You are on page 1of 10

MASUSING BANGHAY-ARALIN

I. MGA LAYUNIN
Sa pagtatapos ng aralin. Ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Natutukoy ang kahulugan at uri ng pangatnig
B. Mapapahalagahan ang paggamit ng pangatnig sa isang pangungusap
C. Nakabuo ng makabuluhang pangungusap gamit ang ibat-ibang uri ng pangatnig

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: Pangatnig
Sanggunian: Internet at Filipino textbook
Kagamitan: Pantulong na Visual

III. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAIN

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

a. Panalangin

● Maari bang tumayo ang lahat at tayo

ay manalangin.

● Ipikit natin ang ating mga mata at

damhin ang presensya ng Panginoon


sa pamamagitan ng panalangin.

● (Mananalangin ang Guro) ● Amen

● Amen.

b. Pagbati
● Magandang umaga sa inyong lahat! ● Magandang umaga din po Ginang!

● Kamusta kayong lahat? Masaya ba

kayo sa araw na ito?


● Opo Ginang!
● Mabuti naman kung ganon.

c. Balik-Aral

● Ngayon bago tayo magtungo sa

ating bagong topiko. Magtatanong


muna ako sa ating pinag aralan
noong nakaraang araw.

● Ano nga ba ang ating pinag-aralan


● Tungkol po sa pandiwa Ginang!
noong huli nating pagkikita?

● Tama! Ano nga ulit ang kahulugan


● Ang nagsasaad ng kilos o galaw ng
ng Pandiwa?
isang tao, hayop o bagay.

● Kumain, Umiyak, Mag aral…


● Tama! Magbigay nga kayo ng

halimbawa ng Pandiwa

● Tama! Mabuti naman at lahat ay

naunawaan na ang huli nating paksa


na tungkol sa Pandiwa. Ngayon
ating tatalakayin ang Panibago
nating paksa.

d. Pagganyak

● Ngayong sabay sabay nating basahin


ang mga pangungusap.

1. Ang pagkakaroon ng mataas at 1. Ang pagkakaroon ng mataas at


magandang edukasyon ay susi sa magandang edukasyon ay susi sa
maginhawang buhay. maginhawang buhay.

2. Naging malinis ang Barangay dahil sa 2. Naging malinis ang Barangay dahil sa
pagtutulungan ng bawat mamamayan. pagtutulungan ng bawat mamamayan.

3. Kailangan nating tulungan si kapitan 3. Kailangan nating tulungan si kapitan


upang maayos ang ating komunidad. upang maayos ang ating komunidad.

● Ano ang napansin niyo sa salitang ● Ito ay nagdudugtong sa

may salungguhit pangungusap

● Tama!

B. PAGLALAHAD NG ARALIN

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

● Ngayon may inihanda akon

panimulang gawain para sa pagtuklas


ng ating aralin.

Panuto: Magbigay ng pangungusap


gamit ang larawan at katagang nasa
kahon sa tabi ng larawan.

Halimbawa:

Dahil
● Hindi makapaglaro si Mark sa labas

dahil umuulan.
1. Ang bunsong lalaki ay naghuhugas
habang ang kaniyang ate ay
Habang nagluluto

1.
2. Gustong maglaro ni Anna ngunit
hindi siya pinapayagan ng kaniyang
ina.

2.

3. Nagtutulungan ang bawat isa kaya


nagiging malinis ang kapaligiran.
3.

● Ngayon ay may nahinuha naba kayo sa

ating magiging paksa? ● Opo Ginang. Ito po ay pag uuugnay

● Tama! ng kaisipan o pangungusap.

● Balikan muna natin ang ating nagging

Gawain. Pansin niyo ba ang mga ● Opo Ginang!


salitang nasa kahon.

● Basahin natin lahat ang mga salitang

nasa kahon.

● Dahil, Habang, Ngunit, Kaya


● Dahil, Habang, Ngunit, Kaya

● Ano ang mapapansin niyo sa mga


salitang ito?

● Ito po ay dinurugtong o

● Magaling! Ano pa? nagdurugtong sa pangungusap

● Ang mga salitang nasa kahon ay

halimbawa ng Pangatnig
● Tumpak!

● Kaya ang ating magiging diskusyon

ngayong ay patungkol sa Pangatnig.

C. PAGTATALAKAY/PAGLINANG NG TALAKAY

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. PAGPAPALIWANAG/PAG-IISA-ISA/
PAGHAHAMBING/ PAGBIBIGAY
HALIMBAWA

● Pangatnig – Ito ay kataga, salita o

gurpo ng mga salitang nagpapakita ng


pagkakaugnay n g isang salita o
kaisipan sa isa pang kaisipan.

● Maari ba kayong mag bigay ng mga


● Dahil, kaya at ngunit
halimbawa ng pangatnig?

● Tama. Maraming halimbawa ang

pangatnig.

● Kagaya ng “at, ni, kapag, habang,

ngunit, kaya, para, subalit, samantala


dahil, at nang.”
● Maari ba kayong magbigay ng

halimbawa ng pangungusap na may


pangatnig.

