Professional Documents
Culture Documents
ng Pilipinas at mga
Sinaunang Kabihasnan
Magkwento ukol sa
pinagmulan ng bansa
batay sa alamat
Sa anong araw nabuo
ang bansang Pilipinas
batay sa relihiyon?
Pinagmulan ng Pilipinas
1. Tsunami
2. Ashfall
3. Sunog
4. Lindol
5. Acid Rain
6. Pagguho ng lupa
7. Pagguho ng bato
8. Pagdaloy ng putik
Teoryang Bulkanismo
Siya si Bailey Willis ay isang siyentistang
Amerikano
Sa kanyang teorya nabuo ang kapuluan ng
Pilipinas bunsod ng pagputok ng mga bulkan
sa ilalim ng karagatang Pasipiko.
Tinatayang 200 milyong taon na ang
nakalilipas, naganap ang mga pagputok ng mga
bulkan sa paligid ng Pacific Basin na sanhi ng
paglitaw ng mga pulo sa Pacific Ocean.
Teoryang Bulkanismo
Ang patuloy na pagtambak ng mga volcanic
material sa ilalim ng karagatan ang nagbigay daan
sa unti-unting paglitaw ng kapuluan ng Pilipinas.
Ang teoryang ito ay tinatawag niyang Teorya ng
Bulkanismo o Teorya ng Pacific.
Ang Pacific Ring of Fire ay isang lugar sa
karagatang Pasipiko kung saan maraming paglindol
at pagsabog ng nagaganap.
Ang Pilipnas ay kabilang sa mga bansang bumubuo
sa Pacific Ring of Fire kung kaya ang bansa ay
nakakaranas ng madalas na paglindol.
Mga Patunay sa Teoryang Bulkanismo
ni Bailey Willis
Pagkakaroon ng Baguio City at karatig na
kabundukan ng mga korales at lumang mga
volcanic material.
Ang Pilipinas ay may 22 aktibong bulkan
at kabilang sa tinatawag nilang Pacific Ring
of Fire
Ano ang nakikita sa
larawan?
Ito ay ang larawan ng Timog-
Silangang Asya nang hindi pa
lumalim ang level ng tubig.
Ano ang itsura ng Timog-
Silangang Asya noong mababaw
pa ang tubig sa karagatan?
Ang mga kalupaan sa Timog-
Silangang Asya ay
magkakarugtong noong mababa pa
ang tubig sa karagatan
Teorya ng Tulay na Lupa
Ang mga pulo ng Pilipinas ay dating
kabahagi ng tinatawag na Continental
Shelf na nakadugtong sa mainland
Asia.
Ang Continental Shelf ay ang mga
tipak na lupa sa ilalim ng katubigan
na nakakabit sa mga kontinente
Ito ay pinag-uugnay ng mga tulay
na lupa na noon ay lumitaw dahil sa
pagbaba ng lebel ng tubig sa
karagatan bunsod ng paglubog
ng yelo sa ilang bahagi ng mundo.
Teorya sa Tulay na Lupa
Ang panahon kung kailan
naging mababa ang
temperatura sa daigdig,
bumaba ang lebel ng tubig
sa karagatan at nagkaroon
ng malawak na pagyeyelo
sa ibabaw ng daigdig ay
tinatawag na Ice Age.
Teorya ng Tulay na Lupa
Pinagdurugtong ng mga tulay na lupa ang
mga pulo sa isa’t isa at ang Pilipinas sa
ilang karatig na bansa sa Timog-Silangang
Asya
Ang Pilipinas ay bahagi ng Sunda Shelf o
isang malaking nakausling bahagi ng Asya.
Sa pagtatapos ng Yelo may 250,000 taon
na ang nakalilipas ay lumubog ang
mababang bahagi ng daigdig kabilang na
ang mga tulay na lupa.
Ito ang dahilan upang mapahiwalay ang
Pilipinas sa iba pang bahagi ng Asya.
Ang Tulay na Lupa na nagkadutong sa mga karatig
bansa sa Asya:
Mga ilang katibayan upang patotohanan ang Teorya ng Tulay na
Lupa:
1. Mababaw ang bahagi ng West Philippine Sea
na nakapagitan sa Pilipinas at sa iba pang bahagi
ng Asya.
2. Napakalalim ng Pacific Ocean na patunay na
ang Pilipinas ang dulong bahagi ng Asya
3. Magkakatulad ang uri ng halaman, puno at
hayop sa Pilipinas at sa iba pang bahagi ng Asya
4. Magkakasinggulang at magkakatulad ang mga
bato sa Pilipinas at sa iba pang bahagi ng Asya.
Paghambingin ang mga teorya sa pinagmulan ng kapuluan ng
kapuluan ng Pilipinas gamit ang talahanayan sa ibaba.