You are on page 1of 5

PANG-ARAW-ARAW NA TALA SA PAGTUTURO

Petsa: March 1, 2023


Klase: 5 - Honesty: 7:00 am - 7:40 am
5 - Perseverance: 8:00 am - 8:40 am
5 - Charity: 8:40 am - 9:20 am
5 - Integrity: 9:20 am - 10:00 am
5 - Love: 10:00 am - 10:40 am
5 - Sincerity: 10:40 am - 11:20 am
5 - Fortitude: 11:20 am - 12:00 nn

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang mapanuring pag-unawa sa mga pagbabago sa
lipunan ng sinaunang Pilipino kabilang ang pagpupunyagi ng ilang
pangkat na mapanatili ang kalayaan sa Kolonyalismong Espanyol at
ang impluwensya nito sa kasalukuyang panahon
B. Pamantayang Pagganap Nakakapagpakita ng pagpapahalaga at pagmamalaki sa
pagpupunyagi ng mga Pilipino sa panahon ng kolonyalismong
Espanyol
C. Kasanayang Pampagkatuto Napaghahambing ang antas ng katayuan ng mga Pilipino sa
lipunan bago dumating ang mga Espanyol at sa Panahon ng
Kolonyalismo (AP5PKPKI-Ilb-2)
Layunin 1. Napaghahambing ang tradisyunal at di-tradisyunal na
papel ng babae sa lipunan ng sinaunang Pilipino at sa
panahon ng kolonyalismo.
2. Natatalakay ang pangangailangan sa pagpapabuti ng
katayuan ng mga babae.
3. Nasusuri ang mga tradisyunal at di-tradisyunal na papel
ng mga kababaihan sa lipunan.
II. NILALAMAN
Paksa: TRADISYUNAL AT DI-TRADISYUNAL NA PAPEL SA LIPUNAN NG
SINAUNANG PANAHON AT PANAHON NG KOLONYALISMO
III. KAGAMITANG PAMPAGKATUTO
A. Sanggunian
1. TG at LM Teksbuk TG pp.66-71, LM pp.197-198
2. LRMDC Portal
3. Integrasyon Music – Pag-awit
Arts – Pagguhit
Flipino – Paghahambing / Paglalarawan
Math – Arranging Order
EsP – Pagpapahalaga sa mga Kababaihan
B. Iba pang Kagamitang Panturo Larawan ng mga kababaihan sa lipunan ng sinaunang Pilipino at sa
panahon ng mga Espanyol, graphic organizer, meta cards, video,
powerpoint presentation at batayang aklat
IV. PAMAMARAAN
I. Panimulang Gawain
A. 1. Balitaan
Pamagat: Magna Carta of Women
Buod: Maraming mga kababaihan ang nakakaranas ng
diskriminasyon at pag-aabuso kaya para maprotektahan ang
kanilang mga Karapatan nilagdaan ang Magna Carta of Women. Ang
Magna Carta of Women (MCW) ay isang komprehensibong batas sa
karapatang pantao ng kababaihan na naglalayong alisin ang
diskriminasyon sa pamamagitan ng pagkilala, proteksyon,
katuparan, at pagtataguyod ng mga karapatan ng kababaihang
Pilipino, lalo na yaong kabilang sa mga marginalized na sektor ng
lipunan. Noong lagdaan ang Magna Carta ng nagbukas ito ng
maraming opotunidad para sa mga kabaihan tulad ng trabaho at
kauukulang benepisyo, patunay na pinoprotektahan ng pamahalaan
ang Karapatan ng kakabihan.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
a. Ano ang suliranin?
- Maraming mga kababaihan ang nakakaranas ng diskriminasyon at
pag-aabuso.
b. Ano ang Solusyon?
- Pagpapatupad ng Magna Carta of Women.
- Pantay na karapatan ng mga kalalakihan at kababaihan.
c. Ano ang aral ng balita?
- Pahalagahan ang Karapatan ng kababaihan.
2. Pagsasanay:
Tukuyin ang sinasaad sa bawat pangungusap.
a. Sistema kung sang binigyang karapatan ang pananakop sa
pamahalaan ang unang teritoryo.
(Encomienda / Bandala)
b. Ang patakaran ng sapilitang paggawa.
(Polo Y Servicio / Tributo)
c. Ang patakaran ng sapilitang pagbili ng pamahalaan ng ani ng mga
magsasaka.
(Bandala / Boleta)
d. Tawag sa mga manggagawa sa sapilitang paggawa.
(Boleta / Polista)
e. Sapilitang paglipat ng tirahan ng mga katutubong Filipino sa mga
kabayanan.
(Reduccion / Encomienda)
3. Balik-aral:
Pagkasunod-sunurin ang antas sa lipunan noong panahon ng mga
katutubong Filipino sa pamamagitan ng paglagay ng bilang 1-3 ayon
sa pagkakasunod nito mula mataas pababa at sa panahon ng mga
Espanyol mula naman mababa pataas.
a. Katutubong Filipino b. Panahon ng Espanyol
__ Alipin/Oripun __ Inquilino __ Espanyol
__ Datu/Maginoo __ Karaniwang Tao __ Principalia
__ Maharlika/Timawa
B. Pagganyak Ipanood ang Video Clip ng pag-uusap ni Bb. Klay at Maria Clara
sa TV Series na MCI tungkol sa kahalagahan ng mga
kababaihan.
1. Ano ang sinasabi ni Bb. Klay sa katayuan ng mga
kababaihan sa panahon ng mga Espanyol?
2. Paano nasabi ni Bb. Klay na ang mga kababaihan sa
lipunang Espanyol ay nakakulong sa mga rehas? Ano
ang ibig sabihin nito.
- Iugnay ito sa paksang tatalakayin.
C. Paghahabi sa Layunin Paggamit ng K-W-L Chart.

