0% found this document useful (0 votes)
433 views15 pages

DOCUMENTS

Ang dokumento ay tungkol sa lesson plan sa Araling Panlipunan 4 na naglalayong ipaliwanag ang kahulugan ng pagiging bansang insular ng Pilipinas at matutukoy ang kahalagahan nito. Ang aralin ay tungkol din sa paghahambing at pagtutukoy sa mga pangunahing anyong lupa at anyong tubig sa bansa.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
433 views15 pages

DOCUMENTS

Ang dokumento ay tungkol sa lesson plan sa Araling Panlipunan 4 na naglalayong ipaliwanag ang kahulugan ng pagiging bansang insular ng Pilipinas at matutukoy ang kahalagahan nito. Ang aralin ay tungkol din sa paghahambing at pagtutukoy sa mga pangunahing anyong lupa at anyong tubig sa bansa.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd

Department of Education

Region IV-A CALABARZON


City Schools Division of Dasmariñas
SALAWAG ELEMENTARY SCHOOL

LESSON PLAN IN ARALING PANLIPUNAN 4


12:40 PM -1:20 PM (IV- SAKAY)
4:50 PM – 5:30 PM ( IV JACINTO)
Ms. Shamil May Monido
JULY 16, 2018 MONDAY
I. LAYUNIN
a. Naipaliliwanag ang kahulugan ng pagiging bansang insular ng Pilipinas
b. Natutukoy ang kahalagahan ng pagiging insular ng bansa.
c. Naipakikita ang pagpapahalaga sa yamang dagat ng bansa.

II. Paksa Aralin


A. Paksa: Ang Pilipinas Bilang Isang Bansang Insular
B. Kagamitan: mapa ng Pilipinas, mga larawan ng dalampasigan, daungan, bangka sa pamamagitan ng
power point presentation
C. Sanggunian: CG AP4AAB-Ig-9 , TG p. 22-23, LM p. 48-52,

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain

Awit (Himig ng Kay Liit ng Mundo)


(Pabatid sa guro: ang awit na gagamitin ay ang nasa sinundang aralin)

B. Panlinang na Gawain
1. Paunang Patataya

Ano ang ibig sabihin ng salitang maritime o insular ng bansa?

2. Paglalahad
Bakit sinasabing ang Pilipinas ay isang bansang insular o maritime?

3. Pagtuturo/Paglalarawan
Ipakita ang iba-ibang uri ng larawan

Larawan ng Larawan ng Larawan ng


karagatan dalampasigan dagat
Tanong:
 Ano-ano ang mga nakita mo sa larawan?
 Bakit nagkaroon ng ganitong mga tanawin sa ating bansa?
 Ano-ano ang pagkakatulad ng mga larawan?
 Ano ang nakapaligid sa bansang Pilipinas?

Suriin ang graphic organizer na ipinapakita.

Maritime o Insular

Mapa ng Larawan Larawan ng Larawan ng Larawan


Pilipinas ng Dagat Daungan Dalampasigan ng Pulo

Itanong:
1. Ano ang karaniwang makikita sa mga larawan?
2. Batay sa mga larawan, anong anyong tubig ang nakapalibot sa Pilipinas?
3. Paano mo maiuugnay ang mga larawang ito sa kahulugan ng maritime o insular.
4. Ano-ano ang kapakinabangan ng pagiging maritime o insular ng bansa?

4. Kasanayang Pagpapayaman at Pagkabisa


Pangkatang Gawain

Unang Pangkat
Pagsasadula ng kahalagahan ng pagiging insular ng bansa
Ikalawang Pangkat
Gumuhit ng larawan na nagpapakita ng kahalagahan ng pagiging bansang insular.

Ikatlong Pangkat
Bumuo ng tula na nagpapakita ng kahalagahan ng bansang insular.

