You are on page 1of 9

FILIPINO 6

KWARTER 3 Paggamit ng Wastong


WEEK 5 Pang-angkop at Pangatnig

I. Alamin

Panimula:

Maligayang Pagbati! Ikaw ay nasa Baitang 6 ng pag-aaral sa Filipino! Kawiwilihan


mo ang nilalaman ng modyul sa Ikatlong Kwarter, Ikalimang Linggo . Ito ay ginawa
upang magbigay ng suplementaryong kagamitan sa iyo bilang gabay sa pag-aaral sa
mga paksa sa Filipino 6 na binubuo ng mga aralin na kinakailangang matapos sa loob ng
isang linggo.

Kasanayang Pampagkatuto:
Matapos mong mapag-aralan ang modyul na ito sa loob ng isang linggo,
inaasahang matutunan mo ang mga sumusunod na kasanayan.
1. Nagagamit nang wasto ang pang-angkop at pangatnig F6WG-IIIJ-12;
2. Nakabubuo ng mga bagong salita gamit ang panlapi at salitang-ugat F6PT-IIIJ-15;

TALAKAYAN:
Ang Pang-angkop ay tawag sa mga salitang nag-uugnay sa panuring at sa

salitang tinuringan. Ito ay ang mga katagang; na at ng. Sa makabagong balarila, dalawa
na lamang ang uri ng pang-angkop, ang na at ng.

Mga halimbawa: anak na dalaga, dalagang anak, bayang magiliw.

Ang mga Pangatnig ay ginagamit sa pag-uugnay-ugnay ng mga pangungusap at


sugnay. Sa pamamagitan nito, napagsusunod-sunod natin nang tama ang mga
pangyayari sa isang lathalain ayon sa tamang gamit nito. Pangatnig ang tawag sa mga
salitang nag-uugnay sa dalawang salita, parirala o sugnay na ginagamit sa
pangungusap.
Uri ng Pangatnig
1. Pamukod- ginagamit sa pagbukod o pantangi gaya ng: o, ni, maging, at man.
Halimbawa: Maghahanda ba tayo sa kaarawan mo o kakain na lang sa labas?

2. Panubali-nagsasabi ito ng pag-aalinlangan, gaya ng, kung, kapag, pag, sakali,


sana.
Halimbawa: Kung uulan, hindi matutuloy ang ating palatuntunan.

3. Paninsay-kapag sinalungat ng unang bahagi ng pangungusap ang ikalawang


bahagi nito. Gaya ng: ngunit, datapwat, subalit, bagaman, samantala, kahit
Halimbawa: Maganda nga ang kaibigan mo ngunit suplada naman.
4. Pananhi-nagbibigay ito ng dahilan o katuwiran para sa pagkaganap ng kilos. ANg
mga ito ay: dahil sa, sanhi sa, sapagkat, mangyari.
Halimbawa: Nagkasira-sira ang bahay ni Aling Myrna dahil sa bagyo.

5. Panapos-nagsasabi ito ng nalalapit na katapusan ng pananalita, gaya ng: upang,


sa lahat ng ito, sa wakas, at sa bagay na ito.
Halimbawa: Makukuha ko na rin sa wakas ang pangarap kong promosyon sa
trabaho.

6. Panlinaw-ginagamit ito upang ipaliwanag ang bahagi o kabuuan ng isang banggit


: kung gayon
Halimbawa: Nagkasundo na ang mga trabahador at mayari, kung gayon ay
magbubukas na ang planta.

7. Panimbang-ginagamit sa paghahayag ng karagdaganng impormasyon at


kaisipan, gaya ng at, saka, pati, kaya, anupa’t
Halimbawa: Pati ang aso ay kanyang inampon.

8. Pamanggit-gumagaya o nagsasabi lamang ng iba tulad ng: daw/raw, sa ganang


akin/iyo, di umano.
Halimbawa: Di umano, mahusay umawit si Lesly.

9. Panulad-tumutulad ng mga pangyayari o gawa tulad ng: kung sino, siyang, kung
ano, siya rin, kung gaano, siya rin.
Halimbawa: Kung ano ang itinanim, siya ring aanihin.
Ang Panlapi ay mga katagang ikinakabit sa salitang- ugat upang makabuo ng bagong
salita.

