You are on page 1of 28

MODULES IN

GRADE 4
QUARTER 1 – WEEK 5

Page 1 of 28
Page 2 of 28
Page 3 of 28
Module Code: PASAY FIL4-Q1-W5-D1

Pangalan: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _________


Pangalan ng Guro: ______________________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 4
Unang Markahan / Ikalimang Linggo / Unang Araw

A. Layunin : Nasasagot ang mga tanong tungkol sa mahahalagang detalye


ng napakinggang teksto o SMS (Short Messaging Text)

B.1 Panimula:

Ang Text messaging, o texting, ay tumutukoy sa halaga ng palitan ng


maikling nakasulat na text na mensahe sa pagitan ng dalawa o higit pang mga
mobile phone o portable na mga aparato sa isang network ng telepono.

Sa pag-unlad ng teknolohiya, nasanay ang mga tao sa mabilis na


pagtrabaho. Gusto nilang gawin ang lahat sa isang saglit lamang. Isa ito sa mga
dahilan kung bakit nauso ang text sa mga tao lalo na sa mga Pilipino.

Mabilis ang komunikasyon. Totoo na maraming pakinabang ang text


messaging sa mga Pilipino, ngunit minsan, hindi rin ito nakabubuti sa atin. Dahil
dito, nababawasan ang pagiging pormal ng ibang Pilipino sa pagkilos at sa
pagsasalita.

Narito ang ilang halimbawa ng usapan sa pagitan ng dalawang nag-uusap


gamit ang text messaging. Pansinin ang paraan at istilo ng pag-uusap at
pagbabaybay sa mga salita.

Page 4 of 28
Module Code: PASAY FIL4-Q1-W5-D1

Pangalan: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _________


Pangalan ng Guro: ______________________________________

May napansin ka bang kakaiba sa paraan ng pagpapalitan ng mensahe


o usapan?
Sa iyong palagay, ano ang kabutihan ng ganitong paraan ng pakikipag
komunikasyon?
Ano naman ang di mabuting epekto nito sa mga tao sa larangan ng
komunikasyon?

C. NAUNAWAAN MO NA BA? SUBUKIN NATIN.

Gawain 1

Subuking basahin ang text message. Basahin ito nang may tamang bigkas.

Mama, kmsta na poh kau? Alam nu, gus2ng gus2 q na poh ku makita.
Miz na miz na pow nmin ku jan sa Amrka.Wag poh ku mag-ala2, nag-a2rl nmn
poh aq ng mus d2.Sn poh, lgi ku mag-i2ngat jan. Ingt lng poh plgi. I luv u poh.
Bunzo

Page 5 of 28
Module Code: PASAY FIL4-Q1-W5-D1

Pangalan: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _________


Pangalan ng Guro: ______________________________________

Sino ang nagpadala ng text message?


_______________________________________________
Para kanino ang mensahe? Nasaan ang kanyang ina?
____________________________________________________
Bakit nagpadala ng mensahe ang anak sa kanyang ina?
_____________________________________________________________
Naalala mo ba kung kalian ka huling nagpadala ng mensahe sa iyong mahal
sa buhay upang ipadama ang iyong pagmamahal sa kanila?
_________________________________________________________________

Gawain 2: SUBUKAN MO
Panuto: Magsulat ng isang makabuluhang text message.

 Text na nangungumusta at nagpapaalala sa kaibigan sa gitna ng


pandemya
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
 Text na bumabati sa kaklaseng may kaarawan sa panahon ng
pandemya.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Page 6 of 28
Module Code: PASAY FIL4-Q1-W5-D1

Pangalan: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _________


Pangalan ng Guro: ______________________________________

D. PAGLALAHAT:

Bago natin ituloy ang susunod na mga gawain…

DAPAT NATING TANDAAN

Ang texting ay isang modernong proseso ng pakikipagkomunikasyon

gamit ang teknolohiya o cellphone. Ito ay isang makabagong proseso o paraan

ng pagpapadala ng mensahe sa taong kinakausap na nasa malayong lugar.

Ang paggamit nito ay parehong may negatibo at positibong epekto

ngunit dapat na pansinin. Pagtuunan ng pansin ang mga negatibong epekto

nito sa iyong sarili at sa lipunan.

Gawing makabuluhan ang pag-tetext at maging bukas sa mga maaaring

mangyari. “mag-isip muna bago mag -send”

Gawain 3: PAG-ISIPAN MO

Iguhit ang kung ang pangungusap ay tumutukoy sa positibong epekto ng

SMS o Short Messaging Text at kung ito naman ay tumutukoy sa


negatibong epekto ng SMS.
____1. Ito ang pinakamurang paraan ng komunikasyon sa mabilis na
paraan.
____2. Nagiging multi-tasker ang mga tao sa pamamagitan ng text
messaging.
____3. Nababawasan ang pagiging pormal ng ibang Pilipino sa
pagkilos at pagsasalita.
____4. Nakakahanap ng mga bagong kaibigan.

Page 7 of 28
Module Code: PASAY FIL4-Q1-W5-D1

Pangalan: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _________


Pangalan ng Guro: ______________________________________

____5. Hindi maipahayag ang tamang tono sa pagkakasabi ng taong


nagpadala ng mensahe.
____6. Nagiging impormal ang pagsasalita at pagsusulat ng mga Pilipino.
____7. Posibleng mag-usap ang maraming tao nang sabay-sabay.
____8. Maaaring tumugon ang isang tao kung kailan pinakamaginhawa
sa kanya.