5 4 3 2 1 0
Pagsasadula Nakapag- Nakapag- Nakapag- Nakapag- Nakapag- Hindi
sasadula ng sasadula ng sasadula ng sasadula ng sasadula ng nakapag-
5 4 3 2 1 sadula
kahalagahan kahalagahan kahalagahan kahalagahan kahalagahan
sa pagiging sa pagiging sa pagiging sa pagiging sa pagiging
insular na insular na insular na insular na insular na
bansa bansa bansa bansa bansa
Pagguhit Nakaka- Nakaka- Nakaka- Nakaka- Nakaka- Hindi
guhit ng 5 guhit ng 4 guhit ng 3 guhit ng 2 guhit ng 1 nakaguhit
kaha- kahalagahan kahalagahan kahalagahan kahalagahan
lagahan ng ng pagiging ng pagiging ng pagiging ng pagiging
pagi-ging insular na insular na insular na insular na
insular na bansa bansa bansa bansa
bansa
Pagtula Nakaka- Nakaka- Nakaka- Nakaka- Nakaka- Hindi
bigkas ng bigkas ng bigkas ng bigkas ng bigkas ng naka-
tula na may tula na may tula na may tula na may tula na bigkas ng
5 4 3 2 may1 tula
kahalagahan kahalagahan kahalagahan kahalagahan kahalagahan
ng pagiging ng pagiging ng pagiging ng pagiging ng pagiging
insular na insular na insular na insular na insular na
bansa bansa bansa bansa bansa

5. Paglalahat
Bakit ang Pilipinas ay isang bansang insular?
Ano ang kahalagahan ng pagiging insular o maritime ng bansa?

Ang Pilipinas ay tinatayang isang bansang insular o maritime dahil sa dagat at


karagatang nakapaligid dito. Maraming kapakinabangan ang pagiging insular ng
bansa.
6. Pagpapahalaga
Nakita mo na nagtapon ng basura ang iyong kapitbahay sa dalampasigan. Ano ang maaari mong gawin?
7. Pahuling Pagtataya
Isulat ang TAMA kung wasto o tama ang sinasaad ng pangungusap at MALI kung hindi.
____1. Ang Pilipinas ay isang bansang insular.
____2. Nagsisilbing pang-akit sa mga turista ang kagandahan ng
mga dagat at baybayin nito.
____3. Mahalagang pangalagaan ang mga karagatan at dagat.
____4. Ang mga basura ay dapat itapon sa dagat at karagatan.
____5. Napaliligiran ang bansang Pilipinas ng dagat at karagatan kaya tinawag itong bansang insular.

8. Takdang Aralin
Gumawa ng isang repleksyon. Bilang mag-aaral,paano mo ipakikita ang pangangalaga sa ating dagat at
karagatan?
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
City Schools Division of Dasmariñas
SALAWAG ELEMENTARY SCHOOL

LESSON PLAN IN ARALING PANLIPUNAN 4


12:40 PM -1:20 PM (IV- SAKAY)
4:50 PM – 5:30 PM ( IV JACINTO)
Ms. Shamil May Monido
JULY 17, 2018 TUESDAY

I. Layunin
1. Naihahambing ang iba’t-ibang pangunahing anyong lupa at anyong tubig ng bansa.
2. Naiguguhit ang anyong lupa at anyong tubig na makikita sa kanilang lugar.
3. Napahahalagahan ang mga anyong lupa at anyong tubig.

II. Paksang Aralin


a. Paksa:Mga Pangunahing Anyong Lupa at Anyong Tubig ng bansa
b. Kagamitan:Larawan ng mga anyong lupa at anyong tubig,activity sheets, Chart Venn Diagram
C. Mga Sanggunian:
Curriculum Guide ph. 39 (K to 12 – AP4AAB-Ig-h10)
Teachers’ Guide ph. 24-27,
Learners’ Materials ph. 53-66

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pamukaw Sigla:
Pag-awit o pagbigkas ng tugma.

Sa AP ako ay naaaliw
Sa AP ako ay natututo
Sa AP nagiging makabansa ako

Anyong lupa’y aalamin


Anyong tubig tutukuyin
Topograpiya ay tutuklasin

B. Panlinang na Gawain
1. Paunang Pagtataya
Itanong:
Ano-anong anyong lupa/anyong tubig ang matatagpuan sa inyong lugar?

2. Paglalahad
Itanong:
Aling anyong lupa ang may pagkakatulad na katangian?
Aling anyong tubig ang may pagkakatulad na katangian?

