You are on page 1of 4

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 4

DLP Blg:18 Asignatura:Araling Panlipunan Baitang:4 Markahan:1 Oras:40 Minuto

Mga Kasanayan:  Nailalarawan ang bansa ayon sa mga katangiang pisikal at Code: AP4AAB-Ig-
pagkakakilanlang heograpikal nito h-10
 Napaghahambing ang iba’t ibang pangunahing anyong tubig ng
bansa

Susi ng Pag-unawa na Ang Pilipinas ay nabiyayaan ng iba’t ibang anyong lupa at anyong tubig.
Lilinangin:
Ang kapatagan,talampas, bundok, at burol ang mga pangunahing anyong lupa sa bansa.

Ang iba pang mga anyong lupa na makikita sa mga pulo sa bansa ay ang bulkan at lambak

1. Mga Layunin:

Kaalaman Natutukoy ang iba’t ibang bahaging lupa sa ating bansa

Kasanayan Nakakalikha ng scrapbook ng mga larawan ng mga magagandang lugar (kalupaan) sa bansa

Kaasalan Nagagampanan ang pagiging responsable sa kapaligiran bilang isang mag-aaral.

Kahalagahan Nasasabi ang mga gawain ng pagiging responsabling mamamayan ng ating bansa.

2. Nilalaman: Mga Pangunahing Anyong Lupa sa Bansa

3. Mga Kagamitang -Laptop


Pampagtuturo
-Powerpoint presentation

-mga iba;t ibang larawan ng anyong lupa

-mapa ng Pilipinas

-bondpaper,pencil,crayons

4. Pamamaraan

4.1 Panimulang Bilang pampagising sa mga bata, ipaawit at ipasayaw ang awiting “Ang Mga Ibon na
Gawain(2minuto) Lumilipad”.(Musika:Pag-awit at Pagsayaw)

4.2 Mga Bilang pagganyak sa pagsisimula ng aralin ipakilala ang mobile game na “4 Pics, 1 Word”sa mga
Gawain/Estratehiya bata.

(5minuto)

1. 2. 3.
4. 5.

4.3 Pagsusuri Ipakita ang mapa ng Pilipinas


(3 minuto)

Magbigay ng mga tanyag na anyong lupa sa Pilipinas at ipaturo sa mapa kung saan ito
matatagpuan

4.4 Pagtatalakay Talakayin ang iba’t ibang anyong lupa sa bansa at kung saan ito makikita ang mga tanyag na
(10 minuto) lugar.

Ipaliwanag sa mga bata bawat pisikal na anyo upang lubusang makikilala ng mga mag-aaral
hal.kapatagan,bundok,burol at iba.pa

(EPP:Pagtatanim)
4.5 Pangkatang Pagkatapos ng pagtatalakay sa iba’t ibang anyong lupa sa bansa, pagpangkatin ang mga bata sa
Gawain tatlo. Ang bawat pangkat ay magguhit ng mga anyong lupa na nakatalaga sa
kanila.(Arts:Pagguhit)
(8 minuto)

4.6 Paglalapat Itanong ang mga sumusunod:


(2minuto) 1. Ano ang kahalagahan ng mga nabanggit na anyong lupa?
2. Paano natin ito mapangangalagaan ? (ESP:Pangangalaga sa kapaligiran )

4.7 Paglalahat ng Anu-ano ang mga anyong lupa na matatagpuan sa Pilipinas?


Aralin (3minuto) Ano ang pagkakaiba at pagkakapareho nila?
BUNDOK BULKAN
LAMBAK KAPATAGAN LAMBAK TALAMPAS

5. Pagtataya(5minuto)

Isulat ang wasto sa patlang kung tama ang paghahambing sa mga anyong lupa sa bansa. Isulat
ang hindi wasto kung mali ang paghahambing.

___1. Ang burol ay mataas na anyong lupa ngunit mas mababa kaysa bundok.

___2. Tulad ng kapatagan, may patag at malawak din ang talampas kahit ito ay mataas na
bahaging lupa.

___3. Ang bundok ay tulad ng bulkan; ang pagkakaiba lamang ay ang bunganga sa tuktok nito.

___4. Ang lambak ay tulad din ng kapatagan na may patag at malawak na lupain. Nasa pagitan
lamang ng bundok ang lambak.

___5. Ang bundok ay mababa at patag na lupa samantalang ang bulkan ang pinakamataas na
ayong lupa.

6. Takdang-Aralin(2 minuto)

Bawat grupo ay gagawa ng scrapbook na nakapaskil ang iba;t ibang tanyag na anyong lupa at
kung saan ito matatagpuan.

Halimbawa:

Prepared by:
REY I. BOOC
Teacher -I

Observed by:

NEOLITA V. HIJAPON Ed.D


ESP-II

You might also like