You are on page 1of 2

Rina Kawamura

11340053

FILDLAR

Ang Babae sa Septic Tank sa direksyon ni Marlon Rivera


Ang Babae sa Septic Tank ay tungkol sa tatlong kabataang nangangarap
makagawa ng isang dekalibreng pelikula na may potensyal mapabilang sa
prestihiyosong Oscar award. Sila ay naniwala na ito ay magtatagumpay hindi lang
sa ating bansa kundi pati rin sa buong mundo.
Nagsimula sa pagplaplano ni direktor Ranier (Ginampanan ni Kean
Cipriano), producer Bingbong (Ginampanan ni JM De Guzman), production
assistant na si Jocelyn. (Ginampanan ni Kai Cortez), kung paano nila
mapapaganda at gawing makatotohanan ang pelikula na pinamagatang Walang
Wala. Ang ginawa nilang kwento ay nangyari sa isang mahirap na lugar sa
Maynila na may patungkol sa isang ina na nagngangalang Mila (Eugene
Domingo), na naggawang ibenta ang kanyang sariling anak sa matandang
Amerikano upang mabuhay. Bilang isa sa pinakamagaling na aktres, napili ng tatlo
si Eugene Domingo upang gumanap bilang pangunahing karakter ng kanilang
gagawin pelikula. Habang patungo sa aktres, samot saring ideya ang naiisip ng
mga batang producer na ipinakita naman sa imahinasyon ni Jocelyn. Gawing
documentary drama, musical, at melodrama ang ilan sa mga naiisip nila. Ngunit
gusto ng direktor na gawing makatotohana ang pelikula.
Mga katanungan:
1. Anu-anong katangian ng pinanood na pelikula ang maituturing mong tatak
ng Indie Films? Bakit?

Ang mga independent films o madalas na tawaging "indie films" ay


patuloy na umuusbong sa ating bansa. Hindi lamang ito ipinapalabas sa
ating bansa. Ang independent films ay tinatawag ring "Malayang
Pelikula." -- ibigsabihin may sariling silang mga istilo kung paano nila
gagawin ang kanilang pelikula. Isa rin sa katangian ng nga indie films
ay ang pagkakaroon ng mainstream look. Kung ikokonekta natin,
nakita natin nung ibibigay na ni Mila ang kanyang anak sa Amerikano,
napaka obvious na ang mga mangyayari.

Rina Kawamura
11340053

FILDLAR

2. Anu-anong katangian naman ng pinanood na pelikula ang nagtataglay ng


mga elemento ng isang komersyalisadong pelikula? Bakit?

Ang unang elemento ay ang pag eendorse ni Mila sa mga produkto


na ginagamit nila sa kanilang pang araw araw na pamumuhay. Pinakita
ang isang sabon at noodles na kanilang ginamit. Pinakita rin kung paano
sinasahuran si Eugene Domingo. Sinabi nya na puro ganto ganyan,
maraming pinapagawa. Mas gusto nya na daw ang indie films.

3. Maituturing mo bang karapat-dapat panoorin ang indie film na iyong


napanood? Bakit?

Oo. Noong unam hindi ako naniniwala na indie film ito dahil
tumatak sa isip ko na ang mga indie film na ginagawa ng mga pinoy ay
may isang konsepto lamang pornogrpiya o kahirapan. Hindi ko naisip
na maaari pala itong maging katatawanan ngunit nagpapakita pa din ng
kahirapan habang hindi din naman pinagkagastuhan ng husto.

You might also like