D. Pag-uugnay ng Halimbawa - Magpanood ng video tungkol sa tradisyunal at di-tradisyunal na


papel sa lipunan ng sinaunang panahon at panahon ng
kolonyalismo.
II. Paglinang na Gawain
E. Pagtatalakay sa Konsepto at 1. PANGKATANG GAWAIN
Kasanayan #1 Gawin ang mga sumusunod na atas sa bawat pangkat:
Pangkat I: Paghambingin ang mga tradisyunal at di-tradisyunal na
papel ng babae sa lipunan ng sinaunang Pilipino at sa
panahon ng kolonyalismo gamit ang Venn Diagram
Pangkat II: Gumawa ng Bubble Map. Isulat rito ang mga
papel ng kababaihan sa lipunan ng sinaunang Pilipino.
Pangkat III: Gumawa ng awit na nagsasabi ng kahalagahan ng
kababaihan sa lipunan.
Pangkat IV: Isadula ang papel ng kababaihan sa lipunan noong
Panahon ng kolonyalismo.
Pangkat V: Gumuhit ng dalawang babae na nagpapakita ng
tradisyunal at di-tradisyunal na papel ng kababaihan
sa lipunan..
2. PAG-UULAT NG BAWAT PANGKAT

PAGPAPAKITA NG RUBRIC PARA SA PANGKATANG


MGA PAMANTAYAN PUNTOS 1 2 3 4 5
Nakatapos ng gawain sa 5
takdang oras
Nagawa nang maayos at 5
tama ang pangkatang
gawain.
Nagpakita ng 5
pakikipagtulungan ang
bawat miyembro ng bawat
pangkat.
F. Pagtatalakay sa Konsepto at 1. Anu-ano ang gawain ng mga kababaihan noon? Sa panahon ng
Kasanayan #2 kolonyalismo?
2. Paghambingin natin:
a. Ang mga kababaihan noon (Tradisyunal)
b. Ang mga kababaihan sa panahon ng Espanyol (Di-Tradisyunal)
3. Anong uri ng kababaihan mayroon ang kasalukuyang panahon?
Bakit?
4. Paano natin mapapabuti ang katayuan ng mga babae sa
panahong kasalukuyan?
5. Paano ninyo pinahahalagahan ang mga kababaihan sa
kasalukuyan?
G. Paglinang sa Kabihasaan Sabihin kung tradisyunal o di-tradisyunal ang isinasaad sa
pangungusap.
__1. Ang nanay ni Nena ay maagang umaalis tuwing araw ng
Linggo upang magsimba. Sa oras ng misa makikita siyang
tumutulong sa pangongolekta ng donasyon sa simbahan.
__2. Si Maria at may tatlong anak, araw-araw ay inaalagaan
niyang mabuti ang kanyang mga anak, nagluluto at naglilinis
ng bahay.
__3. Si Sophia ay masipag mag-aral kaya’t nang makatapos
siya ay nagtratrabaho agad sa opisina.
__4. Ang mga magulang ni Angel ay parehong nagtratrabaho
upang mabigyan ang mga anak nila ng magandang buhay at
pangangailangan.
__5. Si Cora ay hindi isinasali sa mga gawaing politikal at
pansibiko.
III. Pangwakas na Gawain
H. Paglalahat ng Aralin Ano ang tradisyunal at di-tradisyunal na kababaihan?

 Tradisyunal na Kababaihan – ay ang mga


kababaihan sa panahon ng sinaunang mga
Filipino.
 Di-Tradisyunal na Kababaihan – ay ang
kababaihan sa panahon ng Kolonyalismo ng
Espanyol.
I. Paglalapat ng Aralin Kung kayo ang papipiliin, ano ang gusto ninyo kababaihan noon o
kababaihan ngayon? Ipaliwanag ang iyong sagot.
J. Pagtataya ng Aralin Panuto: Isulat ang T kung tradisyunal at DT kung di-tradisyunal na
papel ng kakabaihan sa lipunan sa sinaunang Pilipino at sa panahon
ng kolonyalismo.
1. Ina ang sentro ng pamilya.
2. Tagasunod lamang sa kaniyang asawa.
3. Nagsilbing katalonan at babaylan noong sinaunang
panahon.
4. Tagapaglingkod ng mga parokya, pasyon at iba pang
katekismo.
5. Hindi pinahintulutang makilahok sa mga gawaing politikal at
pansibiko.
K. Pagpapahalaga Napahahalagahan ang kababaihan sa lipunan.
L. Karagdagang Gawain Gumupit ng mga larawan ng mga halimbawa ng kababaihang
tradisyunal at di-tradisyunal.
V. MGA TALA
PAGNINILAY

A. Bilang ng mga mag-aaral na


nakakuha ng 80% sa formative
assessment?
B. Bilang ng mga mag-aaral na
nangangailangan ng remediation?
C. Bilang ng mga mag-aaral na
pumasa?
D. Bilang ng mga mag-aaral na
nagangailangan pa rin ng remediation?
E. Alin sa aking mga istratehiya sa
pagtuturo ang tumugon na
pangangailangan? Bakit ito nakatulong?
F. Anu-anong mga suliranin ang
aking hinarap na nakatulong sa akin
ang aking Punong-Guro at Superbisor?
Tulong mula sa:
Ulong-Guro:
Punong-Guro:
Superbisor:
G. Anong mga inobasyon o localized
material ang aking ginamit o natuklasan
na maaari kong maibahagi sa iba?
Inihanda ni: JOHNSON PAUL L. GAW
Guro sa Araling Panlipunan V

You might also like