You are on page 1of 31

Edukasyon sa

Pagkakatao 5
Quarter 3 Week 5
Panuto: Magsulat ng sariling saloobin
para sa sumusunod na paksa. Gumamit
ng isa o dalawang
pangungusap lamang.
1. Paggalang sa karapatang pantao
2. Paggalang sa opinyon o ideya ng iba
Sa araling ito iyong:
1. Mabibigyang kahulugan ang kapayapaan at matutukoy
ang mga paraan upang mapanatili ang
kapayapaan.
2. Naibibigay ang kahalagahan ng paggalang sa opinyon
ng iba sa pagpapanatili ng kapayapaan.
3. Nakapagbibigay ng halimbawa kung paano ang
makiisa nang may kasiyahan sa mga programa
ng pamahalaan sa mga proyektong may kaunayan sa
kapayapaan.
Ang kalapati ay sagisag ng
kapayapaan. Basahin mong mabuti
ang mga salita sa loob ng bawat
kalapati. Tukuyin mo kung ang bawat
salita ay nagsasaad ng kapayapaan o
nakakatulong sa pagkamit ng
kapayaan
Gumuhit ka ng isang simbolo ng kapayapaan.
Sa labas ng ginuhit na simbolo, magsulat ka ng
programa ng pamahalaan o ng pamayanan na
may kaugnayan sa pagpapanatili ng
kapayapaan o pangangalaga sa karapatang
pantao. Sa loob ng simbolong iginuhit, isulat
kung ano ang iyong ipinapangakong gagawin
upang mapanatili ang kapayapaan sa tahanan o
sa paaralan. Gawin mo ito sa sagutang papel
Sagutin ang sumusunod na gawain. Basahin at unawaing mabuti
ang bawat tanong bago ito bigyan ng kaakibat na kasagutan.
Lagyan ng tsek ang nagpapakita ng paggalang sa opinyon ng kapwa
at ekis naman kung hindi ito nagpapakita.
1. Pinagtatawanan ang ideya ng kapwa.
2. Hindi tinitingnan sa mata at gumagawa ng gawain habang
nakikipag-usap sa iba.
3. Pinakinggang mabuti ni Tony ang mga suhestiyon ng kanyang
kaibigan tungkol sa gagawin niyang proyekto.
4. Tinatanggap ni Sebastian ang mga ideyang ibinahagi ng kanyang
mga kagrupo.
5. Inuunawang mabuti ang sinasabi ng kausap o mga taong
nagbibigay ng kanilang mga opinyon.
Bilang isang mag-aaral, papaano mo maipapakita ang
paggalang mo sa opinyon ng iyong kapwa?
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________
Ang pamahalaan ay may mga itinakdang
batas upang masiguro ang kapayapaan at
kaligtasan ng mga tao. Ilahad sa iyong
journal ang iyong mga balakin at gawain ng
pakikilahok sa kampanya ng pamahalaan sa
pagpapatupad ng mga batas.
Makakatulong ang paggalang sa karapatang
pantao at paggalang sa opinyon at ideya
ng iba sa pagkamit ng kapayapaan.
Ang karapatang pantao ay mga
prinsipyong gumagabay sa
pananaw ng tao tungkol sa
pagtrato ng kaniyang kapwa at
sa dignidad niya bilang tao.
Ang kapayapaan ay ang kalagayan ng pagkakaroon
ng katahimikan at katiwasayan. Ito ang katayuan sa
panahon na walang gulo, away, alitan, o digmaan.
Ang kaayusan ay isang estado na walang kaguluhan o
may kapayapaan. Ang kapayapaan ay isang bagay na
hindi nabibili ng pera. Ito ay kondisyon sa loob ng
tahanan, pamayanan, at bansa kung saan ang mga
kasapi ay nagkakaunawaan, nagkakasundo,
nagtutulungan, at may paggalang sa isa’t isa upang
matamo ang mapayapa, matiwasay, at maunlad na
