You are on page 1of 2

MUNGKAHING BALANGKAS SA PANUNURING PAMPELIKULA

I.
II.

III.

PAMAGAT NG PELIKULA: IN TIME


DIREKTOR: Andrew Niccol
MGA KARAKTER:
Justin Timberlake
Shyloh Oostwald
Johnny Galecki
Olivia Wolde
Matt Bomer
Alex Pettyfer
Amanda Seyfield
Bella Heathcote
Vincent Kartheiser

-- Will Salas
-- Maya
-- Borel
-- Rachel Salas
-- Henry Hamilton
-- Fortis
-- Sylvia Weis
-- Michele Weis
-- Phillippe Weis

BUOD:
Napagbintangan si Will Salas na nagpatay at nagnakaw ng oras kay Henry Hamilton.
Pumunta si Will sa lugar na kung saan mga mayayaman lamang ang nakatira at doon
nakilala niya si Sylvia Weis na anak nina Michele at Philippe Weis na merong mga
malalaking kompanyang timelenders o pautangan ng oras. Inanyaya si Will ng
pamilya Weis na dumalo sa kanilang pagdiriwang sa bahay . Sa bahay natuntun ng
kaibigan ni Philippe na si Raymond Leon na isang tagapangalaga ng oras si Will at
kinunan ng isang libot isang daang taon na bayad sa pagpatay niya kay Henry at
akmang papatayin na sana ngunit nakawala si Will at hinostage niya si Sylvia.
Ipinunta ni Will si Sylvia sa lugar kung saan lumaki si Will at nakita ni Sylvia kung
ano ang kalagayan ng mga tao doon sa lugar ng mahihirap kaya naman nakonsensya
siya sa mga ginagawa ng mga mayayaman katulad ng kanyang pamilya at namigay
ng libreng oras sa mga tao. Simula doon lagi ng sasama si Sylvia kay Will na
magnakaw ng oras sa mga corrupt na mayayaman at namimigay ng mga oras sa

mahihirap at sa huli nakuha nila ang isang milyung taon na itinago ni Philippe Weis
sa kanyang banko at ipinamigay sa maraming mahihirap sa kanilang lugar.
IV.
PAGSUSURI SA MGA ELEMENTO NG PELIKULA:
A. Istorya
Napakahangahanga ang pagkagawa ng istorya . Nagbibigay ng malaking aral sa mga
taong tamad at mga taong nagsasayang ng kanilang mga oras. Isinalarawan ng istorya
ang kabuluhan ng buhay at mga bagay na dapat gawin upang hindi mag-aksaya ng oras.
B. PAGGANAP NG TAUHAN
Mahusay ang pagganap ng mga tauhan at angkop sa kanila ang mga posisyong
ginagampanan.
C. TAGPUAN
Angkop ang mga tagpuan na kinunan ng pelikula.
D. SINEMATOGRAPIYA
Maayos ang pagkagawa ng sinematograpiya ng kanilang pelikula, naaayon ang mga
props na ginamit nila sa pagkuha ng pelikula ganun na rin ang mga ilaw na gianmit nila.
E. MUSIKA AT TUNOG
Naayon ang mga musika ng pelikula at naayon ang mga tunog sa mga maeksenang
pangyayari.
F. ASPEKTONG TEKNIKAL
Makatotohanan ang mga pangyayari sa pelikula, gumamit talaga sila ng realistic na
bagay upang magmukha itong totoo sa mga paningin ng mga manonood. Maayos ang
mga pag-eedit ng mga eksena at angkop mga tamang anggulo sa mga maeeksenang
pangyayari ng pelikula.
V.MENSAHE NG PELIKULA
Ang pelikulang In Time ay nagbigay mensahe na dapat hindi magsayang ng mga oras sa
mga bagay na hindi makabuluhan. Dapat sa masinop na pamamaraan natin gagamitin ang ating
oras o buhay. Mensahe nito ay dapat palaging mapamatyag sa mga bagay na maaring dahilan ng
pagkawala ng ating buhay.

You might also like