You are on page 1of 10

Republika ng Pilipinas

Kolehiyo ng Lungsod ng Lipa


College Teacher Education
Bachelor of Elementary Education
Brgy. Marawoy, Lipa City

Semi-Detailed Lesson Plan

I. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
A. Pamantayang Pangnilalaman
Nasusuri ang pagbabago sa kultura ng mga Pilipino sa panahon ng
Espanyol.
B. Pamantayan sa Pagganap
Naipaliliwanag ang impluwensya ng kulturang Espanyol sa kulturang Pilipino.
C. Pamantayan sa Pagkatuto
Nagbibigay ang iba’t-ibang impluwensya ng mga Espanyol sa kultura ng mga
Pilipino.
II. NILALAMAN AT KAGAMITAN
1. Paksa:
Mga Impluwensya ng mga Espanyol sa Kulturang Pilipino
2. Kagamitan:
Telebisyon, Laptop, Powerpoint presentation, Mga larawan
3. Sanggunian:
Internet , Araling Panlipunan 5 Pilipinas Bilang Isang Bansa pahina 198 – 203

III. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Paunang Gawain

1. Panalangin

Magsitayo ang lahat para isang maikling Magsisitayo ang mga


panalangin. mag-aaral para sa isang
maikling panalangin.
2. Pagbati

Magandang araw mga bata! Kamusta kayo sa


araw na ito. Magandang araw din
po! Mabuti naman po
3. Pagsasaayos ng Silid-Aralan kami.

Bago tuluyang umupo ang lahat sa kanya –


kanyang upuan ay nais ko munang pulutin ninyo
ang mga nakakakalat na basura sa ilalim ng mga (Gagawin ng mga mag-
upuan at alisin ninyo ang mga kagamitan na hindi aaral ang sasabihin ng
gagamitin sa oras na ito. guro.)

4. Pagtatala ng Liban sa Klase

“Mayroon bang lumiban sa klase ngayong araw?”


Wala pong liban sa
Mahusay! Masayang malaman na narito ang klase ngayong araw na
lahat upang makinig at matuto ng bagong aralin. ito.
5. Balitaan/Balik-aral

Ngayon, upang matukoy ko kung talagang


naunawaan ninyo ang tinalakay noong nakaraan ay
may inihanda akong gawain.

A. Pagtukoy sa Konsepto.
Tukuyin ang salitang binibigyan- kahulugan sa
sumusunod na pangungusap.

1.Ang ( bandala / tributo ) isang uri ng


pinagkukunan ng kita ng pamahalaan.

2.Ang ( polo y servicio / tributo ) ang patakaran sa


sapilitang paggawa.Sapilitang pagtratrabaho ng
kalalakihang may 16 hanggang 60 taong gulang. Mga Sagot:
1.bandala
3.Ang ( tributo / falla ) ay ang sistema ng 2.polo y servicio
pagbubuwis ng salapi o katumbas na halaga nito 3.tributo
sa ani. 4.Samboangan
5.vinta
4.Ang ( Samboangan / falua ) ay ang buwis na
binayaran ng mga taga-Zamboanga sa mga
Espanyol para pagsupil sa mga Moro.

5. Ang ( vinta / samboangan ) ay ang buwis na


binayaran ng mga naninirahan sa may pampang ng
kanlurang Luzon bilang tulong sa pagdedepensa
ng mga lalawigan dito mula sa banta ng mga
Muslim.

Maari na tayong magpatuloy sa susunod na paksa.

B. PAGGANYAK
Bago tayo magsimula sa ating panibagong aralin
ay may inihanda akong laro. Ang larong ito ay
tinatawag na “Hanapin Mo Ako ”.Ang grupo ay
mahahati sa tatlo.Hanapin ang mga salita sa
ibaba sa loob ng puzzle at bilugan ito.Ang grupo
na nagtaas ng flag ay siyang hahanap ng salita
sa loob ng puzzle. Hanapin ang mga salita na
nasa ibaba sa loob ng puzzle.

