You are on page 1of 7

Pagtalakay sa Paksa

Ating kilalanin ang iba’t ibang dulog sa pagsususri ng Pelikulang Panlipunan

1. MARXISMO- isang pandaigdigang pananaw at pagsusuri ng lipunan na tumutuon sa ugnayan at


hidwaan ng mga antas ng lipunan na gumagamit ng materyalistang interpretasyon ng takbo ng
kasaysayan, at diyalektikong pananaw ng pagbabago ng lipunan. Gumagamit ng ekonomiko at sosyo-
pulitikal na pag-uusisa ang metodolohiyang Marxista na siya namang ginagamit sa analisis at kritika ng
pag-unlad ng kapitalismo at ang ginagampanan ng tunggalian ng uri sa sistematikong pagbabagong
pang-ekonomiya.

Pinukaw ng dalawang Alemang pilosopo—sina Karl Marx at Friedrich Engels—ang kaisipang Marxismo
noong kalagitnaan hanggang huling-bahagi ng ika-19 na siglo. Ang mga analisis at metodolohiyang
Marxista ay nakaimpluwensiya sa maraming ideolohiyang pulitikal sa kilusang panlipunan. Umiikot ang
Marxismo sa isang teoryang pang-ekonomiya, sosyo-lohikal, metodong pilosopikal, at panghimagsikang
pananaw ng pagbabago ng lipunan.[1](https://www.wikiwand.com/tl/Marxismo)

- Ito ay nagpapakita ng tunggalian ng mayaman at mahirap, mahina at malakas,


makapangyarihan at api. ( http://tl.answers.com/Q/ kahulugan ng teoryang marxismo)

- Layunin ng teoryang ito na ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay may sariling kakayahan
na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-ekonomiyang kahirapan at suliraning panlipunan at
pampulitika. Ang mga paraan ng pag-ahon mula sa kalugmukan ay magsisilbing modelo para sa mga
mambababsa. (http://filipino3zchs.multiply.com/journal/item/24)

2. REALISMO- Ang teorya ng realismo ay tumatalakay sa katotohanan sa lipunan. Karaniwan


nitong pinapaksa ang kalagayan na nangyayari sa lipunan tulad ng kurapsyon, katiwalian, kahirapan at
diskriminasyon. Madalas din itong naka pokus sa lipunan at gobyerno. Mahalaga din sa nagsusuri ng mga
akda na sinusuri sa teoriyang ito na maiugnay ang mga pangyayari sa akda o teksto sa lipunan.

Layunin nito na ipakita ang mga karanasan at masaksihan ng may-akda sa kanyang lipunan. Higit
na pinahahalagahan ang paraan ng pagsasalaysay kaysa sa paksa.Samakatwid ang panitikan ay hango sa
totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at
pagkaepektibo ng kanyang isinulat. Nagpapahayag ito ng pagtanggap sa katotohanan o realidad ng
buhay. Ipinaglalaban ng teoryang realismo ang katotohanan kaysa kagandahan.

Sinumang tao, anumang bagay at lipunan ayon sa mga realista, ay dapat maging makatotohanan
ang paglalarawan o paglalahad. Karaniwang nakapokus ito sa paksang sosyo-pulitikal kalayaan, at
katarungan para sa mga naapi. Kalimitang paksain ang nauukol sa kahirapan, kamangmangan,
karahasan, krimen, bisyo, katiwalian, prostitusyon at kawalan ng katarungan.

