You are on page 1of 24

4

Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 8:
Pag-unawa sa Pinanood/Paggamit
ng Simuno at Panaguri/Pagsulat ng
Talata na may Sanhi at Bunga
Filipino – Ikaapat na Baitang
Unang Markahan – Modyul 1: Pamagat
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Bernardita B. Mizon
Editor: Cristy S. Agudera, Lorna C. Ragos
Tagasuri: Grace G. Laguna
Tagalapat: Jecson L. Oafallas, Jeffrey Santiago

Tagapamahala:
Josephine L. Fadul – Schools Division Superintendent
Melanie P. Estacio - Assistant Schools Division Superintendent
Christine C. Bagacay – Chief – Curriculum Implementation Division
Cristy S. Agudera – Education Program Supervisor – ESP / Values Ed
Lorna C. Ragos - Education Program Supervisor
Learning Resources Management

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education - TAGUM CITY


Tanggapan: Energy Park. Apokon Road, Tagum City Davao
del Norte, Region XI
Sulatroniko: tagum.city@deped.gov.ph
4
Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 8:
Pag-unawa sa Pinanood/Paggamit ng
Simuno at Panaguri/Pagsulat ng Talata na
may Sanhi at Bunga
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda
para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan.
Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang
maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy
na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang
magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at
tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang
aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong
tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit
sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang
natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o
mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan
namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na
ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag
susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-
unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral
kahit wala sila sa paaralan.
ii
Aralin Pag-unawa sa Pinanood / Paggamit ng

1 Simuno at Panaguri / Pagsulat ng Talata


na may Sanhi at Bunga

Alamin Natin ( Unang Araw )

Magandang araw sa iyo!

Handa ka na ba? Ating simulan ang paglalakbay sa mundo ng mga


modyul sa asignaturang Filipino. Binabati kita dahil ngayon ikaw ay nasa
Ikawalong modyul na sa Ikatlong Kwarter para sa Ikaapat na Baitang.

Sa modyul na ito, matutuhan mo ang pagpakikita ng pag-unawa sa


pinanood sa pamammagitan ng pagbibigay ng ibang pagwawakas ayon sa
sariling saloobin o paniniwala, paggamit nang wasto at angkop ang simuno
at panag-uri sa pangungusap at nakasusulat ng talata na may sanhi at
bunga.
May mga gawain akong inihanda para sa iyo upang mahasa ang iyong
kaalaman tungkol dito.

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang


• Nakapagpapakita ng pag-unawa sa pinanood sa pamamagitan ng
pagbibigay ng ibang pagwawakas ayon sa sariling saloobin o
paniniwala, (F4PD-IIIh-7.2);
• Nakagagamit nang wasto at angkop na simuno at panaguri sa
pangungusap, (F4WG-IIIi-j-8); at
• Nakasusulat ng talata na may sanhi at bunga, (F4PU-IIIi2.1).

1
Subukin Natin

A. Panoorin ang kuwentong “Si Langgam at si Tipaklong” sa tulong ng


youtube link na nasa ibaba. Maaari ring basahin ang buod kung sakaling
hindi ito mapapanood sa youtube
https://www.youtube.com/watch?v=4quxgghpU0c

Si Langgam at si Tipaklong
Ni: Aesop

Noong unang panahon, may nakatirang mga Langgam at Tipaklong


sa madamong parang. Masisipag at disiplinadong magtrabaho ang mga
Langgam buong araw. Masaya silang gumising at mangolekta ng butil sa
palayan ng magsasaka.
Samantalang si Tipaklong ay napakatamad. Pakanta-kanta at
nakatayo lang sa tabi ng daan. Minsan niyaya pa niya si Langgam na
kumanta at sumayaw subalit si Langgam ay abalang-abala sa paghahakot
ng mga butil sa kaniyang tirahan.
Lumipas ang maraming araw at dumating na ang tag-ulan. Ginaw na
ginaw at gutom na gutom si Tipaklong. Nawala na ang sigla at tuwa ng
masayahing si Tipaklong. Pinuntahan niya si Langgam at nakiusap siyang
makituloy dahil gutom na gutom at ginaw na ginaw na siya.
Pinapasok siya ni Langgam at pinakain.