1. Pananamit
2. Pangalan
3. Pagkain
4. Panitikan
5. Arkitektura
6. Sining
7. Wika
8. Musika
9. Edukasyon

Handa na ba kayo? Opo.


Klas! Anu-ano nga po ulit ang mga salitang inyong
nahanap sa loob ng puzzle?

Mahusay mga bata! Ang mga salitang inyong nahanap


sa loob ng puzzle ay may kinalaman sa paksang
tatakayin natin ngayong araw.

Gabay na katanungan:
1. Sinu- sino mga ang nakaimpluwensya sa inyo upang
kayo ay mag-aral?
2. Sinu – sino ang mga nakaimpluwensya sa inyo ng
kagandahang-asal?

Klas,mayroon akong inihandang jumbled letters Isaayos


ang jumbled letters upang makabuo ng mga salita na
may kaugnayan sa paksang tatalakayin natin ngayon.

AGM AYSNEWULPMI GN AGM LOYNAPSE AS


GNARUTLKU ONIPILIP

Iyan ang pagtatakayan natin, kung anu –ano nga ba


ang mga impluwensya ng Espanyol sa kulturang
pilipino.

B. PAGLALAHAD

Ngayong umaga ay bibigyang- pansin sa araling ito ang


impuwensya ng Espanyol sa kulturang Pilipino. Anu-ano
nga ba ang mga naging impluwensya ng mga Espanyol
sa kulturang pilipino?

Sa huling bahagi ng ika-16 siglo ,maraming aspeto ng


pamumuhay ng mga Filipino ang kinakitaan ng bahid ng
kulturang Espanyol. Malaki ang impluwensya ng
Kristiyanismo sa pagbabagong naganap sa kulturang
Pilipino. Halina’t ating alamin ang mga ito.

PANANAMIT AT PALAMUTI
- Ipinakilala ng mga Espanyol ang pagsusuot ng camisa
chino, pantalon, sombrero, tsinelas , ropilla, at sapatos
para sa mga kalalakihan. Ito ang pumalit sa bahag at
kanggan na dating isinusuot ng mga katutubo.

- Ang mga kababaihan naman ay patuloy na


nagsuot ng baro’t saya na kalaunan ay naging
kimono.Nagsuot din sila ng mantilla o itim na
balabal , at panuelo o malaking panyo na
ipinapatong sa balikat.Pati ang pagsusuot ng
palamuti ng mga Filipino ay naimpluwensyahan din
ng mga Espanyol tulad ng mga pagsusuot ng
peineta o panggayak na suklay sa buhok, at iba’t
ibang hugis at laki ng hikaw.

PAGPAPANGALAN
-Nabago ang paraan ng pagpapangalan ng mga
Filipino.Batay sa kautusan ni Gobernador-Heneral
Narciso Claveria Bautista o ang Claveria Decree of
1849-binigyan ng apelyidong Espanyol ang mga
Filipino tulad ng ; Dela Cruz ,del Rosario,de los
Santos at Santiago.Nakatala ang mga ito at mahigit
61,000 na apelyido na maaaring mapagpilian
apelyido sa Catalogo alfabetico de apellidos.

-Binago rin ng Espanyol ang pangalan ng mga


pook, pueblo , at alcadia na kalimitan ay hinango
sa pangalan ng mga patron at santo.

MUSIKA , SAYAW AT PAGDIRIWANG


-Sa pagdating ng mga Espanyol sa bansa ,napuna
nila ang likas na husay at hilig ng mga sinaunang
Filipino sa ritwal at local na pagdiriwang.Para sa
malaking balakid para sa pagpapalaganap ng
Kristiyanismo.Dahil dito ay ipinagbawal ang
tradisyunal na sayaw at musika ng mga
Filipino.Kalaunan,dahil sa paglaganap ng
Kristiyanismo ay ipinakilala sa mga katutubo ang
iba’t ibang kapistahan para sa santo.