3. Pagtuturo at Paglalarawan
Magpakita ng larawan ng mga anyong lupa at anyong tubig sa mga bata at ipalarawan ang bawat
isa.
Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng kapatagan at talampas? Isusulat sa Venn Diagram ang
sagot ng mga mag-aaral.

Mga Anyong Lupa

kapatagan Talampas
Kaibahan ng Kaibahan ng
kapatagan Pagkakatulad Talampas
___________ ___________ ___________
___________ ___________ ___________
___________ ___________ ___________
___________ ___________ ___________
___________ ___________ ___________
_ _ _

Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng bundok at burol?

Bundok Burol

Kaibahan ng Kaibahan ng
Bundok Pagkakatulad Talampas
___________ ___________ ___________
___________ ___________ ___________
___________ ___________ ___________
___________ ___________ ___________
___________ ___________ ___________
_ _ _

Mga Anyong Tubig


Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng kipot at tsanel?

kipot tsanel

Kaibahan ng Kaibahan ng
kapatagan Pagkakatulad Talampas
___________ ___________ ___________
___________ ___________ ___________
___________ ___________ ___________
Ano ang ___________ ___________ ___________ pagkakatulad at
pagkakaiba ng ___________ ___________ ___________ look at golpo?
_ _ _

look golpo
Kaibahan ng Kaibahan ng
kapatagan Pagkakatulad Talampas
___________ ___________ ___________
___________ ___________ ___________
___________ ___________ ___________
___________ ___________ ___________
___________ ___________ ___________
_ _ _

4. Kasanayang Pagpapayaman at Pagkabisa

Pangkatang Gawain

Ano-ano ang pamantayan sa pangkatang gawain?

Hatiin sa apat na grupo ang mga mag-aaral. Isulat sa metacards ang inyong kasagutan at iulat sa klase.

Activity Sheet 1
Unang Pangkat
Ano ang kahalagahan ng yamang lupa?

Ikalawang Pangat
Ano ang kahalagahan ng yamang tubig?

Rubric para sa una at ikalawang pagkat.

Pamantayan Puntos Natamong Puntos


1. Lahat ng kaanib ay 3
nakikilahok sa gawain
2. Nakakagawa ng graphic 3
organizer
3. Malinis ang pagkakagawa ng 3
visual aid at may angkop na
disenyo
4. May katamtamang lakas ng 3
boses
5. Malikhain sa presentasyon ng 3
output
Kabuuang Puntos 15

Ikatlong Pangkat
Gumuhit ng yamang lupa na makikita sa inyong lugar.

Ikaapat na Pangkat
Gumuhit ng yamang tubig na makikita sa inyong lugar.

Rubric para sa ikatlo at ikaapat na pangkat

Batayan Mahusay na Mahusay Mahusay (4-3 puntos Hindi Mahusay (2-1


(5 puntos) puntos)
Pagkamalikhain 50% Nakagawa ng isang Nakagawa ng isang Hindi naipakita ang
likhang-sining sa likhang-sining sa pagkamalikhain sa
pinakamalikhaing malikhaing paraan paggawa ng likhang-
paraan sining
Kalinisan at kaayusan Malinis at maayos ang Naipaliwanag sa Hindi malinis at walang
30% ginawang likhang- pinakamalinaw at kaayusan ang ginawang
sining pinakamaayos na paraan likhang-sining
ang ginawang likhang-
sining
Interpretasyon 20% Naipaliwanag sa Naipaliwanag sa Hindi naipaliwanag
pinakamalinaw at maayos na paraan ang nang malinaw at
pinakamaayos na paraan ginawang likhang- maayos ang ginawang
ang ginawang likhang- sining likhang-sining
sining

5. Paglalahat
Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng konsepto
Itanong:

Ano-ano ang mga anyong lupa? anyong tubig?


