You are on page 1of 7

Paaralan Dela Paz Norte Elementary School Baitang/Antas 6

Guro Ricca Lhynne G. Magpayo Asignatura Filipino


Linggo 4 Araw 1–2 Markahan Ikaapat na Markahan

Banghay Aralin sa FILIPINO 6

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng
sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin
B. Pamantayang Pagganap Nakapagsasagawa ng radio broadcast/teleradyo, sabayang pagbigkas,
reader’s theatre o dula-dulaan
C. Kasanayang sa Pagkatuto Nakagagawa ng dayagram ng ugnayang sanhi at bunga ng mga
pangyayari/problema-solusyon (F6PN-IVf-10)
II. PAKSA Paggawa ng dayagram ng ugnayang sanhi at bunga ng mga
pangyayari/problema-solusyon
A. Sanggunian Pinagyamang Pluma Wika at Pagbasa 6
B. Kagamitang Instruksyunal Larawan, Teksto, Dayagram
III. PAMAMARAAN
A. Pagsisimula ng bagong aralin
Sa nakaraang talakayan, naipaghambing mo ang iba’t-ibang uri ng pelikula.
Anong uri ng pelikula ang iyong nais? Ito ba ay drama, aksyon, komedya o pantasya?Bakit mo ito nagustuhan?
Pag-ugnayin ang mga larawan.

Ano ang napansin mo sa larawan?


Bakit kaya umiiyak ang bata?
Bakit ganito ang kasuotan ng batang babae?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin


Punan ng nawawalang letra sa loob ng kahon upang mabuo ang salitang inilalarawan sa bawat bilang. Gumawa ng
sariling pangungusap upang ilarawan ang mga salitang nabuo.

1. Walang dumi o mantsa


m l n i

2. Pagpunta o pagbisita sa isang magandang lugar


p a a s a

3. Paggawa ng isang aksyon sa isang bagay

k m l s

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin


Tignan ang larawan ng Ilog Pasig, ano ang masasabi mo sa larawan?

PAKIKINIG SA TEKSTO:
Noon malinis, mabango at malinaw na tubig, kaya marami ang namamasyal at naliligosa Ilog Pasig. Kaya nasir
ang kagandahan ng makasaysayang ilog, pinabayaan ito ng mga tao. Marami ang nagtatapon ng basura sa ilog kaya
kaunting pag-ulan ay umaapaw ito. Namatay ang mga isda dahil sa marumi na ang tubig ilog. Nangangamba ang mga
tao nang masira ang Ilog pasig. Kaya kailangan nilang kumilos bago mahuli ang lahat.

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan#1


Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Ano-ano ang naging dahilan ng pagkasira ng Ilog Pasig?
2. Ano-ano ang mga epekto ng pagkasira ng Ilog Pasig?

Itala ang iyong sagot sa tamang hanay.


Bunga/Epekto

Sanhi/Dahilan

Ang sanhi ay tumutukoy sa pinagmulan o dahilan ng isang pangyayari. Ito ay nagsasabi ng mga kadahilanan ng mga
pangyayari.
Ang bunga ay ang kinalabasan o dulot ng naturang pangyayari. Ito ang epekto ng kadahilanan ng pangyayari.
Ito ba ay Piksyon? Bakit?
Kung ang iyong sagot ay hindi tama ka. Hindi ito Piksyon dahil hindi ito kathang isip.

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan#2


Gawin ang mga sumusunod na pag-uugnay ng sanhi at bunga gamit ang dayagram.

Unang sitwasyon: Ano kaya ang mangyayari kung ikaw ay hindi sumunod sa nanay at tatay mo?
Ikalawang sitwasyon: Umuulan ng malakas buong magdamag. Napuno ng tubig ang estero at kanal.

Unang Sitwasyon:
Sanhi Bunga
Ikalawang Sitwasyon:
Sanhi

BUNGA

F. Paglinang sa Kabihasnan
Piliin sa Hanay B ang sagot na nauugnay sa Hanay A. Isulat ang sagot sa patlang bago ang numero.
Hanay A Hanay B
____1.Dumudumi ang ilog. a. maykaya ang magul ang
____2. Malinis ang ka paligiran b. basurang itinapon
____3.Maraming hala man sa bakuran c. mahusay magpasun od ang mga magulang
____4.Nasusunod a ng layaw d. maibigin sa kalinisan ang mga mamamaya
____5.Magagalang ang mga anak e. masipag magtanim a ng mga tao

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay


Ilahad ang magiging bunga ng mga sitwasyon. (pasalita)
1. Pagsunod sa payo ng magulang.
2. Maling pagsasalansan ng mga basurang nabubulok at di-nabubulok.
3. Pag-aaral ng mabuti.
4. Hindi pagsasabi ng tapat sa magulang
5. Paglilinis ng paligid

H. Paglalahat ng Aralin
Ano ang sanhi?
Ang sanhi ay tumutukoy sa pinagmulan ng isang pangyayari. Ito ay nagsasabi ng mga kadahilanan ng mga pangyayari.
Ano ang bunga?
Ang bunga ay siyang kinalabasan o dulot ng naturang pangyayari. ang epekto ng kadahilanan ng pangyayari.

