You are on page 1of 4

I.

Pamantayan sa Pangnilalaman: Naipamamalas ang mag-aaral ng pag-unawa sa mga


akdang pampanitikan sa Panahon ng mga Katutubo, Espanyol at Hapon.

Pamantayan sa Pagganap: Nabubuo ang isang makatotohanang proyektong panturismo.

Kasanayan sa Pampagkatuto: F8PB-Ia-c-22 Naiuugnay ang mahahalagang kaisipang


nakapaloob sa mga karunungang-bayan sa mga pangyayari sa tunay na buhay sa
kasalukuyan.

II. Layunin:
a. Ang mag-aaral ay inaasahan na ipaliwanag ang kahulugan ng ilang karunungang bayan.
b. Magpapakita ng pagpapahalaga sa mga aral ng karunungang bayan.
c. Mailarawan ang isang larawan o kaganapan gamit ang kasabihang nauugma.

III. Paksang aralin


a. Paksa: Karunungang-Bayan (salawikain, sawikain, kasabihan)
b. Sanggunian: Pinagyamang wika at panitikan, Aida M. Guimarie VIII, pahina 14-
27
c. Kagamitan: biswal, pisara, libro.

IV. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain:

1. Pagbati
2. Pagpuna ng kaayusan
3. Pagtala ng lumiban

a. Bakit mahalaga ang mga ito sa atingpang


araw araw na buhay?

b. Ano kaya ang layunin ng karunungang


bayan (salawikain, sawikain, kasabihan?

Ang lalyunin ng araling ito ay bigyan kayo ng


kaalaman tungkol sa karunungang bayan at kung
paano ito nakakatulong sa opangunawa natin sa
mga pangyayari sa kasulukuyan, inaasahan kong
aktibong makikilahok kayo sa pagkatuto.

B. Pagganyak

Bago tayo dumako sa ating aralin sa araw na


ito ay may inihanda akong isang laro na
tatawagin nating” GUESS MO, MISS MO”

Panuto: kumpletuhin ang pahayag na


ipinapakita upang mabuo ang diwa ng
pangungusap.

1. Nasa diyos ang _____, Awa, gawa


Nasa tao ang _____.

2. Tulak ng _____, Bibig, kabig


_____ ng dibdib.

3. Kapag _____ ang kumot, Maikli, matutong


_____ mamaluktot.

4. Walang _____ sa bakal, Sumisira, kalawang


Kund ang sarili nyang _____.

a. Ano ang napansin ninyo sa mga pangungusap


na inyong binasa at sinagutan?

C. Paglalahad ng aralin

Ang ating ginawang laro ay may kaugnayan sa


ating aralin ngayong araw.

Sapalagay ninyo ano kaya ang tatalakayin


natin?

Para sa dagdag na ideya, ayusin natin ang


nakagulong mga letra upang mabuo ang salita.
S-A-L-A-W-I-K-A-I-N

D. Paghahawan ng balakid

Ngunit bago ang lahat ay bigyan muna natin ng


mga kahulugan ang mga salitang maaaring
makasagabal sa ating talakayan.
Paulit-ulit ng sinasabi
1. Sirang plaka Naiinggit
2. Nanaghili Mataagal, mahaba
3. Maluwat Pagtakas, pagsasama ng magkasintahan
4. Nagtanan

E. Pagtalakay sa aralin

Batay sa larong ating isinagawa kanina, alam


ko na mayroon na kayong ideya kung ano ba
ang salawikain?

Sa inyong palagay ano po ang salawikain?

Ano pa?
Magaling!

Salawikain- ito ay “maituturing na


pinakatutubong “bible” kung hindi man ay
pinaka moral code.”

“Pangungusap na nakaugalian ng sabihin at


nagsisilbing batas at tuntunin ng kagandahang
asal ng mga tao.”

Ito rin ay tumutukoy sa mga kasabihan na may


layuning magbigay aral. Ito ay base sa mga
totoong pangyayari sa buhay.

Tinatawag din sa ingles na “proverbs”

Para mas lalong pa nating maunawaan ang


salawikain.