PAGTATAYA
Piliin ang tamang salita sa loob ng kahon upang mabuo ang diwa ng talata.
mensahe Internet komunikasyon
text messaging telepono text

Halos kasabay ng pagsikat ng ____________ ang pagkahumaling ng mga


Pilipino ang ________________________. Ang pagpapadala at pagtanggap ng
short message na kilalang _________ ay isang bahagi ng
_______________________ sa ating bansa. Nabibigyan ng pagkakataon na ma
edit ang ________________ at mas piliin ang angkop na pahayag o salita kaysa
sa aktwal itong sabihin nang harapan sa ___________.

Inihanda ni:
Gng. Marites P. Parumog
Rivera Village Elementary School

link: http://tl.wikipedia.org/wiki/Tagagamit:Kulturangpopular/Text_messaging

Page 8 of 28
Module Code: Pasay-F4-Q1-W5-D2
Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________________
Pangalan ng Guro:______________________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 4
Unang Markahan / Ikalimang Linggo / Ikalawang Araw

A. Layunin : Nagagamit ang magagalang na pananalita sa iba’t ibang


sitwasyon ng pakikipagtalastasan sa text (SMS)

B.1 Panimula:

Naalala mo ba ang mga kaibigan, kaklase at iyong guro? Naaalala mo ang


masasaya ninyong kwentuhan, biruan at lalo na ang guro mo ngunit di tayo
maaaring lumabas ng bahay para pumasok sa paaralan dahil sa
pandemyang nararanasan sa bansa. Gayonpaman, maaari mo pa ring
kumustahin at batiin ang iyong guro, kaklase, kalaro o maging ang mga
kamag-anak na nasa malayong lugar.
Paano? Maaari natin silang batiin sa pamamagitan ng SMS o text message.
Tandaan lamang na kailangang maging magalang sa anomang sitwasyon.
Narito ang ilang halimbawa ng magagalang na pananalita na maaaring
gamitin sa pagbati.

Pananalita
Panahon
1. Magandang umaga
1. umaga Magagalang
2, Magandang tanghali
na
2. tanghali
pananalita 3. Magandang hapon
3. hapon po 4. Magandang gabi
4 gabi opo

Page 9 of 28
Module Code: Pasay-F4-Q1-W5-D2
Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________________
Pangalan ng Guro:______________________________________

Ikapito nang umaga nang makatanggap ka ng text mula kay Dr. Salve, ang
dentistang bumunot sa sumasakit mong ngipin. Babatiin mo siya ng,
“Magandang umaga po Dr. Salve.”

Gabi na nang maalala mong tanungin ang guro mo tungkol sa leksyon na di


maunawaan. Babatiin mo muna siya ng “Magandang gabi po”.

NAUNAWAAN MO NA BA? SUBUKIN NATIN.


A. MGA GAWAIN
Gawain 1: Anong magagalang na pananalita ang gagamitin mo bilang
pagbati sa sumusunod na sitwasyon? Isulat ang titik ng tamang sagot sa
puwang sa bawat bilang.

______1. A. Magandang umaga

______2. B. Maliaayang kaarawan

_____ 3. C.Magandang aabi po

______4. D. Magangang tanghali po

E. Kumusta po.

______5. F. Binabati kita sa iyong tagumpay

Page 10 of 28
Module Code: Pasay-F4-Q1-W5-D2
Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________________
Pangalan ng Guro:______________________________________

Gawain 2
Anong magagalang na pananalita ang gagamitin mo sa mga sumusunod na
pagkakataon?
Piliin ang sagot sa loob ng kahon. Isulat ito sa patlang.

Magandang gabi po. Magandang tanghali po

Binabati kita sa iyong pagkamit ng sertipiko.

Binabati kita sa iyong pagtatapos. Magandang hapon po

Kamusta ka, hangad ko ang agaran mong paggaling

1. Nabalitaan mong nakakuha ng mataas na marka ang kaklase mo at dahil


ditto ay nabigyan siya ng sertipiko ng inyong guro. Ano ang sasabihin mo
upang malaman niyang masaya ka para sa kanya?

_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

2. Ikaapat ng hapon nang naalala mo ang paborito mong tiyuhin na nakatira


sa probinsiya. Paano mo siya babatiin?

_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

3. Araw ng pagtatapos ng iyong pinsan na nasa ibang lugar. Gusto mo sana


siyang batiin. Ano ang sasbihin mo kung padadalhan mo siya ng SMS o text?

_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

4. Mayroon kang gustong itanong sa iyong guro. Naisip mong I text na lamang
ito, paano mo siya babatiin kung ika-labindalawa nap ala ng tanghali?

_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

5. Nabalitaan mong nagkasakit ang iyong matalik na kaibigan. Gusto mong


alamin ang kalagayan niya sa pamamagitan ng text. Anong pagbati ang
sasabihin mo?

_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

Page 11 of 28
Module Code: Pasay-F4-Q1-W5-D2
Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________________
Pangalan ng Guro:______________________________________

PAGLALAHAT:
Bago natin ituloy ang susunod na mga gawain…
DAPAT NATING TANDAAN

Mahalagang maalala at magamit ang magagandang pananalita sa pang-


araw-araw na buhay. Maaring simulan sa tahanan,paaralan at sa mga
kaibigan. Ang “po” at “opo” ang magagalang na pananalita na ginagamit sa
pakikipag-usap sa nakatatanda.

