You are on page 1of 10

DEPARTMENT OF EDUCATION REGION VII

SCHOOLS DIVISION OF MANDAUE CITY


Plaridel Street,Centro,Mandaue City

1
PAUNANG SALITA

Ang Sariling-Linangang Kit na ito ay inihanda para sa mga mag-


aaral upang makilala ng likhang-sining na may foreground, middle
ground at background.
Ang mga gawain dito ay makapagbibigay halaga sa sa mga
kabataan tungkol sa kasanayan sa nasabing learning competency
upang lubos na maintindihan na ang mga pagbabagong nararanasan ay
normal lamang sa mga batang dumadaan sa yugto ng puberty o
pagbibinata at pagdadalaga.
Nahahati sa tatlong bahagi ang Sariling-Linangang Kit na ito:
A. Ano ang Nangyari ? (Pag-usapan Natin) na kung saan ay
sasagutin nila ang mga iba’t-ibang gawain na hindi pa nila
lubusang nalalaman ang learning competency.

B. Ano ang Dapat Malaman? (Pag-aralan Natin) Ibahagi na kung


saan ay ipapaliwanag ang learning competency na nakapaloob
dito.
C. Ano ang Natutunan? (Pagsikapin Natin) nahasa ang kanilang
kaalaman sa learning competency na mga Pagbabagong Pisikal,
Emosyonal at Sosyal sa Panahon ng Pagdadalaga at
Pagbibinata.
Inaasahan ang mga mag-aaral na malinang ang
kanilang kakayahan at magamit ang mga natutunan nila sa
kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.

2
LAYUNIN:
 Nakikilala ang foreground, middle ground at background ng
likhang-sining
 Nakasusunod sa panuto sa paggawa ng landscape ; at
 Nailalarawan ang kagandahan ng mga tanawin ng ating bansa

LEARNING COMPETENCIES:

Demonstrates skills and knowledge about foreground,


middle ground and background to emphasize depth
in painting a landscape
A5PR-IIf

I. ANO ANG NANGYARI?

Tingnang mabuti ang bawat larawan at piliin ang inyong sagot sa loob ng
kahon.
Bantayan sa Hari sa Mandaue Chocolate Hills sa Bohol
Lighthouse sa Batanes Walking Street sa Vigan
Bahay na Bato sa Batanes Banaue Rice Terraces

1. 2.

3
3. 4.

5. 6.

Alam niyo ba na kilala ang Pilipinas sa


buong mundo dahil sa mga
magagandang tanawin na ito? Bilang
batang Pilipino dapat natin itong
ipagmalaki at alagaan ang mga
kamangha-manghang tanawin na ito.

Nakikita niyo ba ang foreground ,


middle ground at
background ng bawat larawan sa
ibabaw? Iyan ang aalamin natin sa
araw na ito, handa na ba kayong
matuto?

4
II. ANO ANG DAPAT MALAMAN?

Ano ang foreground , middle ground at background?

Foreground – pinakaharap na bahagi ng larawan na karaniwang pinakamadilim


ang kulay
Middle Ground – bandang gitnang bahagi ng larawan na may pinakamatingkad
na kulay
Background – ang pinakalikurang bahagi ng larawan na mapusyaw ang kulay

Tukuyin sa bawat larawan na ito ang foreground, middle ground at background.

5
III. ANO ANG NATUTUNAN?

GAWIN NATIN
Ipinta mo ang Bantayan ng Hari sa Mandaue na may
foreground, middle ground at background ang pagkakakulay.

Mga Kagamitan:
lumang pahayagan para ipangsapin sa lugar ng pagpipintahan
lumang tasa o garapon para sa hugasan ng brush 1/8 size
illustration board
basahang panlinis
mga iba’t ibang uri ng brush
lapis
pambura
poster color o water color
Hakbang sa Paggawa
1. Ilatag ang mga lumang pahayagan sa lugar ng pagpipintahan at ihanda
ang lahat ng kakailanganin sa pagpinta.
2. Simulang iguhit ang Bantayan sa Hari gamit ang manipis na linya ng
lapis.
3. Unang lagyan ng kulay ang bahaging kalangitan. Kulayan ng
mapusyaw na kulay blue ang gawaing itaas na bahagi at matingkad
namang blue ang mababang bahagi ng kalangitan.
4. Subukang makagawa ng malikhaing kalalabasan ng kulay at
pagpapatong ng kulay o layering at blending.
5. Gawing makatotohanan ang kulay at anyo ng mga bato sa paglalagay
ng mga malatuldok na disenyo gamit ang poster color o water color.
6. Patuyuin ang larawang ipininta.

