You are on page 1of 16

Mga Organong Pandama

Tayo ay mayroong limang organong pandama:

ilong
mata
dila balat
tainga
Ang ating mga mata ay tumutulong
sa atin upang makakita. Sa tulong ng mga mata..

Nasisilayan mo ang
malalaki at maliliit na
mga bulaklak sa hardin
At mamasdan ang mga
puting ulap sa asul na
kalangitan.
Ang ilong naman ang nagbibigay
kakayahan sa atin upang maamoy ang
mga bagay sa paligid. Gaya ng amoy
ng………

mabangong rosas
Mabahong basura mula
sa basurahan
Ang ating mga tainga ay isang uri ng
pandama upang tayo ay makarinig. Ang
hugis nito na tila pasandok ay nakadisenyo
upang madaling makasagap ng tunog sa
paligid. Gaya ng

Malakas na tunog ng
musika
Malamyos na tinig ng
isang mang-aawit
Ang ating dila ay mahalagang pandama na
ginagamit natin upang hindi lamang makalasa
kundi upang tayo ay makapagsalita.

Ang ating dila ay may limang lasa


na natitikman. Ito ay ang tamis,
asim, pait, alat at omami o ang
malinamnam na lasa.
Dahil sa dila nalalaman mo ang lasa ng
pagkain gaya ng

Masarap na pizza

Maasim na lemon
Sa lahat ng ating pandama, ang
balat ang pinakamalaki sa lahat.
Ang balat ang bumabalot sa ating
katawan. Ito ang pananggalang sa
pagkaubos ng tubig, pinsala, at
impeksyon. Nagpapanatili ito ng
wastong temperatura sa ating
katawan at pandama sa paligid.
Dahil sa ating balat, maari nating
madama ang mga bagay gaya
ng…

Mainit na kape
Malamig na yelo
Lahat ng ating mga organong pandama ay
MAHALAGA
ilong
mata
dila
tainga balat
Kaya nga dapat natin silang
pangalagaan at ingatan.
1 . Ano ang paksa ng talata?
2. Anu-ano ang ating mga organong pandama?

3. Anu-ano ang mga tungkulin ng mga organong


pandama?
4. Mahalaga ba ang ating mga organong pandama?
Bakit?
5. Paano mo mapapangalagaan ang mga ito?

You might also like