Paano nagkakatulad ang mga pangunahing anyong lupa gaya ng kapatagan at talampas? Bundok
at burol?
Paano nagkakatulad ang mga pangunahing anyong tubig gaya ng kipot at tsanel? Look at golpo?
Inaasahan sagot?

May pagkakatulad at pagkakaiba sa katangiang pisikal ang


sumusunod na anyong lupa:
a. talampas at kapatagan
b. bundok at burol
May pagkakatulad at pagkakaiba sa katangiang pisikal ang
sumusunod na anyong tubig:
a. look at golpo
b.kipot T tsanel

6. Pagpapahalaga
Ano ang kahalagahan ng mga anyong lupa? tubig?
Inaasahang sagot.
Ang mga anyong lupa ay mahalaga dahil ang mga ito ay ginamit na taniman, pinagkukunan ng
kahoy at tirahan ng mga hayop.
Ang mga anyong tubig ay mahalaga sapagkat ang mga ito ay pinagkukunan ng pagkain gaya ng
isda, hipon, alimango at iba pa.

7. Pagtataya
Panuto: Tukuyin kung ang pahayag ay tama o mali base sa paghahambing ng anyong lupa o anyong tubig.
_____ 1. Ang pagkakatulad ng look at golpo ay pareho itong anyong tubig na naliligiran ng lupa.
_____ 2. Ang golpo ay bahaging dagat samantalang ang look ay bahagi ng karagatan
_____ 3. Ang pagkakatulad ng bundok at bulkan ay pareho itong mataas na anyong lupa na sumasabog.
_____4. Ang pagkakatulad ng bundok at burol ay pareho itong mataas na anyong lupa.
_____ 5. Ang pagkakatulad ng kapatagan at talampas ay pareho silang patag na lupa na gigamit taniman.

(Sagot: 1. Tama 2. Mali 3. Mali 4. Tama 5. Tama)

8. Takdang Aralin
Panuto: Gumuhit ng isang anyong lupa o anyong tubig. Kulayan ito. Isulat ang ngalan at kahalagahan nito
sa ibabang bahagi ng larawan.
Rubric para sa Paggawa ng likhang-Sining

Batayan Mahusay na Mahusay Mahusay (4-3 puntos Hindi Mahusay (2-1


(5 puntos) puntos)
Pagkamalikhain 50% Nakagawa ng isang Nakagawa ng isang Hindi naipakita ang
likhang-sining sa likhang-sining sa pagkamalikhain sa
pinakamalikhaing malikhaing paraan paggawa ng likhang-
paraan sining
Kalinisan at kaayusan Malinis at maayos ang Naipaliwanag sa Hindi malinis at walang
30% ginawang likhang- pinakamalinaw at kaayusan ang ginawang
sining pinakamaayos na paraan likhang-sining
ang ginawang likhang-
sining
Interpretasyon 20% Naipaliwanag sa Naipaliwanag sa Hindi naipaliwanag
pinakamalinaw at maayos na paraan ang nang malinaw at
pinakamaayos na paraan ginawang likhang- maayos ang ginawang
ang ginawang likhang- sining likhang-sining
sining
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
City Schools Division of Dasmariñas
SALAWAG ELEMENTARY SCHOOL

LESSON PLAN IN ARALING PANLIPUNAN 4


12:40 PM -1:20 PM (IV- SAKAY)
4:50 PM – 5:30 PM ( IV JACINTO)
Ms. Shamil May Monido
JULY 18, 2018 WEDNESDAY

I. Layunin
1. Naiisa-isa ang tatlong pangunahing likas na yaman ng bansa.
2. Nailalarawan ang yamang lupa,yamang tubig at yamang mineral.
3.Nakikiisa nang buong sigla sa pangkatang gawain.

