You are on page 1of 25

8

FILIPINO
Ikaapat na Markahan– Modyul 7:
Radio Broadcast
Filipino – Ikawalong Baitang
Ikaaapat na Markahan – Modyul 7: Radio Broadcast
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Genalyn L. Ladroma
Jennifer Kristine P. Panisa
Editor: Cristy S. Agudera
Tagasuri: Nilda A. Borromeo
Tagalapat: Genalyn L. Ladroma
Jennifer Kristine P. Panisa
Tagapamahala:
Josephine L. Fadul – Schools Division Superintendent
Melanie P. Estacio - Assistant Schools Division Superintendent
Christine C. Bagacay – Chief – Curriculum Implementation Division
Cristy S. Agudera – Education Program Supervisor - FILIPINO
Lorna C. Ragos - Education Program Supervisor
Learning Resources Management

Inilimbag sa Pilipinas ng

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon XI - Sangay ng Lungsod ng Tagum

Tanggapan: Energy Park, Apokon, Tagum City, 8100

Telefax: (084) 216-3504

Sulatroniko: tagum.city@deped.gov.ph
8

FILIPINO
Ikaapat na Markahan – Modyul 7:
RADIO BROADCAST
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda
para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan.
Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang
maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy
na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang
magagamit ng mga magulang o kung sinomang gagabay at
tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang
aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong
tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit
sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang
natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o
mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan
namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na
ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag
susulatan o mamarkahan ang anomang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-
unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral
kahit wala sila sa paaralan.

ii
Aralin
RADIO BROADCAST
1
Alamin Natin

Magandang buhay mga kapatid! Kumusta na kayo? Alam kong nasa


maayos na kalagayan kayo ngayon. Handa ka na ba sa pag-aaralan natin
ngayon? Mabuti naman at handa ka na.
Mahilig ka bang makinig ng mga programa sa radyo, tulad ng balita,
komentaryo at iba pa? Mapalad ang mga kabataan sa kasalukuyan dahil sa
mabilis na maihatid ang mga pangyayari’t impormasyon gamit ang
makapangyarihang teknolohiya.
Malaki ang papel na ginagampanan ng teknolohiya tulad ng
telebisyon at radyo. Palibhasa’y naaabot nito ang malaking bilang ng
populasyon sa bansa kahit na nasa malalayo at liblib na lugar pa ito.
Sa modyul na ito, inaasahang matatamo mo ang sumusunod na
kasanayan:
- Natutukoy ang mga hakbang sa pagsasagawa ng isang kawili-
wiling radio-broadcast batay sa nasaliksik na impormasyon
tungkol dito (F8PB-IVi-j-38).
- Nabibigyang pansin ang mga angkop na salitang gamitin sa isang
radio broadcast (F8PT-IVi-j-38).
- Nailalapat sa isang radio broadcast ang mga kaalamang natutuhan
sa napanood sa telebisyon na programang nagbabalita (F8PD-IVi-j-
38).
- Naipapahayag ang pansariling paniniwala at pagpapahalaga gamit
ang mga salitang naghahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat
(Hal.: totoo, ngunit) (F8PU-IVi-j-40).

1
Subukin Natin

Sa bahaging ito, nais kong malaman ang antas ng iyong pag-unawa


sa radio broadcast. Ibigay ang angkop na salitang dapat gamitin sa radio
broadcast. Isulat ang letra ng tamang sagot sa isang malinis na papel.

1. Isang uri ng waveform signal na diretso o tuwid.


A. Adlibs B. Analog C. ADAT D. Acoustic

2. Ito’y linaw ng tunog na naririnig sa isang silid. Kalidad ng tunog sa isang


partikular na lugar.
A. Adlibs B. Analog C. ADAT D. Acoustic

3. Mga salitang binibigkas, musikang ipinapatugtog at aksyong isinasagawa


na wala sa iskrip.
A. Adlib B. Analog C. ADAT D. Acoustic

4. Ito’y ginagamit sa digital system.


A. Actives B. Analog C. ADAT D. Acoustic

5. Midyum na dinadaanan ng signal ng radyo.


A. Air shift B. Airwaves C. A.M D. Amplifier

6. Haba ng oras na naririnig ang isang announcer o DJ sa radyo.


A. Air shift B. Airwaves C. A.M D. Amplifier

7. Tumutukoy sa standard radio brand.


A. Air shift B. Airwaves C. A.M D. Amplifier

8. Kakayahang baguhin ang lakas ng tunog.


A. Air shift B. Airwaves C. A.M D. Amplifier

9. Tumutukoy sa element ng produksyon gaya ng musikang instrumental.


A. Air shift B. Airwaves C. BED D. Billboard

10. Ito’y naririnig pagkatapos ng balita. Ipinababatid sa mga tagapakinig


kung anong produkto ng isponsor ang naghatid ng balita.
A. Air shift B. Airwaves C. BED D. Billboard

