You are on page 1of 8

Banghay Aralin sa FILIPINO

Baitang Ika-Apat
MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCY
• NAGAGAMIT NANG WASTO ANG PANG-ANGKOP AT PANGATNIG. (F6WG-IIIj-12)
I.Layunin
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Makapagbibigay ng mga halimbawa ng pang-angkop at pangatnig
b. Napapahangalagahan ang wastong paggamit ng pang-angkop at pangatnig
c Nagagamit ng wasto ang pang-angkop at pangatnig
II. Paksang Aralin
a. Paksa: Paggamit ng pang-angkop at pangatnig
b. Sanggunian: * K to 12 Curriculum Guide in Filipino (F6WG-IIIj-12)
c. Kagamitan: Laptop, PowerPoint, Pen
d. Asal: Pagpapahalaga sa kapaligiran
III. Pamamaraan
A. PANIMULANG GAWAIN
I. Panalangin
II. Pagbati
III. Pagpapapulot ng pira-pirasong kalat at pagsasaayos ng mga upuan.
IV. Balik Aral
 Bago tayo magsimula sa ating aralin , gawin muna natin ang isang masayang gawain.
Ang tawag dito ay ""TAYO AY MAG BALIK-ARAL " . Handa na ba kayo?
"GAWAIN : "TAYO AY MAG BALIK-ARAL"'
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong ng bawat bilang sa ibaba. Isulat ang titik ng
iyong sagot sa sagutang papel.
1. Ang ____________ ay binubuo ng mga pangunahing diwa ng talata, kwento o anumang
seleksyong binasa at ang mahahalagang detalyeng sumusuporta o lumilinang dito
. a. tauhan b. detalye c. tagpuan d. balangkas

2. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga uri ng balangkas?


a. Pasalitang balangkas b. Patalatang balangkas
c. Palarawang balangkas d. Pangungusap na balangkas
3. Basahin ang talata. Hindi sapat na mabuhay lamang tayo para sa sarili. Kailangan din nating
mahalin ang kapwa at ang ating bayan. At higit nating pakamahalin ang ating Poong Lumikha.
Alin ang pangunahing diwa sa talata?
a. Mahalin lamang ang kapwa. b. Nawala na ang lahat sa mundo.
c. Tama na ang mabuhay sa mundo d. Mahalin ang sarili, kapwa, bayan at Poong Maykapal.
4. Sino ang Dakilang Ama ng Bayan?
a. Manuel L. Quezon b. Rodrigo R. Duterte
c. Diosdado P. Macapagal d. Benigno Simeon C. Aquino
5. Alin ang angkop na pamagat?
Malimit na pinagmulan ng sakit ang maruming kapaligiran. Ang kanal na pinamamahayan ng
mga lamok ay di-pansin ng mga taga-nayon. Sa ilang mga liblib na pook ay kulang pa rin sa
palikuran. Bakit hindi tayo magsama-sama? Hihintayin pa ba nating dumami ang magkakasakit?
Kumilos ang lahat at linisin ang kapaligiran!
a. Sakit b. Nayon c. Polusyon d. Kapaligiran
 Magaling, Ngayon, maari niyo bang ibahagi kung ano-ano ang mga naaalala niyo sa ating
ginawa noong nakaraang araw?
 Magaling at Salamat sa inyong mga sagot. Ang lahat ng ito ay tama at totoo
B. PAGLINANG NA GAWAIN
I.PAGGANYAK
 Ngayon, handa na ba kayong maglaro at matuto ng panibagong kaalaman?
 Mabuti! Dahil meron akong mga inihandang laro para sa inyo. Ang tawag sa larong ito ay
"PAUNAHAN TAYO" Handa na ba kayo?
 Mabuti! Ngayon basahin muna natin ang panuto ng larong ito.
"ANG TANONG, ANONG SAGOT?"
Panuto: Humanap ng ka partner at maghanda ng limang papel at panulat. Sagutin ang mga
katanungan at isulat lamang ang letra o ang inyong sagot sa inyong inihandang papel. Itaas ang
sagot pag sinabi ng guro na "123 ANG TANONG, ANONG SAGOT?". Siguraduhin na malaki
at makikita ng maayos ang inyong sagot.
1. Ano ang maaring dahilan ng pagkakasakit ng tao?
a. paghuhugas ng kamay
b. malinis na paligid
c.paghina ng resistansya
2. Ano ang dapat gawin sa kamag-anak na may sakit?
a. yakapin at tabihan upang mahawa
b. ipost sa social media at pagkatuwaan
c. alagaan at gumamit ng mask kung lalapitan
3. Ano ang dapat gawin ng taong may sakit?
a. Makipaghalubilo sa mga kalaro
b. Kumain, matulog at magpahinga
c.Maglaro ng cellphone
4. Kanino dapat magpakonsulta kung may sakit?
a. Doctor
b. Gwardiya
c. Dyanitor
5. Ano ang sanhi ng dengue?
a. Virus na dala ng lamok
b. Ihi na dala ng mga daga na nahalo sa tubig
c.Maduming kamay
( Pagkatapos iwasto ang mga tamang sagot)
 Magaling! Palakpakan ang inyong mga sarili
II. PRESENTASYON ( ACTIVITY)
GAWAIN: ATING AYUSIN
Panuto: Ayusin ang mga salita at alamin ang tamang pangungusap.
SAKIT NAKAKAHAWANG ANG MGA
III. PAGTATASA ( ANALYSIS)
 Sino naman ang makapagbabahagi ng kanyang kaalaman tungkol sa mga nakakahawang
sakit?
IV.PAGTATALAKAY ( DISCUSSION)
 Ngayon, handa na ba ang lahat na makinig at matuto ng panibagong aralin?
 Mabuti ngayon ating basahin :
( Ang guro ay magpepresent ng aralin sa PowerPoint )

