You are on page 1of 4

Paaralan Dela Paz Norte Elementary School Baitang/Antas 6

Guro Ricca Lhynne G. Magpayo Asignatura Filipino


Linggo 7 Araw 1-5 Markahan Ikaapat na Markahan

Banghay Aralin sa FILIPINO 6

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng
sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin
B. Pamantayang Pagganap Nakapagsasagawa ng radio broadcast/teleradyo, sabayang pagbigkas,
reader’s theatre o dula-dulaan
C. Kasanayang sa Pagkatuto Nakasusulat ng iskrip para sa radio broadcasting at teleradyo (F6PU-IVe-
2.12.1) (F6PU-IVi-2.12.2)
II. PAKSA Pagsulat ng iskrip para sa radio broadcasting at teleradyo
A. Sanggunian Alab Filipino, pah. 226-227
https://www.academia.edu/15716681/Filipino_Radio_Broadcasting_Script
B. Kagamitang Instruksyunal kuwento
III. PAMAMARAAN
A. Pagsisimula ng bagong aralin
May radyo pa ba kayo sa bahay? Ano-anong mga benepisyo ang pakikinig sa radyo?
Balikan ang naaalala tungkol sa radio broadcasting.
B. Paghahabi sa layunin ng aralin
Ang aralin sa araw na ito ay tungkol sa pagsulat ng iskrip para sa radio broadcasting at teleradyo.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin


Basahin at pag-aralan ang halimbawa ng isang iskrip sa radio broadcasting

(Malakas na bagsak ng tunog at biglang hihina)

Station ID: DZRM! Mata ng bayan, boses ng katotohanan.

DZRM, otso otso sa palapihitan ng inyong mga radyo

Anchor 1: Jeric Paglingayen

Anchor 2: Quennie De Leon

News Presenter: Jhunrey Corrales

Sports Reporter: Jhon Carlo Nadura

Scriptwriter: Rodalyn San Andres

Technical Application: Joseph Angelo Dela Torre

Infomercial: Princess Nogar

(Sound effects malakas)

Voice: Mula sa bulwagang pambalitaan, himpilan at sandigan ng bayan, Ito ang DZRM!

Anchor 1: Mga kaganapang nakalap sa loob at labas ng bansa.

Anchor 2 : Mga isyung tinututukan.

Voice: DZRM!

Sa loob ng limang minuto, mag hahatid ng balitang siksik, sulit na sulit. Sa DZRM , Narito
ang tambalng magkasingko QJC.
Ito ang SINGKO BALITA!

(Sounds TING)
Anchor 2: Ang oras natin ngayon ay ______ minuto makalipas ang alas ______ ng ______ , araw ng Martes
,ikawalo ng Setyembre taong dalawang libo labing lima at isang pag bati para sa ating Mahal na birheng Maria para sa
kanyang kaarawan.

(Sounds magpapalit)

(Background music lively)

Anchor 1: Isang Mapagpalang ______ Pilipinas!

Anchor 2: Ito ang inyong tagapagbantay,_________

Anchor 1: At inyong kaagapay,___________

Anchor 1&2: At kayo’y nakikinig sa….

SINGKO BALITA !

(Sound lalakas)

Voice: Para sa ulo ng nagbabagang balita.

Anchor 1: Estados Unidos, mas nagpalakas.

Voice: DZRM

Anchor 2: Duterte , hindi na nag-asam ng anumang posisyon

Voice: DZRM

(dagling pagputol ng kanta)

Anchor 2: Para sa mga detalye

(Continue ng Background sound)

Anchor 1: Mas pinaigting ng Estados Unidos ang plano laban sa Islamic State .Mas pinaghandaan ng puwersa ang
pakikipagsagupaan sa Syria. Pinalaki rin ang bilang ng mga sundalo sa safer zones at pagpapalawig ng kaalaman at
kakayahan saa pakikipagsagupaan. Matapos ang ginawang pag-atake ng Islamic State, dalawang lider ng US at ibang
miyembro nito ang nabihag.