● Nagkasakit si John dahil siya ay


● May ibat-ibang uri ng pangatnig. naambonan kanina.

1. Pamukod – Ginagamit sa
pagbubukod o pagtatangi gaya ng:
o, ni, maging, at man.

Halimbawa: Siya man ang piliin o ako ay


gagawin naming an gaming makakaya para
manalo.

2. Panubali – nagsasabi ito ng


pagaalinlangan gaya ng: kung,
kapag, pag, sakali.

Halimbawa: kung uulan, hindi matutuloy


ang ating paggala.

3. Paninsay – kapag sinsalungat ng


uang bahagi ng pangungusap ang
ikalawang bahagi nito. Gaya ng:
Ngunit, datapwat, subalit,
bagaman, kahiman, kahit.

Halimbawa: Bagaman maraming ng


mamaliit sa kanya ay hindi parin siya
pinaghihinaan ng loob.

4. Pananhi – nagbibigay ito ng


dahilan o katuwiran para sa
pagkaganap ng kilos. Ang mga ito
ay: Dahil sa, sanhio sa, sapagkat,
mangyari.

Halimbawa: Siya ay sobrang pagod dahil


sa paglilinis buong maghapon.

5. Panapos – Nagsasabi itp ng


nalalapit na katapusan ng
pagsasalita, gaya ng: Upang, sa
lahat ng ito, sa di-kawasa, sa
wakas, at sa bagay na ito.

Halimbawa: Sa wakas ay nakapagtapos na


siya ng kanyang pagaaral.

6. Panlinaw – ginagamit ito upang


ipaliwanag ang bahagi o kabuuan ng
isang banggit.

Halimbawa: Ang magkapatid ay hindi na


nag away, kung gayon ay nagkaayos na
sila.

7. Panimbang – Ginagamit sa
pagpapahayag ng karagdangang
impormasyon at kaisipan gaya ng:
at, saka, pati, kaya, anupat.

Halimbawa: Sina Marie at Anna ay


pumunta ng Mall.

8. Pamamanggit – gumagaya o
nagsasabi lamang ng iba tulad ng:
daw, raw, sa ganang, akin/iyo, di-
umano.

Halimbawa: Ayon sa kapit-bahay ay


pumunta na daw si Jessa sa ibang bansa

9. Panulad – tumutulad ng mga


pangyayare or gawa tulad ng: kung
sino, siyang, kung ano, siya rin,
kung gaano.

Halimbawa: Kung anong ginawan mong


masama sa kaniya ay siya ring babalik
sayo.

B. PAGLALAHAT

● Ngayon ano nga ba ulit ang pangatnig? ● Ito ay kataga, salita o gurpo ng mga

salitang nagpapakita ng
pagkakaugnay n g isang salita o
kaisipan sa isa pang kaisipan.

● Pamukod, Panubali, Paninsay,


● Tama ano naman ang ibat- ibang uri ng
Pananhi, Panapos,
pangatnig? Panlinaw,Panimbang, Pamanggit,
Panulad,

C. PAGPAPAHALAGA

● Sa tingin niyo ano ang kahalagahan ng ● Nagpapalawak ng ating

Pangatnig sa isang pangungusap? kakayahang makipag usap sa iba.

● Nalalaman natin kung paano mag


● Tama! Ano pa? dagdag ng impormasyon at pagiisa
isa ng impormasyon.

● Magaling! Upang dagdagan at

pagiisahin ang mga impormasyon ay


ginagamit ang pangatnig. Ito rin ay
mahalaga upang mailahad ang
pagkakasunod- sunod ng mga
pangyayari.

IV. EBALWASYON/PAGTATAYA
Panuto: Piliin sa dalawang pangatnig na nakalagas sa panaklong ang tamang sagot upang
makabuo ng makabuluhang pangungusap. Ilagay ang inyong sagot sa inyong test
notebook.
1. Ang aking nanay __ tatay ay mahal ko. (at, o)
2. Kung ano ang puno, ____ bunga. (siya ring, ay)
3. Maglalaro sana ako ____ tinawag ako ni ate. (pero, upang)
4. Gawin mo na agad ang sinabi ni itay ___ ayaw mong mapalo. (para, dahil)
5. Si Alfred ___ si Medel ay takot na takot sa kanilang guro. (at, ay)
6. Magaaral kaba ___ makikipagkwentuhan ka na lamang? (kaya, o)
7. Gusto kong kumain ng ice cream ____ wala akong pera. (sapagkat, ngunit)
8. Umiiyak si Jose ____ nawala ang kanyang laruan. (subalit, sapagkat)
9. Si Janice ang sasali sa paligsahan _____ siya ang pinakamagaling na manunulat sa
klase. (sapagkat, subalit)
10. Ihihaiin ng mga sundalong Pilipino ang kanilang buhay ____ ipagtanggol ang
PIlipinas. (ngunit, upang)

V. TAKDANG GAWAIN
Panuto: Bumuo ng isang pangungusap sa bawat uri ng Pangatnig.
1. Pamukod
2. Panubali
3. Paninsay
4. Pananhi
5. Panapos
6. Panlinaw
7. Panimbang
8. Pamanggit
9. Panulad

You might also like