Ang Dekada 70 (nobela na ginawang pelikula) ay halimbawa ng Realismo


(https://prezi.com/m6wzaq7lynfv/teoryang-realismo/
© 2020 Prezi Inc. Terms & Privacy Policy Published with reusable license by
Dawn Hether Battad July 16, 2014

3. PORMALISMO- Pinagtutuunan ng pansin sa teoryang ito ang mga instruktura o pagkakabuo


nito. Ang pisikal na katangian ng akda ang pinakabuod ng teoryang formalismo. Ang tunguhin ng
teoryang ito ay matukoy ang: nilalaman, kaanyuan, o kayarian, paraan ng pagkakasulat ng akda..Walang
simbolismo at hindi humihingi ng higit na malalimang pagsusuri’t pang-unawa. Ang layunin ng panitikan
ay iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang kanyang tuwirang panitikan. Sa
pangkalahatan, ang teoryang ito tumutukoy sa kayarian ng nilalaman ng isang akda. Samakatuwid, kung
ano ang sinasabi ng may-akda sa kanyang panitikan ang siyang nais niyang ipaabot sa mambabasa –
walang labis at walang kulang. (https://prezi.com/hby8wi4rsz7z/teoryang-pormalismo/)

- Nagbibigay-pansin sa anyo ng literatura ang mga pormalista. Para sa mga pormalista, ang
panulaan ay hindi panulaan dahil lamang gumagamit ito ng temang tumatalakay sa kondisyon ng
tao, kung hindi dahil sa proseso ng wika.-ayon kay Jakobson (1921), ang panulaan ay anyo ng wika na
ang oryentasyon ay sa sarili nitong anyo o porma. Ang pinag-ugatan ng teoryang ito ay masugid na
tinalunton ng mga kilalang kritiko, kabilang ang sinulat ni Coleridge na itinuturing niyang “buhay” dahil
sa kaisahang nakapaluob dito. Matuklasan at maipaliwanag ang anyo ng akda ang tanging layunin ng pg-
susuring pormalistiko.Walang pagtatangkang busisiin sa teoryang ito ang buhay ng may-akda. Hindi rin
binibigyang-puwang ang kasaysayan at lalong hindi pagtutuunan ng pansin ang implikasyon sosyolohikal,
politikal, sikolohikal at ekonomikal. Tanging pisikal na katangian ng akda ang pinakabuod na pagdulog na
ito. Ang tunguhin ng teoryang ito ay matukoy ang nilalaman, kaanyuan o kayarian at paraan ng
pagkakasulat ng akda. Ang teksto mismo ang pokus sa paggamit ng teoryang Pormalismo.
( https://prezi.com/q7t1nbps4gai/teoryang-pormalismo/)

4. FEMINISMO- Ang teoryang ito ay tumutukoy sa prinsipiyo o paniniwalang dapat maging pantay
ang mga babae at mga lalaki sa pagtamasa ng mga karapatang sosyal, ekonomiko, at politikal. Bilang
isang teoryang pampanitikan, layunin nito ang maunawaan ang di pagpakapantay-pantay ng mga lalaki
at mga babae.

-Ito ay tumutukoy sa prinsipiyo o paniniwalang dapat maging pantay ang mga babae at mga lalaki sa
pagtamasa ng mga karapatang sosyal, ekonomiko, at politikal. Bilang isang teoryang pampanitikan,
layunin nito ang maunawaan ang di pagpakapantay-pantay ng mga lalaki at mga babae. Nilalayon upang
maunawaan ang mga likas na katangian ng kasarian hindi pagkakapareho sa pamamagitan ng pagsusuri
sa social tungkulin pambabae at nanirahan karanasan; ito ay bumuo ng mga teoryang sa iba’t ibang mga
disciplines upang tumugon sa mga isyu tulad ng mga social construction ng sex at kasarian.

Tumatalakay sa hindi pagkapantay-pantay ng babae at lalaki. Transpormasyon ng isang

Babae mula sa pagiging mahina na naging aktibo at matatag. Isang koleksyon ng mga

Paggalaw at ideologies na naglalayong pagtukoy, pagtatatag, at ang pagtatanggol ng


Estado ng pantay na pampulitika, pang-ekonomiya, pangkultura, at panlipunang mga

Karapatan para sa mga kababaihan

Madaling matukoy kung ang isang panitikan ay feminismo

· babae o sagisag babae ang pangunahing tauhan na ipinapakita ang mabubuti at magagandang
katangian ng tauhan na ito.

