You are on page 1of 21

8

Filipino
Ikaapat na Markahan-Modyul 5:
Talumpating Nanghihikayat
Filipino – Ikawalong Baitang
Ikaapat na Markahan-Modyul 5: Talumpating Nanghihikayat
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Menchi B. Lagang
Editor: Cristy S. Agudera
Tagasuri: Julieta C. Lavisores
Tagalapat: Menchi B. Lagang
Tagapamahala:
Josephine L. Fadul – Schools Division Superintendent
Melanie P. Estacio - Assistant Schools Division Superintendent
Christine C. Bagacay – Chief – Curriculum Implementation Division
Cristy S. Agudera – Education Program Supervisor – FILIPINO
Lorna C. Ragos - Education Program Supervisor
Learning Resources Management

Inilimbag sa Pilipinas ng

Kagawarang ng Edukasyon-Rehiyon XI-Sangay na Lungsod ng Tagum

Tanggapan: Energy Park, Apokon, Tagum City, 8100

Telefax: (084) 216-3504

Sulatroniko: tagum.city@deped.gov.ph
8

Filipino
Ikaapat na Markahan-Modyul 5:
Talumpating Nanghihikayat
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda
para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan.
Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang
maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy
na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang
magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at
tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin.
Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula
sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat
pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May
susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga
sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na
ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag
susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-
unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral
kahit wala sila sa paaralan.

ii
Aralin
TALUMPATING
1 NANGHIHIKAYAT

Alamin Natin

Magandang araw sa iyo!

Magandang araw sa iyo!

Malugod kitang binabati dahil nasagutan mong mabuti ang naunang mga
gawain.
Sa modyul na ito, lilinangin ang iyong kakayahan upang matutuhan ang
Talumpating Nanghihikayat. Mahahasa rin ang iyong kaalaman sa mga
inihanda kong gawain. Pag-ukolan mo lamang ng kaunting oras upang
mapagtagumpayan mo ito.

Pagkatapos ng modyul na ito, inaaasahang:

➢ Nagagamit nang wasto ang mga salitang nanghihikayat, (F8WG-IVf-g-

38);

➢ Nakasusulat ng sariling talumpating nanghihikayat tungkol sa isyung

pinapaksa sa binasa, (F8PU-IVfg-38).

1
Subukin Natin

Magandang Buhay! ☺Handa ka na ba? Bago natin sisimulan ang ating

panibagong aralin ay may maikling pagsubok na ating sasagutin. Basahin at
unawain ang panuto.

Umisip ng isang mahalagang nangyayari sa iyong buhay na hindi mo

malilimutan at napupulutan mo ito ng aral. Isulat ang sagot sa sagutang
papel at sundin ang pormat.

ARAL NA
NATUTUTHAN

Mahalagang nangyayari sa
aking buhay

2
Aralin Natin

Gawain A
Tayo nang bumasa sa buod ng “Ang Pagbabalik Tanaw ni
Florante sa kanyang kamusmusan” sa Obra maestrang Florante
at Laura. Basahin mo at unawain ang kuwento upang masagutan
ang mga gawain sa ibaba.

Ang Pagbabalik Tanaw ni Florante sa Kanyang Kamusmusan.

Buod ni Menchang

Isinalaysay ni Florante ang kanyang pagkabata. Siya ang nag-

iisang anak nina Duke Briseo sa kaharian ng Albanya, at ni Prinsesa
Floresca ng Krotona. Sa Albanya siya nagkaisip at lumaki. Isang totoong
matapang na lider at mapagmahal na ama si Duke Briseo kaya tiyak na
pinagkatitiwalaan itong maging tagapagpayo ni Haring Linseo at
tumatayong pangalawang namumuno sa kaharian ng Albanya.

Noong sanggol pa si Florante, isa sa hindi makalimutang nangyari

sa buhay niya ay nang muntik na siyang madagit ng isang buwitre
(Buwitre isang malaking ibon). Mabuti nalang at siya ay nailigtas ng
kanyang pinsan na si Menalipo na taga-Epiro.

