Professional Documents
Culture Documents
Inihanda nina:
Macalinao, John Lance
Mapilisan, Nicole Mary
Nebria, Jemelyn
Princillo, Mico
Romero, Gerald Jake
Velasquez, Reswin
RASYONAL
Ang wika ay isang mahalagang kasangkapan na ginagamit upang maiparating ang mga
nasasaloob na ideya at damdamin ng isang tao. Hindi lamang ito isang paraan ng pakikipag-usap
sa kapwa kundi ginagamit din ito upang makipagkaibigan, makipagtalakayan at maibahagi ang
iba’t ibang opinyon at kaisipan. Sa buong kasaysayan, maraming mga bagay, sitwasyon at
pangyayari na tumutukoy sa kahalagahan ng wika sa mga tao, sa kapaligiran at higit lalo na sa
bansa. Ang wika ay kumakatawan din sa pangunahing pagpaparating sa iba ng panlipunang
pagkakakilanlan.
Ayon kay Dr.Constantino, isang dalubwikang Pilipino, nasa higit sa isang daang (100) ang
mga wika at apat na raang (400) wikain ang matatagpuan sa Pilipinas. Ang mga sumusunod na
Wika ay: Tagalog, Waray, Ilokano, Kapampangan, Cebuano, Hiligaynon, Bicolano, at
Pangasinense.
Lumabas sa surbey na nanguguna ang Tagalog ata pumapangalawa naman ang Cebuano kung
ang wikang ginagamit sa tahanan ang pag-uusapan. Ngunit nakakalamang ang Cebuano
kumpara sa Tagalog kung ang pag-uusapan ay unang wikang natutunan. Ang Wikang Cebuano
ay ang ika-47 na nangungunang wika sa buong mundo at ikalawa naman sa pinakamalalaking
wikang ginagamit sa Pilipinas, kung saan humigit kumulang 20 milyong Pilipino ang nagsasalita
nito bilang kanilang unang wika, at 11 milyong Pilipino ang nagsasalita nito bilang pandagdag na
wika.
Ang Layunin ng pananaliksik na ito ay bigyang pansin ang kakayahan ng Wikang Cebuano
bilang Wikang Pambansa.
Ang wikang ito ay sinasalita ng grupong Sebwano sa Cebu at ng iba pang pangkating
etniko sa Visayas at Mindanao. Kilala ang wikang ito sa tawag na Sugbuhanon, Sugbuanon,
Visaya, Bisaya, at Binisaya.
Ayon kay Dr.Mojares (Direktor ng Cebuano Studies Center), ang pagtatalaga sa Filipino
bilang Wikang Pambansa ay sinang-ayunan ng mga Cebuano, ngunit may mga hindi sila
nagustuhan sa ilang mga pangungusap. Ang pag-aaklas ng mga Cebuano ay bunga raw ng hindi
pantay na distribusyon ng kapangyarihang pambansa. Isinabulat niya na “I f you do not speak
the language of the center or of the dominant class, you will find yourself consigned to the
periphery, marginalized, and excluded.”
Ayon kay Jashua Demigello, “Well they think they have the right kasi nga visayas at
Mindanao ay cebuano speaker, na kng saan mas malawak yung population ng mga bisaya kesa
sa tagalog. And I think ganun sla mag patronise ng language nla. Medyo ma pride”.
Ayon kay Loisa, “Para sa akin bakit pa papalitan kng nakasanayan nmn yung filipino or tagalog,
dahil pag pinalitan malaking adjustment yung mangyayari, at manila nmn yung sentro ng pinas so ok lng
pag tagalog parin, at mahiralan yung mga non bisaya speaker dahil mahirap intindihin yung bisaya, at
halos lahat ng pilipino kahit bata marunong nmn at nakakaintindi ng tagalog kahit bata”.
PAGLALAHAT
Ang pagkakaroon ng Wikang Pambansa ay may layuning pag-ugnayin ang bawat mamamayan
sa isang bansa na siya namang nagbibigay tulay tungo sa pag-unlad nito maging sa iba’t-ibang
aspeto. Angkop lang na sa pag-aaral na ito ay maiparating ang hangaring lalong maintindihan at
matuklasan ang Wikang Cebuano. Bukod sa pagpapaunlad ng Wikang Filipino may
ipinapakitang angking kagandahan ang paggamit ng Wikang Cebuano dahil ang Cebu ay ang
lugar na may makulay na kasaysayan at tinaguriang pinakamalaking lungsod ng Pilipinas.
SANGGUNIAN:
● Panitikang Cebuano 2016 Vol XCIII, No.311
● https://www.academia.edu/36247768/Kahalagahan_ng_Wikang_Filipino_sa_Edukasyon
● https://www.scribd.com/document/367281751/Wikang-Cebuano
● https://pinoypawikan.weebly.com/blog/sebwano1
● https://ejournals.ph/article.php?id=7949 Wikang pambansa