Mga Uri ng Panlapi


1. Unlapi ang tawag sa panlaping nilalagay sa unahan ng salita.
halimbawa: pag-asa, malaki at nanliit.
2. Gitlapi naman ang tawag sa panlaping ikinakabit sa gitna ng salitang ugat
halimbawa: gumuhit at kinain.
3. Hulapi naman ang tawag sa panlaping ikinakabit sa hulihan ng salitang ugat
halimbawa: mahalin at patawan.
4. Kabilaan naman kapag ang panlapi ay ikinabit sa unahan at hulihan ng salita
halimbawa: nag-awitan at nalabanan.
5. Laguhan kapag ito ay ikinabit sa unahan, gitna at hulihan ng salitang ugat
halimbawa: pagsumikapan.

GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 1:

Panuto: Punan ang patlang ng wastong pang-angkop at pangatnig sa bawat


pangungusap. Piliin sa kahon ang tamang sagot

1. Nalungkot ang Datu _______ mawala ang kanyang anak.


ngunit nang
2. Hinintay ng Sultan ang pagbabalik ng kanyang anak _____
kaya raw
di ito dumating.
gaya
3. Si Sari ang nag-iisang anak ng Sultan _____ mahal na mahal niya ito.
4. Ang mahiwagang ibon ay naghugis-anyo_________ ng tao.
5. Kinuha ng mahiwagang prinsepe si Sari dahil siya ______ ang inalagaan at minamahal
nito.
GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 2:
Bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Hinanap nila si Juan. Anong uri ng panlapi ang ginamit sa salitang “hinanap”?
a. unlaping in- c. hulaping -in
b. gitlaping –in- d. kabilaang in-/-in

2. Umuwi ng bahay si Juan. Ano ang salitang ugat sa salitang “umuwi”?


a. umu c. uwi
b. muwi d. umuwi

3. Si Juan ay _________. Anong parirala ang dapat isulat sa patlang?


a. masunuring bata c. masunuring na bata
b. masunurin ng bata d. masunurin bata

4. Laking pagsisisi nang kanyang mga pinsan kaya bilang patawad ay inaalagaan nila
ang halaman. Ilan ang pangatnig na nasa loob ng pangungusap?
a. wala c. dalawa
b. isa d. tatlo

5. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng katotohanan?


a. Maganda sa katawan ang pagkain ng pakwan.
b. Mas mapula ang laman ng mga malalaking pakwan.
c. Maraming nabebentang pakwang tuwing Ramadhan ng mga Muslim.
d. Ayon sa pag-aaral ng mga dalubhasa, 75% ng pakwan ay tubig.

GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 3:

Panuto: Sumulat ng talata ukol sa larawan gamit ang pang-angkop at pangatnig.


Rubrics:

Mga Pamantayan Laang Aking


puntos puntos
NILALAMAN
 Lawak at lalim ng pagtalakay 5

BALARILA 5
 Wastong paggamit ng pang-angkop at
pangatnig

Kabuuang puntos 10

5- napakahusay 2- di gaanong mahusay


4-mahusay 1- sadyang di mahusay
3-katamtaman

Binabati kita at maayos mong natapos ang modyul na ito!


KWARTER 3 Pag-uulat Tungkol sa
WEEK 6 Pinanood / Binasa

Panimula:

Maligayang Pagbati! Ikaw ay nasa Baitang 6 ng pag-aaral sa Filipino! Kawiwilihan mo


ang nilalaman ng modyul sa Ikatlong Kwarter, Ikaanim na Linggo. Ito ay ginawa upang
magbigay ng suplementaryong kagamitan sa iyo bilang gabay sa pag-aaral sa mga
paksa sa Filipino 6. Nawa’y makatulong ito na madagdagan pa ang iyong kaalaman. Ito
ay binubuo ng mga aralin na kinakailangang matapos sa loob ng isang linggo.
KasanayangPampagkatuto: Pagkataposng araling ito, ikaw ay inaasahang;

Nakapag-uulat tungkolsa pinanood o binasa F6PD-IIIc-j-15


a. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa pinanood o nabasa na maikling
kwento/ palabas.
b. Nakapag-uulat tungkol sa pinanood o nabasa na maikling kwento/
palabas.
c. Naipapahayag ang katangian ng mga tauhan gamit ang character map
ayon sa napanoodo nabasa na maikling kwento/ palabas.

