You are on page 1of 29

CLIMATE CHANGE

American Meteorological Society


–ang climate change ay tumutukoy sa anumang
SISTEMATIKONG PAGBABAGO sa pangmatagalang estadistika
ng mga elementong
pangklima gaya ng temperature, galaw o puwersa ng hangin
na nanatili sa loob ng mahabang panahon.

United Nations Framework Convention on Climate Change


– ang climate change ay isang PAGBABAGO SA KLIMA na
maiuugnay sa mga pagbabago sa karaniwan o pag – iiba – iba
ng mga elementong pang klima sa loob ng mahabang
panahon.
Climate Change
– tumutukoy sa mga PAGBABAGO SA CLIMATE
PATTERN o nakagisnang klima sa loob ng maraming
dekada at patuloy na nagbabago, partikular ang
pagtaas ng temperature sa atmospera ng
nagreresulta sa mas matindi at mas mapanganib na
kondisyon ng panahon sa mga susunod na tao.

Global Warming- ay tumutukoy sa nararanasang


pagtaas ng temperature sa bahaging malapit sa
ibabaw ng mundo.
Bakit masasabing nagsimulang mangyari ang
pagtaas at patuloy na pag-akyat hanggang sa
kasalukuyan ng average temperature ng buong
mundo Rebolusyong Industriyal?
 Nagsimula ang kontribusyon ng tao sa pagdami ng
greenhouse gas noong nagsimula ang INDUSTRIAL
REVOLUTION noong 1700s.
 Ito ang panahon na malawakan ang paggamit ng fossil

fuel tulad ng langis ng naglalabas ng CARBON


DIOXIDE at CARBON MONOXIDE.
National Oceanographic and
Atmospheric Administration (NOAA)
- Isang ahensiya sa ilalim ng Department of
Commerce ng United States, mayroong itong
tinukoy na sampung indikasyon na
makapagpapatunay na sadyang nangyayari
ang global warming at climate change.
1. Pagtaas ng lebel ng tubig sa dagat
2. Pagtaas ng temperature ng mundo
3. Pag-init ng karagatan
4. Pagliit o shrinking ng Ice Sheets
5. Pagliit ng Arctic Ice kapwa sa lawak at kapal nito
6. Pag-urong ng glaciers
7. Pagdalas ng extreme events gaya ng mahaba at labis na
pag-ulan at sobrang lakas ng bagyo at tag-init
8. Pag-alat ng tubig sa karagatan ocean acidification dahilan
sa pagsimula ng Industrial Revolution
9. Pagbawas ng snow cover
10.Mas maiksing ice season
Isyu sa Climate Change
DALAWANG PANIG:
1. PAGBABAGO-BAGO NG LIKAS O NATURAL NA PROSESO NG MUNDO
- resulta ng interaksyon sa pagitan ng atmospera, karagatan at kalupaan gyundin sa dami ng solar
radiation na nakararating sa mundo.
Ang La Nina at El Nino ay natural na proseso na bunga ng siklo ng karaniwang nangyayari tuwing
ikalimang taon subalit pinapalala lamang ng global warming ang epekto nito.

Milankovitch cycles- unang pinalaganap ng Serbian geophysicist at astronomer na si Milutun Milankovitch


noong 1920s.
- ayon sa teoryang ito, itinatakda ng variations ng eccentricity o hugis ng orbit ng mundo ang climatic
patterns sa mundo sa pamamagitan ng orbital forcing. Binubuo ito ng:
1. pagbabago ng hugis ng orbit ng mundo sa paligid ng araw na nangyayari sa tuwing ika-100,000 taong
siklo.
2. pagbabago ng axis of rotation sa anggulo ng kiling(angle of tilt) ng mundo. Ika-40,000 taong siklo.
3. pag-ikot na tila isang pahapay-hapay na nawalan ng balanseng trumpo ng axis ng mundo. Ika-26,000
taong siklo.
Solar irradiance – ang pagsukat sa pagdami ng enerhiya na ilalabas ng
araw.
Intergovernmental panel on climate change (IPCC)
- pinagtibay noong 2001 ang konklusyon na may malaking bahagi ang mga
Gawain ng tao bilang sanhi ng global climate change.

