na kalooban na tumanaggap sa mensahe at may malawak na pang-unawa at handang pakinggan at suriin ang anumang dahilan nito. Sa araling ito malalaman mo kung:
Paanomakikinig nang mabuti sa kausap
para mahatid ang pagkakaisa at pagkakaunawaan? Ano-anoang limang antas ng komunikasyon na makatulong sa maayos na pakikipag-ugnayan sa kapwa? Anoang gagawin ninyo para mapaunlad ang komunikasyon sa pamilya? Ang bukas na komunikasyon sa pagitan ng mga magulang at mga anak ay nagbibigay-daan sa mabuting ugnayan ng pamilya at sa kapwa. Kung ang magulang ay may sapat na panahon upang makinig at makipag-usap sa bawat kasapi ng pamilya, magkakaroon ng magandang ugnayan ang isa’t isa. Ngunit ang lahat ng ugnayan ay may hidwaan, hindi ito maiiwasan. Kung may hidwaan o problema, kailangang pag-usapan ng mahinahon upang magkasundo at mas mapatatag pa ang samahan. May mga paraan upang mapaunlad ang komunikasyon sa pamilya. Ito ay nagpapaalaala sa atin na kailangan nating paunlarin ang komunikasyon. Sa ganitong karanasan, ito ay may malaking kontribusyon sa pagkakaroon ng angkop at maayos na pakikipag-ugnayan sa kapwa. Ngunit madali lang ba makipag-usap sa pamilya? Malaking instrumento sa paglutas ng bawat suliranin ang komunikasyon. Hindi kaila sa atin na may mga pagkakataon na nagiging magkaiba ng pag-unawa o pagtanggap sa kung ano ang kahulugan ng bawat binibitiwang salita. Dapat nating tandan ang maraming restriksyon na kung hindi lubusang mauunawaan ay tiyak ang hindi pagkakasundo ng mga kausap. Sanakaraang aralin napahalagahan nating mahubog ng pamilya ang pananampalataya, magabayan ang pagpapasya at ang kahalagahan ng edukasyon ng bawat isa. Ngayon naman, alamin natin ng ibang antas ng komunikasyon upang mas mapaunlad pa ang pakikipagkapuwa at malalaman din kung paano mapaunlad at magkakaroon ng masayang pakikipagtalastasan sa pamilya. Limang Antas ng Komunikasyon 1. Pakikipag-usap sa simpleng kakilala Ang ganitong uri ng pakikipag-usap ay pinakamababaw ngunit madalas nating ginagamit 2. Pakikipag-usap upang magbahagi ng mga impormasyon Ito ay pagbabahagi ng mga impormasyon na gtumutugon sa tanong na: Ano, Sino, Saan o Kailan. Ibinabahagi mo lamang sa iba kung ano ang iyong nakita o narinig at kung saan at kailan ito naganap. Sa ganitong antas ng komunikasyon, wala tayong ibinabahaging malalim tungkol sa ating sarili at wala tayong hinihingi tungkol sa ating kausap. 3. Pakikipag-usap upang magbahai ng ideya o opinyon Sa antas na ito hindina lamang mga impormasyon ang ating ibinabahagi kundi nagbabahagi na rin tayo ng ating opininyon, mga pakahulugan o interpretasyon at mga paghahatol(judgement). 4. Pakikipag-usap upang magbahagi ng sariling damdamin Dito, malaya mong naibabahagi ang iyong sariling damdamin sa iba. Mas mahirap magbahagi ng damdamin kaysa iniisip dahil itinuturing natin na ang ating damdamin ay pribado. Maituturing na malayo ang agwat nito sa ikatlong antas dahil malalim na bahagi ng ating sarili ang ibinabahagi natin sa ibang tao. Mas madaling tanggapin ang pagsalungat sa opinyon o ideya ngunit hindi sa damdamin. 5. Pakikipag-usap upang ibahagi ang totoong sarili na ginagabayan ng pagmamahal Ito ang pinakamataas na antas ng komunikasyon. Sa pagkakataong ito, ibinabahagi na natin sa ibang tao ang ating mga pangangailangan, mga alalahanin, pangarap, takot o pag- asa. Nasasabi natin ang lahat ng ito nang buong katapatan at wala tayong inhibisyon o pag-aalinlangan. Sa bahaging ito, mahalaga ang pagtanggap, pag-unawa at paggalang. Mapagtatagumpayan lamang ito kapag gagabayan ng tunay na pagmamahal. Mga simpleng payo upang mapaunlad ang komunikasyon sa pamilya 1. Sikaping maging madalas at masaya ang pag-uusap - madalas nagtitipon ang pamilya sa sala o sa hapag- kainan 2. Maging maayos at maliwanag sa pakikipag-usap -maging totoo sa pakikipag-usap 3.Maging mahusay na tagapakinig -pansamantalang itigil ang paghuhusga at paghusayin ang pag-unawa sa pananaw ng taong nagsasalita 4. Maging bukas at tapat sa pagsasalita -dapat iparamdam mo sa kausap na nagtitiwala ka sa kanya at mapagkakatiwalaan ka din. 5. Maging sensitibo sa kausap -alalahanin ang kausap, dahil iba-iba ang tao kaya meron din silang iba't-ibang estilo sa pagpapahayag ng kanilang mensahe. 6. Magbigay papuri - laging hanapin kung ano ang maganda sa bawat isa. - palaging ''magbigay ng mga totoong papuri'' dahil ito ay pagpaparamdam ng pagmamahal at pagsuporta sa mga paniniwala ng bawat kasapi. Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Ano ang pinakamabisang paraan upang magkaroon
ng pagkakaunawaan at pagkakaisa sa pamilya.Paano mo magagawang maging masaya ang pag-uusap lalo na sa harap ng hapag-kainan? 2. Ano ang maaaring idulot kapag hindi malinaw ang mensaheng gustong iparating? 3. Alin sa limang antas ng komunikasyon ang sa tingin mo ang kailangan mong paunlarin pa sa iyong sarili? Ipaliwanag.