II.Paksang Aralin
A. Paksa:
Mga Pangunahing Likas na Yaman ng bansa
B. Kagamitan:
Lapis, krayola, manila paper, mga larawan ng yamang lupa, yamang tubig at mineral
C. Mga Sanggunian:
Teachers Guide ph.28-29
Learners Materials ph.67-70
Curriculum Guide: AP4AAB-Ig-h-10

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pamukaw-Siglang Gawain
Pagbigkas ng tula
Likas na Yaman

Ako’y Pilipino, Pilipinas ang bansa ko


Sa likas na yama’y, sagana kaming totoo
Nariyan ang kabundukan, sakahan, at kapatagan
Mga halaman at hayop dito’y matatagpuan

Mineral na yaman dito’y mahuhukay


Ginto, tanso, bakal, langis at geothermal
Tunay na sa ating bansa ay kapakipakinabang
Nagbibigay buhay lalo na sa nangagailangan

Isang arkipelago, bansang Pilipinas


Kaya yamang tubig , kami ay di sapat
Lawa, ilog, dagat, dito ay laganap
Nagbibigay buhay lalo na sa nangangailangan

Kaya dapat lamang ito’y pagyamanin


Alagaan ito at huwag abusuhin
Yamang mineral,Yamang tubig pati na lupain
Ipagmalaki at ingatan natin

B. Panlinang na Gawain
1. Paunang Pagtataya

a. Saan mayaman ang ating bansa ayon sa tula?

2.Paglalahad

a.Ano-anong yamang likas ang matatagpuan sa ating bansa?


b. Anong mga bagay ang makukuha sa mga yamang ito?
3. Pagtuturo/ Paglalarawan
a. Ano ang nasa larawan?

Ilarawan ang yamang lupa .


Ilarawan ang yamang tubig.
Ilarawan ang yamang mineral.

Mga Inaasahang sagot:

Larawan ng Larawan ng Larawan ng


yamang lupa yamang tubig yamang mineral

a. Yamang lupa, yamang tubig at yamang mineral


b. ang yamang lupa ay ginagamit na taniman, tirahan ng mga tao at
hayop.
c. Ang yamang tubig ay pinagkukunan ng mga pagkain gaya ng isda,
hipon, alimango at iba pa.
d. ang yamang mineral ay ginagawang alahas.
e. Paano nakatutulong sa atin ang mga binanggit ninyo?

4. Kasanayang Pagpapayaman
1. Pamantayan sa pangkatang Gawain
2. Bumuo ng apat na pangkat.

Mga gagawin ng bawat pangkat:

Unang Pangkat
 Paggawa ng slogan ukol sa mga pangunahing likas na yaman ng bansa
Ikalawang Pangkat
 Idikit ang larawan ng yamang lupa sa kartolina/ Manila paper at ilarawan ito.
Ikatlong Pangkat
 Idikit ang larawan ng yamang tubig sa kartolina/ Manila paper at ilarawan ito.
Ikaapat na Pangkat
 Idikit ang larawan ng yamang Mineral sa kartolina/ Manila paper at ilarawan ito.

5. Paglalahat
Ano-ano ang tatlong pangunahing likas na yaman ng bansa?

Ang tatlong pangunahing likas na yaman ng bansa ay ang mga yamang


lupa, yamang tubig at yamang mineral.

6. Pagpapahalaga
Bilang mag-aaral, sa paanong paraan mo maipakikita ang pangangalaga mo sa pangunahing likas na
yaman ng ating bansa?

7. Pahuling Pagtataya
Basahin ang mga sumusunod na mga salita na naglalarawan sa tatlong pangunahin likas na yaman.Isulat
ang mga ito sa tamang kolumn sa talahanayan.
inumin kabundukan kagubatan taniman umaagos

umaalon makukuha sa ilalim ng lupa pinagkukunan ng deposito ng langis

ginagawang alahas pinagkukunan ng hipon isda at perlas

YAMANG LUPA YAMANG TUBIG YAMANG MINERAL

8. Takdang Aralin
Isa-isahin ang tatlong pangunahing likas na yaman ng bansa at ilarawan ang bawat isa sa isang
pangungusap
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
City Schools Division of Dasmariñas
SALAWAG ELEMENTARY SCHOOL

LESSON PLAN IN ARALING PANLIPUNAN 4


12:40 PM -1:20 PM (IV- SAKAY)
4:50 PM – 5:30 PM ( IV JACINTO)
Ms. Shamil May Monido
JULY 19, 2018 THURSDAY

I. Layunin
1. Naiisa-isa ang magagandang tanawin at pook pasyalan sa bansa.
2. Nailalarawan ang magagandang tanawin at pook pasyalan sa bansa.
3. Natutukoy ang kahalagahan at wastong paraan ng pangangalaga sa magagandang tanawin bilang
bahagi ng likas na yaman ng bansa.

