You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III
Division of Bulacan
Hagonoy East District
ABULALAS ELEMENTARY SCHOOL

BANGHAY-ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 4

I. LAYUNIN

A. Pamantayang Pangnilalaman

 Naipapamalas ang pang-unawa sa pagkakakilanlan ng bansa ayon sa mga


katangiang heograpikal gamit ang mapa

B. Pamantayang Pagganap

 Naipapamalas ang kasanayan sa paggamit ng mapa sa pagtukoy ng iba’t-ibang


lalawigan at rehiyon ng bansa

C. Pamantayan sa Pagkatuto

 Napaghahambing ang iba’t-ibang pangunahing anyong lupa at anyong tubig ng


bansa ( AP4AAB-Ig-h-10)
II. Nilalaman
Paksa: Paghahambing sa iba’t-ibang pangunahing anyong lupa at anyong tubig ng
bansa

Sanggunian: K to 12 Curriculum Guide sa Araling Panlipunan 4


Patnubay ng Guro pahina 24-27
Kagamitan ng mag-aaral sa araling Panlipunan 4 pahina 53-66

Kagamitan: Laptop, Projector, Powerpoint Presentation, sipi ng mga Gawain, kard


ng Gawain, manila paper, pentel pen, mapa

III. Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Pagpapakita ng mapa.
Anu-anong mga dagat at karagatan ang nakapaligid sa ating bansa?
2. Balitaan hinggil sa mga huling pangyayari sa bansa
3. Pagpapakita ng larawan (School fieldtrip).
Anu-anong mga lugar ang narating natin ngayon?
(Isusulat sa pisara ng guro)
Ano ang tawag natin sa unang hanay? Sa ikalawang hanay?

B. Paglinang sa kasanayan:
1. Paglalahad
a. Pagpapaaawit /Pagpaparinig ng awit sa mga bata
“Masdan mo ang Kapaligiran”
Anu-anong anyong lupa ang inyong narinig/nabanggit sa awit?
Ano ang nangyari sa tubig at dagat ngayon?
Bilang mag-aaral anu ang maaari mong gawin?

b. 1.Pangkatang Gawain:
Pangkatin ang mga bata.Ibigay ang karda ng Gawain sa bawat pangkat.
Kung sinuman ang maunang matapos sila ang unang mag-uulat.
2.Pag-uulat ng bawat pangkat

2. Pagtalakay:

Tanungin ang mga bata:


Ano ang pagakaiba ng dagat at karagatan? Kipot at golpo? Look at
golpo?
Ano ang pagkakaiba ng bundok at burol? Kapatagan at lambak?
Bundok at Bulkan?

3.Pagsasanay: Punan ang mga kahon ng salitang bumubuo sa inilalarawan sa


bawat bilang na pahalang at pababa.

1 1 4

2 3 3

Pahalang:
1. Ito ay mataas na bahaging lupa ngunit patag ang ibabaw
2. Anyong tubig na umaagos mula sa mataas na lugar gaya ng bundok.
3. Ito ay mahaba at paliko-likong anyong tubig na tumutuloy sa dagat.
4. Pinakamalalim,pinakamalawak at pinakamalaking anyong tubig.
5. Ito ay anyong tubig na napapaligiran ng lupa.

Pababa:
1. Ito ang pinakamataas na bundok sa Pilipinas.
2. Ito ang nagdurugtong sa dalawang malaking katawan ng tubig na karaniwang
dinaraanan ng barko
3. Isang bahagi ng dagat na nakapaloob sa baybayin nito.
4. Kahalintulad ng bundok nagkaiba lamang sa bunganga sa tuktok nito.
5. Ito ay patag na lupa sa pagitan ng mga bundok.
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Anu-ano ang mga anyong lupa at anyong tubig?
Anu-ano ang pagkakaiba ng bawat anyong tubig? Anyong lupa?
4. Paglalapat:
Pangkatang Gawain: Isulat sa gitnang bahagi ng venn Diagram ang pagkakatulad
at sa magkabilang bahagi nito ang pagkakaiba ng mga nakalahad na anyong lupa.

Pagkakaiba
Pagkakaiba

Pagkakatulad

2. BUndok at burol
3. Dagat at karagatan

IV. Pagtataya:
Pag-ugnayin ang hanay A at hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

HANAY A HANAY B
______1. Lambak a. Pinakamataas na anyong lupa

b.Malawak na lupain na nasa


mababang lugar

_______2. Look c. Pinakamalalim ,pinakamalawaka


at pinakamalaking anyong tubig

______3. Bundok d. Isang bahagi ng dagat na


nakapaloob sa baybayin nito

e. Patag na lupa sa pagitan ng bundok


______4. Kapatagan

______5. Karagatan

V. Kasunduan
Basahin ang sumusunod na sitwasyon at sagutin ang kasunod na tanong .

1. Nakita mong nagtatapon ng basura sa ilog ang iyong kaklase, ano ang iyong
gagawin?_____________________________
2. Ano ang maaaring mangyari kung mauubos ang puno sa mga kabundukan?
____________________________
3. Ano ang magiging epekto ng pagdumi ng ating mga anyong tubig?
__________________
4. Bilang isang mag-aaral,paano ka makatutulong sa pagpapanatili ng malinis at maayos
na mga aanyong lupa at anyong tubig?______________________

Inihanda ni:

AIZA T. CARPIO
Teacher I
Binigyang Pansin:

ESTELITA C. SARTO
Pang-Ulong Guro III

You might also like