Simulan na natin ang iyong paglalakbay, halina’t tuklasin ang itinatagong gandang
modyul na ito.
TALAKAYAN:

 Ang panonood ay prosesong pagmamasid ng manonood sa


palabas, video recording at iba pang visual media. Lahat ng
bagay ay maaaring matutuhan mo sa pamamagitan ng
panonood. Ang panonooday nakapagdudulot sa isang
indibidwal na magising ang kamalayan, maaaring maging
inspirasyon at maging sandigan upang gumawa ng tama.

 Sa pag – uulat naman ng inyong napanood, kinakailangan


mo ang detalye ng palabas. Maaaring gumamit ng papel at
bolpen upang mailista ang mga mahahalagangdetalye at
pangyayari sa kuwento na pinanood o binasa.

 Kapag nakuha mo na ang mga kinakailangang mga datos


sipiin at isa – isahin ang mga ito bataysa importansya ng
mga datos at impormasyong kinakailangan. Alalahanin ang
pagkakasunod – sunod na mga kaganapan, alamin ang
aral at gawing gabay ito sa iyong pang-araw-araw na
pamumuhay.
Panuto: Basahin ang isang maikling kwento tungkol sa “Ang Alamat ng Pinya”. Alamin
kung bakit pinya ang tawag sa prutas na ito.

A. Sa mag-aaral na may internet, kinakailangang mapanood ang maikling


kuwentong ito, https://www.youtube.com/watch?v=MUb3yfuR_ow.

B. Sa mag-aaral na walang internet, basahin ang kuwento tungkol sa “Ang Alamat


ng Pinya”.

Ang Alamat ng Pinya

https://www.youtube.com/watch?v=MUb3yfuR_ow
Noong unang panahon bago pa tayo nagkaroon ng prutas na pinya, may mag-
inang masayang namuhay sa isang maliit na baryo. Ang pangalan ng nanay ay si Aling
Rosa ang kanyang anak na babae naman ay si ay Pinang. Siya ay sampong taong
gulang. Matagal ng namatay ang asawa ni Aling Rosa, kung kaya’t lumaki si Pinang na
walang ama. Gusto ni Aling Rosa na lumaking masipag si Pinang kung kaya’t tinuturuan
niya ito ng mga gawaing bahay, kaso minsan tinatamad si Pinang at hindi niya sinusunod
ang utos ng kaniyang nanay dahil dalawa nga lang silang mag- ina. Mahal na mahal niya
si Pinang, kaya minsan kahit napakatigas ng ulo, pinabayaan nalang niAling Rosa.
Isang araw nagkasakit si Aling Rosa. Hindi siya makabangon at hindi rin siya
makagawa ng gawaing bahay. Inutusan niya si Pinang para magluto ng kanilang
kakainin. Pero katulad ng dati tinatamad si Pinang at ayaw niyang gumawa ng gawaing
bahay. Mas gugustuhin pa niyang maglaro sa labas kaysa tulungan ang may sakit niyang
nanay. Dahil hindi makatayo si Aling Rosa, napilitang sundin ni Pinang ang utos ng
kaniyang nanay na magluto ng kanilang kakainin.
Bago pa siya magluto, tinanong niya sa kaniyang nanay kung nasaan ang sandok?”
Mayamaya, bumalik uli si Pinang para magtanong kung nasaan ang iba pang gamit sa
lutuan kahit itoy nasa tabi lang ng sandok.

Wala namang problema sa paningin si Pinang, tinatamad lang siyang maghanap


kung kaya’t tanong siya ng tanong. Hindi nagtagal bumalik na naman si Pinang para
magtanong kung nasaan na naman ang isang gamit sa lutuan.

