You are on page 1of 10

INTRODUKSYON

Rasyunal ( Background ng paksa)

Layunin ( Tatlong pangungusap ang layunin kung ano ang nais


ninyong masagutan sa gagawing pananaliksik)

Kahalagahan ng Pag-aaral (Significance)

Metodo ( Tatalakayin sa bahaging ito ang Uri ng pananaliksik,


Paraan ng Pananaliksik, at ang mga repondente o impormante)
INTRODUKSYON

Nakikilala ang tao sa pamamagitan ng wikang kanyang ginagamit saan man siya

magpunta. Ayon kay Whitehead (2017), isang Educator at Pilosopong Ingles, ang wika

ay kabuuan ng kaisipan ng lipunang lumikha nito. Bawat wika ay naglalaman ng

kinaugaliang palagay ng lahing lumikha nito. Ito raw ay salamin ng lahi at kanyang

katauhan. Nararapat lamang itong pahalagahan at gamitin bilang pagbigay-galang sa

lahing ating kinabibilangan.

Dagdag naman ni Gleason (2007) ang wika ay masistemang balangkas ng

sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga

taong kabilang sa isang kultura. Ang taong nakatira sa isang lipunan ang nagpapaunlad ng

wika. Wika rin ang nagpapaunlad ng tao sa pamamagitan ng patuloy na paggamit nito

dumaan man ang ilang taon at pagsubok sa kanyang identidad bilang mamamayan. Ang

wika ay dinamiko. Nagbabago ang wika ayon sa panahong kanyang pinaglilingkuran.

Nagiging buhay ang wika kung ito ay patuloy na ginagamit ng mga tao.

Ang Pilipinas ay isang multilinggwal na bansa. Sa bisa ng 1987 Konstitusyon tayo

ay nagkaroon ng wikang Filipino na siyang nagbubuklod sa atin upang magkaunawaan.

Ayon sa Ethnologue: Languages of the World, may 186 na wika ang Pilipinas, ngunit 182

na lang rito ang buhay. Kaya’t noong nakaraang Agosto nitong taon ang Komisyon ng

Wikang Filipino (KWF) ay nagmungkahing buhayin ang mga katutubong wika. Idinagdag

pa ni Ginoong Virgilio Almario na tagapangulo ng KWF “Bakit natin ito ginagawa? Dahil

nais nating pagpugayan at patunayan na mahalagang bahagi ng ating pagkabansa ang 130

katutubong wika sa Pilipinas. Ito ang buong pagmamalaking ipinahayag ng ating tema na
“Wikang Katutubo: Tungo sa isang Bansang Filipino,” sabi niya sa flag raising ceremony

ng Lungsod ng Maynila sa Liwasang Bonifacio. Tunay nga naman nararapat na

pahalagahan ang wikang nagpapakilala sa ating mga Pilipino. Isa na rito ang katutubong

wikang Subanen na siyang pokus ng mga mananaliksik ( Talabong, 2019).

Ayon kay Cebrero (2014), ang Subanen ay isa sa pinakamaliit na pangkat ng

minoriyang pangkat etniko dito sa Pilipinas. Ang wikang kanilang ginagamit ay

nakapedende sa lugar kung saan sila napabilang. Sila ay may iba’t ibang paraan sa

pagbikas ng mga salitang kanilang ginagamit na maaring magiging iba ang kahulugan.

Ang mga taong Subanen ay karaniwang matatagpuan sa mga lalawigan ng Zamboanga

Del Norte, Zamboanga Del Sur at Zamboanga Sibugay at mayroon din sa Misamis

Occidental. Sila ay isang grupo ng lumad o hindi-Muslim na tribo. Tinatawag din silang

subanon o Subano mula sa salitang “suba” isang binisayang kahulugan para sa “ilog”.

Karamihan sa kanila ay matatagpuang naninirahan sa malapit asa ilog o sa bundok.

Tinatayang nasa mahigit 175,000 ka tao ang naninirahan at rehistrado sa mga lugar ng

Zamboanga peninsula hanggang sa bulubundukin mg Misamis Occidental.