➢ Paano inilarawan ni Florante si Duke Briseo?

_______________________________________________________

_____________________________________.

3
Isang araw, sa bulwagan ng kanilang palasyo ay isa
na namang ibong arkon ang biglang pumasok sa kanilang
salas at dinagit ang kwintas niyang may palawit na
diyamante o kupidong diyamante sa dibdib. Noo’y bago pa
lamang siyang lumalakad (ang arkon ay isang uri ng ibon
na nahahaling o naaakit sa makikintab o kumikinang na
mga bagay). Si Florante ay naging mapagmahal sa
kalikasan. Noong siya ay siyam na taong gulang, mahilig
siyang magpalipas ng maghapon sa burol. Natuto siyang
mamana ng mga ibon at iba pang mga hayop. Ito ay sinabi
niya kay Aladin. Hindi masukat ang kanyang kaligayahan
kapag siya ay nakapana at nakapatay ng hayop.

➢ Sino ang nakatulong kay Florante sa kamay ng

malaking buwitre?
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
_______________________________________________.

➢ Ano ang kinahihiligan ni Florante noong sya’y nasa

siyam na taon pa lamang?
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
_________________________________________________.

4
Sumasagi sa kanyang isipan na tunay nga ang pangaral ng kanyang
mga magulang na hindi dapat palakihin ang mga bata sa saya dahil kapag
ito'y namihasa, kapag lumaki na ay mahihirapan. Madalas, ang mga
taong ganito ay masakitin at maramdamin. Sa lagay na ito, naisipan ni
Duke Briseo na mas makabubuti kung ipadala niya si Florante sa Atenas
upang mag-aral at doon ay mamulat ang kanyang kaisipan sa edad na
labing-isang taong gulang kaya umiyak na lamang ang kanyang ina na si
Prinsesa Floresca.

Si Antenor ang naging guro ni Florante sa Atenas. Isang mabait at

matalinong guro na nagmula sa lahi ng mga Pitako. Sa Atenas niya
nakilala ang kababayang si Adolfo, anak ni Konde Sileno, na tampulan ng
paghanga ng kanyang mga guro, at ng kanyang mga kamag-aral dahil sa
katalinuhan at kagandahang-asal nitong ipinapakita.

➢ Pangalanan ang mga tauhang nabanggit sa kabanatang ito. Isulat

sa sagutang papel ang inyong sagot.
_________________________________________________________________
______________________________________________________.

➢ Anong damdamin ang nangingibabaw kay Florante habang

isinilaysay niya kay Aladin ang kanyang mga karanasan sa
buhay? Bakit?
____________________________________________________________
_______________________________________________________.

5
Gawain B

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang mga salitang hinihingi

sa bawat hanay. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

Totoo tunay nga

Talaga Hindi Pero Kung susuriin natin
Tiyak na mas makabubuti kung

Pagsang-ayon Pagsalungat Pagbibigay-diin

Hal. Talaga Pero Kung susuriin natin

6
Gawin Natin

Magaling at napagtagumpayan mong basahin ang buod ng “Ang

Pagbabalik Tanaw ni Florante sa kayang kamusmusan,” sa Obra maestrang
Florante at Laura. Magiliw rin kitang binabati sa pagsagot sa mga
katanungang ibinigay. Ngayon naman ay dadako tayo sa susunod na bahagi
ng Modyul upang higit na mabibigyang linaw ang aralin at lubos mong
mauunawaan ang paksang tatalakayin.

Ang pagtatalumpati ay maituturing na isang uri ng sining. Dito

makikita ang katatasan at kahusayan ng tagapagsalita sa paghihikayat
upang paniwalaan ang kanyang pangangatwiran sa paksang tinalakay.
Ito ay pinaghahandaan bago bigkasin sa madla. May iba’t ibang uri ang
talumpati isa na rito ang talumpating nanghihikayat.

