You are on page 1of 17

4

Ang Heograpiya ng
Bansa
Araling Panlipunan
Unang Kuwarter: Linggo 5

YOLANDA E. LIPAEN
Tagapaglinang

Kagawaran ng Edukasyon SDO●Baguio


ALAMIN
Malugod na pagbati sa iyo mahal kong mag-aaral
.
Sa kasalukuyang pandemyang ating kinakaharap, maraming mga
kababayan natin ang nagpapakita ng pagmamahal at pagmamalasakit sa
kapwa sa iba’t ibang paraan tulad ng pagbibigay pagkain, pagdarasal sa
kaligtasan ng mga frontliners, at marami pang iba. Nakakataba ng puso
dahil nananaig parin ang pagmamahal at pagmamalasakit sa puso ng
mga Pilipino para sa kapwa.

Para sa Tagapagdaloy:
Hinihikayat po namin ang inyong pang-unawa at paggabay sa ating mga
bata upang maiparating nang wasto ang mga kaalaman tungkol sa mga
katangiang pisikal ng aring bansa.

Para sa Mag-aaral:
Gamiting mabuti at wasto ang modyul na ito. Panatilihing malinis at
iwasan ang pasusulat ng mga hindi kanaisnais upang hindin ito madaling
masisira at maaring gamitin pa ng inyong mga nakababatang mga
kapatid.

Pakatapos araling ito, inaasahan kong nailalarawan mo ang


pagkakakilanlang heograpikal ng Pilipinas:

A. Heograpiyang Pisikal (klima, panahon, at anyong lupa at anyong


tubig) at
B. Heograpiyang Pantao (populasyon, agrikultura, at industriya).

Makikita sa talahanayan sa ibaba ang mga ICON sa modyul na


tutulong sa iyo upang mas maunawaan ang mga bahagi nito, kung ano
ang babasahin at isasagawang gawain.

6
SUBUKIN
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

1. Alin ang tamang paglalarawan sa klima ng bansa?


A. Napakainit sa Pilipinas.
B. Napakalamig sa Pilipinas.
C. Malamig at mainit sa Pilipinas.
D. Hindi gaanong mainit sa Pilipinas.
2. Ito ay mga anyong lupa maliban sa isa. Alin dito ang hindi
kasali?
A. bulubundukin B. lambak
C. talampas D. tsanel
3. Anong produkto ang matatagpuan sa Gitnang Luzon?
A. gulay B. palay
C. prutas D. sombrero
4. Alin sa mga anyong tubig ang nagmumula sa ilalim ng lupa?
A. bukal B. lawa
C. talon D. tsanel
5. Aling pangungusap ang maling paglalarawan ng isang
temperatura ng isang lugar?
A. Kainaman ang temperatura sa Pilipinas.
B. Hindi magkakatulad ang tindi ng init at lamig sa Pilipinas.
C.Mainit ang klima sa mga lugar na mataas ang
kinaroroonan.
D. May kinalaman ang kinaroroonang latitud ng mga lugar sa
temperatura.
6. Anong produkto ang kilala sa Mindanao?
A. alahas na nagawa sa perlas B. lambanog
C. matibay na sapatos D. sumbrerong puntal
7. Bakit marami ang naninirahan sa NCR?
A. Dahil maraming oportunidad o pagkakataon dito upang
makapag-aral at kumita.
B. Dahil maraming gusali
C. Dahil dito makikita ang opisina ng Pangulo
D. Dahil maraming mga paaralan

8
8. Ito ay naghahatid ng mayamang lupa na mainam sa agrikultura.
A. likas na yaman B. teritoryo
C. yamang lupa C. yamang tubig
9. Saan matatagpuan ang depositong petrolyo o Natural gas dito
sa Pilipinas?
A. Bataan B. Cebu C. Laguna D. Palawan
10. Kung maraming mga bagoong at isda sa Pangasinan, ano ang
pangunahing hanapbuhay ng mga tao rito?
A. paghahayupan B. pagsasaka
C. pagmimina D. pangingisda

BALIKAN
Bago ka dumako sa aralin sa araw na ito tungkol sa Heograpiya
ng Pilipinas, balikan mo muna ang nakaraang aralin na iyong natamo.

Panuto: Suriing mabuti ang tanong sa bawat bilang. Isulat ang titik
ng tamang sagot.