Ang Pilipinas ay binubuo ng kapuluan. Taglay nito ang iba’t ibang katutubong

wika. Ang wika ay siyang pagkakilanlan ng isang tao. Ngunit kasabay ng

industriyalisasyon ay unti- unting namamatay ang ilan sa ating mga katutubong wika. Isa

na rito ang wikang Subanen, kung kaya’t pumukaw sa kaisipan ng mga mananaliksik ang

pag-aaral ng wikang Subanen upang buhayin ulit ang kulturang malapit ng kalimutan

lalong-lalo na sa mga kabataan ng bagong henerasyon. Sa pamamagitan nito

ipagmamalaki nila ang kanilang pagkakakilanlan.


Layunin ng Pag-aaral

Ang pag-aaral ng wikang Subanen ay pumukaw sa kaisipan ng mga mananaliksik

upang bigyan ng kahalagan ang Subanen hindi lamang sa kanilang kultura ngunit sa

malaking bahagi ng kanilang pagkakilanlan - ang wikang kanilang ginagamit. Nilalayon

ng pag-aaral na ito na magkaroon ng paghahambing sa wikang Subanen ng Mabuhay,

Zamboanga Sibugay at Dalingap, Clarin Misamis Occidental. Napili ng mga mananaliksik

ang lugar ng Mabuhay, Zamboanga Sibugay sapagkat hindi pa ito gaanong kilala ng mga

tao kagaya ng Lapuyan, Zamboanga del Sur na halos sentro na ng mga pag-aaral. Upang

mabigyan ng katuparan ang layunin na ito, sisikapin ng mga mananaliksik na matalakay

ang mga sumusunod na aspekto:

1. Ano-ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng wikang Subanen sa morpolohikal na

aspekto batay sa sumusunod:

1.1. morpema

1.2. pagbuo ng salita

1.3. pagbabagong morpoponemiko

1.4. salitang pangnilalaman

1.5. pangkayarian ng pangngalan?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Mahalaga ang pag-aaral na ito sa mga taong nakatira sa Mabuhay, Zamboanga

Sibugay at Dalingap, Clarin Misamis Occidental lalong-lalo na sa mga sumusunod:

Mga mag-aaral. Mapapansin natin na kahit gumawa na ang ating gobyerno ng

batas upang pangangalagaan ang kapakanan ng ating mga lumad sa pamamagitan ng R.A
No. 8371 “The Indigenous Peoples’ Rights Act of 1997” marami pa rin sa ating mga

kapatid na Subanen ang may pag-aalinlangang ipakita ang kanilang pagkakakilanlan.

Mahalaga ang pag-aaral na ito sa mga mag-aaral na magkaroon ng interes sa estruktura

ng ibang wika ng mga etnolinggwistikong grupo, lalong-lalo na sa mga nag memedyur ng

Filipino. Magiging lunsaran ito sa mga susunod pang henerasyon ng mga kabataang mag-

aaral upang alamin ang mga pagbuo ng mga salita.

Mga Guro. Dahil ang ating bansa ay isang multilingual, inaanyayahan ang lahat

na respetohin at pahalagahan ang bawat wikang naging identidad natin. Mahalaga ang

pag-aaral na ito upang magsilbing karagdagang kagamitan sa pagtuturo ng gramatika at

linggwistika. Sa pamamagitan nito, maipreserba ang wikang Subanen sa lalawigan ng

Mabuhay, Zamboanga Sibugay at Dalingap, Clarin, Misamis Occidental.

Mga Subanen. Mahalaga rin ito lalong-lalo na sa mga Subanen, upang

maipreserba ang kanilang pinakaiingatang yamang kultura at wika, lalong-lalo na sa mga

kabataang Subanen. Ang pag-aaral na ito ay magiging gabay nila sa pag-uunawa at

paggamiit sa kanilang sariling wika. Magiging daan rin ang pag-aaral na ito upang

matulungan ang ating mga kapatid na lumad na Subanen na ipagmalaki ang kanilang

kultura sapagkat sinasabing mananatili lamang ang wika at pagkakakilanlan kung ito ay

patuloy na gagamitin at isasalin sa mga susunod na henerasyon. Sa pamamagitan din ng

pag-aaral na ito makikilala ang Isla ng Olutanga kung saan matatagpuan ang Mabuhay na

siyang lugar ng pag-aaral.


