ang mga plano para sa kanilang pelikula nang may
mangyaring hindi nila inaasahan. Nakita na lamang nila ang kotse ni
Bingbong na pinagtutulungan sirain ng mga walang pusong nilalang at hindi
pa nakuntento sa ginawang pagsira, sa halip tinangay rin ng mga ito ang mga
gamit na nasa loob ng kanilang kotse. Natapos ang buong araw na dapat
sana’y matagumpay kung hindi lamang nangyari ang bagay na iyon.
Sa huling parte ng Ang Babae sa Septic Tank, ipinakita ang aktuwal na
pagkukuha ng isang eksena mula sa pelikulang “Walang-wala”, yun ay ang
“Septic Tank scene”. Halatang pinandidiri-an ng mga filmmakers ang hindi
kaaya-ayang amoy mula sa septic tank. Dahil sa labis na kagalakan ni Eugene
Domingo sa eksenang iyon at naging hindi maingat sa bawat galaw,
aksidente siyang nalaglag sa totoong “Septic Tank” na dapat sana ay gagawin
ng kanyang kadobol. Doon na nagtapos ang pelikula habang si Eugene
Domingo ay umaarte habang lubog ang kanyang katawan sa “Septic Tank”.

SINEMATOGRAPIYA:
Ang masasabi ko sa ginamit nilang pag-iilaw ay pang karaniwan para sa
pinili nilang lokasyon. Sa pangkalahatan, maganda ang kinalabasan dahil
tumutugma ang pag-iilaw sa bawat eksena. May parte naman kung saan ay
dumidilim at tila nakulangan ng ilaw. Yong parte na iyon ay nasa loob ng
bahay. Mas maganda sana kung mas maliwanag ang eksena dahil masaya sila
at kumakanta. Bukod don ay ang napansin ko sa unang bahagi ng kwento
medyo magulo ang pagkakakuha ng kamera yun yung tinatawag na “shaky”.

TUNOG AT MUSIKA:
Ang musika na napansin ko sa pelikula maliban sa mga “sound effects” ay
yung mga orihinal na kanta galing sa “musical scene”. Isa na doon ay
pinamagatang “Walang mawawala sa taong Walang-wala” na tumatalakay sa
hirap at gutom na dinadanas ng mga residente na nakatira sa “Payatas
Dumpsite”. Natawa naman ako sa kantang “Sabaw” na tumatalakay sa sabaw
ng “instant noodles” na tanging maihahain ni Mila para sa kanyang pitong
anak. Ang “Wag mo akong tignan” ay kanta ni Mila para sa kanyang anak na
kanyang ibebenta na kung tumingin ito sa kaniyang mga mata ay tila alam
nito ang gagawin ni Mila. Ang mga sumunod na kanta ay naging sagutan at
pag-uusap ni Mila at ni Mr. Smithburger. Ang huling awitin naman ay
“Sana’y malimutan” na kanta ni Mila para sa kanyang anak dahil ayaw
niyang maalala nito ang ginawa niya dahil alam niyang hindi siya nito
mapapatawad.

PANANALIKSIK O RESEARCH:
Ang istorya ay nakabase sa kahirapan ng isang pamilya. Gumawa ng pelikula
sina Rainier at Bingbong dahil gusto nilang maipakita sa mga taong na hindi
madali ang buhay.

DISENYONG PAMPRODUKSIYON:
Sa pelikula ang mga lugar, eksena, pananamit, at sitwasyon ay napanatili ng
direktor dahil kung papanoorin ang pelikula ay mapapansin mong
napapanatili ng direktor ang mga suot ng karakter na damit hanggang sa
wakas.

PAGDIDIRIHE:
Naging maayos ang padidirehe ng director na si Marlon Rivera dahil kahit na
“indie film” ang pelikula nila ay hindi nila ipinadama sa mga manunuod ang
pagiging simple ng kanilang pelikula, sa halip ay ipinadama nila ang galing
sa pag-arte ng mga tauhan lalong lalo na nung iniwan nilang pakiramdam
para sa mga manunuod. Hindi nila alintana ang kakulangan sa badyet dahil
pag sinabing “indie film” maliit lamang ang binibigay na pang gastos dahil
baguhan lamang ang direktor at ang mga kasapi sa pelikula.Naging maparaan
sila at ang mahalaga ay iminulat nila sa atin ang kahirapan sa isang kakaibang
paraan. Sa paraan kung saan mapapatawa at mapapahalagahan ng bawat
manunuod ang pelikula. Naging kakaiba ang pelikulang ito at bago rin sa
paningin ng mga manunuod.

PAG-EEDIT:
Maganda at maayos ang pagkaka-edit sa pelikula. Kung hindi maayos ang
pagkaka-edit rito ay hindi rin ito magiging isang napakagandang pelikula.

MGA KARANIWANG URI NG ANGGULO AT KUHA


NG KAMERA:
1.) Close-up Shot- ginamit ito nung nag-uusap sina Rainier at Bingbong
tungkol sa gagawin nilang pelikula na pinamagatang “Walang-wala”.
2.) Medium Shot- ginamit ang shot na ito nang pumunta sila sa coffee
shop.
3.) Panning Shot- ginamit ang shot na ito nung papunta ang sasakyan ni
Bingbong sa kanilang napiling lokasyon o ang “Payatas Dumpsite”.
4.) Extreme Close-up- ginamit ang shot na ito nung ipinokus ang
mukha ni Eugene Domingo bilang si Mila.

TEMA:
KAHIRAPAN AT AMBISYON

ARAL:
Ang aral na natutunan ko sa pelikulang ito ay “Sa gitna ng kahirapan may
pagsubok tayo na dapat harapin at lampasan dahil ang buhay ay hindi puro
sarap at kasaganahan, sa halip ang totoong buhay dito sa ating mundo ay
puno ng pagsubok na malalampasan natin kung tayo ay haharap nang
matatag sa mga problemang ating nararanasan dahil sa katagalan
magtuturo ito saatin ng leksyon at pangaral para sa ikabubuti ng ating
kapakanan.”

REAKSIYON:
Maganda ang pagkakagawa sa pelikula. Nagpapakita ito ng tunay na mga
pangyayari at nang maimulat tayo sa reyalidad na ang buhay natin. Ang
buhay ay hindi puro sarap at kasaganahan. Ang ating mundo ay puno ng
pagsubok at kailangan natin itong harapin ng matatatag at may paniniwala.
Hindi natin ito pwedeng basta na lang balewalain at iyon ang ipinapakita ng
istorya. Isa ito sa mga napakagandang pelikulang napanood ko at hinding-
hindi koi to malilimutan lalong-lalo na ang aral nito.
Nagustuhan ko rin ang pelikulang ito dahil ipinapakita nito kung paano mag-
isip ang mga direktor sa panahon ngayon. Mararamdaman mo talaga ang
kanilang pagsisikap para mabuo ang isang pelikula. Ang mga aktor at aktres
naman ay ibinubuhos talaga nila ang kanilang emosyon na para bang
nangyayari talaga ito sa kanilang totoong buhay. Hindi nila alintana kung
madumi, mabaho, o magulo ang isang lugar, mabuo lang nila ang pelikula.
Napakagaling ng pagkakagawa ng pelikulang ito.

You might also like