I. Pagtataya ng Aralin
Gumamit ng dayagram upang pagtambalin ang mga sanhi at bunga.
BUNGA
SANHI

1. Paggamit ng dinamita a. Pag-init ng paligid


2. Paghuhuli ng hayop b. Pagdumi ng ilog
3. Pagpuputolm ng punongkahoy c. Pagkamatay ng mga isda
4. Pagsunog ng kabundukan d. Pag-abuso sa mga hayop
5. Pagtataponn ng basura e. Pagkakalbo ng kagubatan
J. Karagdagang gawain para sa Takdang-Aralin at Remediation
Sumulat ng pangungusap na nag-uugnay sa sanhi at bunga.

Paaralan Dela Paz Norte Elementary School Baitang/Antas 6


Guro Ricca Lhynne G. Magpayo Asignatura Filipino
Linggo 4 Araw 3–5 Markahan Ikaapat na Markahan

Banghay Aralin sa FILIPINO 6

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng
sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin
B. Pamantayang Pagganap Nakapagsasagawa ng radio broadcast/teleradyo, sabayang pagbigkas,
reader’s theatre o dula-dulaan
C. Kasanayang sa Pagkatuto Nakapagtatanong tungkol sa impormasyong inilahad sa dayagram, tsart,
mapa at graph. (F6PB-IVg-20)
II. PAKSA Pagtatanong tungkol sa impormasyong inilahad sa dayagram, tsart, mapa at
graph
A. Sanggunian Pinagyamang Pluma Wika at Pagbasa 6
B. Kagamitang Instruksyunal Larawan
III. PAMAMARAAN
A. Pagsisimula ng bagong aralin
Kahapon nai-ugnay mo ang sanhi at bunga gamit ang dayagram.
Gumawa ka ng isang dayagram gamit ang sitwasyon na ito.
Nakalimutan mong nakabukas ang inyong bahay bago ka pumasok sa paaralan
Sanhi Bunga
B. Paghahabi sa layunin ng aralin

Ano ang iyong ideya sa ating aralin?

Ang araling ito ay naglalayon na maipaunawa sa mga mag-aaral ang pagkuha ng impormasyon inilahad sa dayagram,
tsart mapa at graph.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin


Ayusin ang mga letra ng salita base sa paglalarawang ibinigay.
G A R D Y A A M -Isang paglalarawan o drawing para maipakita ang presentasyon
S A R T T - isang grapikal na representasyon ng datos, kung saan "ang datos ay kinakatawan ng mga simbolo
A M A P - isang paglalarawan ng kalawakan gamit ang mga simbulo at pinapahiwatig ang kaugnayan ng bawat bagay,
rehiyon at tema ng nasasaad na kalawakan.
H G R A P - isang representasyon ng isang hanay ng mga bagay kung saan ang isang pares ng mga bagay ay inuugnay
ng mga kawing
D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan#1
TANDAAN:
Ang mapa, tsart, grap at talahanayan ay tinatawag na grapikong pantulong sa pag-unawa sa binasa. Malaking
tulong ang mga ito sa pag-uulat. Malaking tulong ang mga ito upang makatawag pansin sa mga detalyeng ibig bigyan ng
diin.
E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan#2
Sagutin ang mga tanong ayon sa ipinapakita sa larawan. 5. Tungkol saan ang graph?
_________________________________
6. Anong taon ang pinakamaraming mag-aaral?
_________________________________
7. Gaano karami ang estudyante mula 1992-
1993?
_________________________________
8. Ano ang nangyari sa bilang ng mga bata noong
1995-1996?
_________________________________
9. Anong taon ang pinakakaunti ang bilang ng
mga mag-aaral?
__________________________________

1. Alin sa mga sumusunod ang


_________________________________
2. Ilang bahagdan ang pinakamalaking dahilan
ng pagkahapo?
_________________________________
3. Paano nakakaapekto ang personal na buhay s
apagkahapo?
_________________________________
4. Ilang bahagdan ang esta curricular activities
sa dahilan ng pagkahapo?
_________________________________

F. Paglinang sa Kabihasnan

Suriin ang mapa ng Pampanga. Sagutin ang mga sumusunod na tanong.


1. Anong bayan sa Pampanga ang may
pinakamalawak na lupain?
__________________________
2. Ano naman ang may pinakamaliit na lupain?
__________________________
3. Anong mga bayan napapagitna ang San
Fernando?
__________________________
4. Ilan lahat ang bayan na bumubuo sa
Pampanga?
___________________________

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay


Gumawa ng isang graph tungkol sa wastong pagbabadyet.
H. Paglalahat ng Aralin
Saan ginagamit ang mapa, tsart, dayagram at grap?
I. Pagtataya ng Aralin
Pag-aralan ang graph, sagutin ang mga tanong.

MGA TANONG:
1. Ilang mag-aaral ang gustong maging;
a. guro?
b. akawntant?
c. nars?
d. dockor?
e. ihinyera?
f. abogado?
g. sekretarya?
2. Anong propesyon ang may pinakamaraming bilang na pinapangarap ng mga bata?
3. Ano sa palagay mo ang pamagat ng graph?

J. Karagdagang gawain para sa Takdang-Aralin at Remediation


Gumawa ng limang tanong sa graph na ipapakita.

You might also like