Gawain 3.

Isulat ang angkop na pagbati sa mga oras na makikita sa orasan.

ng gabi _______________________________________________

ng umaga _____________________________________________

ng umaga ___________________________________________________

ng hapon ____________________________________________

ng gabi ______________________________________________________

Page 12 of 28
Module Code: Pasay-F4-Q1-W5-D2
Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________________
Pangalan ng Guro:______________________________________

PAGTATAYA
Panuto. Tama o Mali.
Isulat kung tama o mali ang diwang ipinapahiwatig ng pangungusap bawat
bilang.
_____1. Tanda ng kabutihang asal ang pagiging magalang sa lahat ng
pagkakataon.
_____2. Ginagamit ang “po” at “opo” sa pakikipag usap sa mga nakakatanda.
_____3. Hindi kailangang maging magalang sa pagpapadala ng SMS o text.
_____4. Ginagamit na pagbati ang “magandang hapon po” sa gabi.
_____5.Mayroong magagalang na pananalita na angkop sa bawat sitwasyon
na dapat gamitin kahit sa pakikipag text.

References for Further Enhancement:


Vibal Publishing House
2009-09-14-18.32.28.pdf

Google: Polite expressions in Filipino

FIL 3 Q1 ARAL 3 6 23 17_Paggamit ng Magagalang na Pananalita

Inihanda ni:
Gng Marites P. Parumog
Rivera Village Elementary School

Page 13 of 28
Module Code: Pasay F4-Q1-W5-D3

Pangalan:_____________________________ Baitang at Pangkat:__________

Pangalan ng Guro:______________________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 4
Unang Markahan / Ikalimang Linggo / Ikatlong Araw

A. Layunin : Nagagamit ang iba’t ibang uri ng panghalip (pananong) -


isahan-- maramihan sa usapan at pagsasabi tungkol sa sariling karanasan

B. Panimula:
1. Alamin natin
 Ang panghalip ay salitang ginagamit na pamalit o panghalili sa
pangngalan sa pangngalan. Tumatayo ang panghalip para sa ngalan ng
tao,bagay, hayop, lugar, pangyayari at iba pa upang hindi paulit-ulit ang
paggamit sa mga ito.
 May iba’t-ibang uri ng panghalip, isa rito ay Panghalip Pananong.
 Ang Panghalip Pananong ay uri ng panghalip na ginagamit sa
pagtatanong.
 Halimbawa ng panghalip pananong ay sino, ano, saan, alin, kalian,
magkano at gaano.
 Ito ay maaaring isahan o maramihan.
 Anyong isahan ito kung isa lamang ang tinatanong.
 Anyong maramihan ito kung dalawa o mahigit ang tinatanong.
 Ito ay magiging maramihan kung inuulit ang buong salita.
 Kapag may tatlo o higit pang pantig, inuulit ang unang dalawang pantig
tulad ng kani-kanino, magka-magkano.

Page 14 of 28
Module Code: Pasay F4-Q1-W5-D3

Pangalan:_____________________________ Baitang at Pangkat:__________

Pangalan ng Guro:______________________________________

Salungguhitan ang tamang panghalip pananong sa loob ng panaklong.


1. ( Sino, Ano, BAkit) ang paborito mong isport?
2. ( Gaano, Magkano, Saan) ang pamasahe sa dyip?
3. (Kanino, Sino, Kailan) ang napulot mong pitaka?
4. (Sino, Ilan, Saan) tayo magtatanim ng mga gulay?
5. (Bakit, Paano, Alin) namuhay ang mga sinaunang tao?

NAUNAWAAN MO NA BA? SUBUKIN NATIN


A. MGA GAWAIN
Gawain 1: Hanapin mo sila.
Panuto: Ikahon ang mga panghalip na pananong sa mga pangungusap.
1. Saan kaya nakabili si Pia ng facemask?
2. Sino kaya ang aming magiging guro sa pasukan?
3. Kailan ipinanganak ang pambansang bayani natin na si Dr. Jose Rizal?
4. Kanino ba natin utang ang ating buhay?
5. Alin sa mga ito ang bibilhin mong damit?

Gawain 2: Kilalanin natin sila


Panuto: Salungguhitan ang mga panghalip na pananong at isulat kung
isahan o maramihan.
_________1. Ano-ano ba ang kailangan mo sa pag-aaral?
_________2. Kanino ka nagpaturo sa pagluluto ng sinigang?
_________3. Kailan nagana pang pagsabog ng bulkan ?
_________4. Sino-sino ang mga paborito mong artista sa telebisyon?
_________5. Magka-magkano ang tinanggap ng bawat miyembro?

Page 15 of 28
Module Code: Pasay F4-Q1-W5-D3

Pangalan:_____________________________ Baitang at Pangkat:__________

Pangalan ng Guro:______________________________________

Gawain 3
Piliin ang angkop na panghalip pananong sa loob ng mga puzzle upang
mabuo ang diwa sa bawat tanong.

Alin Kailan
Gaano Bakit Ano Saan Makano

1. _______________ ang nangyari sa mga puno sa gubat?