1. Alin ang tumutukoy sa buong kalupaang sakop ng isang bansa


kasama na ang ang katubigang nasa loob at nakapaligid, ang
papawiring saklaw, at maging ang kailaliman ng kalupaang
nasasakop?
A. Komunidad B. Pamahalaan
C. Tao D. Teritoryo
2. Aling Isla ang ibinigay ng Sultan ng Brunei sa isang sultan ng
Pilipinas bilang pagtanaw ng utang na loob at napasama sa
teritoryo ng Pilipinas sa termino ni Pangulong Marcos?
A. Palawan B. Sabbah
C. Scarborough Shoal D. Spratlys Island

9
TUKLASIN
GAWAIN I: Pag-isipan mo

Panuto: Hanapin sa kahon ng mga letra ang mga salitang may


kaugnayan sa Heograpiyang Pisikal at pantao. Isulat mo sa ibaba
ang iyong sagot.
Word Hunt

K L I M A E R K S T L D
I G I N T O H G I B U T
N A N I E B Q K I M P S
D G M A D V P X U L A P
U H E O G R A P I T A E
S L L J O P U I T O V D
T B A C U A O S N T E N
R A P N I L A I H X A I
I G U Z A A A K V X O A
Y Y M E E Y K A B T C E
A O R L O I C L W I K A

1.
2
3.
4.
5.

SURIIN
Ano-anong mga salita ang nahanap mo? May kaugnayan ba
ang mga nabuo mong salita sa heograpiya ng Pilipinas?

Basahin mo at unawain ang mga impormasyong nakapaloob sa


aralin.

10
Ang Heograpiya ng Pilipinas

Ang Heograpiya ay tumutukoy sa pag-aaral ng mga


katangiang pisikal ng daigdig, ang pinagkukunang yaman at klima
nito, at ang aspektong pisikal ng populasyon nito. Nahahati sa
dalawa ang heograpiya ng Pilipinas, ito ang heograpiyang pisikal
at heograpiyang pantao.

A. Heograpiyang Pisikal

Ang klima ay ang pangkalahatang kalagayan ng panahon sa


isang lugar na may kinalaman sa atmospera o hanging nakapaligid
sa mundo. Nagkakaiba-iba ang klima sa iba’t ibang lugar dahil sa
pag-ikot sa araw at pag-inog nito sa sarili nitong aksis.

Ang panahon ay tumutukoy naman sa kalagayan ng


kapaligiran, halimbawa: tag-init at tag-ulan

Ang temperatura ay tumutukoy sa nararanasang init o lamig


sa isang lugar. May katamtamang klima ang Pilipinas sapagkat
nararanasan sa bansa ang hindi gaanong init at lamig.

Nakapagpapaganda sa klima ng bansa ang hanging


nagmumula sa Karagatang Pasipiko patungong Dagat Kanlurang
Pilipinas. Ngunit, dahil sa tinatawag na climate change,
nalalagpasan ang pinakamataas na temperatura mula sa 37
degrees Celcius hanggang sa 40 degrees celcius kung panahon
ng tag-araw sa bansa.

Ang mga anyong lupa ay binubuo ng mga kapatagan,


bundok, burol at talampas

Mga Pangunahing Anyong Lupa sa Bansa


Anyong Lupa Paglalarawan Halimbawa
1. Kapatagan Patag at malawak na Gitnang kapatagan
lupain ng Luzon
2. Bundok Pinakamataas na Bundok Apo,
anyong lupa Bundok ng Sierra
Madre,
Bundok Arayat,
Bundok Caraballo,

11
Bundok Cordillera,
Bundok Samat,
Bundok Diwata
3.Burol Mataas na lupa ngunit Chocolate Hills ng
mas mababa sa bundok Bohol, Mga Burol
at pabilog ang hugis ng sa Lalawigan ng
itaas nito Rizal, Batangas,
Samar, Leyte at
Gitnang Luzon
4.Talampas Mataas na bahaging Lungsod ng
lupa ngunit patag ang Baguio,Talampas
ibabaw ng Lanao, at
Bukidnon

Ang mga anyong tubig ay binubuo ng mga katubigan tulad


ng karagatan, dagat, tsanel, kipot, golpo at look.

