You are on page 1of 8

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

Commission of Higher
Education Region IV-A
CALABARZON DIVISION OF
LIPA
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG
LIPA
Banghay Aralin sa Baitang III

I. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
1. Nauunawaan ang pagkakaiba ng bawat anyong tubig sa Pilipinas.
2. Napaghahambing ang iba’t-ibang anyong tubig sa bansa.
3. Naibibigay ang mga pakinabang na nagmumula sa anyong tubig.

II. NILALAMAN AT KAGAMITAN


a. Paksa:
Mga Anyong Tubig sa Pilipinas
b. Kagamitan:
Cartolina, Permanent Marker, Mga Larawan
c. Sanggunian:
Workteks sa Sibika at Kultura, Ang Lahing Pilipino, Dakila at Marangal, pahina
108-114

III. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Paunang Gawain

1. Panalangin
Magsisitayo ang mga mag-aaral
Magsitayo ang lahat para isang para sa isang maikling panalangin.
maikling panalangin.

2. Pagbati
Magandang araw din po! Mabuti
Magandang araw mga bata! naman po kami.
Kamusta kayo sa araw na ito?

3. Pagsasaayos ng Silid-Aralan
(Gagawin ng mga mag-aaral ang
Bago tuluyang umupo ang lahat sa sasabihin ng guro.)
kanya – kanyang upuan ay nais ko
munang pulutin ninyo ang mga
nakakakalat na basura sa ilalim ng
mga upuan at alisin ninyo ang mga
kagamitan na hindi gagamitin sa oras
na ito.

4. Pagtatala ng Liban sa Klase


Wala pong liban sa klase ngayong
“Mayroon bang lumiban sa klase araw na ito.
ngayong araw?”

Mahusay! Masayang malaman na


narito ang lahat upang makinig at
matuto ng bagong aralin.

5. Balitaan/Balik-aral
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
Commission of Higher
Education Region IV-A
CALABARZON DIVISION OF
LIPA
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG
LIPA
Ngayon, upang matukoy ko kung
talagang naunawaan ninyo ang
tinalakay noong nakaraan ay may
inihanda akong gawain.
Sagot:
Balik Tanaw. Tukuyin ang anyong
lupa na inilalarawan sa bawat
bilang. 1. Bundok

1. Ito ay isang mataas na 2. Tangway


anyong lupa na matatanaw sa
malayo. 3. Kapatagan
2. Ito ay anyong lupang nakausli
sa katubigan at nakadikit sa 4. Bulkan
mas malaking anyong lupa.
3. Ito ay patag, mababa at 5. Lambak
malawak na anyong lupa.
4. Ito mataas na anyong lupa na
may bunganga sa tuktok.
5. Ito ay patag at malawak na
lugar na napaliligiran ng mga
bundok.

Maaari na tayong magpatuloy sa


ating bagong talakayan.

B. PAGGANYAK
Bago tayo magsimula sa ating
panibagong aralin ay may inihanda
akong gawain. Ang klase ay
mahahati sa tatlo. Ang tawag sa
larong ito ay “Hanapin Mo Ako”.
Hahanapin ninyo sa ibaba ang mga
salita na may kaugnayan sa
talakayan natin ngayong araw na ito.

Hanapin ang mga sumusunod na


salita sa loob ng puzzle.

1. Dagat
2. Ilog
3. Sapa
4. Batis
5. Bukal

B U N D O K I L O G
U S D A F G H A J K
L M N G O P Q M R S
K T S A P A V B W X
A B A T I S Y A Z A
N S C X V B U K A L
E M B U R O L J F C
T A L A M P A S I C
Mahusay, mga bata! Ang mga salitang
nahanap ninyo sa loob ng kahon ay may
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
Commission of Higher
Education Region IV-A
CALABARZON DIVISION OF
LIPA
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG
LIPA
kaugnayan sa ating paksa ngayon.