Sagutin at isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong sagutan papel.

1. Sino- sino ang dalawang magkaibigan?


a. Si Daga at Si Pusa c. Si Matsing at Pagong
b. Ang Aso at ang Pusa d. Si Langgam at si Tipaklong

2. Ano ang gawain ni Langgam habang maganda ang panahon?


a. patayo-tayo c. pakanta-kanta
b. patulog-tulog d. naghahakot ng butil

2
3. Lumapit si Tipaklong kay Langgam dahil gutom na gutom at ginaw na
ginaw siya. Ang pahayag na may salungguhit ay isang__________.
a. sanhi c. simuno
b. bunga d. panaguri

4. Paano kaya magwawakas ang kuwento ayon sa iyong saloobin o


paniniwala?
a. Sinisisi ni Langgam si Tipaklong.
b. Nagtatalo ang dalawa sa harap ng mesa.
c. Pinagsabihan ni Langgam si Tipaklong na matutong mag-ipon.
d. Nagpasalamat si Tipaklong sa pagtanggap sa kaniya ni Langgam
at nangangako na sa susunod magiging masipag na siya at sasama na
sa kaniyang mag-ipon ng pagkain.

5. Piliin ang tamang bahagi ng pangungusap.

Masisipag at disiplinadong magtrabaho ang mga Langgam.


A B

Simuno_____________ Panaguri _______________

Aralin Natin

Basahin ang buod ng kuwento o panoorin ang buong kuwento sa link na


ito: https://www.youtube.com/watch?v=_mX320UlfjA

Ang Munting Gamugamo


Ni: Jose Rizal

3
Isang gabi, tinuruang bumasa si Jose Rizal ng kaniyang ina na si
Donya Teodora Alonzo Rizal.

Nasa tabi nilang dalawa ang isang ilawang langis. Napatingin sa


ilawan si Jose at nakita niya ang isang munting gamugamo at sinimulan na
ng ina ang pagkukuwento kay Pepe.

May mag-inang gamugamo na lumilipad sa paligid ng ilawan.


Sinabihan ng inang gamugamo ang munting gamugamo na lumayo siya sa
ningas ng ilawan baka masunog ang kaniyang mga pakpak. Ngunit lumapit
din ang anak sa ilawan.

Hindi nakinig ang anak na gamugamo at lumapit uli ito sa ningas ng


ilawan kaya naabot ng ningas ang mga pakpak ng anak na gamugamo.
Naabot din ng ningas ang buong katawan kaya ito ay nasunog.

Gayundin sinabihan si Jose ng kaniyang ina na “huwag kang gagaya


sa anak na gamugamo.

Nang gabing iyon di siya makatulog .

Piliin ang angkop na sagot sa bawat tanong. Isulat ang titik ng sagot sa
iyong sagutang papel.
1. Ano ang ginawa ng mag-ina isang gabi?
a. nagluluto b. naglilinis c. naglalaba d. nagkukuwento
2. Saan lumapit ang anak na gamugamo?
a. hagdan b. tulugan c. ilawan d. labasan
3. Bakit pinalayo ng inang gamugamo sa ningas ng ilawan ang anak na
gamugamo?
a. madilim pa ang paligid
b. natakot siya sa kulay ng ilaw
c. dahil gusto niya ang liwanag
d. baka maabot ng ningas ang pakpak ng anak

4-5. Ibigay ang sariling wakas ng kuwento ayon sa iyong saloobin o


paniniwala. Tandaan ang tamang pagsulat ng mga pangungusap, tulad ng
tamang gamit ng malaking titik at bantas.

_____________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
___________________________.

4
Gawin Natin (Ikalawang Araw)

Basahin at unawaing mabuti ang mga paliwanag at halimbawa sa


ibaba upang lubos mong maunawaan ang mga aralin.

Kasinghalaga sa pagsisimula ang pagwawakas ng kuwento. May


mga akdang walang wakas, isang istilo ng may-akda upang iwan sa
mambabasa ang pagbibigay ng wakas ng kuwento. Nilalayon nitong
hamunin ang malilikot na imahinasyon at pagiging malikhain ng bumabasa
o nanonood na tapusin ang kuwento ayon sa kaniyang panlasa.
Nakararamdam ng kasiyahan kung masaya ang wakas at kalungkutan
kung nagwawakas sa kabiguan.