-Madaling natutunan ng mga Filipino ang pagtugtog


ng mga instrumentong pangmusika tulad ng pluta ,
biyolin , harpa , at piano , na dala ng mga Espanyol
sapagkat kahalintulad ito ng mga instrumentong
katutubo sa kanila.
-May ilang relihiyosong tradisyon sa musika na
nabuo sa labas ng simbahan.Sa paghahalo ng
sinaunang tradisyon at mga bagong natutuhang
musika mula sa mga Espanyol ay sumibol ang
tradisyon na pagbasa , Flores de Mayo , santa
cruzan ,panunuluyan , at salubong.

-Sa panahon ng Espanyol ay napatanyag din ang


harana.Isa itong uri ng kundiman o awit ng pagsintana
iniaawit sa harap ng tahanan ng dalagang nililigawan.

- Nahaluan din ng impluwensiyang kanluranin ang


mga katutubong sayaw ng mga Filipino.Sinayaw
ang itik-itik at Tinikling sa indayog at tiyempo ng la
jota at polka .Ang dinala nilang sayaw na jota ay
nagkaroon ng magkakaibang bersiyon sa iba’t ibang
rehiyon ng Pilipinas. Ang sayaw nilang fandago sa
ay kinilala sa bansa na pandago sa ilaw. Kapuwa
naging sikat na sayaw sa mga pista at pagdiriwang
sa panahong iyon ang la jota at pandanggo.

- Ang ilan na galaw sa carinosa , sa sayaw ng Santa


Isabel , at iba pang sayaw ng pag-ibig at
pananampalataya sa mga santo ay hango sa
waltz.Maliban sa mga ito , nakilala ang mga sayaw
na rigodon , pasakat , lanceros , mazurka at surtido.

LUTUIN
-Kasabay ng pagdating ng iba’t –ibang mga prutas
at gulay mula sa kanluran ay ang pagpapakilala ng
sari-saring lutuing Espanyol tulad ng menudo ,
afritada , relleno , mechado , paella , pochero ,
caldereta , callos , leche flan.Nadagdagan rin sa
hapag kainan ng mga Filipino ang mga
nakapreserbang pagkain tulad ng hamon,sardinas
,longganisa , at mga pagkaing de lata.Umiinom na
rin sila ng tsokolate at kape.

Natuto ang mga Filipino na gumamit ng kutsara ,


tinidor , at kutsilyo sa pagkain. Naging bahagi na rin
ng kanilang hapag kainan ang mga kasangkapang
tulad ng plato , tasa , baso , mangkok , at platito, na
impluwensiya sa kapuwa ng mga Espanyol at tsino.

PANITIKAN
-Upang mapabilis ang pagpapalaganap ng mga aral
ng Kristiyanismo , dinala ng mga Espanyol sa
Pilipinas ang Sistema ng palimbagan.Ipinasunog
ang ilang nasulat na katutubong panitikan at
napalitan ng mga kwento ng pagpapakasakit Kristo
at ang pangako niyang buhay na walang
hanggan.Noong 1593 , nailimbag ang kauna-
unahang aklat sa Pilipinas na naglalaman ng mga
dasal ang Doctrina Christiana.

-Ipinakilala ang mga Espanyol ang mga dasal ,


nobena , talambuhay ng mga santo , mga awit ,
korido , tula , kwento at sarswela bilang paraan ng
pagpapabilis ng pagpapalaganap ng mga aral ng
Kristiyanismo.

SINING
-Dala ng implwensyang Kristiyano ay lumaganap at
naging limitado sa temang panrelilhiyon ang mga
likhang pinta at estruktura sa Pilipinas noong
panahong kolonyalismo.Kalimitang ipinta at inukit
ang wangis sa mga santo , Birheng Maria at mga
tagpo sa bibliya.Nag-ukit ng disenyo sa pintuan ,
haligi , sulok , pulpit ng simbahan, gayundin sa
carroza o sasakyan ng mga imahe ng santo tuwing
may prusisyon.
-Mula sa paglililok ng anito ay naging imahen ng
mga santo at retalbo o altar ng simbahan ang
kanilang ginawa.Isang halimbawa ng retalbo ay
matatagpuan sa simbahan ng San Agustin na inukit
ni Juan de los Santos noong 1617.