2
Aralin Natin

DZRM
Scriptwriting and Broadcasting

(Malakas na bagsak ng tunog at biglang hihina)


Station ID: DZRM! Mata ng bayan, boses ng katotohanan.
DZRM, otso otso sa palapihitan ng inyong mga radio

Anchor 1: Jeric Paglingayen

Anchor 2: Quennie De Leon

News Presenter: Jhunrey Corrales

Sports Reporter: Jhon Carlo Nadura

Scriptwriter: Rodalyn San Andres

Technical Application: Joseph Angelo Dela Torre

Infomercial: Princess Nogar

(Sound effects malakas)

Voice: Mula sa bulwagang pambalitaan, himpilan at sandigan ng bayan, Ito


ang DZRM!
Anchor 1: Mga kaganapang nakalap sa loob at labas ng bansa.
Anchor 2: Mga isyung tinututukan.
Voice: DZRM! Sa loob ng limang minuto, maghahatid ng balitang siksik, sulit
na sulit. Sa DZRM, narito ang tambalang magkasingko QJ. Ito ang SINGKO
BALITA!

(Sounds TING)

Anchor 2: Ang oras natin ngayon ay limang minuto makalipas ang alas
nuwebe ng umaga , araw ng Martes, ikawalo ng Setyembre taong dalawang
libo labin lima at isang pagbati sa lahat ng ating tagapakinig.

(Sounds magpapalit)

(Background music lively)


Anchor 1: Isang Mapagpalang umaga Pilipinas!
Anchor 2: Ito ang inyong tagapagbantay, Quennie De Leon .
Anchor 1: At inyong kaagapay, Jeric Paglingayen.
Anchor 1&2: At kayo’y nakikinig sa….
SINGKO BALITA !

3
(Sound lalakas)

Voice: Para sa ulo ng nagbabagang balita.


Anchor 1: Estados Unidos, mas nagpalakas.
Voice: DZRM
Anchor 2: Duterte, hindi na nag-asam ng anomang posisyon
Voice: DZRM

(dagling pagputol ng kanta)

Anchor 2: Para sa mga detalye

(Continue ng Background sound)

Anchor 1: Mas pinaigting ng Estados Unidos ang plano laban sa Islamic


State. Mas pinaghandaan ng puwersa ang pakikipagsagupaan sa Syria.
Pinalaki rin ang bilang ng mga sundalo sa safer zones at pagpapalawig ng
kaalaman at kakayahan sa pakikipagsagupaan. Matapos ang ginawang pag-
atake ng Islamic State, dalawang lider ng US at ibang miyembro nito ang
nabihag. Ayon sa tagpagsalita ng US military na si Kapitan Chris Connoly
alam nilang hindi magiging madali ang misyon sa umpisa pa lamang.

Anchor 2: Duterte, hindi tatakbo sa pagkapangulo sa darating na halalan


ayon sa kanyang pahayag sa Grand Menseng Hotel kahapon. Si Former
Mayor Sara Duterte ang may posibilidad na tumakbo sa pagka mayor sa
susunod na taon habang ang isa pa niyang anak na si Sebastian Duterte ay
tatakbo bilang kongresista sa ikatlong distrito, Davao City. Nagpasalamat siya
sa mga patuloy na sumusuporta at naniniwala sa kanya. Sa kabilang banda
patuloy ang pag suporta niya sa kaniyang malalapit na kaibigan na tatakbo
sa pagka senador sa susunod na taon, kabilang na dito sina Mark Villar ng
Las Pinas, Roman Romulo ng Pasig at Samuel Pagdillao ng ACT-CIS.

(Sounds Malakas magpapalit)

Anchor 1: Korte suprema, Ipinagpaliban ang Payatas dump case.


Kasingko Jhunrey, ibahagi mo.