Tandaan :

Sa pagbibigay ng wakas bilang pag-unawa sa pinanood;

• Kung maingat mong susundan ang mga pangyayari, maari kang


makapagbigay isang palagay na maaaring kalabasan o wakas sa
iyong pinanood bilang pag-unawa .

• Batay sa naganap na , maaari mong mahulaan ang kalalabasan o


wakas ng pangyayari ayon sa sariling saloobin o paniniwala.

Mga dapat tandaan sa pagsulat ng talata.

1. Dapat nakapasok ang unang pangungusap sa talata.


2. Sa simula ng pangungusap gumamit ng malaking titik at sa iba

pang tanging ngalan ng tao, bagay, lugar at pangyayari.

3. Gumamit din ng tamang bantas sa hulihan ng pangungusap tulad

ng tuldok (.), tandang pananong (?) at tandang padamdam (! ).

4. Dapat magkaugnay ang ideya ng bawat pangungusap.


5. Maigi mong nasundan ang mga pangyayari upang makapagbigay

ka ng wakas ng kuwento ayon sa iyong saloobin o paniniwala.

5
Halimbawa:

“ Ang Munting Gamugamo”

Nang gabing iyon hindi nakatulog si Jose dahil naisip niya ang
sinabi ng kaniyang ina na huwag niyang tularan ang munting
gamugamo. Nag-isip siya nang malalim at kaniyang napagtanto na ang
munting gamugamo ay hindi sumunod sa inang gamugamo, kaya
posible pala na mangyari din ito sa kaniya at puwedeng masaktan siya
o mapahamak kung hindi siya makikinig at susunod sa kaniyang ina.

Kaya pangako niya sa sarili nang gabing yaon na dapat ay maging


masunuring bata siya, di niya namalayang nakatulog na siya.

Nagising siya sa sigaw ng nanay dahil handa na ang kanilang


almusal. Agad naman siyang nagmumog at naghugas ng kamay at
tumungo na sa hapag-kainan.

Basahing mabuti ang usapan at sagutan ang sumusunod na mga


tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Isang umaga nagkaroon ng pag-uusap ang magkakaibigan na sina


Maria at Katya tungkol sa kuwentong kanilang binasa.

Magandang umaga Oo naman, ito ay tungkol sa


sa iyo mahal
S na “Ang Munting Gamugamo” at di
kaibigang
S Katya, ko makalimutan ang dalawang
natandaan mo pa mga pangungusap na ito.
ba ang kuwentong
binasa natin 1.Tinuturuang bumasa si Jose
kahapon tungkol Rizal ng kaniyang ina.
sa ating bayani na 2. Napatingin sa ilawang
si Dr. Jose Rizal? langis si Jose Rizal.
.

6
Mga Tanong:
1. Sino ang pinag-uusapan sa pangungusap 1 at 2?
_____________________________________________
2. Ano ang sinasabi tungkol kay Jose Rizal sa una at ikalawang
pangungusap?

Dalawang Bahagi ng Pan ungusap

Tandaan:
❖ May dalawang bahagi ng pangungusap- simuno at panaguri
1. Simuno -ang paksang pinag-uusapan sa pangungusap.

• Ang buong simuno ay tumutukoy sa lahat ng salitang bumubuo


sa paksang pinag-uusapan .

Halimbawa: 1.Tinuruang bumasa si Jose Rizal ng kaniyang ina.

Paliwanag: Ang paksa ay si Jose Rizal dahil siya ang pinag-


uusapan sa loob ng pangungusap.

Halimbawa: 2. Napatingin sa ilawang langis si Jose Rizal.

Paliwanag: Si Jose Rizal ang pinag-uusapan o paksa sa


pangungusap kaya si Jose Rizal ang simuno sa
pangungusap.
2. Panaguri – ang bahaging nagsasaad tungkol sa simuno.

• Ang buong panaguri ang lahat ng salitang bumubuo sa


panaguri.

Halimbawa: 1. Si Jose Rizal ay tinuruang bumasa ng kaniyang ina.