2._______________ ang baon mo sa isang araw?
3. _______________ karami ang iniinom mong tubig araw-araw?
4. _______________ ipinagdiriwang ang Araw ng mga Ina?
5. _______________ may alon sa dagat?

PAGLALAHAT:
Bago natin ituloy ang susunod na mga gawain…
DAPAT NATING TANDAAN

Ang panghalip pananong ay uri ng panghalip na ginagamit sa pagtatanong


sa pangalan ng tao o bagay.
Maaari itong isahan o maramihan.

Gawain 4: Subukin ang natutuhan


Panuto: Salungguhitan ang tamang panghalip pananong sa panaklong.
1. (Ilan, Alin, Paano) ang napitas mong bulaklak?
2. (Ano, Sino, Kailan) ang kakanta ngayon?
3. (Ano, Sino, Alin) sa nilutong ulam ni nanay ang gusto mo?
4. (Sino, Gaano, Kailan) nagkakaroon ng malalakas na bagyo?
5. (Ano-ano, Alin-alin, Bakit) ang mga paghahandang ginagawa mo bago
mag-aral ng leksyon?

Page 16 of 28
Module Code: Pasay F4-Q1-W5-D3

Pangalan:_____________________________ Baitang at Pangkat:__________

Pangalan ng Guro:______________________________________

6. (Gaano, Paano, Ilan) ang kuwentong nabasa mo habang nasa bahay?


7. (Magka-magkano, Alin-alin, Sino-sino) ang mga paborito mong kulay?
8. (Paano, Bakit, Kailan) kailangang manatili lamang tayo sa bahay habang
umiiral ang GCQ?
9. (Ilan, Saan, Paano) ka makatutulong sa pamahalaan sa pagsugpo sa virus?
10.(Ano, Sino, Kanino) ka magpapaturo ng leksyong di mo maunawaan?

PAGTATAYA
Panuto: Gawing patanong ang nakasulat na pangungusap. Gumamit ng
angkop na panghalip pananong sa mga pangngalang may salungguhit.
1. Si Pres. Rodrigo Roa Duterte ang pangulo ng Pilipinas.
____________________________________________________________
____________________________________________________________

2. Tumulong ako kay nanay na maglinis, maghugas ng plato at mag-alaga


ng kapatid habang may GCQ.
____________________________________________________________
____________________________________________________________

3. Bigas, pagkaing de-lata, itlog, noodles at marami pang iba ang


natanggap naming ayuda mula sa pamahalaan.
____________________________________________________________
____________________________________________________________

Page 17 of 28
Module Code: Pasay F4-Q1-W5-D3

Pangalan:_____________________________ Baitang at Pangkat:__________

Pangalan ng Guro:______________________________________

4. Si tatay ang lumalabas ng aming bahay upang mamili ng aming


pangangailangan sa bahay.
____________________________________________________________
____________________________________________________________

5. Nagsimula noong March 15, 2020 ang Community quarantine sa Metro


Manila.
____________________________________________________________
____________________________________________________________

Inihanda ni:
Gng Marites P. Parumog
Rivera Village Elementary School

References for Further Enhancement:


Sambitla sa Filipino 4 Sanayang aklat
Sanayang Aklat sa Filipino 4

Page 18 of 28
Module Code: PASAY-FIL4-Q1-W5-D4

Pangalan: _____________________________Baitang at Pangkat: __________


Pangalan ng Guro: ______________________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 4
Unang Markahan / Ikalimang Linggo / Ikaapat Araw

A. Layunin : Nasasagot ang mga tanong na “bakit” at “paano”


B.1 Panimula:

 May ilang paraan ng pagsagot sa mga tanong.


 Ang mga tanong na nagsisimula sa “bakit” at “paano” ay
nangangailangan ng mas malalimang pang-unawa upang masagot
nang maayos at tama.
 Karaniwan itong nangangailangan ng paliwanag kaya’t inaasahang mas
mahaba ang kasagutan.

Ating Tuklasin:
Basahin at unawain ang maikling kuwento upang masagot ang mga tanong
tungkol dito.
Iba si Inay

Ilang araw nang napupuna ni Carlo na gabi kung umuwi ang ina at maraming
mga dalang laruan.
“Anak tulungan mo akong buhatin ang kahon na ito,” wika ni Gng. Ocampo.
“Inay, bakit gabi na kayong umuwi? Akin po ba ang mga ito?,” tanong niya.
Hindi sumagot ang kanyang ina, bagkus tinanong siya nito kung siya ay
nakakain at nakapaglinis na ng katawan.
“Kung ganun matulog ka na at maaga kang gumising bukas. Maaga kang
maligo at kumain ng almusal at may pupuntahan tayo,” mariin nitong sinabi.
Maaga pa ay sakay na sila ng kanilang kotse. Iniisip ni Carlo kung saan sila
pupunta. Huminto ang sasakyan sa harap ng isang malaking gusali at pagbaba
nila ay sinalubong sila ni Sister Nanet, ang madre sa ampunan at ang mga
batang nakatira doon.
“Maligayang araw ng mga Ina, Gng. Ocampo,” sabay-sabay na bati ng mga
bata.
“Salamat sa inyo, ako ang pinakamasaya sa araw na ito,” sagot ni Gng.
Ocampo. Hinangaan ko si Inay sa kanyang ginawa. Naiiba siya.