Mga Pangunahing Anyong Tubig sa Bansa

Anyong tubig Paglalarawan Halimbawa


1. Karagatan Pinakamalalim, Karagatang
pinakamalawak,at Pasipiko
pinakamalaki sa lahat ng
anyong tubig
2. Dagat Bahagi ng karagatan, ang West Philippine
tubig dito ay mas mainit Sea,
kaysa sa karagatan Dagat Celebes,
Dagat Pilipinas,
Dagat Visayas,
Dagat Mindanao, at
Dagat Sulu
3. Tsanel Nagdudrugtong sa Bashi Channel
dalawang malaking
katawan ng tubig; malalim
na anyong tubig na bahagi
ng isang kanal o ilog
4. Kipot Makipot na anyong tubig Kipot ng San
na nagdurugtong sa Bernardino,
dalawang malalaking Kipot ng Iloilo,
anyong tubig

12
Kipot ng Basilan,
Kipot ng Biliran,
Kipot ng
Saranggani
5. Golpo Napapaligiran ng lupa at Golpo ng Lingayen,
ito ay bahagi rin ng Golpo ng Ragay,
karagatan na karaniwang Golpo ng Albay,
nasa bukana ng Golpo ng Leyte,
dagat Golpo ng Sibuneg
6. Look Isang bahagi ng dagat na Look ng Maynila
nakapasok sa baybayin
nito

B. Heograpiyang Pantao

Ang populasyon ay katipunan ng mga tao o tumutukoy sa


dami ng tao na naninirahan sa isang tiyak na lugar. Ang Pilipinas ay
binubuo ng 17 rehiyon na may iba’t ibang bilang o dami ng
naninirahan. Pagkakataon sa hanapbuhay at edukasyon ang mga
pangunahing salik na nakaapekto sa paglaki ng populasyon.
Ang NCR na isa sa may pinakamaliit na sukat ay
pumapangalawa sa may pinakamalaking populasyon. Dito makikita
ang maraming oportunidad o pagkakataon upang makapag-aral at
kumita.

13
Ang uri ng kapaligiran ay may kaugnayan sa uri ng
hanapbuhay ng mga tao sa isang lugar.

Mga Halimbawa:
a. Ang lalawigan ng Bukidnon ay malawak na pastulan ng hayop
tulad ng baka at kambing.
b. Maraming bagoong at bangus sa lalawigan ng Pangasinan.
c. Ang Lungsod ng Baguio na may malamig na klima ay may mga
sariwang gulay at bulaklak
d. Sa Gitnang Luzon ay may malawak na kapatagan na taniman
ng palay

Mahalagang Papel ng Sektor ng Industriya


sa Ekonomiya
Ang sector ay nahahati sa mga subsector ng:
• Pagmimina-tumutukoy sa pagkuha o pagkatas sa mga
mineral na matatagpuan kalimitan sa ilalim ng lupa tulad
ng iro, ores, ginto, pilak, chromite, nikel, marmol, tanso, at
iba pa. Mahalaga ang papel ng pagmimina sa proseso ng
industriyalisasyon at sa pagtahak sa landas ng
modernisasyon.
• Konstruksyon-naglalayong maipatayo ang mga
kailangang daan, tulay, gusali, daungan, paliparan at iba
pa
• Pagpapamanupaktura-ay nag mga sasakyan, damit,
tela, kasangkapansa bahay, Malaking makina, papel,
muwebles, at prenosesong pagkain
• Elektrisidad at gas –napapatakbo ang mga makina para
sa produksiyon, at mga sasakyan para sa transportasyon.
Halimbawa dito ang pinagkukunang yaman ng Pilipinas
ang Deposito ng Petrolyo o Natural Gas sa Palawan.

14
PAGYAMANIN
Gawain I- PAGSURI

Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pahayag. Isulat sa sagutang


papel ang HP kung ito ay Heograpiyang Pisikal at HT kung ito ay
heograpiyang Pantao.
_____1. Si Rodel ay nakatira sa Marikina, empleyado siya ng
isang pagawaan ng sapatos.
_____2. Tuwing tag-araw maraming turista ang bumibisita sa
malapit sa dagat upang maligo dahil sa init panahon.
_____3. Ang mag-anak na Ilagan ay nakatira sa kapatagan, marami
silang nakahandang pananim para sa tag-ulan.
_____4. Si Luisa ay isang Call Center Agent sa Maynila. Malaki ang
sahod nito.
_____5. Ngayong kasalukuyang pandemya, apektado ang kabuhayan
ng mga tao tulad na lamang sa Maynila kung saan maraming
karaniwang mamamayan na nakatira lamang sa iskwater ang nawalan
ng kita.

