You are on page 1of 1

PANDEMYA NG CORONAVIRUS: Ang Dulot ng COVID-19 sa ating Kalikasan

Ang coronavirus disease (COVID-19) ay isang nakakahawang sakit na dulot ng bagong


diskubreng virus na SARS COV 2. Ito ay nagsimula bilang isang epidemya hanggang sa naging
pandemya nang ito ay mabilis na kumalat at maraming bansa ang naapektuhan. Ang COVID-19 ay
patuloy na nagdadala ng mga negatibong epekto sa iba’t ibang aspeto at larangan. Upang pangalanan
ang ilan: ang pagbaba ng ekonomiya, agrikultura, transportasyon, pagkakaroon ng krisis sa kalusugan
atbp. Bagkos ay marami rin ang magandang naidudulot ang sakit na ito, tulad na lamang ng pagbabalik
loob ng mga tao sa Panginoon, pagkakaroon ng oras at pagkabuklod buklod ng pamilya, ang pagiging
pagkabukas-palad ng mga Pilipino at ang dulot nito sa ating Inang Kalikasan.

Bago pa lamang magpatupad ng “lockdown”, ang Pilipinas ay nasa ika limang pu’t pitong
ranggo mula sa siyam na pu’t walong mga bansa sa IQAir AirVisual’s list sa pinaka maruming bansa
sa buong mundo. Masakit man tanggapin pero ito ang realidad, mga pulusyon sa tubig, hangin at ingay,
hindi na ito makabago sapagkat matagal na talaga itong iniinda ng ating Kalikasan. Ang pagiging
alibugha ng ilan sa ating kababayan, ang di pagsunod sa mga alituntunin ang nagiging dahilan upang di
tayo maka-alpas sa pagkakabilagho sa mga problemang ito.

Ang polusyon ng hangin ay nangyayare kapag ang erosol at ang ilang mga gas ay nagtatapos sa
ating hangin. Ang mga gas na ito ay masama para sa planeta at sa ating kalusugan. Ang erosol ay
nanggagaling sa buga ng mga kotse at pabrika. Simula ng magpatupad ang gobyerno ng Enhanced
Community Quarantine (ECQ) na sinundan ng pagpapakansela ng mga pribado at pampublikong mga
sasakyan, ay nagkaroon ng pagbawas sa polusyon sa hangin. Ang bundok ng Sierra Madre, na ilang
dekada ng hindi natatanaw dahil sa matinding usok dala ng mga sasakyan at pabrika ay malaya ng
nanganganinag, ito ay dahil sa malinis na kalangitan. Ang ECQ na inihataw sa iba’t ibang cuidad sa
buong mundo ay pinahihintulutan ang lupa at kapaligiran na gumaling sa pagkasira nito. Dahil na rin sa
ECQ kaya kakaunti na lamang ang mga sasakyan sa daan, wala naring mga pribado at pampublikong
mga sasakyan. At dahil hindi na rin makapasok dahil sa ipinatupad na social distancing, ay wala ng
pumapasok sa mga pabrika para magtrabaho sa ngayon. Ito ang mga kadahilanan at magagandang
naidulot sa kalikasan dahil sa ECQ, hatid COVID-19.

Ang malaking katanungan lamang sa likod ng pagbabagong ito, ay kung mapapanatili ba natin
ang pagpapabuting ito sa ating kalikasan? O tila babalik lang sa dati ang lahat pagnatapos na ang
pandemyang ito? Sana nama’y ating pamuhayan ang “NEW NORMAL” at kalimutan ang “OLD
NORMAL” para sa ating mga Pilipino at lalong lalo na sa Inang Kalikasan.

You might also like