Ang Pang-angkop ay tawag sa mga salitang nag-uugnay sa panuring at sa


salitang tinuringan. Ito ay ang mga katagang; na at ng. Sa makabagong balarila, dalawa na
lamang ang uri ng pang-angkop, ang na at ng.

Mga halimbawa: anak na dalaga, dalagang anak, bayang magiliw.

Ang mga Pangatnig ay ginagamit sa pag-uugnay-ugnay ng mga pangungusap at sugnay. Sa


pamamagitan nito, napagsusunod-sunod natin nang tama ang mga pangyayari sa isang lathalain
ayon sa tamang gamit nito. Pangatnig ang tawag sa mga salitang nag-uugnay sa dalawang salita,
parirala o sugnay na ginagamit sa pangungusap.

Uri ng Pangatnig
Pamukod- ginagamit sa pagbukod o pantangi gaya ng: o, ni, maging, at man.
Halimbawa: Maghahanda ba tayo sa kaarawan mo o kakain na lang sa labas?

Panubali-nagsasabi ito ng pag-aalinlangan, gaya ng, kung, kapag, pag, sakali, sana.
Halimbawa: Kung uulan, hindi matutuloy ang ating palatuntunan.

Paninsay-kapag sinalungat ng unang bahagi ng pangungusap ang ikalawang bahagi nito. Gaya
ng: ngunit, datapwat, subalit, bagaman, samantala, kahit
Halimbawa: Maganda nga ang kaibigan mo ngunit suplada naman.

Pananhi-nagbibigay ito ng dahilan o katuwiran para sa pagkaganap ng kilos. ANg mga ito ay:
dahil sa, sanhi sa, sapagkat, mangyari.
Halimbawa: Nagkasira-sira ang bahay ni Aling Myrna dahil sa bagyo.

Panapos-nagsasabi ito ng nalalapit na katapusan ng pananalita, gaya ng: upang, sa lahat ng ito, sa
wakas, at sa bagay na ito.
Halimbawa: Makukuha ko na rin sa wakas ang pangarap kong promosyon sa trabaho.
Panlinaw-ginagamit ito upang ipaliwanag ang bahagi o kabuuan ng isang banggit : kung gayon
Halimbawa: Nagkasundo na ang mga trabahador at mayari, kung gayon ay magbubukas na ang
planta.
Panimbang-ginagamit sa paghahayag ng karagdaganng impormasyon at kaisipan, gaya ng at,
saka, pati, kaya, anupa’t
Halimbawa: Pati ang aso ay kanyang inampon.
Pamanggit-gumagaya o nagsasabi lamang ng iba tulad ng: daw/raw, sa ganang akin/iyo, di
umano.
Halimbawa: Di umano, mahusay umawit si Lesly.
Panulad-tumutulad ng mga pangyayari o gawa tulad ng: kung sino, siyang, kung ano, siya rin,
kung gaano, siya rin.
Halimbawa: Kung ano ang itinanim, siya ring aanihin.
Ang Panlapi ay mga katagang ikinakabit sa salitang- ugat upang makabuo ng bagong salita.
Mga Uri ng Panlapi
Unlapi ang tawag sa panlaping nilalagay sa unahan ng salita.
halimbawa: pag-asa, malaki at nanliit.
Gitlapi naman ang tawag sa panlaping ikinakabit sa gitna ng salitang ugat halimbawa: gumuhit at
kinain.
Hulapi naman ang tawag sa panlaping ikinakabit sa hulihan ng salitang ugat halimbawa: mahalin
at patawan.
Kabilaan naman kapag ang panlapi ay ikinabit sa unahan at hulihan ng salita
halimbawa: nag-awitan at nalabanan.
Laguhan kapag ito ay ikinabit sa unahan, gitna at hulihan ng salitang ugat halimbawa:
pagsumikapan.

