You are on page 1of 1

Corona

Pyesa ni Samuel Santillan

Ang mundo ay nababalot ngayon sa panganib at ito ay dahil sa lumalaganap na


CoViD-19. Ito ay isang sakit na umaatake sa respiratory system at nagmula ito sa China.
Nagdulot ito ng takot sa mga tao sa bawat sulok ng planeta. Sa kabila ng bilang ng mga
nagkasakit at namatay ay may mabuti rin namang epekto ito lalo na sa ating inang
kalikasan.
Sabi ng mga eksperto, upang maiwasan ang pandemya katulad lamang ng SarsCov-
2, CoVid-19 na kung tawagin kapag ikaw ay nahawaan, ay ating bigyang halaga at ingat
ang kalikasan natin. Sa kabutihang-palad, ginagawa ng sakit na ito ang hindi masyadong
magawa ng tao. At ito ay ang pagtigil sa carbon emission. Napapansin natin ang
malaking pagkakaiba ng Manila bago pa nagka-pandemya, ang himpapawid sa Metro
Manila ay maaliwalas at malinaw na sa paningin. Meron ding mga litrato na kumakalat
sa Social Media, litratong pinapakita na natatanaw na ang Sierra Madre mounting range
at hindi na ulap-usok ang nagpapalibot sa nabanggit na lugar. Ang rason sa pangyayaring
ito ay dahil wala na masyadong gumagamit ng sasakyan na umuusok ng masasamang
kemikal sa hangin.
Patuloy na nagpapagaling ang ozone layer at may potensyal na ganap na gumaling
ito, ayon sa isang bagong pag-aaral. Ang ozone layer ay isang proteksiyon na
matatagpuan sa stratosphere ng planeta natin, Earth, na may kapangyarihan na sipsiping
ang karamihan ng radiation ng ultraviolet na umaabot sa atin mula sa araw o Sun. Kung
wala ito, buhay sa planetang ito ay impossibleng magkaroon. Sa nabanggit ko kanina,
dahil sa pandemiya ay napilitan ang nakakarami na manatili nalang sa bahay sapagka’t
nagdulot ito ng pagbaba ng pagrelease ng carbon emission na galing sa malawakang
paggamit ng transportasyon.
Sa kabila ng panganib na ating nararanasan ngayon, may mga mabuting bagay pa rin
ang nangyayari na tiyak na may positibong epekto sa ating hinaharap. Sabi nga nila,
hindi ka ilalagay ng Diyos sa problemang hindi mo kayang malampasan.

You might also like