1. Sino ang madalas umuwi nang gabi?


A. Tatay B. Nanay C.Kuya D. Ate
2. Ano ang binili ni Gng. Ocampo?
A.mga laruan B. mga kendi C. mga lobo D. tinapay
3. Saan pumunta si Carlo at Gng. Ocampo sa Araw ng mga Ina?
A.Parke B. Sinehan C. Simbahan D.Bahay-ampunan

Page 19 of 28
Module Code: PASAY-FIL4-Q1-W5-D4

Pangalan: _____________________________Baitang at Pangkat: __________


Pangalan ng Guro: ______________________________________

4. Bakit binilhan ni Gng. Ocampo ng laruan ang mga bata?


A. Dahil walang laruan ang mga bata
B.Dahil puro damit lang ang gamit nila
CDahil puro pagkain lang ang meron sila
DLahat ng nabanggit ay tama
5. Paano ipinagdiriwang ni Gng. Ocampo ang Araw ng mga Ina?
A. Nagpalaro siya sa mga bata
B.Nagbibigay siya ng pera sa mga bata sa kalye
C.Nagpakain siya ng mga bata sa kalye nila
D.Nagbigay siya ng mga regalo sa mga bata sa ampunan

NAUNAWAAN MO NA BA? SUBUKIN NATIN.


A. MGA GAWAIN
Gawain 1
Basahin ang maikling kuwento. Sagutin ang mga tanong pagkatapos nito.

Ang Unggoy At Ang Kabayo


Sa Panulat Ni Angelo Sumadia

Noong unang panahon may isang unggoy na ubod ng yabang dahil na


rin sa kasikatan sa kanilang baryo.
Isang araw nasalubong ni unggoy si kabayo sa daan."kaibigang kabayo!
nais mo bang lumaban sa akin sa pabilisan sa pag akyat" wika ni unggoy.
Tumanggi si kabayo sa hamon ni unggoy kaya naman tinawanan ni
unggoy si kabayo. "hahaha.... isang mahinang kabayo"wika ni unggoy. Sa sinabi
ni unggoy ay nasaktan si kabayo kaya naman napilitan itong tanggapin ang
hamon ni unggoy na isang paligsahan sa pag akyat sa puno.
Mayamaya pa nga'y nagsimula na ang paligsahan mabilis na nakaakyat
si unggoy sa taas ng puno samantalang ilang beses namang nahulog si kabayo
sa ginagawang pag-akyat. Halakhak ng halakhak si unggoy sa ginagawang
pag-akyat ni kabayo kaya naman nang makita niyang hindi na kaya pang
umakyat ni kabayo'y bumaba si unggoy at sinabi kay kabayo.
"Oh ano kabayo pagod ka na? wala ka pala eh! hindi mo ako kayang
talunin" pagmamayabang ni unggoy.
Nalungkot si kabayo sa tinuran ni unggoy gayon pa man tinanggap ni
kabayo ang kanyang pagkatalo. Ngunit hindi pa rin nawala ang ginagawang
pang lalait ni unggoy kay kabayo at bago umalis si unggoy ay iniwan nyang
may pagdaramdam si kabayo.
Kinabukasan maagang nagising si unggoy na may pagmamalaki sa sarili
maaga siyang nag ikot-ikot sa kagubatan habang sya'y naglalakad
nakasalubong ni unggoy ang napakalaking ahas. Tatangkain na sana nitong
lunukin si unggoy ng biglang hinablot ni kabayo si unggoy at mabilis na
kumaripas ng takbo. Hinabol naman sila ng ahas ngunit dahil sa bilis ng
pagtakbo ni kabayo ay hindi sila maabutan ng ahas.

Page 20 of 28
Module Code: PASAY-FIL4-Q1-W5-D4

Pangalan: _____________________________Baitang at Pangkat: __________


Pangalan ng Guro: ______________________________________

Lubos lubos ang pasasalamat ni unggoy kay kabayo. Mula noon ay naging
magkaibigan ang dalawa at natuto si unggoy na hindi nya dapat minaliit ang
kakayahan ni kabayo pagkat hindi man ito magaling sa pag-akyat kay bilis
naman nito'ng tumakbo.

1. Sino ang mga tauhan sa kuwento?


_____________________________________________________
2. Bakit naging mayabang si Unggoy?
_____________________________________________________
3. Bakit pinagtawanan ni Unggoy si Kabayo?
_____________________________________________________
4. Paano nakaligtas si Unggoy mula sa malaking ahas?
__________________________________________________
5. Paano naging magkaibigan sina Unggoy at Kabayo?
____________________________________________________

Gawain 2:
Gumawa ng tanong na nag-uumpisa sa “Bakit” at “Paano” mula sa mga
pangungusap.

1. Igalang mo ang mahihirap sapagkat sila’y may dangal din.


__________________________________________________________________

2. Dapat palagi tayong maglinis ng paligid upang makaiwas sa sakit.


__________________________________________________________________

3. Kailangang lagyan ng pataba ang lupa upang lumago ang mga pananim.
__________________________________________________________________

4. Mag-aral nang mabuti upang makakuha ng mataas na marka.


______________________________________________________________________

5. Lumago at madaling lumaki ang mga halaman dahil dinidilig ito araw-araw.
_________________________________________________________________

PAGLALAHAT:
DAPAT NATING TANDAAN

Bago sumagot sa tanong mabuting tumigil muna sumandali at suriing mabuti


ang nilalaman ng tanong upang makatiyak na tumpak ang magiging
kasagutan.

