You are on page 1of 1

Report in A.P.

Paano nga ba nakaka apekto sa atin ang Climate Change?


Isa ang climate change sa pinaka common na issue sa ating bansa at sa buong mundo, ngunit isa
rin ito sa pinaka matinding problemang kinakaharap ng ating mundo. Maraming buhay ang
nasawi dahil sa mga trahedyang dulot nito at marami din ang nawalan ng hanap buhay dahil sa
epekto nito.
Bago ang lahat ano nga ba muna ang Climate change? Ayon sa United Nations Org, ito ay ang
pabago bagong klima na nararansan natin ng ating mundo, ito ay natural lamang na epekto ng
solar cycle, ngunit noong 1800 ay tao na ang naging dahilan nito dahil sa mga ‘human activities’
kung tawagin, lalo na ang pagsusunog ng fossil fuel tulad ng cole, gas, at oil na nagiging sanhi
ng Greenhouse Gasses.
Ang IPCC o Intergovermental Panel on Climate Change ay isang scientific group na binuo ng
United Nations upang pag aralan at i-monitor ang lagay ng mundo tungkol sa climate change.
Nagfofocus ang mga report at pagaaral ng IPCC tungkol sa iba’t ibang aspekto ng Climate
Change.
Sa kasalukuyan, matinding heatwaves, nakakapanlumong baha at tagtuyot ang nararanasan ng
ating mundo na million ang naaapektuhan at billion naman ang halaga sa pag aayos dito, ayon
naman sa WMO Provisional State of the Global Climate noong 2022, ang mga palatandaan at
epekto ng pagbabago ng klima ay nagiging mas dramatiko, at ang rate ng sea level ay dumoble
mula pa noong 1993.
Ngunit wag tayong mawalan ng pag-asa, sa tindi ng epekto ng kinakaharap natin ay may
solusyon padin, isa dito ang pag gamit ng solar at wind energy na sadyang malaki ang
naitutulong upang mapabawas ang pagtindi ng climate change.
Sa ngayon, kailangan nang masolusyunan ang matinding paglaganap ng Climate Change dahil
ayon sa IPCC, sapaglaki ng koalisyon ng mga bansa ay nangangako sa net zero emissions
pagsapit ng 2050, humigit-kumulang kalahati ng mga pagbawas sa emisyon ay dapat na nasa
lugar bago ang 2030 upang mapanatili ang pag-init sa ibaba 1.5°C. Ang produksyon ng fossil
fuel ay dapat bumaba ng humigit-kumulang 6 na porsyento bawat taon sa pagitan ng 2020 at
2030.
Kaya naman habang maaga pa ay gain natin ang ating makakaya upang makatulong sa
pagpapababa ng epekto ng climate change.

Ako si John Gray Aglubat, ang inyong tagapagbalita sa araw na ito, maraming salamat po..

You might also like