Kurikulum. Sa kasalukuyang K-12 na kurikulum binibigyang-halaga ang iba’t

ibang etnikong grupo na nakatira sa Pilipinas. Samakatwid, ayon sa kautusan ng DepEd,

ipinatutupad ang Mother Tongue- Based Multilingual Education Curriculum o MTB-

MLE. Mahalaga ang pag-aaral na ito upang magiging karagdagang kagamitan sa

pampagkatuto ng mga Subanen gamit ang kanilang sariling wika sa pagkatuto ng mga

aralin sa kindergarten hanggang sa ikatlong baitang.

Mga mananaliksik. Ang pag-aaral na ito ay magagamit din bilang lunsaran sa

mga mag-aaral lalong-lalo na sa mga magmimedyur ng Filipino. Sa pamamagitan nito

magkaroon sila ng kaalaman sa isa sa mga wika ng etnolinggwistikong pangkat.

NCCA o National Commision for Culture and Arts. Mahalaga ang pag-aaral

na ito upang mas lalo pa nilang pagtibayin ang mga programang magpapaunlad sa iba’t

ibang kultura. Mahalagang ingatan ang kultura ng mga katutubo sapagkat sila ang buhay

na halimbawa ng ating pagkakakilanlan at kasaysayan.

METODO

Sa bahaging ito makikita ang pamamaraang ginamit sa pag-aaral. Matutunghayan dito ang lugar

ng pag-aaral at ang mga taong pinanggalingan ng impormasyon o datos.

Disenyo ng Pananaliksik

Gagamitan ng indehinus na pamamaraan ng pangangalap ng datos ang pag-aaral na ito at

deskriptibo o palarawan na pamamaraan ang ginagamit sa pag-aanalisa ng mga impormasyon na

nakalap mula sa mga impormante. Dekriptibo ang gagamitin sapagkat pag-aaralan ang
kasalukuyang wikang ginagamit ng Subanen. Sa dekriptibong pamamaraan ang pag-aaralan ang

pangkasalukuyang ginawa, pamantayan at kalagayan. Nagbibigay ito ng tugon sa mga tanong na

sino, ano, kailan, saan at paano na may kinalaman sa paksa ng pag-aaral (Sebastian, 2018).

Lugar ng Pag-aaral

Ginawa ang pag-aaral na ito sa dalawang magkahiwalay na lugar, ang Mabuhay,

Zamboanga Sibugay at Dalingap, Clarin Misamis Occidental. Ang Mabuhay ay matatagpuan sa

Isla ng Olutanga na kinasasakupan ng probinsya ng Zamboanga Sibugay. Sinadya itong puntahan

ng mga mananaliksik upang makuha ang mga impormasyong gagamitin sa pag-aaral Binubuo

lamang ito ng labinwalong barangay. Pangingisda, pagsasaka at pagkokopra ang pangunahing

hanapbuhay ng mga tao dito. Ang Zamboanga Sibugay ang pinakabagong probinsyang nabuo

noong Pebrero taong 2001. Ang mga lugar dito ay mula sa dalawang probinsya ng Zamboanga

del Sur at Zamboanga del Norte.

Kinuha rin ang ibang datos sa Dalingap, Clarin Misamis Occidental upang maihambing

ang kanilang wika mula sa wikang Subanen sa Mabuhay. Maliit lamang ang lugar ng Dalingap.

Ayon sa census 2015, ang populasyon dito ay binubuo lamang ng 1,108. Pagsasaka ang

pangunahing hanapbuhay ng mga tao rito.

Makikita sa Figyur 2 ang lugar ng Mabuhay, Zamboanga Sibugay bilang lugar ng pag-

aaral. Sa Figyur 3 naman makikita ang lugar ng Dalingap, Clarin Misamis Occidental. Dito

manggagaling ang mga impormante sa dalawang lugar na pagkukunan ng mga datos.