Gawain 3 : Basahin at unawaing mabuti ang kwento upang masagot nang


maayos ang mga tanong.

Page 21 of 28
Module Code: PASAY-FIL4-Q1-W5-D4

Pangalan: _____________________________Baitang at Pangkat: __________


Pangalan ng Guro: ______________________________________

ANG MAHIWAGANG PALASYO


ni Angelo Sumadia
Noong unang panahon may dalawang manlalakbay na nagngangalang
Juan at Kulas na naligaw sa napakalawak na kagubatan. Nakatagpo sila ng
isang palasyo sa gitna ng kagubatan. Nagbakasakali ang dalawa at pumasok
sa loob upang humingi ng tulong.
Ngunit lubos-lubos na lamang ang kanilang pagtataka nang walang
madatnang tao roon. At lalo pang namangha sa napakaraming ginto.
Magtatangka na sanang mambulsa si Kulas nang pigilin siya ni Juan at itinuro
ang napakalaking batong ginto na may nakasulat. "Ang sino mang kukuha ng
higit sa pangangailangan ay hindi na makalalabas ng palasyo".
Nang mabasa iyon ni Kulas ay natawa lamang ito waring hindi naniniwala
sa nakasulat at nagsimulang ibulsa ang lahat ng gintong kanyang mahawakan.
Mayamaya pa’y waring gumalaw ang palasyo na parang lumilindol.
Napatakbo ang dalawa palabas ng palasyo ngunit hindi nakalabas ng palasyo
si Kulas at kasamang naglaho ng palasyo.

1. Sino ang magkaibigan sa kuwento?


___________________________________________
2. Saan naganap ang kuwento?
____________________________________________
3. Bakit nagpasya ang magkaibigan na pumasok sa palasyo?
_________________________________________________________
4. Bakit hindi nakaligtas si Kulas nang lumindol sa palasyo?
_________________________________________________________
5. Sa iyong palagay, paano nakaligtas si Juan?
____________________________________________________________

PAGTATAYA
Unawain ang talata.Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot sa mga tanong.

Kahanga-hangang Tanawing Kalikasan

Sa pangunguna ng Pangulo ng Pilipinas tatlong nangungunang


landmarks sa bansa ang napabilang sa “Magic 10” sa paghahanap ng mga
kahangahangang tanawing kalikasan na isinagawa ng pandaigdigang
pananaliksik nitong Mayo 2008.
Ang Tubbataha Reef sa Palawan bilang 7. Tirahan ito ng mga isda at
iba pang mga kauri nito gaya ng Manta Rays at Lion Fish.
Ang kabigha-bighaning Chocolate Hills sa Bohol na may 1268 na
magkakatulad ang laki at hugis. Ang mga damo na kulay tsokolate kapag tag-
init.
Ang makapigil-hiningang Puerto Prinsesa Subterranean River National
Park sa Palawan na naglalantad ng limestone na hugis bundok. Ang ilog na ito

Page 22 of 28
Module Code: PASAY-FIL4-Q1-W5-D4

Pangalan: _____________________________Baitang at Pangkat: __________


Pangalan ng Guro: ______________________________________

sa ilalim ng yungib na malalakbay sa may 8.2 kilometro at napapalamutian ng


naglalakihang Stalactites at Stalagnites. Sinasabing ang ilog sa ilalim ng lupa
ang pinakamahabang ilog sa buong mundo. Ang baybayin nito sa bunganga
ng yungib ay katatagpuan ng mga tsonggo at naglalakihang butiki at squirrels.

1. Sino ang nagsagawa ng pananaliksik sa paghanap ng mga kahanga


hangang tanawing kalikasan?
A. pandaigdigang pananaliksik
B. Ang pangulo
C. mga turista
2. Kailan isinagawa ang pananaliksik?
A. Mayo 2020 B. Marso 2008 C. Mayo 2008
3. Ilan ang napabilang sa “Magic 10” sa mga landmarks sa Pilipinas?
A. pito B. tatlo C. sampu
4. Bakit mahalaga ang Tubbahata Reef?
A. Dahil tirahan ito ng mga isda at iba pang kauri nito.
B. Upang may pook pasyalan
C. Upang may magsaliksik
5. Bakit kaya tinawag na Chocolate Hills ang may1268 na mga bundok?
A. Dahil maraming burol ang makikita rito.
B. Upang lagi itong puntahan.
C. Dahil ang mga damo nito ay nagiging kulay tsokolate kapag tag-init.
6. Ano ang magandang dulot sa ating bansa ng pagkakaroon ng mga
kahanga-hangang tanawing kalikasan?
A. Mas mabilis ang kalakalan.
B. Lalakas ang turismo sa ating bansa.
C. Lalawak ang teritoryo ng ating bansa
7. Papaano ka makatutulong sa pangangalaga sa mga kahanga-hangang
tanawin sa inyong pook? .
A. Tumulong sa barangay sa pagsasagawa ng mga kautusang
ipinatutupad nito ukol sa pangagalaga ng magagandang tanawin.
B. Mag-aaral ako nang mabuti.
C. Magbabasa ako ng mga magazine na nagpapakita ng mga
magagandang tanawin.