Paliwanag: Tinuruang bumasa ng kaniyang ina ang bahaging
nagsasabi tungkol sa simuno kaya naging
panaguri ang bahaging ito sa pangungusap.

Halimbawa: 2. Napatingin sa ilawang langis si Jose Rizal.


Paliwanag: Ang bahaging Napatinghin sa ilawang langis sa
pangungusap ang nagsasaad o nagsasabi ito tungkol sa simuno na si
Jose Rizal kaya panaguri ang bahaging ito sa pangungusap.

7
Basahin ang mga tanong mula sa kuwentong “ Ang Gamugamo “ sa
ibaba. Pansinin din ang mga sagot na nakasulat sa cloud callout tsart.

1. Ano- ano ang pangyayari sa napanood o nabasang kuwentong “ Ang


Munting Gamugamo”?
2. Ano-ano ang naging sanhi at bunga ng bawat isa?

Halimbawa:
.

Pangyayari
Pagkasunog ng pakpak ng munting
gamugamo.

Sanhi Bunga
Hindi nakinig ang Naabot ng
anak na gamugamo ningas ang buong
at lumapit uli sa katawan ng gamugamu
ningas ng ilawan. kaya ito ay nasunog.
katawan kaya ito ay
nasunog.

Pagsulat ng Talata na may Sanhi at Bunga

Tandaan :

Pagtukoy sa Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari sa Binasa

❖ Kung may sanhi, may kalalabasan o bunga ang mga pangyayari sa


binasang kwento.
• Ang sanhi ay ang pagbibigay-dahilan o paliwanag sa
pangyayari. Ito a nagsasaad kung bakit naganap ang
isang pangyayari o sitwasyon. Sumasagot ito sa tanong
na bakit. May mga salitang nagpapakita ng hudyat na

8
ito ay sanhi o dahilan tulad ng dahil, dahil sa, kasi o
sapagkat.

Halimbawa ng pangyayari sa kuwento:

Nasunog ang pakpak ng anak na gamugamo dahil lumapit siya sa ilawan.

Sanhi

Tanong: Bakit nasunog ang pakpak ng munting gamugamo?


Sagot : Dahil lumapit siya sa ilawan.

• Ang bunga ay ang mga binasa, resulta,o kinalabasan


ng pangyayari o sitwasyon. Ito ay sumasagot sa tanong
na Ano. May mga salitang nagpapakita ng hudyat na
ito ay bunga tulad ng kaya, kaya naman, nang o
bunga nito.

Halimbawa: Naabot ng ningas ang katawan kaya ito nasunog.

Bunga

Tanong: Ano ang resulta nang naabot ng ningas ang katawan ng


gamugamu?
Sagot: Ito ay nasunog.

❖ Madaling maunawaan ang kuwentong binasa kung mapag-


uugnay natin ang naging dahilan at kinalabasan ng
pangyayari.
❖ Maaring maiuugnay ang pangyayari sa kuwento sa
pamamagitan pagsulat ng talata na may sanhi at bunga.

Ano ang talata? Ang talata ay grupo ng mga magkakaugnay na mga


pangungusap tungkol sa isang paksa.

Mga dapat tandaan sa pagsusulat ng mga pangungusap sa talata.

1. Dapat nakapasok ang unang pangungusap at may tamang


indensiyon.
2. Gumamit ng malalaking titik sa simula ng mga pangungusap at
tamang baybay.
3. Lagyan ng tamang bantas ang huli ng bawat pangungusap.
4. Dapat magkaugnay ang ideya ng bawat pangungusap.
5. Maigi mong nasundan ang mga pangyayari upang madali mong mai-
uunay ang sanhi at bunga at makasulat ka ng isang talata.

9
Halimbawa sa pagsulat ng talata na may sanhi at bunga.

Pangyayari: Pagkasunog ng pakpak ng munting gamugamo.