News Presenter: Ipinagpaliban ng korte suprema ang petisyon na inihain ng


Alyansa ng mga samahang nagkakaisa sa Payatas na humingi ng mas
pinaigting na kalinisan sa kanilang komunidad sa pangunguna ni Leonita
Panoy dahil sa kakulangan sa mga kagamitan at papeles. Ang nasabing
petisyon ay ipinaglalaban dahil sa masamang epekto ng kalusugan ng mga
residente na nakatira malapit dito. Gayonpaman nananatiling hindi sang-
ayon ang korte suprema dahil mauuri namang residente ang payatas at hindi
maaaring ituloy ang operasyon ngayon.

4
Anchor 1: Salamat Jhunrey, Para sa isang paalala, Mag babalik po ang

Anchor 1&2: SINGKO BALITA

(Sandaling pagputol ng sounds)

(Bagong Sound effects)

Infomercial: Akala ko ba mahalaga ako sa’yo? Eh, bakit hindi mo


pinaparamdam? Tubig lang ako na babawasan, nauubos din. Ikaw na nga
ang nagsabi walang forever, kaya pag hindi mo ‘ko tinipid, iningatan at
pinahalagahan mawawala ako sa’yo at kahit ikaw mawawala dito sa mundo.
kaya mahalin mo ang isang hamak na tubig na gaya ko.

Panahon na naman ng El niño. Panahon na naman para mas magtipid


at gamitin ng wasto ang tubig. Ito ay mahalagang paalala mula sa Maynilad at
Manila water.

(Malakas na pasok ng kanta Papahina)

(Pasok ng bagong kanta)

Anchor: Kayo’y patuloy na nakikinig sa …


Voice: DZRM… DZZZZ… RADYO NG MASA … DZRM
Anchor 1&2: SINGKO BALITA.

(Sounds-Magpapalit)

Anchor 1: Para naman sa ating balitang isports, mula sa Taipei, Kasingko


Carlo, Ibahagi mo.

Sports Presenter: Matapos itanghal sa ikalawang puwesto ng William Jones


Cup sa Taipei ang Gilas Pilipinas na pinamumunuan ng Samahang
Basketbol ng Pilipinas (SBP) ay naiip sa matinding sitwasyon sa pagkuha sa
Los Angeles Lakers guard Jordan Clarkson para sa final lineup na ipapasa ng
Gilas hanggang ngayong tanghali para sa nalalapit na FIBA Asia
Championship. Ang pormal na desisyon para sa paglalaro ni Clarkson ay
magmumula sa SBP Executive Director Sonny Barios na siyang humiling sa
pamunuan ng FIBA sa Geneva, para makapaglaro ang nasabing LA lakers
guard at ang pangalawang pasiya ay magmumula sa LA lakers Head Coach
Byron Scott. Ayon kay Gilas Head Coach Tab Baldwin ang kumpletong lineup
ay maipapasa ngayon subalit hindi ipapaalam sa publiko. Lahat ay gagawin
nila para sa Gilas at ang lineup na ipapasa ay maari pang baguhin bago
magsimula ang mga laro dagdag ni Baldwin. Ang lineup na ipapasa ng Gilas
ay ang “best choice “para maiwasan ang “penalty roster change” sa nasabing
liga sa Taipei, Kasingko Carlo, nag-uulat.

(Sound lalakas)

5
Voice: DZRM! Mata ng bayan, boses ng katotohanan. DZRM
Anchor 1: Iyan po ang limang minutong pagbabalita mula sa istasyong di
lamang naghahatid ng balitang sariwa kundi balitang tumatatak din sa
inyong puso’t diwa.
Anchor 2: Ito ang inyong tagapagbantay, Quennie De Leon
Anchor 1: At lagi nyong kaagapay, Jeric Paglingayen
Anchor 2: Balitang tapat.
Anchor 1: Balitang Sapat.
Anchor 1&2: Lahat ilalantad, Sa inyo’y nararapat
Singko Balita .
Voice: DZRM, Otso-Otso.

Mga tanong:

1. Ano ang tawag sa halimbawa na nasa itaas?


2. Ano sa tingin mo ang hakbang na kanyang ginawa upang makagawa ng
isang iskrip sa radio broadcast?
3. Madali ba para sa iyo ang gumawa ng iskrip ng radio broadcast?

Gawin Natin

Mahusay at mayroon ka ng kaunting kaalaman tungkol sa paksa.