II. Paksang Aralin


a. Paksa:
Magagandang tanawin at pook pasyalan bilang likas na yaman ng bansa
b. Kagamitan:
Manila paper, marker, mapang pisikal ng Pilipinas, larawan ng mga tanawin
C. Mga Sanggunian:
Curriculum Guide ph. 39 (K to 12 – AP4AAB-Ig-h10)
Teachers’ Guide ph. 31-34,
Learners’ Materials ph. 73-79

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pamukaw Siglang Gawain:

Pag-awit/ Pakikinig sa awit

TAYO NG MAMASYAL
Sa himig ng Paru-Parong Bukid
Isinulat ni: Jovel a. Quinto

Tayo ng mamasyal sa pook pasyalan


Dito sa‘ting bansa lamang matatagpuan
Natatanging ganda kahali-halina
Sa’ting mamaya’t sa mga turista

Iba’t ibang bulkan mayon at ang taal


Bangui Windmills, hagdang-hagdang palayan
Hundred Islands sa Pangasinan
Puerto Prinsesa sa Palawan
Sa Luzon lahat yan, ay matatagpuan

Punta naman tayo sa kabisayaan


Chocolate hills sa Bohol
Boracay beach sa Aklan
Sa lungsod ng Cebu, ay Krus ni Magellan
San Juanico Bridge, sa Leyte at Samar

Pasyal naman tayo doon sa Mindanao


Vinta sa Zamboanga, bundok Apo sa Davao
Talon ng Ma. Cristina, Rizal Shrine sa Dapitan
At ang PENC doon matatagpuan

B. Panlinang na Gawain
1. Paunang Pagtataya
Itanong:
Ano ang lugar na inyong napuntahan?
Anong lugar ang kadalasang pinupuntahan sa atin ng mga turista?

2. Paglalahad
Itanong:
Anong magagandang tanawin ang makikita dito sa ating pamayanan?
Anong magagandang tanawin ang makikita dito sa ating bansa, ayon sa awit na napakinggan
kanina?

3. Pagtuturo at Paglalarawan
Magpakita ang guro ng magagandang tanawin.

Mga tanawin sa Luzon

Tanong:
Ilarawan ang Bulkang Mayon
Anong iba pang magagandang tanawin ang
makikita sa luzon
Bulkang Mayon
Magpakita pa ng ibang larawan ang guro.

Mga tanawin sa Visayas

Tanong:
Ilarawan ang Chocolate Hills
Chocolate Hills
Anong iba pang magagandang tanawin ang
makikita sa Visayas
Magpakita pa ng ibang larawan ang guro.

Mga tanawin sa Mindanao

Tanong:
Ilarawan ang Talon ng Ma. Cristina Talon ng Ma.
Anong iba pang magagandang tanawin ang Cristina
makikita saMindanao
Magpakita pa ng ibang larawan ang guro.

4. Kasanayang Pagpapayaman/Pagkabisa
Pangkatang gawain

Ano-ano ang pamantayan sa pangkatang gawain?

Bumuo ng 3 grupo ang mga mag-aaral.


Isa-isahin ang magagandang tanawin. Isulat sa Manila paper ang sagot.

Unang Pangkat
Magagandang tanawin sa Luzon
Ikalawang Pangat
Magagandang tanawin sa Visayas

Ikatlong Pangkat
Magagandang tanawin sa Mindanao

Mga Tanong:
Masasabi ba natin na ang magagandang tanawin ay likas na yaman ng bansa?

5. Paglalahat
Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng konsepto
Itanong:
Ano-anong magagandang tanawin ang ating matatagpuan dito sa ating bansa?

