You are on page 1of 32

ANO NGA BA ANG

MALNUTRISYON?
Ang malnutrisyon ay isang palansak
na kataga sa kondisyong medikal na
sanhi ng mali o kakulangan sa pagkain.
Ayon sa DOH (Department Of Health),
isang milyong bata ang dumaranas ng
malnutrisyon. Batay sa datos, ika-siyam
ang pilipinas sa sampung bansa na may
pinakamaraming bansot o stunted sa edad
lima pababa.
Ang problema ng malnutrisyon ay
patuloy pa rin na gumigimbal sa milyon-
milyong tao sa buong mundo partikular
sa mga mahihirap na bansa kabilang na
ang Filipinas. Patuloy itong lumalala
kasabay ng tumataas na kaso ng
kahirapan at lumolobong populasyon.
Ayon sa FAO (Food and Agriculture
Organization), ang kaso ng malnutrisyon sa
Filipinas ay konektado sa kakulangan ng sapat
na masusustansyang pagkain. Bukod pa rito,
hindi rin daw sapat ang kaalaman ng lahat
tungkol sa kahalagahan ng nutrisyon.
Sinasabing ang kakulangan sa protina
(protein-deficiency) ang pangunahing kaso ng
malnutrisyon sa Filipinas. Tinatayang umaabot
sa tatlong milyon ang dumaranas nito. Dahil
dito, laganap ang kakulangan sa timbang at
pagiging bansot ng mga kabataan sa mga lugar
na talamak ang kaso ng malnutrisyon.
Ayon sa FNRI (Food Nutrition
Research Institute),ang pagkabansot
(stunted growth) ay problemang matagal
ng kinahaharap ng bansa at sadyang
nakaaalarma.
Mula sa 16% rate ng pagkabansot sa mga
kabataan noong 2011, dumoble ito sa 33%
rate sa sumunod na taon. Ayon sa WHO
(World Health Organization), Filipino ang
nanganganib na dumanas ng malnutrisyon,
dahil parin sa hindi maipaabot nang husto
ang kinakailangang nutrisyon sa buong
populasyon.
Upang malabanan ang kaso ng
malnutrisyon sa bansa, nagsagawa ng ilang
programa ang pamahalaan upang
maipaabot ang impormasyon. Ipinaaabot
ang kaalaman sa kahalagahan ng nutrisyon
sa mga kabataan sa mga pampublikong
paaralan, kasabay din nito ay ang feeding
program para sa lahat.
Ayon sa mga pagaaral ng respetadong
institusyon, ang mataas na kakulangan ng trabaho
sa Pilipinas ay tinuturing din na salik kung bakit
hindi sapat ang sustansyang nakukuha ng bawat
pamilya. Ang tinatayang 7.8 na porsyento ng
kawalan ng trabaho sa bansa ay masasabing
dahilan kung bakit hindi nabibili ang mga
wastong pagkain na kailangan ng bawat
miyembro ng pamilya.
Ang mga pamilya na biktima ng
kalamidad ay nanganganib din na maging
biktima ng malnutrisyon. Sa huli, mahirap
man malabanan ang malnutrisyon sa
bansa, hindi parin dapat mawalan ng pag-
asa na darating pa rin ang panahon na
masusugpo ito ng bansa.
Kinakailangan lamang pag-ukulan ng
pansin ang isyung ito, lalo na ng
gobyerno. Kinakailangan din ang
pakikiisa ng lahat ng sector ng lipunan
nang gayon ay makamtan natin ang
layunin mabura ang malnutrisyon sa
mga Pilipino.
MGA DAPAT GAWIN
PARA MAIWASAN ANG
MALNUTRISYON
ITO ANG ILAN SA MGA PARAAN UPANG
MAIWASAN ANG MALNUTRISYON

1. Maging masipag at matalino ang mga


magulang sa paghahanapbuhay ng sa gayon
ay tumaas ang kita para may ipambili ng mga
masustansyang pagkain at ng mga Food
supplement.
2. I-breastfeed ang sanggol mula pagkasilang
hanggang 6 na buwan.
3. Purgahin ang mga bata. Ang bulate ay
nagiging kaagaw ng bata sa sustansyang
nakukuha sa pagkain. Dalhin ang mga bata (1
to 6 years old) sa Health Center tuwing
“Garantisadong Pambata” (Abril at Oktubre)
para mabigyan ng libreng pampurga. Para sa 6
hanggang 12 taon.
4. Iwasan ang pagluluto at paghahanda ng
pagkain na higit sa kinakailangan ng mga
bata at pamilya.
5. Patuloy na pag-aralan at gawin ang wastong
nutrisyon.
6. Pagkakaroon ng initiative ng tahanan,
paaralan at komunidad na magtanim ng
gulay at prutas at pag- aalaga ng hayop.
7. Pagpapatupad ng pamahalaan ng mga
tuntunin at mga programang nakakatulong
sa pagbaba at pag-iwas ng malnutrisyon.
MGA PROGRAMANG
NAKATULONG SA
PAGPABABA AT PAG-IWAS
NG MALNUTRISYON
Edukasyon tungkol sa nutrisyon
Livelihood programs
Micronutrient programs
Pagsusulong sa masustansyang
pagpapakain sa mga bata
Pagsusulong ng healthy lifestyle
Supplementary feeding sa mga buntis at 6
to 23 buwan na mga bata
Pagtatayo ng sanitary toilet facilities
Pagtatayo ng mga ligtas na
maiinom na supply ng tubig
Nutrition in Disaster Risk
Reduction Management
Nutrition-Sensitive Agriculture
and Development Programs
Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps)- programang
nagbibigay-tulong (cash-assistance) sa mga mahihirap.
Agrikulturang Filipino o Agri-Pinoy- programa ng Department
of Agriculture na nagpapaunlad ng sustainable agriculture,
fisheries at ng natural resource management.
MARAMING SALAMAT
PO SA PAKIKINIG!...

You might also like