Ang mga jumbled letters sa ibaba ay ang


paksang ating tatalakayin:

AMG OYNANG GIBUT

Iyan ang pagtatalakayan natin, ang iba’t-


ibang uri ng mga anyong tubig sa ating
bansa.

C. PAGLALAHAD
Ngayong umaga ay bibigyang pansin natin
ang mga anyong tubig sa ating bansa.

May nakita ka na bang anyong tubig?

Matatagpuan sa Pilipinas ang iba’t-ibang uri


ng anyong tubig. Ang anyong tubig ay kahit
anumang makahulugang pag-ipon ng tubig,
kadalasang tinatakpan ang ibabaw ng isang
planeta katulad ng Daigdig. Hindi
kinakailangan na hindi gumagalaw o
nakapaloob ang isang anyong tubig.
Mahalaga ang mga ito sa bawat Pilipino
sapagkat marami ang pakinabang na
nakukuha dito.

Halina at pagtalakayan natin ang bawat isa


rito.

KARAGATAN
Ang karagatan ay ang pinakamalawak at
pinakamalalim na anyong- tubig. Maalat ang
tubig nito. Kabilang sa mga kilalang
karagatan ay ang Karagatang Pasipiko,
Karagatang Atlantiko, Karagatang Indiyano,
Karagatang Artiko, at ang Katimugang
Karagatan.

DAGAT
Ang dagat ay malawak na anyong-tubig na
mas maliit lamang ang sukat sa karagatan.
Maalat ang tubig ng dagat sapagkat
nakadugtong ito sa karagatan. Nabibilang sa
mga dagat sa Pilipinas ang Dagat Luzon,
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
Commission of Higher
Education Region IV-A
CALABARZON DIVISION OF
LIPA
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG
LIPA
Dagat Pilipinas, Dagat Sulu, Dagat Celebes,
at Dagat Mindanao. Sa ibayong-dagat, ilan
sa mga dagat ay Dagat Timog Tsina, Dagat
Dilaw, Dagat Bering, Dagat Mediteraneo,
Dagat Karibe, Dagat Itim, at Dagat Pula.

ILOG
Ang ilog ay isang mahaba at makipot na
anyong tubig na umaagos patungong dagat.
Nagmula ito sa maliit na sapa o itaas ng
bundok o burol. Kabilang sa mga ilog sa
Pilipinas ang Ilog Agusan, Ilog Marikina, at
Ilog Agno. Sa ibang bansa naman ang Ilog
Yangtze, Ilog Ganges, Ilog Nilo, Ilog
Mississippi, at Ilog Amazon.

LOOK
Ang look ay isang anyong-tubig na
nagsisilbing daungan ng mga barko at iba
pang sasakyang-pandagat. Maalat din ang
tubig nito sapagkat nakadugtong ito sa dagat
o sa karagatan. Ang Look ng Maynila, Look
ng Subic, Look ng Ormoc, Look ng
Batangas, at Look ng Iligan ay halimbawa ng
mga look sa Pilipinas. Sa ibayong-dagat,
kabilang sa mga look ay Look ng Bengal,
Look ng Korea, at Look ng San Francisco.
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
Commission of Higher
Education Region IV-A
CALABARZON DIVISION OF
LIPA
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG
LIPA

Golpo
Ang golpo ay isang malawak na look. Ilan
sa mga tanyag na golpo ay ang Golpo ng
Leyte at Golpo ng Lingayen sa Pilipinas,
at Golpong Persiko at Golpo ng Mehiko sa
ibang bansa.

Lawa
Ang lawa ay isang anyong tubig na
napapaligiran ng lupa. Ang Laguna de
Bay, Lawa ng Lanao, at Lawa ng Naujan ay
mga halimbawa ng mga lawa sa Pilipinas. Ang
mga halimbawa sa ibang bansa naman ay
ang Lawa ng Michigan, Lawa ng Victoria,
at Lawa ng Baikal.

