You are on page 1of 44

Aralin 1

Ako Ito
By: Sir. Rei Marasigan
Alaminos Dist.Laguna
Tukoy-Alam
Ipakilala ang inyong sarili.
Paglalahad

 Anong karanasan sa unang araw ng pasukan


ang hindi mo malilimutan?
 Sabihin ang pamagat ng kuwentong
babasahin.
 Ano kaya ang nangyari sa unang araw ng
pasukan?
Pagtalakay at Pagpapahalaga
Unang Araw ng Pasukan
Unang araw ng pasukan sa Paaralang Elementarya ng Sta.
Clara.Makikita ang tuwa at galak sa bawat isa. Natutuwa ang
lahat na makitang muli ang mga kaklase at kaibigan. Abala ang
lahat sa paghahanap ng bagong silid-aralan , maliban sa isang
batang si Ella. Siya ay bagong mag-aaral sa paaralan. Bagong
lipat lamang sila sa lugar kaya wala pa siyang kakilala o kaibigan
man lang. Palinga-linga siya sa paglalakad. Pasilip-silip siya sa
mga silid-aralan. Ang takot niya ay pilit na itinatago hanggang sa
mapaiyak na siya nang tuluyan.Ilang saglit lang, isang maliit na
boses ang kaniyang narinig.
“ Ano’ng pangalan mo?” Isang matamis na ngiti ang kaniyang
iginanti sabay sabing, “Ako si Ella. Ikaw?”
Tanong:
• Ano ang nararamdaman ng mga bata sa unang
araw ng pasukan?
• Bakit masaya ang mga bata?
• Bakit kakaiba ang nararamdaman ni Ella?
• Bakit siya malungkot?
• Ano kaya ang sumunod na nangyari?
• Paano mo ipakikilala ang iyong sarili?
Ano ang sinabi ng bagong kaibigan ni Ella?

Ako si Marina.
Ako ay pitong taong gulang.
Nasa ikatlong baitang ako.
Nakatira ako sa Purok 4.
 Ano ang unang sinabi ni Marina tungkol sa
kaniyang sarili?
 Ano-ano pa ang sinabi niya?
 Ano ang dapat tandaan sa pagpapakilala ng
kaniyang sarili sa kapwa bata?
 Paano kung sa matanda siya magpapakilala?
Pagpapayamang Gawain
Maghanda ng isang musikang patutugtugin.
Iayos pabilog ang mga bata.Sabihin sa kanila na habang
tumutugtog ang musika ay ipapasa nila ang bola sa kanilang
katabi sa kanan. Kung sino ang may hawak ng bola
paghinto ng tugtog ang siyang magpapakilala ng sarili sa
pamamagitan ng pagbuo ng mga pangungusap na nasa
tsart . Ulitin ito hanggang sa makapagpakilala ang lahat ng
bata.
Ako si ________________
Ako ay _________ taong gulang.
Ipinanganak ako noong _______________.
Nakatira ako sa___________________________.
Ang aking mga magulang ay
sina________________ .
Paglalahat
 Ano ang dapat tandaan sa pagpapakilala ng sarili?
 Sagutan ang mga patlang sa ibaba upang higit na
maunawaan ang mga dapat tandaan sa pagpapakilala
ng sarili.
Sa pagpapakilala ng aking sarili ay unang sinasabi
ang aking ___________________.
Sinasabi din ang araw, buwan at taon ng aking
__________________________.
Ang lugar kung saan ako nakatira ay tumutukoy
sa aking ___________.
Binabanggit din ang pangalan ng aking mga
____________.
Karagdagang Pagsasanay

Sabihin ang pangalan ng iyong kaklase at


ilang impormasyon na natatandaan mo
tungkol sa kanya.
Ikalawang
Araw
Dahil ako ay maliit, wala akong
masyadong makita. Natuwa ako sa isang
dayuhan nang yayain niya akong lumipat sa
kaniyang puwesto sa unahan. Agad akong
nagpasalamat sa kaniya.
Naging kapana-panabik sa bawat isa ang
panonood ng parada ng makukulay na karosa
na may palamuting mga produkto ng bayan.
Bawat karosa ay talagang napakaganda.
“Wow! Nakakatuwa talaga dito. Sana ay isama uli
ako ni Nanay sa susunod na taon,” ang sabi ni
Rodel.
“Naku! Lalo kang malilibang kapag nakita mo
ang maririkit nilang palamuti sa kanilang mga bahay.
Talagang malikhain ang mga taga-Lucban,” sambit
naman ni Nanay.
Hinding- hindi ko malilimutan ang pistang ito. Babalik
ako.
Tanong:

• Ano ang pamagat ng kuwento?


