You are on page 1of 3

Jiara Laine Montao

Prof. J. Jacobo, Phd.

Fil 11 GGG

25

November

2015
Batang Hamog
Magsisimula muna ako sa sanaysay na ito sa pag bigay ng depinisyon ng salitang
hamog at pagkatapos ay magbibigay ng isang buod ng pelikula at ang aking pagsusuri dito.
Ang hamog sa Vocabulario de la lengua tagala ay El Rocio de la maana1 na ang ibig sabihin
sa filipino ay ang hamog sa umaga2. Sa Tesauro Pilipino-Ingles ito naman ay dew3 at Mga
butil ng tubig mula sa hangin na namuo nang magdamag sa mga dahoon ng halaman o iba
pang malamig na rabaw4 sa UP Diksyunaryong Pilipino.
Ang Hamog ay isang pelikula na nagtatalakay nang mga buhay ng apat ng batang
nagngangalang Jinky, Moy, Tisoy at Rashid sa mga kalye dito sa Maynila. Silang apat ay
magkakaibigan at kumikita sa pamamagitan ng pagnanakaw mula sa mga malas na motorista.
Bawat isa sa mga batang ito ay may kanya-kanyang mga kwentong gustong ibahagi, ngunit
ang pelikulang ito ay nakatutok sa mga karakter nina Jinky at Rashid. Ang mga batang ito ay
hindi naman talagang mahirap o ulila, kagaya ni Rashid, at pwede namang mabuhay sa isang
komportableng buhay ngunti pinili paring mabuhay sa kalye sapagkat dito ay meron silang
kalayaan na gawin ang lahat na kanilang ninanais. Hindi katulad sa kanilang mga tahanan
kung saan silay palaging binabantayan. Sa ganitong contexto ay makikita natin ang mga
batang ito na ginagamit ang kalye bilang hamog
1 Vocabulario de la lengua Tagala, s. v., hamog.
2 Vocabulario de la lengua Tagala, s. v., hamog.
3 Diksyunaryo Tesauro Pilipino-Ingles, s.v., hamog.
4 UP Diksyunaryong Pilipino, s.v., hamog.

Tandaan natin na ang hamog ay nakakatago ng mga tao dahil sa putting kulay na napipinta
nito sa hangin. Dito sa hamog na ito ay nagiging malaya ang mga batang ito. Nagiging
masaya sila kasama ng kanilang mga kaibigan na nakakaintindi ng mga hinanakit nga bawat
isa. Ngunit ang hamog na ito, kung ika pa sa Ingles, ay isang double-edged sword. Sa totoong
buhay ang hamog ay maganda sapagkat makakatago ka mula sa mga taong gusto mong
layuan, ngunit ito rin ang dahilan kung bakit may mga taong namamatay sapagkat natatago
rin nito ang mga panganib sa daanan. Ganito rin sa pelikula. Ang hamog ay nagkakaroon ng
diwa ng invisibility. Ang mga batang ito ay parang maliliit na butil ng tubig sa hangin. Ang
mga pulis sa kwento ay palaging natatagpo ang mga batang ito, mayroon ding mga social
services para sa kanila ngunit ang mga taong inatasang tulungan ang mga bata kalye ay hindi
naman lubhang nakakatulong. Parang mga taong na bitang sa hamog na sinusubukang hulihin
ang mga batang ito. Ngunit dahil nga maliliit na butil ang mga bata hindi talaga nila
natutulungan ang mga ito. Makikita ang sitwasyong ito kay Jinky kung saan idinala siya sa
opisina ng DSWD. Ilang ulit na sinabi ni Jinky na ayaw niya sa isang girls town sapagkat di
nakikita ng mga taong ito ang kanilang totoong mga hinanakit. At dahil dito lumalala lamang
ang sitwasyon. Nagkakaroon ng poot at galit ang mga bata sa kanila. Nawala na nag kanilang
tiwala na tutulungan nga sila.
Sa kontestong ito ay nagkakaroon din ng isa pang diwa ang salitang hamog.
Nagkakaroon ng kasingkahulagan ang salitang ito sa pamahalaan at lipunan. Sapagkat di
sapat ang mga resources ng lipunan, ito pa ang nagiging hamog sa kaliwanagan ng kabataan.
Naging biktima ang mga bata ng lipunang walang kakayahang pangalagaan ang mga
kinabukasan ng mga ito. Ang lipunan ang naging hamog, ang nagpapawala sa mga bata sa
daan na sanay kanilang tatahakin kung mas mabuti lang sana ang kanilang pag-aaruga.
Kitang-kita ito sa isang eksena kung saan itinaboy ng kanyang ina si Jinky, sa paghusga nga
mga tau kay Tisoy at Rashid at sa kamatayan ni Moy.

Bibliyograpiya
Almario, Virgilio S., pat. UP diksyonaryong Filipino. Quezon City: University of the
Philippines-Sentro ng Wikang Filipino at Anvil Publishing, Inc., 2010
de Noceda, Juan at Pedro de Sanlucar, pat. Vocabulario de la lengua tagala. Komisyon sa
Wikang Filipino, 2013
de Noceda, Juan at Pedro de Sanlucar, pat. Vocabulario de la lengua tagala. Manila: Imprenta
de Ramirez y Giraudier, 1860
Panganiban, Jose Villa. Diksyunaryo tesauro Pilipino-Ingles. Quezon City: Manlapaz
Publishing Co., 1972

You might also like