Halika’t palawigin pa natin ang iyong kaalaman tungkol sa Radio Broadcast.

Ang Radio Broadcasting ay isang paraan upang mapadalhan ng


impormasyon ang mga tao tungkol sa mga isyung panlipunan, balita, at
iba pang makabuluhang pangyayari. Mayroon din itong iba’t ibang uri
katulad ng:

• Public Radio o Pampublikong Radyo


• Commercial Radio o Radyong Pangkomersyo
• Community Radio o Pangkomunidad na Radyo
• Campus Radio o Radyo ng mga Estudyante

6
Dalawang uri ng Radio Broadcasting sa Pilipinas

1. AM Band na gamit ang aptitude modulation na kauna-unahang paraan


sa paghahatid-balita.

2. PM Band ang frequency modulation na unang ginamit ni Edwin Howard


Armstrong.

Sa paggawa ng Radio Broadcasting, mahalagang tandaan na dapat ay


mayroon kang:

• Station ID
• Makalidad na Mikropono/kagamitang panradyo
• Nilalaman ng kabuuang Iskrip
• Pag-uugali at tinig ng nagbabalita.

Mga kategorya na mahalagang bigyang-tuon sa Radio Broadcasting:

• Internasyunal
• Panlibang na Programa
• Isports/Palakasan
• Kalagayan ng Panahon
• Komersyal

Mga Hakbang sa Pagsasagawa ng Kawili-wiling Radio Broadcast

• Pumili ng pangalan para sa inyong estasyon.


• Maghanda ng paksang tatalakayin kasama ang iyong co-
anchor.
• Pag-aralan ang paksang tatalakayin o maaaring magsaliksik
sa internet dahil kailangan ang malawak na kaalaman sa
paksang tatalakayin.
• Makinig kung paano magsalita ang mga DJ sa radyo.
Nakaaakit ba sa tagapakinig ang kanilang boses? Pag-isipan
ang magiging istilo mo sa pag bo-broadcast. Dapat nakaaakit
sa tagapakinig ang iyong boses.
• Bumuo ng iskrip panradyo.

7
Mga Dapat Tandaan sa Pagbuo ng Iskrip Panradyo:

• Lahat ng diyalogo o sasabihin ng tagapagbalita ay nakasulat


sa malaking titik. (naka-encode)
• Doblehin o triplihin ang espasyo ng pag-eencode sa bawat
linya at talata.
• Gawing patalata ang bawat pangungusap na simple at payak.
• Tapusin ang bawat pahina ng talata bago gumamit ng bagong
papel.
• Gawing malinis ang iskrip.
• Markahan ng “x” ang mga maling salita.
• Maging maingat sa mga salitang gagamitin mo sa pagbo-
broadcast dahil iba’t iba ang tagapakinig mo.
• Hindi lamang mga matatanda ang nahihilig sa pakikinig ng
radyo kundi pati na rin ang mga bata kaya’t kailangang
nababagay sa iba’t ibang uri ng tagapakinig ang mga salitang
gagamitin mo.
• Maghanda ng mga awiting patutugtugin mo sa iyong pagbo-
broadcast.
• Ang mga awitin ay dapat iyong nagbibigay inspirasyon sa
tagapakinig.
• Maging magalang sa pagtatapos ng iyong broadcast.
• Gumamit ng maikli, payak na salita sa pakikipagtalastasan o
pakikipag-usap.
• Iwasan ang mga salitang sumasagitsit na tunog.
• Gumamit ng paglalarawang salita kung kinakailangan at may
pag-iingat.
• Gawing maikli ang mga pangungusap at ang mga ideya ay
hindi maliligoy.
• Round-off figures/numbers. Ang 2.6123 milyon ay gawing
mahigit kumulang 2 at kalahating milyon. Isulat ang mga
simbolo at fractions. Iwasan ang abbreviations o daglat.

8
Iba Pang Mga Salitang Ginagamit sa Radio Broadcasting

1. Bumper - ginagamit sa pagitan ng balita at ng patalastas.


Ipinababatid nito sa tagapakinig na may pagitan o break ngunit may
mga balitang kasunod. Halimbawa: “Magbabalik ang ating programa
matapos ng ilang paalala sa ating mga kaibigan…”

2. Teaser - ito ay ginagamit upang ma- stimulate ang pag-iisip ng mga


tagapakinig upang manatili sa pinakikinggang programa.
Halimbawa: “Waling-waling ipapalit sa sampaguita bilang
pambansang bulaklak?”