ARKITEKTURA
-Noong simula ay yari sa kawayan , pawid at nipa
ang simbahan na ipinagawa ng mga prayle .Sa
pangambang madali itong masira ng sunog ,
lindol,at ulan , at bilang paraan ng panindak sa mga
Filipino, ay gumamit sila ng higit na matibay at
matatag na materyales..

-Ang San Agustin Church at Manila Cathedral


Intramuros ay dalawa lamang sa maraming
simbahang Katoliko na itinayo ng mga Espanyol sa
Pilipinas.

-Ang mga estrukturang tulad ng simbahan,gusaling


pampubliko , at bahay na bato noong panahon ng
kolonyalismo ay itinayo batay sa estilong
Antellian.Ang estilong ito ay buhat sa Antilles sa
Central America at hindi mula sa Spain.Pinagsama
nito ang impluwensiyang arkitekturang Byzantine ,
baroque , Gothic at Moro.

WIKA AT SISTEMA SA PAGSULAT


-Bago ang ika – 19 na siglo hindi itinuro sa
paaralan ang Wikang spanish.Hindi ito
pinahintulutan ng simbahan.Bagkus ay hinikayat
ang mga prayle na aralin ang wikang katutubo.
-Noong 1593 ay inilimbag ang kauna-unahang aklat
sa Pilipinas ang “ Dotrina Christiana –isang aklat –
dasalan na nasusulat sa Spanish at may kasamang
pagsasalin sa wikang tagalog na para lamang sa
prayleng Espanyol .Mula rito ay binibigkas nila ng
paulit-ulit ang mga dasal sa wikang katutubo.Sila ay
timaguriang mga ladino .Isa sa pinakatanyag na
ladino ay si Gaspar Aquino de Belen .Siya ang
manunulat ng Mahal na Pasion ni Hesu Cristo ,
isang patulang pasalaysay sa pasyon , kamatayan
at muling pagkabuhay ni Hesu Cristo.

-Nagdesisyon ang mga misyonerong Espanyol na


umupa ng mga katutubong gagawa sa trabahong
ito.Dito nagsimula ang pagkatuto ng ilang katutubo
na magsulat sa Spanish at katutubong wika.
Hesu Cristo , isang patulang pasalaysay sa pasyon
, kamatayan at muling pagkabuhay ni Hesu Cristo.

- Sa malaking pagkaktulad ng tunog ng Spanish at


mga katutubong wika tulad ng Tagalog , Ilokano , at
Bisaya naging madali para sa mga Filipino na
matutunan ang wika ng mga Espanyol.Dagdag pa
rito ang paglaganap ng mga babasahin sa wikang
Spanish at katutubo.

- Hindi nagtagal, pormal ng naging bahagi ng mga


asignatura at kurso sa mga paaralan ang pagturo
ng Spanish .Natutunan din ng mga Filipino ang
wikang banyagang ito mula sa pagdalo sa misa ,
pag-aaral ng mga dasal , katekismo , at pakikipag-
usap sa mga Espanyol.

SISTEMANG PANG-EDUKASYON
-Itinuro sa mga paaralang pamparokya ang mga
asignaturang tulad ng relihiyon ,Spanish ,pagsulat ,
pagbasa , aritmetika , musika , sining , at mga
kasanayang pangkabuhayan.

-Itinuro naman sa kolehiyo para sa mga kalalakihan


ang wikang Greek , Latin , gayundin ang pilosopiya
matematika , agham at sining.

- Samantalang ang kolehiyo ng kababaihan naman


ay inihanda sila sa pag-aasawa o maaaring ang
pagpasok sa kumbento.
-Ilan din sa mga asignaturang itinuturo ay ang
kagandahang asal , musika , pananahi at pag-
aayos ng tahanan.

-May mga paaralan din na naitayo upang magturo


ng edukasyong boksyonal.Ilan sa mga kasanayang
ibinabahagi dito ay ang agrikultura, pag iimprenta ,
pagkakarpintero at ang pagkukulay ng mga tela.