Ayon sa tagpagsalita ng US military na si Kapitan Chris Connoly alam nilang hindi magiging madali ang
misyon sa umpisa pa lamang.

Anchor 2: Duterte , hindi tatakbo sa pagkapangulo sa darating na halalan ayon sa kanyang pahayag sa Grand
Menseng Hotel kahapon. Si Former Mayor Sara Duterte ang may posibilidad na tumakbo sa pagka mayor sa susunod
na taon habang ang isa pa niyang anak na si Sebastian

Duterte ay tatakbo bilang kongresista sa ikatlong distrito, Davao City. Nagpasalamat siya sa mga
patuloy na sumusuporta at naniniwala sa kanya. Sa kabilang banda patuloy ang pagsuporta niya sa kaniyang malalapit
na kaibigan na tatakbo sa pagka senador sa susunod na taon, kabilang na dito sina Mark Villar ng Las Pinas, Roman
Romulo ng Pasig at Samuel Pagdillao ng ACT-CIS

(Sounds Malakas magpapalit)

Anchor 1: Korte suprema, Ipinagpaliban ang Payatas dump case.

Kasingko Jhunrey, ibahagi mo.

News Presenter: Ipinagpaliban ng korte suprema ang petisyon na inihain ng Alyansa ng mga samahang Nagkakaisa sa
Payatas na humingi ng mas pinaigting na kalinisan sa kanilang komunidad sa pangunguna ni Leonita Panoy dahil sa
kakulangan sa mga kagamitan at papeles. Ang nasabing petisyon ay ipinaglalaban dahil sa masamang epekto nito sa
kalusugan ng mga residente na nakatira malapit dito.
Anchor 1: Salamat Jhuhnrey, Para sa isang paalala, Mag babalik po ang

Anchor 1&2: SINGKO BALITA

(Sandaling pag putol ng sounds)

(Bagong Sound effects)

Infomercial: Akala ko ba mahalaga ako sayo ? Eh bakit hindi mo pinaparamdam? Tubig lang ako, nababawasan,
nauubos din. Ikaw na nga ang nag sabi walang forever, kaya pag hindi mo ko tinipid, iningatan at pinahalagahan
mawawala ako sayo at kahit ikaw mawawala dito sa mundo. kaya mahalin mo ang isang hamak na tubig na gaya ko.
Panahon na naman ng El niño. Panahon na naman para mas magtipid at gamitin ng wasto ang tubig. Ito ay mahalagang
paalala mula sa Maynilad at Manila water

(Malakas na pasok ng kanta Papahina)

(Pasok ng bagong kanta)

Anchor: Kayo’y patuloy na nakikinig sa …

Voice: DZRM… DZZZZ… RADYO NG MASA … DZRM

Anchor 1&2: SINGKO BALITA.

(Sounds-Magpapalit)

Anchor 1: Para naman sa ating balitang isports, Mula sa Tapei, Kasingko Carlo , Ibahagi mo.

Sports Presenter: Matapos itanghal sa ikalawang puwesto ng William Jones Cup sa Taipei ang Gilas Pilipinas na
pinamumunuan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ay naiipit sa
matinding sitwasyon sa pagkuha sa Los Angeles Lakers guard Jordan Clarkson para sa final lineup na ipapasa ng
Gilas hanggang ngayong tanghali para sa nalalapit na FIBA Asia Championship. Ang pormal na desisyon para sa
paglalaro ni Clarkson ay magmumula sa SBP Executive Director Sonny Barios na siyang humiling sa pamunuan ng
FIBA sa Geneva, para makapaglaro ang nasabing LA lakers guard at ang pangalawang pasiya ay magmumula sa LA
lakers Head Coach Byron Scott. Ayon kay Gilas Head Coach Tab Baldwin ang kumpletong lineup ay maipapasa ngayon
subalit hindi ipapaalam sa publiko . Lahat ay gagawin nila para sa Gilas at ang lineup na ipapasa ay maari pang baguhin
bago magsimula ang mga laro dagdag ni Baldwin. Ang lineup na ipapasa ng Gilas ay ang “best choice “ para maiwasan
ang “penalty roster change” sa nasabing liga.