3. Billboard- maririnig matapos ng balita. Ipinababatid sa mga


tagapakinig kung anong produkto ng sponsor ang naghatid ng
balita. Halimbawa – “Ang programang ito ay inihatid sa inyo ng
Gen’s Donut, ang pasalubong ng bayan.”

9
Sanayin Natin

Kumusta na kaibigan? Marami ka na bang natutuhan sa modyul


na ito? Halika’t payabungin pa natin ang iyong kaalaman tungkol sa paksa.

Gawain 1
A. Tukuyin Ko Porsyon!
Mula sa larawang nakikita sa ibaba, tukuyin ang mga hakbang o
proseso ng pagsasagawa ng isang kawili-wiling radio broadcasting. Hanapin
sa kahon na nasa ibaba ang sagot. Isulat ito sa malinis na papel.

➢ Maging magalang sa pagtatapos ng iyong broadcast


➢ Maghanda ng paksang tatalakayin kasama ang iyong co-anchor
➢ Makinig kung paano magsalita ang DJ sa radyo
➢ Bumuo ng iskrip panradyo
➢ Pumili ng pangalan para sa inyong istasyon
➢ Maghanda ng awiting pagtugtugin mo sa iyong pagbo-broadcast

DZWB 89.1

1. 2. 3.

10
At diyan po
nagtatapos ang
aming pagbabalta!
Magandang-buhay
Pilipinas

4. 5. 6.

B. Lagyan ng angkop na salitang dapat gamitin sa isang radio


broadcast. Piliin ang sagot sa kahon sa ibaba at isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel.
programang taksil nagtataingang kawali
maralita sukab nagbibingi-bingihan
palatuntunang mahirap malapit nang mag-umaga
bukang liwayway

1. Ang __________________ ito ay hatid sa inyo ng PBA.


2. Nahuli na ang _______________ na kasambahay ni Sarah.
3. ______________________ ang mga politiko sa mga hinanaing ng
taumbayan.
4. ____________________nang hulihin sa Tondo ang mga babaeng
nagtutulak ng droga.
5. _______________________ ang buhay ng isang tricycle driver sa Tagum
City ngunit isinauli niya ang 20 milyong halaga na naiwan ng
kanyang pasahero.

11
Tandaan Natin
Pagkatapos mong sagutan ang gawain sa itaas ngayon naman ay
sagutan mo ang mga sumusunod na gawain na nakaatas sa iyo.

Gawain 2:

A: Concept Puzzle
Halika’t buuin ang puzzle upang malaman mo ang konsepto
na nais ipabatid nito. Isulat ang sagot sa isang malinis na papel.

upang maging kawili-wili at


sa pagsasagawa epektibo ang ipaparinig na
ng isang radio balita
broadcast
upang maging

sa mga Mahalagang
tagapakinig na malaman ang
nagtitiwala wastong hakbang

Sagot:____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

Ibigay ang hinihingi ng bawat bilang sa pahalang at pababa


Kopyahin ang pormat sa ibaba sa sagutang papel at isulat sa nakalaang
kahon sa loob ng palaisipan ang kasagutan.

PABABA
2.Ang frequency modulation na unang ginamit ni Edwin Howard Armstrong.
4. Ginagamit sa pagitan ng balita at ng patalastas upang mabatid ng
tagapakinig na may pagitan o break ngunit may mga balitang kasunod.

12
5. Paraan upang mapadalhan ng impormasyon ang mga tao tungkol sa
mga isyung panlipunan.
PAHALANG
1. Kauna-unahang paraan sa paghahatid-balita.
3.Ginagamit upang ma- stimulate ang pag-iisip ng mga tagapakinig.

5.R 2.P
1. A N
B

B D

O
4.

3.T R

13
Suriin Natin

Alam kong handa ka na para sa ating susunod na gawain.


Ngayon, susubukin natin ang iyong kakayahan sa pagsunod-sunod sa
mga hakbang sa pagbuo ng kawili-wiling radio broadcast. Kopyahin ang
mga hakbang sa pagsasagawa ng kawili-wiling radio broadcast ayon sa
wastong pagkakasunod-sunod nito. Isulat ang iyong sagot gamit ang
graphic organizer sa ibaba.