Minsan sinabihan ng inang gamugamo ang munting


gamugamo na lumayo siya sa ningas ng ilawan baka masunog ang
kaniyang mga pakpak ngunit hindi nakinig ang anak na
gamugamo at lumapit uli ito sa ningas ng ilawan.
( Dahilan o Sanhi )
Naabot ng ningas ang buong katawan ng munting
gamugamo kaya ito ay nasunog. (Resulta o Bunga)

Sanayin Natin

A. Basahin ang maikling kuwento na walang wakas at tingnang


mabuti ang larawan. Ibigay ang wakas ayon sa iyong saloobin o paniniwala
tungkol sa iyong napanood. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Para sa Kinabukasan
Ni: Bernardita B. Mizon

Si Theo ay isang batang masayahin at palakaibigan. Noong


nakaraang Pasko ay pinuntahan siya ng kaniyang mga ninang sa kanilang
bahay at binigyan siya ng kaunting halaga bilang regalo sa kaniya at
hinulog niya ito sa kaniyang alkansiya. Lagi niya itong ginagawa kapag may
magbibigay sa kaniya, malaki man o konti lang ang halaga.

10
Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ayon sa iyong napanood sa larawan, ano ang iyong saloobin o paniniwala


tungkol dito? Taglay niya ang katangian ng isang batang______.
a. matapat b. matipid c. matulungin d. mapagmahal

2. Bakit kaya siya nag-iipon? Para siya ay ______.


a. wala lang b. mapansin c. magyayabang d. may madudukot

3. Paano kaya magwakas ang pangyayari sa nakita mong larawan?


a. lumaki siyang waldas sa pera c. mapariwara ang kanyang buhay
b. maramot sa nangangailangan d. makapagtapos siya ng pag-aaral

4-5. Sumulat ng maikling talata na may sanhi at bunga batay sa


kuwentong “Para sa Kinabukasan”. Tandaan ang mga dapat gawin sa
pagsulat ng isang talata.
_______________________________________________________________
________________________________________________________________________

_____________________________.

Tandaan Natin

A. May dalawang bahagi ng pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa kahon.

Bahagi ng pangungusap na pinag- Bahagi ng pangungusap na


uusapan nagsasabi tungkol sa simuno

1._________________________ 2.__________________________

11
B. Paano ka makapagbibigay ng wastong wakas sa iyong napanood?
Kopyahin ang kahon sa iyong papel at dito isulat ang sagot.

3._________________ 4.__________________

C. Kopyahin sa papel ang tsart na nasa ibaba at dito isulat ang sagot sa
bawat bilog.

5.Ito ay
7.Dapat _____
nagsasaad
6. Ito ay ang ideya ang
kung bakit
kinalabasan ng bawat
nangyayari ang
pangyayari o pangungusap
isang
sitwasyon___ upang mabuo
pangyayari___
ang talata.

5._____________ 7. _____________

6.___________________

12
Suriin Natin

I. Basahin ang buod ng kuwento “Ang Kalupi “ o iyong panoorin ang


buong kuwento sa link na nasa ibaba upang iyong masagot ang mga
tanong. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel
https://www.youtube.com/watch?v=1WmGx3vQFw0

Ang Kalupi
Ni: Benjamin Pascual

Araw ng pagtatapos ng anak sa


high school ni Aling Marta at nais niyang
makapaghanda ng masarap na putahe para sa
tanghalian sa araw na iyon.
Nagpasiya siyang maglakad sa
palengke nang bigla siyang nabangga ng isang
batang marumi at tiyak niya na pulubi ang
batang walang pinag-aralan at walang modo.
Magbayad na sana si Aling Marta ngunit
nang dukutin niya ang kalupi sa kaniyang
bulsa ay nawala ito at bigla niyang naisip na
kinuha iyon ng batang marungis. Agad niyang hinusgahan ang
bata at sa loob-loob niya ay hiyang-hiya siya sa nangyari dahil
maraming tao ang nakapaligid sa kanila.
Agad na nagmamadali ang ginang upang mahagilap ang
batang marungis. Sa di kalayuan agad niyang hinablot ang damit ng bata at
hinawakan nang mahigpit ngunit panay tanggi ng bata na hindi siya ang
kumuha ng kalupi. Binantaan ni Aling Marta ang bata na isusumbong sa
pulis at dadalhin sa presinto ngunit panay tanggi pa rin na di siya ang
kumuha at naisip niya ang pinabiling isda ng tiyahin na kanina pa hinintay.
Nasaktan ang bata sa hawak ng ginang kaya kinagat niya ito
at nakatakas siya. Sa di kalayuan narinig ng ginang ang tilian ng mga tao
na nanonood. Nabangga pala ng jeep ang bata at bago siya nawalan ng
hininga, iginiit nito na hindi siya ang kumuha sa kalupi at naisip pa ng
ginang na tama lang iyon sa kaniyang ginawa.
Pagka-uwi ng ginang sa kanilang bahay sinalubong siya ng
kaniyang mister na nagtatanong kung paano siya nakapamili gayong
naiwan niya ang pitaka sa kanilang bahay. Namutla si Aling Marta sa
narinig at nawalan ito ng malay.