Mula sa Taipei, Kasingko Carlo, Nag-uulat.

(Sound lalakas)

Voice: DZRM! Mata ng bayan, boses ng katotohanan. DZRM

Anchor 1: Iyan po ang limang minutong pagbabalita mula sa istasyong di lamang naghahatid ng balitang sariwa kundi
balitang tumatatak din sa inyong puso at diwa.

Anchor 2: Ito ang inyong tagapagbantay, Quennie De Leon

Anchor 1: At lagi nyong kaagapay, Jeric Paglingayen

Anchor 2: Balitang tapat.

Anchor 1: Balitang Sapat .

Anchor 1&2: Lahat ilalantad, Sa inyo’y nararapat


Singko Balita .

Voice: DZRM, Otso-Otso.

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan#1


Basahin at pag-aralan ang tungkol sa pagsulat ng iskrip para sa radio broadcasting at teleradyo.
Iskrip para sa radio broadcasting at teleradyo – manuskrito ng gagawin ng isang announcer o
tagapagbalita sa isang programa sa radyo, ito man ay berbal o di-berbal na kilos.

Berbal na kilos – may kaugnayan sa pagkilos o sa pagsasalita.


Di-berbal na kilos – nakatuon sa kilos o galaw ng katawan at mga bahagi nito.
Ilan sa mga di-berbal na galaaw ay ang pagtango sa halip na sabihing sang-
ayon o kaya’y pag-iling bilang di-pagsang-ayon. Nariyan din ang tono ng boses,
iba-ibang ekspresyong ng mukha gaya ng pagkunot ng noo, pagkindat,
pagtaas ng kilay, pag-thumbs up at iba pang kilos ng katawan.

Ang iskrip ay nagsasabi kung ano ang gagawin, ano ang sasabihin, kalian at paano sasabihin.

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan#2


Kahalagahan ng Iskrip Para sa Radio Broadcasting at Teleradyo
1. Tiyakin ang kawastuhan ng impormasyong ibabahagi
2. Tiyakin ang tuloy-tuloy na daloy ng programa at walang antala
3. Magamit nang higit ang airtime o pagsasahimpapawid ng programa

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Iskrip Para sa Radio Broadcasting o Teleradyo


1. Kumuha ng malinaw na instruksiyon o tagubilin at alamin kung sino ang mga tagapakinig
2. Magsaliksik tungkol sa paksa
3. Ihanda ang balangkas o content outline
4. Isulat ang unang burador (draft)
5. Basahin ito nang malakas. Orasan din ito.
6. I-visualize ang iskrip
7. Rebyuhin ang iskrip
8. Rebisahin ang estilo at iwasto ang iskrip

F. Paglinang sa Kabihasnan
Umisip ng sariling istasyon sa radyo at manood ng napapanahong balita na gagamitin mo mamaya sa isang gawain.
G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay
Gamit ang natutunan mo sa linggong ito, nanaisin mo bang maging news anchor, o scriptwriter (tagagawa ng iskrip)?
Bakit oo? Bakit hindi?
H. Paglalahat ng Aralin
Ano ang iskrip? Ano-ano ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng iskrip para sa radio broadcasting at teleradyo?
I. Pagtataya ng Aralin
Gamit ang naisip mong istasyon sa radyo at manood ng napapanahong balita, subukang gumawa ng isang simple at
maikling iskrip para sa radio broadcasting. Isang balita lamang ang iuulat. Gawing gabay ang ibinigay na halimbawa.

Pamantayan sa Pagsulat ng Iskrip sa Radio Broadcasting at Teleradyo


5 4 3 2 1
Nakasulat ng isang iskrip
Sumunod sa tamang pormat ng iskrip
Malinaw at maayos na nabasa ang iskrip

J. Karagdagang gawain para sa Takdang-Aralin at Remediation


Magsaliksik ng iba pang halimbawa ng iskrip para sa radio broadcasting at teleradyo.

You might also like