Inihanda ni :
Gng. Marites P. Parumog
Rivera Village Elementary School

References for Further Enhancement:


Phil-IRI 4
FIL 4 LM YUNIT 1

Page 23 of 28
Module Code: Pasay-F4-Q1-W5-D5

Pangalan: _____________________________Baitang at Pangkat: __________


Pangalan ng Guro: ______________________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 4
Unang Markahan / Ikalimang Linggo / Ikalimang Araw

A. Layunin : Nasasagot ang mga tanong tungkol sa mahahalagang detalye


ng napakinggan/nabasang balita
B. Panimula:

“ANG PAGBABASA AY KARUNUNGAN”, isa ito sa magandang panuntunan


sa buhay ng isang mag-aaral, bakit di mo subukan? Kung wala kang
libro sa bahay, maaari mong gamitin ang mga lumang dyaryo o kahit anong
babasahin, nasasanay ka pang bumasa nang mabilis, nadadagdagan pa
ang iyong kaalaman, nahahasa pa ang iyong pang-unawa. Tulad nito….

A. Basahin mo ang siniping balita sa pahayagan at sagutin ang mga tanong


na kasunod. Isulat ito sa kuwaderno.

300 stranded na indibiduwal sa ilalim ng tulay, inilikas


Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon ) - June 13, 2020

— Dahil sa malakas na ulan na dala ng bagyong ‘Butchoy’ ipinalipat ni Pasay


Mayor Emi Calixto-Rubiano ang mahigit 300 ‘waiting passengers’ na stranded sa
Ninoy Aquino International Airport (NAIA) expressway sa Villamor Air Base
Elementary School (VABES), para sa mas ligtas na pananatili habang hindi pa
nakakauwi sa kanilang mga lalawigan.
Nanawagan na rin ang alkalde sa mga mayor ng ilang lokalidad na i-
accomodate na ang pagbabalik-probinsya ng kanilang kababayan na na-
stranded lamang sa airport dahil sa hindi inaasahang kanselasyon ng kanilang
flights habang ang iba ay wala pang plane tickets na nagbabakasakaling
makasakay.
Kabilang dito ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at naipit lamang sa
pagpapatupad ng quarantine.
Sinabi ni Mayor Emi na nagsimulang dumagsa ang tao sa NAIA expressway
noong Linggo (Hunyo 7) na pinagtutulungan naman ng lokal at national
government na asikasuhin.
“Inilikas namin na yung mga nandoon, pero ngayon ay meron na naman.
Kahapon, nakipag-usap din ako kay NAIA General Ma­nager Ed Monreal at kay
DILG NCR Director Maria Lourdes Agustin, kasi sabi ko, sana ay merong

Page 24 of 28
Module Code: Pasay-F4-Q1-W5-D5

Pangalan: _____________________________Baitang at Pangkat: __________


Pangalan ng Guro: ______________________________________

announcement through TV, radio and other means, na yung mga walang ticket,
sabihang wag na munang pumunta. At para naman sa kapakanan nung mga
may ticket, i-anounce sana nila earlier (kung may flight cancellation), or
tawagan (yung ticket holder and inform them na cancelled ang flight),”ani
Mayor Emi.

Naghahanap pa ang Pasay govt, ng iba pang matutuluyan sa mga stranded


na pasahero dahil hindi naman umano magkakasya ang patuloy na pagdami
ng mga nagtutungo sa NAIA na naiistranded lang.
Aniya, ang 326 na stranded passengers na nailipat na kahapon sa pakikipag-
ugnayan ng Pasay LGU sa Department of Education (DepEd) ay kalahati lang
ng kabuuan dahil ang iba ay natulungan nang maiproseso at nakauwi na.
1. Tungkol saan ang balita?
____________________________________________________________________________
2. Saan naganap ang balita?
___________________________________________________________________
3. Sino ang alkalde ng naturang lungsod?
__________________________________________________________
4. Bakit kinailangan ni Mayor Emi Calixto na ipalipat ang mga stranded sa
Villamor Elementary School?
_______________________________________________________________________
5. Paano niya tinulungang makauwi ang mga stranded na pasahero?
__________________________________________________________________

NAUNAWAAN MO NA BA? SUBUKIN NATIN.

A. MGA GAWAIN
Gawain 1
Humingi ng tulong sa nanay o tatay upang basahin ang ulat o balita. Sagutin ang mga tanong na
sumusunod at isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Duterte sa Araw ng Kalayaan: Magkaisa laban sa COVID-19


Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon ) - June 13, 2020

Kasabay nang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan, nanawagan si Pangulong


Rodrigo Duterte sa sambayanang Filipino na ipakita ang pagkakaisa at maging
bayani ngayong COVID-19 pandemic.
Sinabi ng Pangulo na dapat ipamalas ng mga mamamayan ang kakayahang
tularan ang katapangan ng mga nakaraang bayani.
Nagpahayag din ng pag-asa ang Pangulo na mananalo ang bansa sa
nararanasang pandemic.

Page 25 of 28
Module Code: Pasay-F4-Q1-W5-D5

Pangalan: _____________________________Baitang at Pangkat: __________


Pangalan ng Guro: ______________________________________

Hiniling niya sa bawat isa na manatiling puno ng pag-asa habang hinaharap


ang krisis sa COVID.
Ginunita rin ng Pangulo ang proklamasyon na naging daan sa kalayaan ng
bansa 122 taon na ang nakalilipas.
Dapat aniyang pasalamatan ang katapangan at sakripisyo ng mga bayani na
nagbuwis ng buhay para sa demokrasya at kalayaan.
1. Ano ang panawagan ni Pang. Rodrigo R. Duterte?
2. Anong katangian ng mga naunang bayani ang dapat nating tularan?
3.Ilang taon na ang nakakalipas nang makamit ng bansa ang kalayaan?