13
A. Paano kaya magwawakas ang pangyayari sa pinanood o nabasa mong
kuwento? Ibigay ang wakas ng kuwento batay sa iyong saloobin o
paniniwala. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel at tandaan ang mga
dapat sundin sa pagsulat nito. (5 puntos )

________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

RUBRIK
Pamantayan sa Pagbibigay ng Puntos

Pamantayan Katumbas na Puntos


Naibibigay nang buong linaw ang sariling 2
pagwawakas sa kuwento

Nagagamit ang tamang salita, bantas at baybay 2

May kalinisan at kahusayan ang pagkasulat 1

KABUUAN 5

B.Kilalanin ang bahagi ng pangungusap na may guhit. Isulat ang letrang A


kung simuno at letrang B. kung panaguri.

Halimbawa: Magbayad na sana si Aling Marta.


Sagot: B
6. Nagpasiya siyang maglakad sa palengke.__________
7. Namutla sa narinig si Aling Marta..______

14
C. Gamitin nang tama ang panaguri o simuno sa pangungusap.
Piliin ang tamang bahagi upang mabuo ang isang pangungusap. Isulat
ang titik lamang.
A. Ang bata
B. ang tilian ng mga tao.

C. ang pitaka niya

8. Sa di kalayuan narinig ng ginang ___________

9. Naiwan pala sa bahay _____________

10. _____________________ Ay binantaan ng ginang na


isusumbong sa pulis.

D. Sumulat ng maikling talata na may sanhi at bunga mula sa kuwentong


“ Ang Kalupi ”. Tandaan ang tamang gamit ng bantas sa pangun ngusap.

( 5 ) puntos

__________________________________________________________

___________________________________________________________________.

RUBRIK
Pamantayan sa Pagbibigay ng Puntos

Pamantayan Katumbas na Puntos


Naibibigay nang buong linaw ang hangarin sa 2
pagsulat

Nagagamit ang tamang salita, bantas at baybay 2

May kalinisan at kahusayan ang pagkasulat 1

KABUUAN 5

15
Payabungin Natin

Basahin ang kuwento at sagutan ang sumusunod na mga tanong.


Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Ang Tsimay
Ni: Lydia P. Lalunio, Ph.D

Si Kikay ay anak-mahirap lamang. Ngunit laging


sinasabi ng kaniyang ama, “Anak magpatuloy ka ng pag-
aaral.
“ Magpatuloy ka ng pag-aaral, Anak.” Hindi pa siya
nakapagtapos ng elementarya nang mamatay ang kaniyang
ama. Nais niyang matupad ang pangarap nilang mag-
ama na makapagtapos sa pag-aaral. Namasukan siya
sa kaniyang tiyahin bilang kasambahay na walang
suweldo. Ang kapalit ng kaniyang pagseserbisyo ay pag-aaral
niya sa gabi.
Ang mga salbahe niyang pinsan ay tinutukso siyang
”Kikay Tsimay! Kikay Tsimay! Tiniis niya ang mga pang-aapi
ng kaniyang pinsan makapag-aral lamang siya.
Makalipas ang maraming taon. Hindi na makilala si
Kikay ng mga pinsan niyang nang-aapi sa kaniya. Si
Kikay na dati-rati ay kupasin ang mga damit ay
sinalubong ng mga bata at ganito ang maririnig na
tawag sa kaniya ng mga bata.
“ Magandang umaga po, Gng. Rosales. Ipagdadala
ko na po kayo ng inyong gamit.”