pamumuhay.
Bagama’t bata ka pa at hindi mo
pa kayang gawin ang mga
nabanggit, may mga simpleng
paraan kung paano ka makikiisa o
makakatulong sa pagpapanatili ng
kapayapaan
1. Manood ng palabas na nagpapakita ng pagmamahal,
katarungan, at pagkakasundo. Iwasan ang mararahas na
panoorin.
2. Sikaping makisalamuha sa miyembro ng pamilya at
mga kalaro nang matiwasay at may pagbibigayan.
3. Lutasin agad sa mapayapang paraan ang hindi
pagkakaunawaan sa tahanan o sa paaralan.
4. Mahalagang igalang ang opinyon ng ating kapwa
sapagkat kailangan nating isaalang-alang na hindi
magkakapareho ang ating lugar na kinalakihan.
Ibigay mo ang iyong sariling sagot sa bawat sitwasyon na
iyong mababasa;
1. Ikaw at ang kaibigan mo ay kasali sa isa sa mga
aktibidad na isinagawa ng inyong paaralan, pareho
kayong may ideya ng iyong kaibigan ngunit magkaiba
kayo ng ideya/opinyon. Ano ang gagawin mo?
2. Nalaman mo na isa sa mga kaibigan mo ay iba ang
relihiyon na pinaniniwalaan niyo. Pinipilit siya ng isa mo
pang kaibigan na sumama sa isang pagpupulong na
taliwas sa kanyang paniniwala. Ano ang gagawin mo?
Ikuwento mo ang isang sitwasyon na nangyari na at naipakita
mo na sa pang araw-araw mong pamumuhay. Gawing batayan
ang sumusunod na tanong sa ibaba.
1. Nagpakita ka ba ng paggalang sa karapatang pantao? Ano
ang iyong ginawa? Mahalaga ba ang iyong
ginawa? Bakit?
2. Nagpakita ka ba ng paggalang sa opinyon ng iba? Ano ang
iyong ginawa? Mahalaga ba ang iyong ginawa?
Bakit?
3. Nagpakita ka ba ng paggalang sa ideya ng iba? Ano ang
iyong ginawa? Mahalaga ba ang iyong ginawa?
Bakit
Inaasahan na ang bawat isa ay makiisa sa mga programa
ng pamahalaan upang mapanatili ang
kapayapaan. Ang pagpapanatili at pagsasakatuparan ng
kapayapaan ay maaaring simulan sa pakikipaglaro
ng patas at pakikipag-ugnayan nang mapayapa at
mahinahon sa iyong mga kaklase. Kung ang bawat tao ay
nagpapahalaga sa kanyang kapwa, iginagalang ang
karapatan ng iba, at nagpapakita ng paggalang sa
karapatang pantao, at paggalang sa opinyon at ideya ng
iba.
Isulat mo ang salitang tama kung totoo ang ipinapahayag ng bawat pangungusap at mali
kung hindi.
1. Hindi magkakaroon ng katahimikan ang bayan kung magkakaiba-iba ang mga
pinaniniwalaan.
2. Isasantabi muna ang personal na interes bagkus kapakanan ng bayan ang unahin kung
gustong mapanatili
ang kapayapaan.
3. Walang taong naghangad ng sigalutan o away. Ang lahat ay nagnanais ng kapayapaan.
4. Mahalagang lutasin kaagad sa mapayapang paraan ang hindi pagkakaunawaan.
5. Lumahok sa programa at proyekto sa pagpapalaganap ng kapayapaan.
6. Pag-usapan nang mahinahon ang problema at tiyak ay maisasaayos din ito.
7. Para walang away, sumang-ayon ka nalang kahit hindi siya tama upang makaiwas sa
away.
8. Dapat ang labanan ay idinadaan sa mapayapang paraan.
9. Dulot ng kapayapaan ay katahimikan ng kalooban.
10. May mga tao pa ring hindi nakauunawa sa tunay na kahulugan ng kapayapaan.

You might also like