(https://prezi.com/e8fzt6q-kzjw/feminismo/Katya GojarUpdated July 5, 2014)


Layunin ng panitikan
Ipakilala ang mga kalakasan at kakayahang pambabae

Iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan

PANANAW FEMINISMO

Naglalayon itong mawala ang de-kahong imaheng ibinibigay sa babae.

Sa paksa, makatotohanang inilalarawan ang mga karanasan ng kababaihan sa matapat na pamamaraan.

Sa estilo, malaya ito at karaniwan ang ginagamit na pananalita.

Sa porma, mabisa ang monologong dramatiko at realistiko

Sa tauhan, hindi na de-kahon ang mga kababaihan kundi aktibo na.


(https://prezi.com/1kiwy1kphuie/teoryang-feminismo/Published with reusable license by Angela
ParedesNovember 26, 2013)

Halimbawang pelikula ng bawat Dulog

MARXISMO

Magnifico (2003)

Mulanay sa Pusod ng Dagat (1996)


Maynila: sa Kuko ng Liwanag (1975)
REALISMO

Himala (1982)
Anak (2000)

Heneral Luna (2015)

FEMINISMO
Liway (2018)
Bata bata Paano ka Ginawa (1998)
Buy bust (2018)

PORMALISMO- walang halimbawa sa kadahilanang ito ay teorya na ang pokus ay sa karakter, tema at
kabuuan ng pelikula

II. Pagtalakay sa Paksa

Basahing mabuti ang buod ng dalawang pelikula. ( Ipinapayo ring panoorin ang dalawang pelikula
(maaari sa youtube o kaya sa inyong bahay kung mayroon kayong kopya ng nasabing pelikula) upang
mas lalong maging mabisa ang pagkaunawa sa pelikula. At pagkatapos ay sagutin ang ilang mga
Katanungan at Gawain sa modyul na ito.

BUOD NG PELIKULANG ANAK (2000)

Direktor: RORY QUINTOS

Ang istorya ay tungkol kay Josie (Vilma Santos), isang ina na nagtatrabaho sa Hong Kong bilang domestic
helper. Ginawa niya ito upang makapagpadala ng pera sa mga anak niya upang matustusan ang kanilang
pangangailangan. Binangggit niya na ginagawa nya ito para mabigyan ng magandang kinabukasan ang
kanyang mga anak. Bagamat siya ay malayo sa kanila, tiniis nya ang mga pasakit ng kanyang amo at ang
kanyang pagnanais na makasama ang kanyang mga anak sa kanilang paglaki.

Nagsimula sa isang masayang mag-anak, nagkawatak watak ang buhay ng mga anak ni Josie magmula
ng yumao ang kanilang ama na syang kasama nila sa bahay.Dito nagsimulang masuklam si Carla
(Claudine Baretto) sa kanyang ina. Nagpadala sila ng sulat sa inang nasa Hong Kong upang malaman ang
nangyari at upang siya ay umuwi. Gayunpaman, hindi nabasa ni Josie ang sulat dahil sya ay kinulong ng
kanyang amo sa loob ng kanilang bahay nang silay lumipad sa Estados Unidos ng isang buwan. Nabasa ni
Josie ang sulat pagkaraan ng isang buwan, ngunit hindi pa rin siya pinayagan ng kanyang among umuwi
kahit magmakaawa pa siya.