Figyur 2. Lugar ng Pag-aaral

Figyur 3. Lugar ng pag-aaral

Mga Impormante

Sa pagkuha ng mga kinakailangang datos, tanging ang mga Subanen lamang na may edad

na hindi bababa sa 50 anyos ang makakapanayam ng mga mananaliksik. Ito ay sa pamamagitan

ng tulong ng coordinator ng IP na si Ginoong Leonardo D. Halup sa Mabuhay Zamboanga

Sibugay at si Ginoong Palaran naman sa Dalingap, Clarin Misamis Occidental. Sampung

katutubong Subanen lamang ang nakapanayam sa paghanap ng impormasyon ginamit ang


purposive sampling. Pawang lahat ng impormante ay hindi kailanman naninirahan ng ibang lugar

maliban sa nabanggit.

Pangangalap ng Datos

Matapos aayusin ang petsa at lugar ng pag-interbyu, pupuntahan ng mga mananaliksik

ang bawat impormante upang isasagawa ang interbyu. Magpapakilala sa mga impormante at

ipapahayag ang pakay ng mga mananaliksik. Magalang na kakausapin ng mga ito sa mga

impormante at magpapaalam na kukuha ng mga larawan at i- record ang pakikipagpanayam para

sa dokumentasyon ng pag-aaral. Gagamit ng talatanungan ang mga mananaliksik upang magiging

gabay sa pangangalap ng datos. Pagkatapos mapalagay ang loob ng bawat isa, magsisimula ng

magtanong ang ang mga mananaliksik sa mga impormante tungkol sa mga paniniwala, kultura at

tradisyon ng mga Subanen. Naging batayan ng mga mananaliksik ang katanungang magmumula

sa mga gagawing ritwal ng mga Subanen.

Pagsasaayos ng Datos

Matapos makakalap ng mga datos, magsasagawa ng transkripsyon mula sa wikang

Subanen. Klinasipikahin ang mga salita ayon sa morpolohikal na aspekto tulad ng pangngalan,

panghalip, pandiwa, pang-uri, pang-abay, pangatnig at pang-ukol. Sinuri rin ang salitang Subanen

batay sa anyo ng morpema. Pagkatapos ay ihahambing ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga

termino sa Subanen ng Mabuhay Zamboanga Sibugay at Dalingap, Clarin Misamis Occidental.

Etikal na Pagsasaalang-alang

Sa ganitong uri ng pananaliksik, may mga inaasahang mga ethical issues na dapat

isaalang-alang na kinabibilangan ng mga sumusunod (1) pagkopya ng mga datos, resulta at

konklusyon; (2) pagpapalit ng mga datos at iba pang impormasyon at (3) hindi pagbigay-galang

o pag discredit sa may-ari ng mga impormasyon na galing sa ibang pag-aaral. Tutugunan ng mga
mananaliksik ang ganitong isyu sa pamamagitan ng pagiging matapat sa pagkuha ng mga datos

at kilalanin ang mga tugon sa tanong at ilalagay sa apendiks.

Bilang mag-aaral na nag-aaral ng wika, ang mga mananaliksik ay nakakaintindi sa

kahalagahan ng confidentiality at privacy bilang isang mahalagang salik sa pag-aaral ng

katutubong wika. Tutugunann nito ang Data Privacy Act of 2012,ang mga mananaliksik ay

nagsusumikap na itago ang pagkakakilanlan ng bawat impormante. Ito ay nangangahulugang

iingatan nito ang kapakanan ng bawat impormante. Sa panayam ng mga impormante, ang mga

mananaliksik ay magiging magalang na humingi ng pahintulot na kumuha ng larawan at e-record

ang mga impormasyon. Bago pupunta sa lugar ng pananaliksik ay hihingi muna ng pahintulot

mula sa mayor, Indigenous People’s leader at punong-barangay. Hindi kailanman pipilitin ang

mga impormanteng sumagot sa mga tanong na hindi sila komportableng sumagot.

You might also like