Naiintindihan ninyo ba mga bata ang tinalakay Opo.


natin sa araw na ito?
Ano nga po ulit ang tinalakay natin sa araw na ito ?
Tataas ng kamay ang
Mayroon ba kayong katanungan o nais linawin sa mga bata.
ating naging talakayan ?
Wala po, ma’am.
Tandaan:
Maraming aspeto ng pamumuhay ng mga Pilipno
ang kinakitaan ng bahid ng kulturang Espanyol at
malaking impluwensya ng Kristiyanismo sa mga
pagbabagong naganap sa ating kultura ay makikita
at nararanasan parin hanggang ngayon.

C. PAGLALAHAT
Base sa ating talakayan, ano ang inyong natutunan
ngayong araw na ito?

Mahusay, mga bata! Tama ang inyong mga sagot.

D. PAGLALAPAT
Upang subukin kung lubos nga ninyong
naunawaan ang tinalakay natin sa araw na ito ay
magkakaroon tayo ng pangkatang gawain.
Hahatiin ko kayo sa apat na pangkat.Ang bawat
pangkat ay kailangan sagutin ang mga nakaatang
na gawain.Ang unang pangkat na matapos ay Gagawin ng mga bata
pumalakpak ng “ Ang galing Clap ”Bibigyan ko ang sinabi ng guro.
lamang kayo ng 5 minuto upang isagawa ang
gawain.

Ngunit bago kayo dumako sa gawain , ay tingnan


at alamin muna ang mga dapat tandaan sa
pagsasagawa ng pangkatang gawain.

- Makiisa sa gawain ng maayos


- Iwasan ang paglikha ng ingay kung hindi naman
kinakailangan.

Naunawaan ba?
Unang pangkat :
Magbigay ng impluwensya ng Espanyol salarangan
ng “Lutuin”.

Ikalawang pangkat :
Gumuhit ng ilan sa mga impluwensya ng
Espanyol sa kulturang Pilipino.

Ikatlong pangkat
Magbigay ng mga kagamitan na implwensya ng
mga Espanyol.
Ikaapat na pangkat
Isa-isahin ang mga impluwensya ng Espanyol sa
Kulturang Pilipino.

Presentasyon ng bawat grupo

Napakahusay ng bawat pangkat sa ipinakitang


presentasyon sa klase.Kaya naman bigyan ninyo
ang inyong sarili ng “ Ang galing mo Clap ”

IV. Ebalwasyon

Pagtataya. Panuto : Isulat sa patlang ang TAMA kung ang pahayag ay


tama at MALI kung ang pahayag aymali.

_____1. Natutunan ng mga katutubo ang wikang Espanyol mula sa pagdalo sa misa,
pag-aaral ng mga dasal , katekismo , at pakikipag usap sa mga Espanyol.
_____2. Noong 1952, nailimbag ang kauna-unahang aklat sa Pilipinas na naglalaman
ng mga dasal ang Doctrina Christiana.
_____3. Si Gaspar Aquino de Belen ay isa sa pinakatanyag na ladino.
_____4. Ang Mahal na Pasion ni Hesu Cristo na isinulat ni Gaspar Aquino de Belen
ay hindi isang patulang pasalaysay sa pasyon , kamatayan at muling pagkabuhay ni
Hesu Cristo.
_____5. Ang San Agustin Church at Manila Cathedral Intramuros ay dalawa lamang
sa maraming simbahang Katoliko na itinayo ng mga Espanyol sa Pilipinas na may
estilong Antellian.

Susi sa Pagwawasto :
1. TAMA 4. MALI
2. MALI 5. TAMA
3. TAMA

V. Takdang Aralin

Sa iyong sariling opinion, ano ang pinakamahalagang impluwensya ng mga


Espanyol?

Inaprobahan Ni: Inihanda Ni:


Bb. Liezel P. Dajuya Ivy Lorenze C. Cortez

You might also like