Pagtataya I: Kilalanin kung ang inilalarawan sa bawat bilang sa Gawain


1 ay tungkol sa Klima, Panahon, Agrikultura o Populasyon.
_____1. Si Rodel ay nakatira sa Marikina, empleyado siya ng
isang pagawaan ng sapatos.
_____2. Tuwing tag-araw maraming turista ang bumibisita sa
malapit sa dagat upang maligo dahil sa init panahon.
_____3. Ang mag-anak na Ilagan ay nakatira sa kapatagan,
marami silang nakahandang pananim para sa tag-ulan.
_____4. Si Luisa ay isang Call Center Agent sa Maynila. Malaki
ang sahod nito.
_____5. Ngayong kasalukuyang pandemya, apektado ang
kabuhayan ng mga tao tulad na lamang sa Maynila kung saan
maraming karaniwang mamamayan na nakatira lamang sa
iskwater ang nawalan ng kita.

Gawain II: ANALOHIYA


Panuto: Piliin sa kahon ang angkop na kapares at isulat ang
sagot sa sagutang papel.
1. Pagmimina: Ginto; Pangingisda: _________
2. Pangasinan: bagoong; Marikina: _________

15
Pagtataya II
Panuto: Piliin sa kahon ang angkop na kapares at isulat ang
sagot sa sagutang papel.

3. Chocolate Hill: burol; West Philippine Sea: _________


4. Klima: tag-ulan; Temperatura : _________
5. Mindanao: perlas; Baguio: _________

gulay o prutas sapatos o bag


dagat
init o lamig isda o hipon

GAWAIN III- VENN DIAGRAM NG NAUNAWAAN


Sumulat ng pagkakaiba ng Heograpiyang Pisikal sa Heograpiyang
Pantao sa loob gamit ang diagram.

Heograpiyang Pisikal

H Heograpiyang Pantao
E
O
G
R
A
P
I
Y
A

Rubrik para sa Gawain III


Pamatayan Laang Puntos
1. Nakabuo ng isang malinaw na paghahambing at 5
pagpapaliwanag tungkol sa dalawang uri ng
heograpiya

16
2. Nabigyang diin sa paliwanag ang bawat uri ng 5
heograpiya na naitala
3. Malinis at maayos ang ginawang diagram 5
Kabuuang Puntos 15
5-Napakahusay 4-Mahusay 3.- Katamtaman

2.- Di gaanong mahusay 1. -Sadyang di mahusay

Pagtataya III
Panuto: Magbigay ng tigtatatlong katangiang pisikal na mayroon sa
inyong sariling lalawigan.
Lugar Katangiang Pisikal

ISAISIP
Gawain: THINKING STEM
Kumpletuhin ang mga pahayag sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa
saguting papel.

Ang bago kong natutunan ay


______________________________

Napagtanto ko na
__________________________

Mahalaga ang
___________________________

17
Rubrik para sa Thinking Stem
5 4 3 2 1
Komprehen Gumamit ng May 1-2 na May 3-4 na May 5 o mahigit
sibo ang simple salita na hindi salita na na salita na
ginawang ngunit maunawaan ang hindi hindi
pagpapaliwa malinaw na tunay na maunawaan maunawaan
nag mga salita. kahulugan. ang tunay ang tunay na
Masyadong na kahulugan.
Maiksi mahaba at kahulugan. Hindi malinaw
ngunit sapat maligoy ang May ang nilalaman
ang ginawang kakulangan o mensahe ng
ginawang pagpapaliwanag. sa ginawang pagpapaliwanag
pagpapaliwa pagpapaliwa
nag nag

ISAGAWA
Panuto: Sa nangyayari ngayong pandemya, malaki ang naging
epekto nito sa ating heograpiyang pisikal at pantao kabilang na
dito ang populasyon at kabuhayan ng mga tao. Gumuhit ng isang
poster na nagpapakita ng larawan ng iyong lugar sa epekto ng
pandemya sa heograpiyang pantao lalo sa industriya at agrikultura.
paper.

Rubrik para sa Gawaing Isagawa


Pamantayan Laang
Puntos
1. Naipakita sa poster ang angkop na kilos na gagawin 5
upang maresulba ang hindi pagkakaunawaan.
2. Litaw sa poster ang layunin ng kilos na gagawin 5
upang maresulba ang hindi pagkakaunawaan.
3. Malinis, maayos, at maganda ang pagkakaguhit sa 5
poster.
Kabuuang Puntos 15
5-Napakahusay 3-Katamtaman
4-Mahusay 2- Di gaanong mahusay
1- Sadyang di mahusay