Pagkaraan ng ilang taon, umuwi na rin si Josie. Nagawa nya ito dahil itinigil na nya ang kanyang trabaho
sa Hong Kong. Nagnanais siyang magtayo ng isang negosyo na kasosyo ang kanyang dalawang kaibigan.
Namuhunan sila ng tatlong taksi para ipasada sa kalsada. Masaya ang kanyang pagbalik pagkaraan ng
anim na taong pangungulila. Gayunpaman, naharap nya ang matabang na pagsalubong ng mga anak. Si
Daday, ang bunso, ay hindi sya kilala. Si Michael (Baron Geisler)ay mahiyain at walang kimi at si Carla, na
hindi man lang ginagalang ang ina at iniitsa-pwera lamang.
Ninais ni Josie na makuha ang simpatiya ng mga anak sa pamamagitan ng mga pasalubong. Hindi ito
tinanggap ni Carla. Sa pagdaan ng panahon, unti-unting nakikita ni Josie ang mga bisyo at karanasan ni
Carla, paninigarilyo, tattoo, paghihithit ng droga, panlalalake at pagpalalaglag ng bata. Dagdag pa dito
ang pagkawala ng iskolarship ni Michael na siya pa namang pinakamatalino sa kanyangmga anak.
Nabangga pa ang taksing pinundar ni Josie at iniwan siya ng isa sa mga kasosyo niya dahil nagastos niya
ang perang ibabahagi sana niya.

Sa sunud-sunod na problema ni Josie, gusto na sana niyang sumuko. Pinagtatabuyan siya ni Carla.
Lumala pa ang alitan ng lumayas si Carla sa bahay at lalong nalulong sa kanyang bisyo. Nang mawala ang
iskolarship ni Michael,nagsimula ng mag-init ang ulo ni Josie dahil ang dami na ng kanyang binabayaran.
Dahil dito, napahiya si Michael sa mga pangarap na gusto ng ina niya sa kanya.Lumayas din si Michael.

Nagtuluy-tuloy ang kamalasan ni Josie kasabay ng pagkaunti ng kanyang inimpok na salapi para sa
kanyang pamilya. Dahil dito, napilitan siyang magbalik sa Hongkong. Isang gabi bago siya babalik sa Hong
Kong, napuno si Josie sa pagtrato sa kanya ni Carla. Malaki ang alitan ng dalawa hanggang sa binuhos
nya ang lahat lahat ng kanyang nararamdaman sa mga anak. Sa oras na ito, namulat ang mga mata ni
Carla sa katotohanang sya ang sumira sa buhay niya at wala na siyang mapagbabalingan ng sisi kundi ang
sarili nya dahil sa pagpapalalo nya sa kanyang bisyo. Ang kanyang paglaki ng walang inang gumagabay sa
kanyang tabi ang nagtaboy sa kaniya para magrebelde, ngunit sa kanilang alitang iyon, naintindihan rin
ni Carla ang pagmamahal ni Josie sa kanila bagamat malayo siya sa kanilang tabi.

BUOD NG PELIKULANG CAREGIVER (2008)

Direktor: CHITO RONO

Si Sarah ay isang mahusay na guro sa Pilipinas. Kasabay ng kanyang pagtuturo ay ang pag-aaral ng
caregiver. Dahil isa siya sa pinakamahusay na guro, mapo-promote na sana siya bilang English Head
Teacher sa kanilang departamento ngunit siya ay nagdesisyon na sundan ang kanyang asawa na si Teddy
sa London. Ibinenta niya ang kanyang bahay dahil sa pagnanais na makapunta sa London. Naiwan ang
kaisa-isa niyang anak sa kanyang ina at lola sa Maynila. Hindi matanggap ni Paolo(anak, Jay Manalo) na
siya ay maiwan kung kaya’t siya ay nagrerebelde sa pamamagitan ng pag-alis na hindi humihingi ng
pahintulot sa magulang. Siya naman ay pinaliwanagann ni Sarah kung bakit niya iiwan at kung sakaling
magkapera na siya sa London ay isasama din niya ito doon.Nagkaroon sila ng masinsinang pag-uusap at
pagkatapos ay namasyal silang dalawa.

