You are on page 1of 3

A Mothers Story

Senedy Que

Mga Tauhan:
Remedios Medy Santos isang make-up artist, na naging tnt sa America sa paga-akalang
magiging maginhawa ang buhay nya at ng kanyang pamilya.
Queenie Santos bunsong anak ni Medy na maysakit sa baga
King Santos - panganay na anak ni Medy
Gerry Santos asawa ni Medy na walang trabaho
Helen dating kaklase ni Medy na nagsulsol sa kanyang manatili sa America
Celia kumare ni Medy na nagaruga sa kanyang mga anak habang wala siya at kalaguyo ni
Gerry
Neneng kaibigan ni Medy
Choleng Nanay ni Medy at unang nagsabi sa kanya na magtrabaho sa America
Cherry Anak ng pinagtra-trabahuhan ni Medy. Siya ang nagsauli ng passport ni Medy para
makauwi ng Pilipinas

Buod
Si Medy ay isang make-up artist, may dalawa syang anak si King at Queenie, habang ang
kanyang asawa na si Gerry ay walang trabaho. Nagtra-trabaho si Medy bilang isang make-up
artist sa isang popular na artista, pinili sya nito upang isama sa America para maging personal na
taga make-up. Sa pagpunta nya sa America, nakita nya roon ang dati nyang kaklase na si Helen
kinumbinsi sya nito na manatili na lang sa America upang maging tnt at sa gayoy
makapagpadala si Medy ng mas malaking pera sa kanyang pamilya. Sinunod nya ang payo nang
kanyang kaibigan sa kadahilanang kinaylangan nya ng pera upang mapagamot ang kanyang
bunsong anak na si Queenie.
Maayos naman ang kanyang naging unang tabaho roon ngunit napagtanto niya na hindi
sapat ang kanyang sinusweldo para sa pagpapagamot ng kanyang anak kaya naghanap siya nang
ibang trabaho. Sa tulong ni Helen, nakahanap sya ng trabaho at siya ay naging katulong. Noong
una ay maganda ang pagtrato sa kanya ng kanyang mga amo ngunit nung tumagal na sya roon ay

pinagmalupitan na siya ng mga ito. Sa kabutihang palad, ang anak ng kanyang mga nga amo na
si Cherry ay tinulungan sya upang makaalis na roon at makauwi na ng Pilipinas.
Pagkalipas ng 7 taon, nakauwi na si Medy sa Pilipinas ngunit wala syang dalang kahit
isang kusing. Ang mga anak nya na iniwan nyang mga musmos pa lamang ay ngayoy malalaki
na. Madali nyang nakuha ang loob ng kanyang bunsong anak na si Queenie samantalang may
sama ng loob naman sa kanya si King dahil sa pagiwan nya sa mga ito sa loob ng pitong taon.
Nalaman ni Medy na may iba ng kinakasama ang kanyang asawa. Pagkaraan ng ilang taon
nanalo ang kasong isinampa ni Medy sa kanyang mga amo at nakipaghiwalay na rin sya sa
kanyang asawa. Nakapagtapos ng pag aaral si King bilang isang nurs at pumunta rin sya sa
ibang bansa para magtrabaho. Naging maayos naman ang pamumuhay ni Medy sa Pilipinas sa
piling nang kanyang ina at ni Queenie.

Pagsusuri
1. Panahong Kinabibilangan:
2. Gintong Kaisipan/Balyus na nakapaloob sa akda:
Ipinapakita sa palabas na ito ang pagmamahal ng isang ina sa kanyang pamilya. Kaya nyang
magsakripisyo para sa ikabubuti ng kanyang mga anak, na kahit sya ay nahihirapan na
patuloy pa rin syang nagtra-trabaho matustusan lamang ang mga pangangailangan ng
kanyang pamilya.
3. Sariling Puna:
4. Mga mungkahi:

You might also like