Narito pa ang ilang halimbawa; halina at


basahin natin “Ang Salawikain” ni Lilibeth D.
Monton

Kailangan ko ng dalawang mag-aaral upang


magbasa bilang nanay at anak.

(pagtapos magbasa ng piling mag-aaral)

Pamantayan sa pagbasa:
1. Malinaw
2. Katamtamang lakas ng boses.
3. Naibibigay ang saktong damdamin sa
kwento.

Sa kwentong ating nabasa at napakinggan, ano


ang unanag salawikaing sinabi ng nanay sa
kanyang anak? “Ang pagsisi’y lagging nasa huli.”

1. Sa tingin ninyo ano ang nais ipahiwatig ng


salawikaing ito?

Mahusay! Dapat lamang na sa bawat desisyon (Magbabahagi ang mag-aaral)


na ating gagawin, dapat nating pagisipang
mabuti, huwag dapat tayong padalosdalos nang
sa ganoon ay hindi natin pagsisihan sa huli ang
ang nagawa nating desisyon.

2. Gaya na lamang ng isa pang nabanggit na


salawikain sa binasang pahayag “kapag
maikli ang kumot matutong
mamaluktot”

Ano naman ang nais nitong ipahiwatig?

Magaling! Ito naman po ay tumutukoy sa


Kaya naman mga anak lagi nating pagiging kuntento sa kung anong
tatandaan na mahalaga ang bawat maliliit meron tayo sa buhay.
at kahit na ano pang bagay yan, sapagkat
darating ang panahon na sasangayon din sa
atin ang pagkakataon.

Naunawaan po?

Ilan pang halimbawa nito ay, “nasa diyos ang Opo!


awa, nasa tao ang gawa”

Ano ang ibig sabihin nito?

Ang mga bagay na ating gusting


marating at maabot ay hindi lang
dapat idaan sa dasal, kundi ay gawan
Tama! Magaling! din natin ng paraan, magsumikap at
Dapat hindi lang tayo puro panalangin magtyaga dahil kapag may tyaga ay
kailangan din nating samahan ng tyaga. may nilaga.

3. Sa tingin ninyo anong pag-uugali ang


ipinakita ng anak sa kwento?

4. Sa tingin niyo, isa bang magandang


ihemplo ang ganoong pag-uugali?

5. Sa inyong palagay, paano kaya


nakatutulong ang salawikain sa buhay
ng tao? Ang salawikain ay nagtuturo ng aral
sa buhay ng mga tao na nagpapaalala
F. Paglalahat sa mga kailangang ikilos ng tao kung
nakikitang nagkakamali ito- bukod sa
Ngayon ay mukhang handa na kayo at lubos na nagtataglay ng talinghaga sa
ninyong naunawaan ang ating aralin ngayong pagpapahayag ng ideya.
araw.

1. Batay sa ating aralin ngayong araw, ano


ang ating tinalakay?
2. Bakit kaya mahalagang pag-aralan natin at Salawikain
isabuhay ang salawikain?
3. Bilang isang anak, bakit dapat nating
sundin ang mga pangaral ng ating mga
magulang?

G. Paglalapat

1. Mag-isip ng isang salawikain base sa


kasalukuyang buhay niyo ngayon, at
ipaliwanag kung bakit ito ang inyong
napili.

V. Pagtataya
A. Ipaliwanag ng mahusay ang kahulugan ng mga salawikain sa ibaba.

1. Kapag maikli ang kumot,


Matutong mamaluktot.
Pamantayan sa puntos
pagsulat:
2. Ang lumakad ng matulin,
1. Malinaw ang nais 5
Kung matinik ay malalim.
na iparating na
Ang maglakad ng marahan, mensahe.
Kung matinik man ay mababaw. 2. Organisado ang 5
bawat ideya.
3. Masining ang 5
pagpapaliwanag.
4.Naibibigay ang 5
puntong nais
iparating sa
salawikain.
kabuuan 20

VI. Kasunduan (takdang-aralin)


A. Panuto: mangalap ng 10 halimbawa ng bugtong para sa ating susunod na aralin.
VII. Puna:

Inihanda ni: Eduard J. Bringino Ipinasa kay: Ma’am Rhoda Ortiz

You might also like