2. AKTIBIDAD NG MGA TAO


-dahilan ng global warming(greenhouse effect)
-pagkakakulong ng init sa atmospera ng mundo mula sa
araw.
-Water vapor
• Carbon dioxide
• Methane
• Nitrous oxide
• Ozone
• Mga Cloroflourocarbon o CFC
Mga Industriyalisadong Bansa Responsible Sa Halos
Kalahating Bahagdan Ng 𝐶𝑂2 Emission

USA (24%) RUSSIA (8%) JAPAN (5%) GERMANY(4%)

UK (2%) CANADA (2%) ITALY (2%) FRANCE (2%)


Ilan Sa Mga Maling Gawain Na Nakapagtataas Ng
Greenhouse Gases Emission
Dr. Frederick Seitz – president emeritus ng Rockefeller University
at dating pangulo ng US National Academy of Sciences, kanyang inakusahan
ang mga bureaucrats at pulitiko ng alterasyon sa report na kung saan ang
kanilang inihayag na kongklusyon ay hindi ang nagging concensus ng mga
siyentipiko.

Richard Lindzen- ng Masachussetts Institute of Technology, tila ang


Sistema na ginagamit sa pag-aaral at pagsusuri sa maaaring pagbabago ng
klima na tinatawag na “General Circulation Models” (GCMs) ay may malaking
kakulugan dahil sa pananaw na masyadong pinapalaki lamang ang negatibong
epekto ng climate change.

-naniniwala ang mga siyentipiko na sadyang nangyari at patuloy pa ring


nangyayari ang global warming at ang sanhi ng pagtaas ng temperature ay
wala pa ring katiyakan.
Pangunahing tagapag-ambag bilang sanhi ng
climate change:
1. ang pagharang ng greenhouse gases sa paglabas
ng init ng araw mula sa atmospera ng mundo na
nagiging sanhi ng global warming.
2. mga di direktang ebidensya na mula sa
pagtataya sa mga pagbabago ng klima sa nakalipas
na 1,000 hanggang 2,000 taon.
3. mga paghahambing sa aktuwal na klima sa mga
computer models kung paanong inaasahan ang
klima na tumugon sa harap ng ilang impluwensya
ng mga aktibidad ng tao.
ASPEKTONG POLITICAL, PANG-EKONOMIYA, AT PANLIPUNAN NG
CLIMATE CHANGE
normal na sa mga tao ang kanilang nakasanayang pamumuhay
alinsunod sa kanilang pakikiangkop sa nakagawiang klima at
kapaligiran.
Hal. Extreme weather events, maaaring maging sanhi ng labis na
tag-init at tagtuyot na may implikasyon naman sa suplay ng tubig
para sa inumin, irigasyon at enerhiya na may epekto nman sa
agrikultura at produksyon ng pagkain(ekonomiya) sa pagkasira ng
mga pananim. Ang kakulangan ng pagkain ay maaaring magbunga
naman ng malnutrisyon, kagutuman at kahirapan(panlipunan) na
maaari naming magbunga ng riot atbpng uri ng civil
unrest(political)gaya ng pagharang ng tinatayang 5,000 magsasaka
sa North Cotabato noong marso 2016 dahil sa matinding epekto ng
El Nino.
MGA PROGRAMA, POLISIYA, AT PATAKARAN NG MGA PANDAIGDIGANG SAMAHAN SA CLIMATE CHANGE
World Meteorological Organization (WMO)- ay isang specialized agency ng UN na binubuo ng 191 member states at territories para sa
atmospera, meteorology (weather and climate), operational hydrology, at kaugnay na geophysical sciences.
-itinatag noong 1950 mula sa dating international Meteorological organization at kasalukuyang matatagpuan ang punong tanggapan sa
Geneva, Switzerland.
-bilang pinakamatandang sangay ng UN na nakatuon sa usapin ng climate change, pinangunahan nito ang kauna-unahang World Climate
Conference noong Pebrero 12-23, 1979 na nagresulta sa pagkakatatag ng World Climate Programme at World Climate Research Programme.
United Nations Environment Programme (UNEP)

-naitatag noong 1972 at matatagpuan ang punong


tanggapan nito sa kasalukuyan sa Nairobi, Kenya.
- isang ahensya sa ilalim ng UN na nangungunang
awtoridad sa pagtatakda ng global environmental agenda
alinsunod sa mga prinsipyo ng sustainable development,
nagsisilbing tagapa-ugnay ng lahat ng aktibidad na
pangkapaligiran ng UN at tumutulong sa mga papaunlad na
bansa sa pagpapatupad ng patakaran at programang
naaayon sa kapaligiran.
INTERGOVERNMENTAL PANEL ON CLIMATE CHANGE (IPCC)
- magkatuwang na itinatag ng UNEP at WMO upang
magbigay sa daigdig ng malinaw na siyentipikong pananaw
sa kasalukuyang estado at kaalaman sa climate at sa
potensyal na pangkapaligiran at sosyo- ekonomik
assessment na impact nito.
- nangungunang pandaigdigang tanggapan na
nagsasagawa ng pagtataya batay sa siyensya ng mga
impormasyon at datos na may kaugnayan sa climate
change.
- binubuo ng 195 kasaping bansa.
IPCC Assessment Report – nagsisilbing siyentipikong batayan sa mga
pamahalaan ng mga kasaping bansa sa pagbuo ng mga polisiyang may
kaugnayan sa klima at sa negosasyon sa implementasyon ng mga probisyon
ng United Nations Framework Convention on Climate Change (UNFCCC).

