You are on page 1of 3

I- Layunin

1. Natatalakay ang pangangailangan sa pagpapabuti ng katayuan ng


mga babae.
II-PaksangAralin
Paksa: PagpapabutingKatayuanngmgaBabae

Kagamitan: laptop, wifi, photocopy of learner’s material, larawan

Sanggunian: Learner’s Material, pakikinig at pagbasang lyrics ngawit


https://www.youtube.com/watch?v=RmcTNaXDofo
K to 12 AP5KPK-IIIb 2.2; Pilipinas Kong Hirang V, Eleanor D.
Antonio et.al. ph.IsangBansa, IsangLahi ;
MakabayanKasaysayang Pilipino V
Alvenia P. Palu-ay ph. 76-77

Paggalangsamgakababaihan

III-Pamamaraan

A. Panimula

1. Balitaan
2. Balik-aral
Ano ang tradisyunal at di-tradisyunal na papel ng babae sa
lipunan?

3. Pagsasanay

4. Pagganyak

Itanongitosamgabata:
Ano ang naaalala mo kapag nakakakita ka ng mga babaing
ganito ang kasuotan?
B. Panlinangna Gawain

1. Paglalahad at pagtalakay

Gawain 1 (pagbabasa)

Ibibigay ng guro ang mga Xerox ng babasahin na may


kinalaman sa paksa. Bigyan ng panahon ang mga bata na mabasa
ang nilalaman.
Sa pamamagitan ng Pass- the- Ball Technique, sasagutin ng mga
piling mag-aaral ang sumusunod na katanungan:
a. Ano ang papel na ginagampanan ng kababaihan sa panahon ng
Espanyol?
b. Ano ang mga karapatan ng mga babae sa mahabang panahon
na pananakop ng mga Espanyol?
c. Bakit mahalaga ang kababaihan sa lipunan noon at ngayon?
d. Paano natin maipapakita ang paggalang sa mga kababaihan?

Gawain 2 (pag-awit)
Ito ay isang awit tungkol sa mga dalagang Pilipina. Iparinig sa
mga bata. Ipakita rin ang lyrics ng awit hanggat maaari.

Ang DalagangPilipina

Ang dalagang Pilipina, parang tala sa umaga


Kung tanawin ay nakaliligaya
May ningning na tangi at dakilang ganda
Maging sa ugali’t maging sa kumilos
Mayumi, mahinhin, mabinianglahatngayos
Malinis ang puso, maging sa pag-irog
May tibay at tining ng loob
Bulaklak na tanging marilag
Ang bango ay humahalimuyak
Sa mundo’y dakilang panghiyas, pang-aliw
Sa pusong may hirap
Batis ng ligaya at galak, hantungan
Ng madlang pangarap
Iyan ang dalagang Pilipina
Karapat-dapatsaisangtunaynapagsinta.

Sagutinmo:
1. Anu-ano ang katangian ng dalagang Pilipina na binanggit sa awit?
2. Ganito pa rin ba ang mga dalaga ng Pilipinas ngayon?

C. Pangwakasna Gawain

1. Paglalahat

Nararapat na pahalagahan at igalang ang mga babae upang


mapabuti ang kanilang katayuan.

2. Paglalapat
Gumuhit ng larawan na nagpapakita ng pagpapabuti sa
katayuan ng mga babae.
IV- Pagtataya
Isulat ang OO kung ang pangungusap ay nagsasabing pagpapabuti sa
katayuan ng mga babae at HINDI kung hindi nagpapakita.
1. Ang mga babae ay pihihintulutang mag-aral at pumiling gusto nila ng
gawin sa lipunan.
2. May karapatan na ang mga babaeng makilahok sa pulitika.
3. Ang mga babae ay dapat na sa bahay lamang para magawa ang mga
gawaing bahay.
4. Walang karapatan ang mga babae na magsabi ng opinion tungkol sa
nangyayari sa ating lipunan.
5. Ang mga babae ay sunod-sunuran sa kanilang mga asawa.

V- Kasunduan
Magsaliksik pa ng mga paraan kung paano mapapabuti ang kalagayan
ng mga kababaihan.

You might also like