Nang si Sarah ay nakarating sa London ay agad naman siyang sinalubong ni Teddy. Puno nang galak
ang pagkikita ng dalawa. Hindi inakala ni Sarah na Malaki pala ang inuupahang bahay ng kanyang asawa.
Nurse ang hanapbuhay ni Teddy doon kung kaya’t malaki ang sahod. Buong puso naman siyang
nagtiwala sa mga sinasabi ng kanyang asawa. Para makuha niya agad ang kaniyang anak na si Paolo sa
Pilipinas ay nagtatrabaho siya bilang caregiver sa isang orphanage kasama si (Rica Peralejo) na nagging
kaibigan niya. Nang siya ay namili sa tindahan ay Nakita niya si Shan (Makisig Morales) na nagnanakaw
ng pagkain. Agad niya itong pinagsabihan na “ang bata pa niyang magnakaw at hindi ito tama. Binigyan
niya ito ng aral, ngunit ay tumakbo. Sa nagdaang araw, nagging kaibigan niya si Shan at Nawala ang
kaniyang pangungulila na kanyng nadama para kay Paolo

Sa kabilang dako, ang tunay na trabaho pal ani Teddy ay isang nurse aid. Habang si Sarah ay
naghihirap sap ag-aaruga kay Lily, napamahal na siya rito. Dama ni Sarah kung ano ang hirap ng isang
Filipino worker doon. Naranasan niyang murahin at tapunan ng pagkain ng isang matanda. Kahit na
ganoon, nalampasan niya ito. Hanggang sa namatay si Lily (ang matandang kanyang inalagaan). Dahil sa
pangyayaring iyon ay nasaktan si Sarah kung kaya’t ninais na niyang magretiro sa trabaho. Hindi natuloy
ang naisip niyang plano dahil sa nais niyang makuha si Paolo at dahil rin sa hirap ng buhay na kanyang
dinaranas. Nagging magulo ang buhay ni Sarah nang malaman niya ang lihim na trabaho ng kanyang
asawa .Nakita niya ito nang nadisgrasya si Shan at naospital. Doon ay nasaksihan niya na si Teddy pla ay
isang nurse aid at hindi tunay na nurse. Yaon ang hakbang kung bakit naging madalas ng uminom at
naninigarilyo si Teddy. Minsan itong pinagsabihan ni Sarah ngunit lalong nagulo ang sitwasyon dahil
nawalan na ito ng trabaho. Isang araw, nakilala ni Sarah ang anak ni Nurse Morgan na si David

Hanggang si G. Morgan na ang matandang inaalagaan ni Sarah. Mainitin ang ulo ni G. Morgan,
pinahiirapan niya si Sarah ngunit pinalawak niya ang kanyang pasensya dahil batid niya ang kahirapang
nadarama nito. Umabot rin sa kasukdulan angpsensyang kanyang nabitawan hanggang sa napagsabihan
niya ito ng kung ano-anong kanyang mga saloobin, maging mga paghihirap na kanyang nadarama
habang wala sa kanyang piling ang anak na si Paolo. Naliwanagan si G. Morgan sa mga sinabi ni Sarah.
Naging malapit na magkaibigan silang dalawa kaya dinala ni G. Morgan si Sarah sa kanilang bahay.
Masaya sila sa panahong iyon. Nang dumating ang kapatid na babae ni David ay nagkaroon ng
masinsinang pag-uusap ang dalawa. Hindi nagdalawang-isip na umalis si Sarah, nagbilin na lamang siya
ng mensahe. Ikinasama ito ng loob ni G. Morgan at lalong lumubha ang kanyang kondisyon. Dahilan ito
upang hanapin siya ni David at nang sila ay nagkita, pinakiusapan niya si Sarah na puntahan ang kanyang
ama

Hindi rin sila nagtagal dahil namatay rin si G. Morgan. Habang naglalaro si Sarah at David ng
saranggola sa bakuran, nagdudulot ito ng kalungkutan sa buhay ni Sarah. Kaya’t naisipan niya na umuwi
sa Pilipinas kasama si Teddy. Uuwi sila ng walang maihaharap na mukha kay Paolo. Dahil ditto,
nagpaiwan na lang siya sa London upang magtrabaho habang umuwi si Teddy kasama ang kabiguang
tinatamasa. Sa katapusan ay natupad ni Sarah ang kanyang minimithi na makuha si Paolo at madala ito
sa London. Naging masaya at makabuluhan ang buhay niya kasama ang kaniyang anak.

You might also like