• Ano-ano ang pangyayari sa kuwentong
binasa?
• Ano ang katapusan ng kuwento?
• Anong okasyon ang inilalarawan sa
kuwento?
• Ano-anong kaugaliang Pilipino ang
nabanggit sa kuwento?
• Ginagawa pa ba ang ganito sa inyong
lugar?
• Dapat pa ba ito ipagpatuloy? Bakit?
Pagpapayamang Gawain
Punan ng angkop na salita ang mga pangungusap ayon
sa iyong sariling karanasan. Isulat ang sagot sa iyong
notebook.
1. Dumalo ako sa kaarawan ng aking kaklase. Marami akong
kinain tulad ng______, ______, _______, at _______.
Nagkaroon din ng mga palaro.
2. Tuwing buwan ng ________, nagdiriwang ang aming baryo
ng kapistahan. Dito masaya ang mga _____at _________.
Maraming handang pagkain tulad ng ______, _______, at
_______ sa halos lahat ng bahay.
3. Tuwing araw ng Pasko, masaya kami sa aming________.
Naghahanda ng aking ina ng masasarap na_______. Sabay-
sabay kaming nagtutungo sa _______upang magpasalamat
sa Dakilang Lumikha. Nagpupunta rin kami sa aming
______,______, _______, ______, ________, at _______
upang humalik sa kanilang kamay.
Paglalahat
Tingnan kung paano ginawa ng iyong guro ang
isang kiping.
Ngayon, ikaw naman ang gagawa nito .
Matapos gawain ang iyong kiping, sipiin sa loob nito
at kumpletuhin ang sumusunod na pangungusap:
Natutuhan ko sa araling ito na
______________________
_______________. Kaya _______________.
Karagdagang Pagsasanay

Basahin ang kuwento. Kung tapos na,


sumulat ng isang talata na may tatlong
pangungusap tungkol sa katulad na
karanasan. Isulat ang kuwento sa
iyong notebook.
Ang Pamamasyal sa Parke
Tuwing araw ng Linggo pagkatapos
magsimba, kaming magkakapatid ay
ipinapasyal ng aming mga magulang sa
parke. Masaya kaming naglalaro dito
ng habulan, taguan, pagpapalipad ng
saranggola, at kung ano-ano pang laro na
aming maisip. Tapos, kakain kami
ng masasarap na pagkaing niluto ni Nanay.
Samantala si Tatay naman ay abala sa
pagkuha sa amin ng mga larawan.
Panlinang na Gawain
Tukoy-Alam

Magmasid sa paligid.
 Ano-ano ang nakikita ninyo sa
paligid?
 Bumuo ng pangungusap tungkol sa
nakita ninyo sa paligid.
 Ano-ano ang pangngalan na ginamit
sa pangungusap?
Isulat sa card ang mga ngalan ng
tao/bagay/lugar/pangyayari sa talatang muling
babasahin ng guro.
Idikit ang sagot sa pisara.
o Ano ang tawag sa mga salitang ito?
o Alin-aling salita ang dapat magkakasama?
o Pabigyang-katwiran ang ginawang pagsasama
ng mga salita.
o Paano isinulat ang mga salita sa bawat
kategorya?
Pagpapayamang Gawain
Ano-ano ang pangngalan na ginamit sa binasa
mong kuwento? Isulat ang mga ito ayon sa
kanilang kategorya. Gawin ito sa isang
malinis na papel.
Paglalahat

Batay sa iyong napag-aralan, kaya mo


nang kumpletuhin ang pangungusap na:
Ang pangngalan ay ________ ng
________, _________,
________, __________ at ___________.
Karagdagang Pagsasanay

Pumili ng isa o dalawang salita


mula sa listahan. Gamitin
ang mga ito sa sariling
pangungusap na magsasabi ng iyong
karanasan.
bagyo
bulaklak
palengke
pusa
Tukoy-Alam

• May nakapaskil na salita sa paligid ng


silid-aralan.,mag-ikot sa loob ng silid-
aralan.
• Basahin at unawain ang mga salitang
mababasa.

• Isulat ang sagot sa pisara kung anong


kahulugan.
Paglalahad

 “ Ang Aking Alkansiya” yan ang pamagat ng ating


kwento.
 Ano kaya ang nanmgyari sa kwento?
Ang Aking Alkansiya
Araw-araw, maagang akong gumigising upang ihanda ang
sarili sa pagpasok. Naliligo. Nagbibihis ng damit pampaaralan.
Araw-araw, paglabas ko sa aking silid, dumidiretso ako
sa aming kusina. Sa hapag-kainan, doon ko makikita
ang masarap na almusal na luto ng aking Nanay.
Matapos kumain, sasabay na ako kay Tatay sa
pagpasok sa paaralan.
Isang araw, paglabas ko sa aming silid-kainan.
Wala si Nanay. Wala ring masarap na almusal. Kaya’t hinanap
ko si Nanay. Nakita ko siya sa kanilang silid-tulugan.
Umiiyak. May sakit pala si Tatay at kailangang dalhin
sa ospital. Bumalik ako sa aking kuwarto. Pinahid ko ang aking
luha at kinuha ang aking alkansiya.
Iniabot ko ito kay Nanay. At isang mahigpit na yakap ang
kaniyang ibinigay sa akin.
Balikan ang mga hula ng mga bata sa simula tungkol sa mga
mangyayari sa kuwento.
• Tama ba ang hula mo?
• Tungkol saan ang kuwento?
• Ilarawan ang batang nagkukuwento.
• Dapat ba siyang tularan? Bakit?
• Ano-anong ginagawa niya na ginagawa mo rin?
Kasanayang Pagpapayaman

Kunin mo ang iyong notebook. Gawin ang


sinasabi sa bawat panuto.
1. Basahin ang talaan ng ngalan ng mga
kaklase mo na ipakikita ng guro.
Sipiin ang ngalan ng sampung kaklase na
nais mong imbitahan sa iyong kaarawan.

2. Narito naman ang talaan ng mga


pagkain. Sipiin ang limang nais mong
kainin.

You might also like