Gawain 4

Mga Hakbang sa Pagsasagawa ng Kawili-wiling Radio Broadcast


• Bumuo ng iskrip panradyo.
• Makinig kung paano magsalita ang mga DJ sa radyo.
• Maghanda ng paksang tatalakayin kasama ang iyong co-
anchor.
• Pag-aralan ang paksang tatalakayin o maaaring magsaliksik
sa internet dahil kailangan ang malawak na kaalaman sa
paksang tatalakayin.
• Pumili ng pangalan para sa inyong estasyon.

14
Payabungin Natin

Ipagpatuloy pa natin ang pagkatuto sa modyul na ito.


Palalawakin pa natin ang iyong kaalaman. Halika’t puso’t isip ay
buksan para sa paggawa mo ng sariling radio broadcast na napanood
sa telebisyong programang nagbabalita. Gawing gabay ang
halimbawang iskrip sa ibaba upang makabuo ng sariling iskrip ng
radio broadcast.

Halimbawa:
Napanood sa Telebisyong Inilipat sa radio broadcast
Programang nagbabalita
Napiling Programa:24 Oras Station ID: BZLM Radyo Balita
Oras: Ang oras natin ngayon ay 1
minuto makalipas ang alas 7 ng
umaga, araw ng Martes, ikaapat ng
Napiling 2 balita: Mayo taong dalawang libo
dalawampu’t isa.

• Duterte may napili ng


bagong hepe ng PNP
Pagbanggit sa balita:
• Tuloy ang halalan sa
• May napili na si Pangulong
2022-Comelec
Duterte na bagong hepe ng
Philippine National Police (PNP)
at sinabi ni Roque na hindi
niya maaaring ianunsiyo
hangga’t hindi niya hawak ang
appointment paper.
• Tiniyak ng Commission on
Elections (COMELEC) na tuloy
ang pagsasagawa ng
Presidential Elections sa May
9, 2022.

15
Introduksiyon (Intro)
Isang mapagpalang araw Pilipinas!
Ako ang inyong tagapagbantay at
kaagapay mula sa BZLM Radyo
Balita!

Pagtalakay sa mga Ulo ng Balita


((Headlines) Pagbibigay Detalye
kasama Pag-uulat ng Reporter:
Duterte nagpabakuna na!
Nagpabakuna na kagabi si
Pangulong Rodrigo Duterte laban sa
COVID19 gamit ang China-made
Sinopharm vaccine, ayon sa kanyang
longtime aide na si Sen. Christopher
Lawrence “Bong Go” Alamin ang mga
detalye mula sa ating reporter,
pasok!
News Presenter:
Nagpabakuna na nga ang ating
Pangulong Duterte kontra COVID-
19.Ipinapakita pa nga ng kanyang
longtime aide na si Senator “Bong”
Go. Sa kaliwang braso tinurukan ang
Pangulo.Kinumpirma ni Go na
pumayag ang mga doctor nito. “ I feel
good and I have been expecting this
shot, vaccination a long time ago.
Sinopharm itong tinurok sa akin,”
ani Duterte.

16
Patalastas:
Labadami ba ang problema ninyo
mga Misis?
To the rescue na si Mr. Glide sa
murang halaga ng five pesos!
Mabangong damit at sa kamay ay di
nakakasakit. Dermatologist tested,
mild and hypoallergenic. Hindi pa
mafe-fade ang kulay ng damit. Kay
Mr. Glide, you get to live more sa life!

Pangwakas: BZLM! Mata ng bayan,


boses ng katotohanan. Iyan po ang
limang minutong pagbabalita mula
sa istasyong di lamang naghahatid
ng balitang sariwa kundi balitang
tumatatak din sa inyong puso at
diwa.
Gawain 5: Punan ang patlang sa ibaba upang makabuo ng radio
broadcast. Isulat ang tamang sagot sa inyong sagutang papel.
Napanood sa Telebisyong Inilipat sa radio broadcast
Programang nagbabalita Station ID: ____________________
(Maaaring pumili sa mga Oras: __________________________
Pagbanggit sa balita:
sumusunod)
• ___________________________
• 24 Oras
• __________________________
• Saksi • ___________________________
Introduksiyon (Intro)
• TV 5 Balita
__________________________________
• One Mindanao
__________________________________
Pagtalakay sa mga Ulo ng balita
Napiling Programa: (headlines) Pagbibigay Detalye
________________ kasama Pag-uulat ng Reporter:
__________________________________
__________________________________
Napiling 2 balita:
__________________
Patalastas:________________________
__________________ ________________________