United Nations Framework Convention on Climate Change


– ito ay ang pandaigdigang pagkilos hinggil sa Climate Change batay sa
mga datos na kinalap ng IPCC.
 Ito ay kilalang sa tawag na “Earth Summit”
 Layunin ng pag – aaral na maging maalam tungkol sa konsentrasyon ng
Greenhouse Gases sa atmospera.

Ang Montreal at Kyoto Protocol – isang protocol na nilagdaan ng mauunlad


na bansa sa daigdig na nagpapahayag ng kanilang pagsang – ayon na
Bawasan Ang Paggamit ng mga kemikal na nakakasira sa Ozon Layer bilang
pagtugon sa mga epekto ng Global Warming.
MGA POLISIYA, PROGRAMA, AT PROYEKTO NG
PAMAHALAAN SA CLIMATE CHANGE
Mga Batas Ukol sa Pagbabago ng Panahon
(Climate Change)
Climate Vulnerable Forum – ang Pilipinas ang nagsilbing pangulo nito na
nagsusulong sa COP 21 ng 1.5 ⁰C target para sa pagbawas ng global warming at
paglaban sa climate change
- binubuo ng 20 bansang kabilang sa mga least developing, developing, at
middle income economies na maituturing na pinakabulnerable sa impact ng
climate change.

Republic Act 9729 (Climate Change Act of 2009)


ay naglalayong maisama sa SISTEMATIKONG KAPARAANAN ang konsepto ng
Climate Change sa pagbuo ng mga polisya o patakaran at mga planong
pagpapaunlad ng lahat ng ahensiya ng
pamahalaan upang MAIHANDA nito ang mamamayan sa mga maaaring maging
dulot ng Climate Change.
Climate change commission
- itanakda ng RA 7929 bilang nag-iisang policy-
making body ng pamahalaan na may kapangyarihan
at tungkuling makipag-ugnayan, sumabaybay at
magtya ng mga programa at plano ng pagkilos ng
pamahalaan sa lahat ng may kaugnayan sa climate
change.
- binubuo ng 27 kasapi na ngsisilbing advisory
board na mula sa iba’t ibang ahensiya ng
pamahalaan,, LGUs at kinatawan na mula sa
akademya, sector ng negosyo at nongovernmental
organization NGOs.
NATIONAL FRAMEWORK STRATEGY ON CLIMATE CHANGE

- pinagtibay ito ng CCC upang magsilbing gabay o


framework sa pagbabalangkas ng climate change action plans
kapwa sa lebel ng pambansa at local na pamahalaan tungo sa
isang “climate-resilient” na Pilipinas.
- layunin nito ang pagbuo ng “adaptive capacity” ng mga
komunidad, higit na mapalakas ang “resilience” ng natural
ecosystems sa climate change, at maiangat sa pinakamataas
na antas ang mga opurtunidad sa mitigasyon tungo sa
pagkamit ng likas-kayang pag-unlad (sustainable
development).
NATIONAL CLIMATE CHANGE ACTION PLAN (NCCAP)
- nilagdaan ni pang. Benigno Simeon Aquino III
noong Nob. 2011.
- ito ay ang balangkas ng mga espisipikong
programa at estratehiya sa climate change
adaptation at mitigation ng bansa mula 2011
hanggang 2028.
- inilalatag nito ang mga detalye ng mga
panukalang estratehiya na nakaploob sa NFSCC
patungo sa mga unit ng pamahalaang local mula sa
mga probinsya hanggang sa mga barangay.
Sa ilalim ng NCCAP nabuo ang pitong programa at
aktibidad na bibigyang-priyoridad ng pamahalaan
lalo na sa paglalan ng pondo.

1. food security
2. water sufficiency
3. ecosystem and environmental stability
4. human security
5. climate-smart industries and services
6. sustainable energy
7. knowledge and capacity development
RA 10174 “Act Establishing the People’s Survival Fund to Provide
Long-term Finance Streams to Enable the Government to
Effectively Address the Problem of Climate Change”.
- hulyo 2011, nagkaroon ng pagsusog(amendment) sa climate
change act of 2009 sa pagtatag PSF (People’s Survival Fund).
- paglalaan ng pamahalaan ng panimulang pondong isang
bilyong piso at pagtatakda ng mekanismo sa paggamit nito sa
ilalim ng PSF.