TANDAAN:
 Mahalaga na magkaroon tayo ng kaalaman tungkol sa paggamit ng wasto ng pang-
angkop at paghalip
 Ang isang pahayag ay matatawag na Katotohanan kung ito ay mapapatunayang totoo at
may ebidensiyang tumutugon dito. Opinyon namang maituturing kung pinaniniwalaan o
iniisip lamang na totoo o ayon sa sariling paniniwala, pananaw o saloobin ng may-akda.
Ngayon gusto niyo pa bang maglaro at matuto ?
Mabuti dahil meron akong inihandang gawain para sa inyo, ang tawag dito ay " TALENTO MO
IPAKITA MO!" Atin munang basahin ang panuto
"PANGKATANG GAWAIN MAGING MASIYAHIN
Panuto: Bumuo ng dalawang pangkat at gawin ang mga nakatakdang gawain bawat pangkat.
(10 minuto ng pangkatang gawain/

UNANG PANGKAT GAWAIN


PANUTO : Punan ng wastong salita ang bawat patlang upang mabuo ang mga pangungusap.
Isulat sa sagutang papel ang uri ng panlaping ginagamit sa bawat pangungusap.

gulat sikap malaki kuha lungkot

1. Nang biglang lumitaw ang


mahiwagang tandang,
________ ang lahat. 2. ________ ng mahiwagang
prinsepe si Sari.

3. ___________ ang
nadama ng sultan nang 5. Dapat nating _________ ang
nawala ang kaniyang anak. sariling atin.

4. Lungkot na lungkot ang


Sultan kaya _________
niyang makahanap ng
manlililok.

PANGALAWANG PANGKAT GAWAIN


Panuto: Isulat sa sagutang papel ang K kung ang pahayag ay katotohanan at O naman kung ito ay
opinyon lamang.
______1. Ang Sarimanok ay simbolo ng dugong bughaw, katanyagan, kayamanan at karangalan
sa mga Muslim sa Mindanao.
______2. Maaaring ang tandang ay mahiwaga at nagbibigay ng biyaya.
______3. Tinawag na Sarimanok ang tandang sapagkat maaaring ipinangalan ito kay Sari.
______4. Isang Likhang Sining ang paglililok ng sarimanook sa ating bansa kaya naman ito ay
dapat nating ipagmalaki.
______5. Maraming haka haka at palagay tungkol sa pinagmulan ng sarimanok.
 Ngayon, ibahagi ang inyong mga nalikha sa klase. Magsisimula tayo sa unang pangkat.
Ating palakpakan at tayo ay makinig.
V. PAGLALAHAT ( GENERALIZATION)
 Okay! Marami ba kayong natutunan sa ating leksyon?
 Ano - ano ang inyong mga natutunan sa ating aralin?
 Salamat, ano nga ulit ang ibig sabihin ng nakakahawang sakit?
 Magbigay ng isang halimbaw ng nakakahawang sakit at ilarawan ito.
 Salamat, ano pa ang mga halimbawa ng nakakahawang sakit?
VI: PAGSAMA-SAMA NG HALAGA ( VALUES INTEGRATION)
 Bilang mag-aaral sa ika-apat na baitang, paano ka makatutulong
sa iyong kapwa mag-aaral upang makaiwas sa mga nakakahawang sakit?
C. PAGLALAPAT
 Dahil marami na kayong natutunan sa ating aralin ngayon, meron akong inihandang
gawain para sa inyo na dapat ninyong gawiin ng tapat.
GAWAIN: TUKUYIN MO
Panuto: Isulat sa inyong sagutang papel ang tsek (/) kung tama ang ginamit na pang-angkop o
pangatnig sa mga sumusunod na mga pangungusap, ekis (X) naman kung mali ang paggamit.
_______1. May kaisa-isa na anak na dalaga ang sultan ng Maranao sa Lanao.
_______2. Isang malaking piging sa kanilang malawak na bakuran ang inihandog ng sultan sa
kaniyang anak.
_______3. Kinuha ng prinsepe ang dalagang kaniyang minamahal.
_______4. Ang sarimanok daw ay gintong ibon na ayon sa iba ay siyang nagdala sa mga tao sa
pulo ng Mindanao ng maraming biyaya.
_______5. Lumipad ang mahiwagang tandang at kinuha ang dalagang si Sari.
IV. PAGTATAYA
GAWAIN: KAYANG- KAYA KO ITO!
Panuto: Ang mga sakit tulad ng ubo, sipon dengue at trangkaso, ay maaaring maipasa sa tao.
Pumili ng isa sa mga sakit na nakatala at ilarawan kung paano ito naipapasa.
Rubriks sa Pagwawasto
5 - Natatangi ang paglalarawan sa sanaysay na angkop na angkop sa paksa.
4- Napakahusay ng pagkakabuo sa sanaysay na nakabatay sa paksa.
3- Mahusay ang paglalarawan sa sanaysay ngunit hindi ganap na nakabatay sa paksa.
2- Kasiya-siya ang paglalarawan sa sanaysay ngunit kailangan pang iugnay sa paksa.
1- Hindi kasiya-siya ang paglalarawan sa sanaysay at walang ganap na kaugnayan sa paksa.
SAGOT SUSI
BALIK- ARAL- Ang mga sagot ay magkakaiba
PAGGANYAK- 1.C 2. C 3. B 4. A 5. A
PRESENTASYON- Ang mga sagot ay magkakaiba
PAGTATAYA-Ang mga sagot ay magkakaiba
PAGLALAPAT- 1. Dengue 2. Nakakahawang sakit 3. Trangkaso 4. Sore eyes 5. Sipon

You might also like