You are on page 1of 1

BUOD NG CAREGIVER

Si Sarah (ginampanan ni Sharon Cuneta) ay isang guro sa Pilipinas habang ang kaniyang
asawa na si Teddy (ginampanan ni John Estrada) ay namalagi sa London para mag-trabaho bilang
nurse. Iniwan ni Teddy si Sarah at ang kanilang anak na si Paulo (ginampanan ni John Manalo).
Si Sarah ay mapro-promote na sana bilang koordineytor ng English department ng kanilang
eskuwelahan nang tumawag si Teddy para ayain si Sarah na mamalagi na rin sa London para sila
ay maka-ipon ng pera. Dahil doon, nagawang iwan ni Sarah si Paulo sa Pilipinas at lumipad
papuntang London upang mag-trabaho.

Nang siya ay makarating sa London, nakita niya na maganda ang pamumuhay ni Teddy
dahil mukhang mamahalin ang mga gamit na nasa kaniyang inuupahan na apartment. Para siya ay
makahanap ng trabaho, ginawan ng ka-trabaho ni Teddy na mabigyan ng interview si Sarah sa
isang home for the aged. At bilang isang guro ng Ingles sa Pilipinas, siya ay agad nakapasok sa
trabaho bilang caregiver. Sa una ay mahirap ang kaniyang trabaho dahil hindi siya sanay sa
ganoong larangan, pero siya ay pursigido para maka-ipon ng pera kaya itinuloy niya lang ang
pagtatrabaho, hindi na lamang pinapansin ang diskriminasyon.

Dahil sa kaniyang dedikasyon ay na-promote siya sa posisyong may mas mataas na bayad,
at doon siya na-assign kay Mr. Morgan, isang tycoon. Noong una ay hindi sila magkasundo, ngunit
sa huli ay naging magkaibigan na sila. Nakilala niya rin si Sean (ginampanan ni Makisig Morales),
isang bata na nakita niyang nagnakaw ng tsokolate. Matapos ang ilang araw, nalaman ni Sarah na
hindi pala nagtatrabaho bilang nurse si Teddy sa ospital, siya ay nagtatrabaho bilang taga-kuha ng
mga laboratory results, taga-ayos at taga-linis ng ospital. Doon pinanghinaan ng loob si Teddy
dahil si Sarah ay mas nakaka-angat na sa kaniya kahit siya ang mas matagal nanatili sa London.
Nauwi si Teddy sa pagiging manginginom.

Dumating ang isang kapamilya ni Mr. Morgan at ang tingin niya kay Sarah ay mababa, dahil
dito ay nag-desisyon na umalis ni Sarah at hindi na muling alagaan si Mr. Morgan. Sumama ang
loob ng matanda at mas lumala pa ang sakit kaya ang ginawa ni David, kamag-anak ni Mr. Morgan,
hinanap niya muli si Sarah at napilitang bumalik. Di nagtagal ay namaalam na ang matanda kaya
napag-isipan ni Sarah na bumalik na lang sa Pilipinas. Habang sila ay nasa airport ay sinumpong
na naman si Teddy ng pagiging masama ang ugali kaya napagtanto ni Sarah na iwan siya at
manatili sa London kasama ang anak na si Paulo at si Sean na kaniyang inampon na.

You might also like