Executive Order No. 174, s. 2014 o ang institusyonalisasyon ng


Philippine Greenhouse Gas Inventory Management and Reporting
System – pinagtibay ni pang. Aquino noong 2014 bilang
paghahanda ng bansa sa transisyon tungo sa isang “climate
resilient road to sustainable development.”
Republic Act 9367 (Biofuels Act of 2006)
– patakaran ukol sa PAGBABAWAS ng pagdepende
ng bansa sa inaangkat na langis o paggamit ng mga
nakalalasong kemikal at pagbuga ng mga Greenhouse Gases
na nagpapakapal nito sa Ozone Layer.

Republic Act 8749 (Clean Air Act of 1999) pagkakaroon ng


MALINIS na hanging malalanghap ng mga mamamayan sa
pamamagitan ng mga pagsisikap ng pamahalaan na
maglabas ng mga kautusang tiyakin na maging PREVENTIVE
imbes
na Corrective ang mga regulasyong na makamit ang malinis
na hangin lalo na sa mga kalunsuran.
Republic Act 9003 (Philippine Ecological Solid Waste Management Act of 2000)
naglalaan ng LEGAL NA BALANGKAS (Ordinance) para sa sistematiko,
komprehensibo, at ekolohikal na programa para matiyak na ang mga solid waste o
mga basura natin ay hindi makasasama sa KALUSUGANG pampubliko at
MAPANGALAGAAN ang kapaligiran.

ILAN SA MGA MAHAHALAGANG PROBISYON NAKAPALOOB SA NASASABING BATAS:


- Pagtakda ng mga pamantayan upang matiyak ang SISTEMATIKONG KOLEKSIYON
ng basura at paglalagakan ng mga ito gayundin ang wastong proteksiyon para sa
kalusugan ng mga kolektor ng basura.
- Pagkampanya sa ECO – LABELING ng mga local na Produkto at Serbisyo.
-Pagbawal sa mga PRODUKTO AT PAKETENG nakasasama sa kapaligiran.
-Pagtatag ng MATERIALS RECOVERY FACILITY (MRF) sa bawat Barangay at
mga klister nito.
-Pagbabawal sa PAGTATAPON ng basura kung saan – saan.
-Pagtakda ng mga PATAKARAN at KRAYTIRYA para sa pagtatatag ng mga
tapunan ng basura o Sanitary Landfills.
MGA PROYEKTO NG PAMAHALAAN UKOL SA CLIMATE
CHANGE
1.Paggamit ng Renewable Energy (Hal. Wind, Solar,
Bio – mass, Hydro, Geothermal).
2. Carbon Sequestration through Forest
and Oceans
3. Energy Efficiency and Conservation
4. Climate Change Adaptation Program
5. Improve Resiliency
PAGTATAYA SA EPEKTO NG CLIMATE CHANGE SA
KAPALIGIRAN, LIPUNAN, AT KABUHAYAN NG TAO SA
BANSA AT SA DAIGDIG

MGA DULOT NG CLIMATE CHANGE


1. Mas mainit na pangakalahatang temperatura ng daigdig
2. Mas malalakas na bagyo
3. Pagtaas ng tubig dagat
4. Nakakahawang sakit
5. Pagkasira ng agrikultura
6. Pagbabago ng ecosystem
SOLUSYON SA CLIMATE CHANGE? PAANO MAIIWASAN ANG
CLIMATE CHANGE?

1. Sumuporta at sumali sa mga usapin ukol sa kung ano ang


climate change.
2. Maging resposabling mamamayan at wag magsunog ng
mga plastic.
3. MAGING MATIPID SA ENERHIYA.
4. Tigilan ang pag putol ng mga punong kahoy bagkos
magtanim nito.
5. Gumamit ng biofuels.
INDIVIDUAL PERFORMANCE
Gumawa ng isang video na nagpapakita ng solusyon o
paraan para mabawasan ang epekto ng climate change.

Kabuuan ng 30 puntos

Pamatanyan Mahusay (5 pts) Katamtaman (3 pts) Kailangan pang magsanay (1pt)


1. Kawastuhan ng mga konsepto -
2. Kaangkupan ng mga diyalogo
3.Presentasyon 3-5 mins
4. Linaw ng Mensahe
5. Pagkamalikhain
6. Takdang oras ng pagpasa

You might also like