Hinanghina si Aling Rosa at masakit ang kaniyang nararamdamankung kaya’t sa


galit nasabi niya: “Naku! Pinang sana’y magkaroon ka ng maraming mata para lahat ng
bagay makita mo at hindi kana magtanong.
At dahil nagalit ang kaniyang ina tumalikod at umalis si Pinang para hanapin ang
mga tinatanong niya sa kaniyang nanay. Dumating ang hapon at medyo gumanda-
ganda ang pakiramdam ni Aling Rosa, kung kaya’t siya’y nakatayong muli.
“Nasaan na kaya si Pinang? Ano na kaya ang nangyayari sa niluluto niya?” Hinanap
ni Aling Rosa si Pinang pero wala siya sa loob ng bahay, siguro siya ay nasa labas at
naglalaro. Wala rin si Pinang sa labas ng bahay.
Pero nakita ni Aling Rosa ang tsinelas ni Pinang katabi ng kakaibang halaman. Ang
kakaibang halaman na biglang tumubo ay bilog at pahaba na parang ulo ng tao. Ito’y
napapaligiran din ng maraming mata.
Dito naalaala ni Aling Rosa ang huli niyang sinabi kay Pinang, na sana magkaroon
siya ng maraming mata para makita niya ang kaniyang hinahanap. Naging malungkot si
Aling Rosa na nagkatotoo ang kaniyang mga sinabi, ganun pa man inalagaan niya ang
halaman at tinawag itong “Pinang” bilang alaala niya sa kaniyang anak.
Lumipas ang ilang taon, dumami ang halaman at tinawag na Pinya ng mga
kapitbahayni Aling Rosa, at ito ang alamat ng Pinya.

GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 1:

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang titikng tamang sagot sa iyong
sagutang papel.

______1. Ano ang hinanap niPinang nang huli itong makita ni Aling Rosa?

a. ulam b. plato c. prutas d. sandok

______2. Ano ang tumubo sa bakuran ni Aling Rosa?

a.puno b. damo c. halaman d. bulaklak

______3. Anong ugali mayroonsi Pinang?

a. maalaga at masipag b. mapagmahal at mabait

c. tamad at matigas ang ulo d. masunurin at maalahanin

______4. Bakit napilitang sumunod si Pinang sa utosng kaniyang ina?

a. Dahil masipagna si Pinang. b. Dahil nagkasakit si Aling Rosa.

c. Dahil natatakot si Pinang sa ina. d. Dahil naging masunurin nasi Pinang.

______5. Bakit biglang naglaho si Pinang?

a. Nakikipaglaro si Pinang sa kanyang mga kaibigan.

b. Naging halaman si Pinang na may maraming mata.

c. Nagalit si Pinang kaya naisipan niyang umalis ng bahay.

d. Nagtago si Pinang para hindi na siya mautusan pa ngina.


GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 2:

Panuto: a.Kopyahin sa sagutang papel ang character map at punan ang mga kahon ng
tamang sagot batay sa tanong na nasa ibaba.

b.Ano-ano ang mga katangian ng tauhan sa alamat na iyong napanood/ nabasa


bataysa kanilang pananalita at kilos?

GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 3:

Panuto: A. Sa mga mag-aaral na may telebisyon at internet.

Manood ng isang palabas sa telebisyon na may aral tulad ng “Ang Alamat ng Pinya”.
Habang nanonood, itala ang mga mahahalagang detalye ng napanood. Muling isalaysay o
iulat ang iyong napanood sa pamamagitan ng pagpuno sa hinihinging impormasyon sa
ibaba. Isulat sa sagutang papel.

Pamagat:_____________________________________________________________________________________

Tauhan: ______________________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________________

Tagpuan: _____________________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________________
Unangpangyayari: ____________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________________

Huling pangyayari: ____________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________________

Magandang - aralna nakuha sa napanood:


_______________________________________________________________________________________________

B. Sa mga mag-aaral na walang telebisyon at internet.

Humanap ng babasahing kwentong may aral tulad ng “Ang Alamat ng Pinya”. Habang
nagbabasa, itala ang mga mahahalagang detalye ng nabasang kwento. Muling isalaysay o iulat
ang iyong nabasa sa pamamagitan ng pagpuno sa hinihinging impormasyon sa ibaba. Isulat sa
sagutang papel.

Pamagat:_____________________________________________________________________________________

Tauhan: ______________________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________________

Tagpuan: _____________________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________________

Unangpangyayari: ____________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________________

Huling pangyayari: ____________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________________

Magandang - aralna nakuha sa napanood:


_______________________________________________________________________________________________

You might also like