4. Bakit kailangan pasalamatan ang ating mga bayani?

5. Bilang isang mag-aaral, paano ka makatutulong sa pagsugpo at di pagkalat


ng COVID-19?

Gawain 2
Basahin mo ang balita at sagutin ang mga tanong sa iyong sagutang papel.
Tag-ulan pumasok na – PAGASA
Opisyal nang inanunsiyo ng PAGASA ang pagsisimula ng tag-ulan o rainy season
sa bansa.
Ayon sa PAGASA, ang epekto ng Tropical Depression “Butchoy” at Southwest
Monsoon o Habagat sa nakalipas na ilang mga araw ay nagdala ng sapat na
dami ng tubig-ulan sa western sections ng Luzon at Visayas.
Dahil dito, nakamit na ang ‘criteria’ para sa pagdedeklara ng panahon ng tag-
ulan.
Pero ayon sa PAGASA, maaari pa ring makaranas ng dry periods o monsoon
break na pwedeng tumagal ng ilang araw hanggang dalawang linggo.
Samantala, inalis na ng PAGASA ang nakataas na Tropical Cyclone Wind Signal
sa mga naapektuhan nitong lalawigan.
Si ‘Butchoy’ ay inaasahang lalabas ng bansa ngayong Sabado matapos 2
beses mag-landfall sa Quezon Province.

1. Ano ang nilalaman ng balita?


2. Ano ang pangalang ibinigay ng PAGASA sa tropical depression sa bansa?
3, Saan nag landfall ang bagyong si Butchoy?
4. Kailan ito inaasahang lalabas ng bansa?

Page 26 of 28
Module Code: Pasay-F4-Q1-W5-D5

Pangalan: _____________________________Baitang at Pangkat: __________


Pangalan ng Guro: ______________________________________

PAGLALAHAT:

Bago natin ituloy ang susunod na mga gawain…


DAPAT NATING TANDAAN

Ang balita ay maikli at maliwanag na paglalahad. Sinisimulan ang balita sa


pinakamahalagang impormasyon tungo sa di-gaanong mahalagang detalye.
Ang patnubay o unang talataan ang sumasagot sa mga tanong na ano, sino,
kailan, saan, bakit at paano. Ang pamagat ng balita ay batay sa uri ng
talataan o patnubay. Ito ay isinusulat sa malalaking titik upang makatawag
pansin.

Gawain 3
Matapos mong mabasa ang balita mula sa pahayagan at masagot ang
mga tanong ukol dito, marahil ay may kakayahan ka nang sumulat ng
balita. Gawin mo ito at patunayan mong kaya mo! May ilang detalye
kang mababasa sa ibaba, dito mo ibabatay ang iyong isusulat na
balita. Simulan mo na….

ENROLMENT SINIMULAN NA
Nagsimula ang enrolment June 1-30, 2020 Alagao Elementary School
Nagpaenrol – Online Kinder to VI
Unang araw – kaunti ang nagpa-enrol
Huling araw dumagsa ang mga nagpaenrol
Humigit kumulang 400 bata ang nag-enrol

PAGTATAYA

Panuto: Pakiusapan mo ang isa sa myembro ng pamilya na basahin ang balita


para sa iyo. Punan ng mga detalyeng sumasagot sa tanong sa bawat hanay.
US, handang magbigay ng COVID-19 vaccines
Handa ang Estados Unidos na ibahagi sa Pilipinas ang COVID-19 vaccines.
Ito ang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana matapos ang kanilang
pagpupulong ni US Defense Secretary Mark Esper.
Ayon kay Lorenzana, sinabi ni Esper na ibabahagi nila ang vaccines sa mga
kaalyadong bansa kabilang ang Pilipinas sa sandaling madiskubre ito ng mga
eksperto.
Sa pahayag ni Esper, malaki ang posibilidad na madiskubre ang vaccine
laban sa COVID-19 dahil sa patuloy na pananaliksik ng mga eksperto.

Page 27 of 28
Module Code: Pasay-F4-Q1-W5-D5

Pangalan: _____________________________Baitang at Pangkat: __________


Pangalan ng Guro: ______________________________________

Pinasalamatan din ni Lorenzana si Esper sa medical assistance at donasyon nila


ng medical supplies sa Pilipinas para sa COVID-19 pandemic.
Gayundin ay pinasalamatan ni Esper ang DND sa suporta nito sa terminasyon
sa Visiting Forces Agreement.
Matatandaan na maging si Chinese President Xi Jinping ay nagpahayag ng
kahandaang tumulong at magbigay ng vaccine sa Pilipinas na tinawag nitong
“friendly neighbor”.

Sino Kailan Ano Bakit Paano

References for Further Enhancement:


MSOSA Detalye ng Kuwentong/Balitang Binasa
Learning Material, Learning Module | PD

Inihanda ni
Gng. MARITES P. PARUMOG
RIVERA VILLAGE ELEMENTARY SCHOOL

Page 28 of 28

You might also like