6
RUBRIK PARA SA PAGGAWA NG LANDSCAPE PAINTING
Higit na Nasusunod Hindi
nasusunod ang nasunod ang
ang pamantayan pamantayan
Mga Sukatan pamantayan sa pagbuo ng sa pagbuo
sa pagbuo ng likhang-sining ng likhang-
likhang-sining sining
5 3 2
1. Ang buong illustration
board ay napinturahan
nang
magandaat
makatotohanan at walang
naiwan na putting bahagi.
2. Nakikitaang
pagsusumikapng
mag-aaralna
makalikha ng natatanging
likhang-sining.
3. Nakikita ang malikhaing
paggamit ng sari-saring
kulay at kumbinasyon ng
mga kulay.
4. Nagamit ang mga teknik sa
paglikha ng natatanging
likhang-sining.

7
SCHOOLS DIVISION OF MANDAUE CITY

DR. NIMFA BONGO


Schools Division Superintendent

DR. ESTELLA B. SUSVILLA


Assistant Schools Division Superintendent

DR. JAIME RUELAN


Chief, Curriculum Implementation Division

DR. ISMAELITA DESABILLE


Education Program Supervisor (LRMDS)

DR. NIÑO G. MATILLANO


Education Program Supervisor (MAPEH)

RENALIE A. ALICAWAY
Writer/Lay-out Artist/Illustrator

DEPARTMENT OF EDUCATION REGIONAL


OFFICE VII

DR. JULIET A. JERUTA, Ph.D.


Regional Director

DR. EMILIANO ELNAR


Chief Curriculum and Learning Management Division

DR. MAURITA F. PONCE


LRMDS-Education Program Supervisor

DR. JUVELYN OTERO


MAPEH-Regional Education Program Supervisor

8
SYNOPSIS
Ang Sariling-Linangan Kit o I. ANO ANG NANGYARI

(SLK) ay ginawa at maiging pinag- 1. Bahay na Bato sa

aralan upang makamit ang Batanes

2. Bantayan sa Hari sa

pamantayan ng K-12 Curriculum.Isa 3.


Mandaue
Lighthouse sa

rin itong paraan upang Batanes

4. Chocolate Hills sa
maipamahagi ng may-akda sa Bohol

kapwa guro at mag-aaral ang 5. Banaue Rice

Terraces

kanyang kaalaman tungkol sa 6. Walking Street sa


Vigan

nasabing paksa.
Ang kagamitang ito ay sadyang ginawa
upang lubusang matuto at mapayaman ang
kaalaman ng mag-aaral. Ito ay may
kabuuang paraan kung paano ang tamang
pagtuturo upang mapagtibay at maging
malawak ang kaalaman ng mag-aaral.

May-Akda/Lay-out Artist/Illustrator:
RENALIE A. ALICAWAY. Nagtapos sa Cebu
Normal University sa kursong Bachelor of
Elementary Education major in Social Science noong
2000.
Kasalukuyang nagtuturo sa Canduman
Elementary School bilang guro sa ikalimang baitang, koordineytor sa
MAPEH, koordineytor sa NDEP, at aktibo sa larangan ng musika,
sayaw, sining at siyensiya. Nag-aral ng Master of Arts in Administration
9
& Supervision sa Cebu Technological University.
Photo of Famous walking street in Vigan-Review of Calle Crisologo,Vigan,
Philippines / Tripadvisor
tripadvisor.com.ph

Photo of The Bahay Kubo (nipa hut) & Bahay na Bato / abletesk
abletesk.wordpress.com

Photo of Lighthouses to visit in Batanes


windowseat.ph

Photo of The Chocolate Hills, Philippines


travelandleisure.com

Photo of BANTAYAN SA HARI (Watchtower of the King)


facebook.com / Cebu Channel Online

Photo of The Breathtaking Ifugao Rice Terraces of the Philippine Cordilleras


theculturetrip.com

Defining & Identifying Foreground , Middle Ground , & Background / Slideshare


by ArtfulArtsyAmy
Photo of Seven Hills: An American Landscape Joshua Shaw 1818
https://www.slideshare.net/ksumatarted/defining-identifying-foreground-middle-
ground-background

Photo of Foreground, Middle Ground, Background


expertphotography.com
https://expertphotography.com/foreground-middleground-background/

Foreground, Middle Ground, Background – Outdoor Photographer


Photo of “Wildlife” by Russ Burden
https://www.outdoorphotographer.com/tips-techniques/photo-tip-of-
week/foreground-middleground-background/

10

You might also like