Ang mga sumusunod ay ilan sa magagandang tanawin sa ating bansa:

 Bulkang Mayon

 Talon ng Maria Cristina

 Chocolate Hills

 Hundred Islands

 Boracay Beach

6. Pagpapahalaga
Bilang mag-aaral paano ninyo mapangangalagaan ang magagandang tanawin dito sa ating pamayanan at
bansa?

7. Pahuling Pagtataya
Panuto: Ilarawan ang magandang tanawin at pook pasyalan sa bansa. Piliin sa kahon ang angkop na
paglalarawan sa tanawin.Gawin ito sa inyong notebook.

Magagandang tanawin Katangian


1. Bulkang Mayon
2. Talon ng Ma. Cristina
3. Chocolate Hills
4. Hundreds Islands
5. Boracay Beach

Sagot:

Tumpok-tumpok na mga burol


Pinong-pino at maputing buhangin
Pinakamataas na talon sa bansa
Tumpok-tumpok na mga pulo
May perpektong hugis kono

8. Takdang Aralin
Magdala ng mapa ng Pilipinas na nagpapaita ng mga rehiyon sa Luzon, Visayas, at Mindanao.
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
City Schools Division of Dasmariñas
SALAWAG ELEMENTARY SCHOOL

LESSON PLAN IN ARALING PANLIPUNAN 4


12:40 PM -1:20 PM (IV- SAKAY)
4:50 PM – 5:30 PM ( IV JACINTO)
Ms. Shamil May Monido
JULY 20, 2018 FRIDAY
I. Layunin

1. Nasasabi ang kahulugan ng Topograpiya


II. Paksang-aralin

A. Paksa: Kahulugan ng Topograpiya


B. Kagamitan: graphic organizer, metacards, strips
C. Mga Sanggunian: CG AP4AAB-Ig-h-10 ph. 39,

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

Pamukaw Siglang Gawain: Buuin ang ginulong mga titik na ibibigay ng guro na nasa envelop,
unahang idikit ang nabuong salita sa pisara. (TOPOGRAPIYA)

B. Panlinang na Gawain

1. Paunang Pagtataya

Anong uri ng kapaligiran ang nasa inyong pamayanan?

2. Paglalahad

1. Sino sa inyo ang nakatira malapit sa ilog? Tabing Dagat o iba pang anyong tubig?

2. Sino naman ang mga nakatira sa bundok o iba pang anyong lupa?

3. Pagtuturo/Paglalarawan

T
O
BUNDOK, P
O
ILOG,
KAPATAGAN, G
R DAGAT,
LAMBAK, A
P SAPA,
I
TALAMPAS Y LAWA, BATIS
A

Kung ang mga anyong lupa at anyong tubig na nasa venn diagram ay tumutukoy sa anyo o hugis
ng isang lugar, ano ang tawag natin dito?
4.Kasanayang Pagpapayaman/Pagkabisa

Pangkatang Gawain:

Iaayos ng bawat grupo ang mga ginulong salita/parirala na nakasulat sa mga metacards upang makabuo
ng isang pangungusap.

ng isang lugar o hugis ay tumutukoy

Ang Topograpiya ng anyo sa paglalarawan

5. Paglalahat

Batay sa ginawa ninyong activity, ano ang kahulugan ng Topograpiya?

Ang topograpiya ay tumutukoy sa paglalarawan ng anyo o hugis ng


isang lugar.

6. Pagpapahalaga

Sa ginawa ninyong activity kanina, paano ninyo agad nabuo ang mga ginulong mga salita?

7. Pahuling Pagtataya

Punan ng tamang salita ang bawat patlang. Piliin ang iyong sagot sa loob ng kahon sa ibaba.

Ang _________________ay ___________________ sa ______________ng


____________o hugis ng isang ___________.

lugarpaglalarawantumutukoy

topograpiyaanyo

8. Takdang-aralin

Gumuhit o magdikit sa kuaderno ng larawan na tumutukoy sa topograpiya ng inyong


lugar

You might also like