Pangwakas:________________________
________________________

17
Pagnilayan Natin

Halika’t ating pagnilay-nilayan ang mga pangyayari sa Florante at


Laura. Dasal namin na sana ay maisasabuhay mo ang iyong mga
natutuhan sa araling ito.
Ibigay mo ang iyong sariling paniniwala at pagpapahalaga mula sa
mga pangyayari sa “Florante at Laura” gamit ang mga salitang
nagpapahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat (Totoo, Ngunit). Isulat ang
iyong sagot sa isang malinis na papel. Gawing gabay ang ibinigay na
halimbawa.

Gawain 6

Pagsang-ayon-Pagsalungat
“Florante at Laura” (totoo-ngunit)
Halimbawa: Totoong pinalayas ni Sultan Ali-
• Pagpapalayas ni Sultan Ali- Adab si Aladin ngunit ito ay hindi
Adab kay Aladin na kanyang nararapat gawin ng isang ama.
anak.
1. Pagseselos ni Florante kay
Adolfo.
2. Pag-agaw ni Sultan Ali-Adab
kay Flerida na kasintahan ng
kanyang sariling anak.

3. Iniligtas ng isang Moro ang


Kristiyanong si Florante sa
bingit ng kamatayan.

18
19
Pagnilayan Natin
Nasa guro ang
pagpapasiya
Suriin Natin Payabungin Natin
1.Pumili ng pangalan para sa inyong estasyon. Nasa guro ang
pagpapasiya
2.Maghanda ng paksang tatalakayin kasama ang
iyong co-anchor.
Tandaan Natin
3.Pag-aralan ang paksang tatalakayin o maaaring Gawain 2:
magsaliksik sa internet dahil kailangan ang Mahalagang malaman ang
malawak na kaalaman sa paksang tatalakayin. wastong hakbang sa
4.Makinig kung paano magsalita ang mga DJ sa pagsasagawa ng isang
radio broadcast upang
radyo. maging kawili-wili at
5. Bumuo ng iskrip panradyo. epektibo ang ipaparinig
na balita sa mga
tagapakinig na
nagtitiwala.
Sanayin Natin Gawain 3:
1. AM Band
A. 2. PM Band
1. Makinig kung paano magsalita ang mga DJ sa 3. Teaser
radyo 4. Bumper
2. Bumuo ng iskrip panradyo 5. Radio Broadcasting
3. Pumili ng pangalan para sa inyong istasyon
4. Maghanda ng paksang tatalakayin kasama ang co-
anchor
Subukin Natin
5. Maghanda ng awiting pagtugtugin mo sa iyong
pagbo-broadcast 1. b 6. a
6. Maging magalang sa pagtatapos ng iyong broadcast
2. d 7. c
B.
1. programang 3. a 8. d
2. taksil
4. c 9. c
3. nagbibingi-bingihan
4. malapit nang mag-umaga 5. b 10. d
5. mahirap
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Dela Torre, Joseph.


https://www.academia.edu/15716681/Filipino_Radio_Broadcasting_Sc
ript
https://www.slideshare.net/allanortiz/radio-broadcast-2
https://www.google.com.ph/search?q=mga+hakbang+sa+pagsasagawa+ng+radio+broadcasting&sxs
rf=ALeKk03dsoHqhtVESNIdgFwauSD9OSfSLg:1618346027822&tbm=isch&source=iu&i

https://www.google.com.ph/search?q=mga+hakbang+sa+pagsasagawa+ng+radio+broadcasting&sxs
rf=ALeKk03dsoHqhtVESNIdgFwauSD9OSfSLg:1618346027822&tbm=i

https://www.google.com.ph/search?q=mga+hakbang+sa+pagsasagawa+ng+radio+broadcasting&sxs
rf=ALeKk03dsoHqhtVESNIdgFwauSD9OSfSLg:1618346027822&tbm=is

https://www.philstar.com

Garcia, Danilo, Escudero, Malou


https://www.philstar.com

20
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon XI, Sangay ng Lungsod ng Tagum

Tanggapan: Energy Park, Apokon, Tagum City, 8100

Telefax: (084) 216-3504

Sulatroniko: tagum.city@deped.gov.ph
20

You might also like