You are on page 1of 2

THY WOMB

Directed by

Brillante Mendoza

Sariling Reaksyon BUOD Nagsimula ang kwento sa mag-asawang hindi biyayaan ng anak na nakatira sa pusod ng tawi-tawi. Si Shaleha (Nora Aunor) isang kumadrona na sobrang ang pagmamahal sa kanyang asawa , na kaya gawin ang lahat para lang sa ikakatuwa ng kanyang asawa at si Bangas an (Bembol Roco) ang kanyang asawa na gusto magkaroon ng anak. Ang kanilang ikinabubuhay ay ang pangingisda at paghahabi ng banig.Sa gustong magkaanak ni Bangas an sinabi niya kay Shaleha na payagan itong magpakasal sa iba upang magkaroon ng anak.Sila ay laging namamangka upang makarating sa ibang lugar sapagkat ang bahay nila ay nasa may pangpang kaya naman sila ay nangingisda na rin.Noong araw na yaon ay maganda ang kanilang huli sapagkat madaming isda ang nahuli nila ngunit sa di inaasahan ay may mga taong dumating upang kuhanin ang kanilang hinuli isda at nabaril si Bangas an.Ginamot ni Shaleha si Bangas an , awang awa siya sa kanyang asawa. Nagpunta si Shaleha sa kanyang kaptid upang itanong kung may nakita ng maaring mapapangasawa ng kanyang asawa dahil sa sila ay Muslim kailangan nila ng dowry. Malaki ang hinihingi ng pamilya ni Lira Osman na dowry sa kanila wala silang sapat na pera para maibigay ito. Patuloy sila sa paghahanap ng taong mapapangasawa ni Bangas an. Ipinakita sa pelikulang ito ang tradiyon ng mga Muslim kapag ikinakasal sapagkat nasaksihan ni Shaleha at Bangas an ang pagiisang dibdib ni Nurjay at Ayesha. Kung saan ipinakita ang tradisyon nila kapag may ikinakasal ang kumakausap sa lalaki ay ang mga matatanda at pagkatapos sisimulan ang ritwal. Pagkatapos ng kasal ay magsasayaw ang magasawa base na rin sa kanilang kultura.Hanggang sa sinabihan si Shaleha ng kanyang kaibigan na mayroon siyang kilala na maaaring mapangasawa ni Bangas an. Ngunit bigo pa rin sila kaya nagdasal siya kay Allah para ibigay ang kanyang hiling. Hanggang sa mayroon na sila nakita at malaki ang hinihingi dowry sa nagkakahalagang P150, 000 kaya naman humingi sila ng tulong sa kanilang mga kaibigan ng makalikom na sila ng pera pumunta na sila sa bahay ng mapapangasawa ni Bangas an at doon nakilala niya si Mersila Mga pansin at puna sa a. Mga tauhan

Shaleha- isang mabuting maybahay na sobrang mahal ang asawa dahil kaya niyang ibigay ang lahat para lang sa ikaliligaya nga kanyang asawa.Pumayag siya magkaroon muli ng asawa ang asawa para magkaroon ito ng anak kahit na masakit sa kanyang kalooban. Bangas an asawang gusto magkaanak at nagkaroon ng isa pang asawa Mersila- ang pangalawang asawa ni Bangas an at nabigyan niya ng anak ito. b. Istilo ng awtorang pelikulang ito ay detalye nakasaad pamula umpisa hanggang sa matapos ngunit masasabi kong bitin ang pelikula sapagkat nagtapos na lamang ito sa panganganak ni Mersila . May hinahanap pa ang mga manonood na dapat maging katapusan ng kwento. Siguro gusto ng direktor na tayo na lamang ang manghula sa maaaring mangyari sa kwento.. c. Galaw ng pangyayari Sa pelikulang ito mabagal ang galaw ng pangyayari dahil nakadetalye lahat ng pangyayari minsan ay hindi ko maintindihan sapagkat bigla na lamang nagiiba ang eksena. 2 .Bisa pampanitikan a. Bisa sa isip b. Bisa sa damdamin c. Bisa sa kaasalan

You might also like