( Hinalaw mula sa Hiyas sa Wika at Pagbasa Manwal ng Guro


Ikaapat na Baitang )

Sumulat ng maikling talata na may sanhi at bunga batay sa


kuwentong “ Ang Tsimay ”. Tandaan ang mga dapat sundin sa pagsulat ng
talata.
________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
____________________________.

16
RUBRIK
Pamantayan sa Pagbibigay ng Puntos
(para sa bilang 1 at 5 )

Pamantayan Katumbas na
Puntos
Naibibigay nang buong linaw ang hangarin sa 2
pagsulat
Nagagamit ang tamang salita, bantas at wastong 2
baybay
May kalinisan at kahusayan ang pagkasulat 1
KABUUAN 5

Pagnilayan Natin

A. Ano ang maaaring bunga ng laging pagpapanatili ng pagsunod


sa Health Protocols sa bayan? Isulat ang mga sagot sa kahon.

1.__________________ 4.____________________

Bunga ng
Pagsunod sa
Health Protocols

2.__________________ 5.______________________

3.________________________

17
Sumulat ng maikling talata na may sanhi at bunga mula sa
iyong sagot sa tsart sa itaas. Tandaan ang mga dapat sundin sa pagsulat ng
isang talata. (5 puntos )

Sagot:____________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

_______________________________________

C. Tingnan ang larawan at basahin ang maikling kuwento.

Nang umagang iyon ay maagang umalis ang Inay papuntang


palengke upang magtinda ng mga gulay. Binilin niya sa magkakapatid na
tapusin nila ang pagsasagot sa kanilang mga modyul. Pagkatapos nilang
sagutan ang mga modyul ay napagkasunduan ng magkapatid na maglaro
muna. Hindi nila namalayan sa katatakbo at paghahabulan, nandoon na
sila sa bandang hagdan.

Bigyan ng wakas na nakakatawa. ( 5 puntos )

________________________________________________________________
____________________________________________________________________

18
19
Pagnilayan Natin
A.. Pagsunod sa Health
.Protocols-Tsart (5
puntos)
B. Talata-Sanhi at Bunga
(5 pts)
C. Talata-Wakas ng
Kuwento
Suriin Natin Sanayin Natin
1. Simuno
Payabungin Natin A.1-5 Pagbibigay ng 2. Panag-uri
Talata ng Sanhi at Bunga Wakas ( 5 puntos ) 3. Sundan ang mga
pangyayari
( 5 puntos ) B. 6.A 7. B 4. Hulaan ang wakas ayon
sa sariling opinion
C. 8. B 9. C 10. 5. Sanhi
6. Bunga
D. 11-15.Talata ng Sanhi
at Bunga ( 5 puntos )
Gawin Natin Aralin Natin Subukin Natin
1. Jose Rizal 6. D 1. D
7. C 2. D
2. Tinuruang bumasa ng 8. D 3. A
4. D
kaniyang ina. 4.__ 5 Wakas ng kuwento 5. B,A
- Napatingin sa ilawang
langis
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

K to 12 Filipino Gabay Pangkurikulum sa Filipino, Department of Education


2016

K to 12 Most Essential Learning Competencies for Filipino Grade 4.


Department of Education Curriculum and Instruction Strand 2020

Lydia P. Lalunio, Ph.D. at Francisca G. Ril, (2010), Hiyas sa Wika Batayang


Aklat, (LG&M Corporation) pp. 13-15, Hiyas sa Pagbasa pp. 97,142

Lydia P. Lalunio, Ph.D. at Francisca G. Ril, (2010), Hiyas sa Wika at


Pagbasa Manwal ng Guro, (LG&M Corporation) pp. 102

Halaw sa Deped Images, 2012

https://www.youtube.com/watch?v=4quxgghpU0c noong ika- 25 ng Enero


2021

https://www.youtube.com/watch?v=_mX320UlfjA noong ika- 26 ng Enero


2021

https://www.youtube.com/watch?v=1WmGx3vQFw0 noong ika- 27 ng


Enero 2021

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon- Sangay ng Lungsod ng Tagum

Tanggapan: Energy Park, Apokon, Tagum City, 8100

Telefax: (084) 216-3504

Sulatroniko: tagum.city@deped.gov.ph

20

You might also like