Talumpating Nanghihikayat – Pangunahing layunin ng

talumpating ito na hikayatin o kumbinsihin ang mga tagapakinig na
tanggapin ang paniniwala o sumang-ayon sa kanyang pananaw tungkol
sa isang isyu o pangyayari sa pamamagitan ng pagbibigay-katwiran at
mga patunay.

Mga halimbawa ng mga salitang nanghihikayat.

1. Pagsang-ayon
Totoo, sigurado, tinatanggap ko,
tama ka, talaga, marahil nga tama ka,
tunay nga, totoo katotothanan ang sinabi mo,
at iba pang salita at pariralang kaugnay ng pagsang-ayon.

Halimbawa:
➢ Maarugaing ama si Duke Briseo, siguradong mahal niya ang
kanyang anak na si Florante.

➢ Totoong mapagmahal na ina si Madam Lydia.

7
2. Pagtutol o Pagsalungat

Pero, subalit,
dapatwat, ngunit,
hindi maari tutol ako sa sinabi mo,
hindi ako sang-ayon,

at iba pang salita at pariralang kaugnay ng pagtutol o

pagsalungat.

Halimbawa:

➢ Tutol ako sa sinabi mo, si Florante lang ang nararapat

kay Laura.

➢ Batid kong si Jhay Ahr lang ang nag-iisang anak na

lalaki ni Haring Cezar kaya hindi ako sang-ayon sa
mga ipinagkalat mong haka-haka!

3. Pagbibigay-diin sa panindigang isyu:

Naniniwala ako… kung susuriin natin,

tiyak na, mas nararapat,
sapagkat, kung ako sayo,
mas makabubuti kung,
mapatutunayang kung ganito ang mangyari…

at iba pang salita at pariralang kaugnay nito

Halimbawa:

➢ Naniniwala akong darating ang araw na pagsisihan

niya ang mga nagawang kamalian sa buhay.
➢ Huwag mo ng ipagsigawan na malinis ka sapagkat kalat
na sa buong San Miguel ang tunay mong budhi kung
ako sayo manahimik ka nalang at tiyak na magagalit
lang sayo si Miss Menchin.

8
Sanayin Natin

Panuto: Gumawa ng pangungusap na nanghihikayat batay

sa mga larawang makikita sa ibaba. Gamitin ang mga salitang
nanghihikayat na napag-aralan sa Gawin Natin at isulat ang
sagot sa sagutang papel. Ang unang bilang ay ginawang
halimbawa para gawin mong gabay sa pagsagot.

Sa panahon ngayon mas nakabubuting

sumunod taayo sa panukalang magsuot
1, palagi ng face mask upang hindi mahawa
sa covid.

_____________________________________
2.
_____________________________________
_____________________________________
____________________________________.

_____________________________________
_____________________________________
3.
_____________________________________
____________________________________.

_____________________________________
4. _____________________________________
_____________________________________
____________________________________.

_____________________________________
5. _____________________________________
_____________________________________
____________________________________.

Ang mga larawan ay kuha mula sa DepEd images.

9
Tandaan Natin

Panuto: Basahin ang talumpati sa ibaba at bilugan ang ginamit na

mga salitang nanghihikayat. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

“Chichang Alcohol ”

Sa panahon ngayon maging alerto upang maiwasan ang

pagkalat ng nakahahawang bakteria!

Kinaugalian ng lahat ang paggamit araw-araw ng Alcohol

upang mapanatiling malinis at mapuksa ang mga mikrobyo sa
balat ng tao. Ang produktong ito ay tiyak na kinahuhumalingan
ng lahat sapagkat itoy mabisa na nakapupuksa ng 99% ng mga
bakteria sa bawat patak nito. Tunay nga itong gawa mula sa
mabisang kemikal upang maging epektibo at maiwasan na
magkakaroon ng allergy. Ang “Chichang Alcohol ” ay punum-
puno ng mga iba’t ibang bitamina na nakabubuti sa inyong mga
balat. Naniniwala akong mapasaiyo ang kompyansa nang
walang halong pagsisi maging sa presyo ay sulit sa halagang
limampung piso (P50) lamang. Karagdagang kaalaman, ito ay
napatutunayan na maaaring gamitin para sa: Fogging,
fumigation, electrostatic spraying upang makatulong na ma-
kontrol ang covid19.