18
TAYAHIN
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang
papel.
1. Anong produkto ang matatagpuan sa Gitnang Luzon?
A. gulay B. palay
C. prutas D. sombrero
2. Alin ang tamang paglalarawan sa klima ng bansa?
A. Napakainit sa Pilipinas.
B. Napakalamig sa Pilipinas.
C. Malamig at mainit sa Pilipinas.
D. Hindi gaanong mainit sa Pilipinas
3. Alin sa mga anyong tubig ang nagmumula sa ilalim ng lupa?
A. bukal B. lawa
C. talon D. tsanel
4. Ito ay mga anyong lupa maliban sa isa. Alin dito ang hindi
kasali?
A. bulubundukin B. lambak
C. talampas D. tsanel
5. Aling pangungusap ang maling paglalarawan ng isang
temperatura ng isang lugar?
A. Kainaman ang temperatura sa Pilipinas.
B. Hindi magkakatulad ang tindi ng init at lamig sa Pilipinas.
C.Malamig ang klima sa mga lugar na mataas ang
kinaroroonan.
D. May kinalaman ang kinaroroonang latitud ng mga lugar sa
temperatura.
6. Bakit marami ang naninirahan sa NCR?
A. Dahil maraming oportunidad o pagkakataon dito upang
makapag-aral at kumita.
B. Dahil maraming gusali
C. Dahil dito makikita ang opisina ng Pangulo
D. Dahil maraming mga paaralan

19
7. Anong produkto ang kilala sa Mindanao?
A. alahas na nagawa sa perlas B. lambanog
C. matibay na sapatos D. sumbrerong puntal
8. Kung maraming mga bagoong at isda sa Pangasinan, ano ang
pangunahing hanapbuhay ng mga tao rito?
A. paghahayupan B. pagsasaka
C. pagmimina D. pangingisda
9. Ito ay naghahatid ng mayamang lupa na mainam sa agrikultura.
A. likas na yaman B. teritoryo
C. yamang lupa C. yamang tubig
10. Saan matatagpuan ang depositong petrolyo o Natural gas dito
sa Pilipinas?
A. Bataan B. Cebu C. Laguna D. Palawan

20
KARAGDAGANG GAWAIN
Gawain: Kaugnay sa ginawa mong poster, punan ang
graphic organizer upang ipaliwanang ang nabuo.
OO HINDI

May kaugnayan ba
ang kapaligiran sa uri
________________ ng hanapbuhay ng _____________

________________ tao sa isang lugar? _____________

________________ Paano? ______________

Rubrik para sa Karagdagang Gawain


5 4 3 2 1
Komprehe Gumamit ng May 1-2 na May 3-4 na May 5 o
nsib o ang simple salita na salita na mahigit na
ginawang ngunit hindi hindi salita na
pagpapali malinaw na maunawaan maunawaan hindi
wan ag mga salita. ang tunay na ang tunay maunawaan
kahulugan. na ang tunay
Maiksi Masyadong kahulugan. na
ngunit sapat mahaba at May kahulugan.
ang maligoy ang kakulangan Hindi
ginawang ginawang sa ginawang malinaw ang
pagpapaliwa pagpapaliwa pagpapaliwa mensahe o
nag nag. nag nilalaman
ng
pagpapaliwa
nag

21
22
Baisa, J.(2016).Lakbay ng Lahing Pilipino 4.Manila:Phoenix Publishing House
Lemi, D.et.al.(2016).Bigkis ng Lahi 4. Bulacan:Prime Books Publishing Corporation.
Kagamitang Mag-aaral. Pasig City Philippines.
Adriano, M.,et.al.(2015). Kagawaran ng Edukasyon, Araling Panlipunan 4
TALASANGGUNIAN
PAGYAMANIN
1.HT
TAYAHIN 2.HP
1.B 3.HP
2.C 4.HT
ISAGAWA
3A. 5.HT
ISANGGUNI SA
4.D PAGTATAYA 1
RUBRIKS
5.C 1.INDUSTRIYA
6.A 2.ANYONG TUBIG
ISAISIP
7.A 3.AGRIKULTURA
ISANGUNI SA RUBRIKS
8.D 4.KONSTRUKSYON
9.C 5.POPULASYON
10.D
VENN DIAGRAM
PAKI SANGGUNI SA
RUBRIKS
SUBUKIN
1. C
2.D
3.B
TUKLASIN 4.A
KLIMA BALIKAN 5.C
TUBIG 1.D 6.A
GINTO 2.C 7.A
INDUSTRIYA 8.C
9.D
10.D
SUSI SA PAGWAWASTO

You might also like