Bukal
Ang bukal ay isang anyong tubig na
nagmula sa ilalim ng lupa.
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
Commission of Higher
Education Region IV-A
CALABARZON DIVISION OF
LIPA
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG
LIPA

Kipot
Ang kipot ay isang makitid na daang-tubig
na nag-uugnay sa dalawang malaking
anyong tubig tulad ng dagat o karagatan.

May kabuuang 200 ang kipot sa Pilipinas


dahil sa pagiging kapuluan nito. Kabilang
dito ang Kipot ng San Juanico sa Silangang
Kabisayaan.

Talon
Ang talon ay isang matarik na pagbaba ng
tubig sa isang sapa.

Kabilang sa mga talon ay ang Talon ng


Maria Cristina sa Pilipinas at Talon ng
Anghel sa Timog Amerika.

Batis
Ang batis ay isang ilug-ilugan o saluysoy na
patuloy na umaagos na tubig.
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
Commission of Higher
Education Region IV-A
CALABARZON DIVISION OF
LIPA
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG
LIPA

Opo, Binibini.

Tinalakay po natin ang iba’t-ibang


anyong tubig.

Wala po.

Naiintindihan niyo bam ga bata ang tinalakay


natin sa araw na ito?

Ano-ano nga ang ating tinalakay sa araw na


ito? (Tataas ng kamay ang mga bata at
may iba’t-ibang kasagutan.)

Mayroon ba kayong katanungan o nais


linawin tungkol sa ating napagtalakayan?

D. PAGLALAHAT
Base sa ating talakayan, ano ang inyong
natutunan ngayong araw na ito?

Magbigay nga kayo ng mga anyong tubig na Gagawin ng bata ang sinabi ng
ating tinalakay ngayon araw na ito. guro.

Mahusay, mga bata! Tama ang inyong mga


sagot.

E. PAGLALAPAT

Group Activity. Muling papangkatin sa tatlo


ang klase. Ang bawat pangkat ay bubuo ng
puzzle mula sa mga larawan na aking
ibabahagi sa bawat grupo. Ilarawan ang
bawat anyong tubig na mabubuo ninyo sa
mga larawan. Ihanda ang mga sarili para
ipakita ito sa unahan.

IV. Ebalwasyon

Maikling Pagsusulit. Tukuyin ang mga anyong tubig na inilalarawan sa bawat


bilang.

1. Ito ay ang pinakamalawak at pinakamalalim na anyong-tubig. Maalat ang tubig nito.


2. Ito ay malawak na anyong-tubig na mas maliit lamang ang sukat sa karagatan.
3. Ito ay isang mahaba at makipot na anyong tubig na umaagos patungong dagat.
Nagmula ito sa maliit na sapa o itaas ng bundok o burol.
4. Ito ay isang anyong-tubig na nagsisilbing daungan ng mga barko at iba pang
sasakyang-pandagat. Maalat din ang tubig nito sapagkat nakadugtong ito sa dagat o
sa karagatan.
5. Ito ay isang malawak na look.
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
Commission of Higher
Education Region IV-A
CALABARZON DIVISION OF
LIPA
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG
LIPA
6. Ito  ay isang anyong tubig na napapaligiran ng lupa.
7. Ito ay isang anyong tubig na nagmula sa ilalim ng lupa.
8. Ito ay isang makitid na daang-tubig na nag-uugnay sa dalawang malaking anyong
tubig tulad ng dagat o karagatan.
9. Ito ay isang matarik na pagbaba ng tubig sa isang sapa.
10. Ito ay isang ilug-ilugan o saluysoy na patuloy na umaagos na tubig.

V. Takdang Aralin. Iguhit ang iyong paboritong anyong tubig at ilarawan ito.

Inaprobahan Ni: Inihanda Ni:


Bb. Liezel P. Dajuya Ivy Lorenze C. Cortez

You might also like