Hinihikayat ko kayong lahat na sana’y tangkilikin itong

produktong “Chichang Alcohol”. Dahil batid ko ang katiyakan
ng bisa nito at proteksyon para sa inyo.

Kay bili na! Nabibili ito sa lahat ng pamilihang malapit sa inyo!

10
Suriin Natin

Panuto: Suriin ang katagang “Ang anak na lumaki sa

ginhawa, Kaunting hirap lamang ay madaling
lumuha’’. Bumuo ng talata batay sa kaisipan ng
pahayag sa itaas. Sundin ang pamantayan at
isulat ang sagot sa sagutang papel.

PAMANTAYAN
Naiparating ng maayos ang
mensahe 10
______________________________________________________________
______________________________________________________________
Gramatika 5
______________________________________________________________
______________________________________________________________
Kabuuang Awtput 10
______________________________________________________________
______________________________________________________________
KABUUAN 25

______________________________________________________________.

11
Payabungin Natin
Isipin mong isa kang School Nurse. Paano mo mahihikayat ang mga
mag-aaral na sumunod sa protocol upang maiwasang mawaha sa covid19?
Sumulat ng isang talata na may anim na pangungusap gamitin ang mga
salitang nanghihikayat ang: kung ako sayo…, mas makabubuti kung…,
mas nararapat. Sundin ang pamantayan at isulat ang sagot sa sagutang
papel.

PAMANTAYAN
Nagagamit ng maayos sa
pangungusap ang mga salitang 10
nakahihikayat

Gramatika 5
Kabuuang Awtput 10
KABUUAN 25

___________________________________________________________________

___________________________.

12
Pagnilayan Natin

Sa wakas malapit mo nang mapagtagumpayan ang

modyul 5 ☺! Alam kong nasasabik ka na sa magiging paksa
sa modyul 6 pero bago mo mabuksan ito ay kinakailangan
mo nang tapusin ang huling gawaing inihanda ko.
Inaanyayahan kitang basahin at sundin ang ibinigay kong
Pamantayan sa ibaba upang maunawaan at maisasagawa
mo nang mabuti ang huling gawain.

PAMANTAYAN
Malinaw na naiparating ang 10
mensahe ng talumpati at organisado

Gramatika 5
Gumagamit ng mga salitang 10
nakahihikayat
Kabuuang Awtput 10
KABUUAN 35

Sumulat ng isang talumpating nanghihikayat kung paano

palakihin nang tama ang mga anak upang di malolong sa layaw.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

_____________________________________________________________________

___________________________________________________.

13
14
Tandaan Natin
tiyak na
sapagkat NASA GURO ANG PAGPAPASYA
Tunay nga
Naniniwala akong Sanayin Natin:
Napatutunayan Aralin Natin: Gawain A
Kung ako sayo Suriin Natin
Payabungin Natin
Pagnilayan Natin
Aralin Natin: Gawain B.
Pagsang-ayon Pagsalungat Pagbibigay-diin
Totoo Hindi mas makabubuti kung
tunay nga Tiyak na
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

K to12 Filipino Gabay Pangkurikulum sa Filipino

Department of Education 2016, 45-66

K to 12 Most Essential Learning Competencies for Filipino

Grade 8. https://e – edukasyon.ph Filipino

Https://www.facebook.com/PanitikanSaFilipinoIvViii/
posts/322664994546437/

Ang mga larawan ay kuha mula sa DepEd images.

15
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawarang ng Edukasyon-Rehiyon XI-Sangay na Lungsod ng

Tagum

Tanggapan: Energy Park, Apokon, Tagum City, 8100

Telefax: (084) 216-3504

Sulatroniko: tagum.city@deped.gov.ph

16
17

You might also like