You are on page 1of 5

ICCT COLLEGE FOUNDATION INC.

V.V Soliven Avenue Cainta Rizal


2nd Trimester S.Y 2020-2022

College of Teacher Education

Pangalan ; Baitang / antas: Baitang siyam


Caguing, Paul John & Calvelo, May
Seksyon ; OL33E40 Asignatura: Filipino
Oras / petsa Markahan

I. Layunin

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a. Naibibigay ang kahulugan ng banghay ng maikling kwento
b. Nasusuri ang pagkakasunod-sunod ng maikling kwento.
c. Nakagagawa ng sariling kwento gamit ang ibat-ibang sangkap ng maikling
kwento.

II. Paksang Aralin

a. Paksa: Banghay ng Maikling kwento


b. Sangunian: https://www.slideshare.net/girliesurabasquez/banghay-ng-maikling-
kuwento
c. Kagamitan: Cartolina, Marker, Handout, Visual aids, board and chalk

III. Pamamaraan

a. Panimulang gawain
1. Panalangin
2. Pag-aayos ng silid
3. Pagtala ng liban
4. Balik-aral
( Magbibigay ng limang katanungan ang guro hinggil sa nakaraang paksa
at magtatawag ng limang mag-aaral upang sagutin ang mga ito.)

 Ano ang maikling kwento?


 Ito ang mga gumaganap sa kwento?
 Ito ay tumutukoy sa pook o lugar na pinangyarihan ng kwento?
 Ito ang pinaka kaluluwa ng maikling kwento?
 Ito ang sentral na ideya sa loob ng kwento o mahahalagang
pangkaisipan ng akda

b. Pagganyak

Panuto: hatiin sa apat na pangkat ang mga mag-aaral at ayusin ang

pagkasunod-sunod ng mga pangungusap upang mabuo ang maikling kwentong

nakalaan sa bawat grupo.


Unang pangkat: Ang Leon at ng Daga

1. Lumipas ang maraming araw at minsan sa pamamasyal ng daga sa kagubatan


ay kanyang napansin ang isang lambat na nakabitin sa puno. Lumapit siya
upang mag-usisa at agad niyang nakilala ang leon na nahuli sa loob ng lambat
na ginawang bitag ng nangagaso sa kagubatan.
2. Sa katuwaan ay di niya napansin na nagising ang leon. Dinakma ng leon ang
daga at hinawakan sa buntot na wari bagang balak siyang isubo at kainin.
Natakot at nagmakaawa ang daga.
3. Dali-daling inakyat ng daga ang puno at nginatngat ang lubid na nakatali sa
lambat. Agad namang naputol ang lubid at bumagsak ang lambat kasama ang
leon sa loob. Mabilis na bumaba ang daga at tinulungan ang leon na nakawala
sa lambat.
4. “Ipagpaumanhin mo kaibigan. Hindi ko sinasadyang gambalain ka sa pagtulog
mo. Wala akong masamang hangarin. Nakatuwaan ko lang na maglaro sa
iyong likuran. Huwag mo akong kainin,” ang sabi ng daga.
5. Isang daga ang nakatuwaang maglaro sa ibabaw ng isang natutulog na leon.
Kanyang inaakyat ang likuran ng leon at pagdating sa itaas ay
nagpapadausdos siya paibaba. Sa katuwaan ay di niya napansin na nagising
ang leon.
6. “Sige, pakakawalan kita pero sa susunod ay huwag mong gambalain ang
pagtulog ko,” sabi ng leon. “Salamat kaibigan. Balang araw ay makagaganti rin
ako sa kabutihan mo,” sagot ng daga.

Ikalawang pangkat: “Si Stella At Ang Mga Kaibigan Niya Sa Araw ng Pasko”

1. Nang itinanong nina Bea at Fey ang dahilan ng paglagi nina Stella sa bahay-
ampunan tuwing Pasko ay inihayag ni Stella na ang kanyang ina na si Señora
Faustina, 
2. Si Stella ay laki sa karangyaan ngunit siya ay may mabuting pagkatao, na
siyang ipinagpapasalamat ng kanyang mga Magulang na sina Don Manuel at
Señora Faustina.
3. tulad ng mga batang nasa kanilang paligid, ay laki rin sa bahay ampunan, at
ginagawa niya ang taunang tradisyon upang magbalik-loob sa mga
mabubuting tao na nag-alaga sa kanyang ina.
4. Tuwing kapanahunan ng Pasko ay binibisita ni Stella, kasama ang kanyang
kaibigang sina Bea at at Fey, ang bahay-ampunan sa Marga Hera upang
mamahagi ng mga regalo at magsalu-salo sa handaan.
Ikatlong pangkat: Ang nawawalang sapatos ni Kulas

1. Isang araw ng sinintas ni Vina ang sapatos ng anak ay napansin niya na ang
suot ng anak ay ang luma nitong sapatos kaya naman tinanong niya ito na 'di
nasagot ng anak dahil sa pagdating ng school bus.
2. Pagkauwi ng anak ay nag-iwan siya ng karton na naglalaman ng bagong sapatos
upang isorpresa ang anak. Kinabukasan sinuot ito ng anak dahil P.E. nila
3. Si Kulas ay anak nina Vina (kahera) at Julio (gumagawa ng mga kasangkapan).
4. Kaya naman tinanong niya sa anak kung bakit nawawala ang sapatos niya na
sinagot naman ng anak. Ang mga bagong sapatos daw na binibili sa kanya ay
ipinamimigay niya sa kanyang kamag-aral.
5. Noong araw na iyon subalit noong pagkauwi niya ay luma uli ang suot niya
dahilan upang sumbatan siya ni Julio na 'di niya pala binilhan ng bagong sapatos
ang anak.

Ika-apat na pangkat: Ang kuneho at ang pagong

1. Hindi akalain ng kuneho na matiyaga at tuloy tuloy pa rin ang paglakad ng


pagong. 
2. Nakikinig lamang sakanya ang pagong niyang kaibigan ng biglang yayain ng
pagong ang kuneho sa isang paligsahan, Paunahang makarating sa itaas ng
bundok
3. Isang araw isang kuneho ang nagmamalaki na siya ay mabilis tumakbo at
walang makakatalo sakanya,
4. Tinawanan siya ng kuneho at pabirong tinanggap ang hamon nito. Sa inaasahan
nauna ang kuneho sa pagtakbo naiwan nito ang kanyang kaibigang pagong.
Malayo layo na din ang kuneho ng maisipan nitong magpahinga. 
5. Nang nagising ang kuneho dali dali itong tumakbo upang tapusin ang paliksahan
laking gulat niya ng makita ang pagong sa itaas ng bundok, naunahan siya ng
matiyagang pagong. Nanalo ang pagong sa paliksahan.

c. Aktibiti
Panuto: tukuyin ang Banghay sa kwentong nakatalaga sa kanya-kanyang pangkat at
isulat ito sa isang malinis na papel. Ang bawat pangkat ay may nakatalagang miyembro
upang ibahagi ang sagot sa harapan.

 Unang Pangkat: Ang Leon at ng Daga


 Ikalawang pangkat: “Si Stella At Ang Mga Kaibigan Niya Sa Araw ng Pasko”
 Ikatlong pangkat: Ang nawawalang sapatos ni Kulas
 Ika-apat na pangkat: Ang kuneho at ang pagong
d. Analisis

- Hahatiin ang klase sa dalawang pangkat at pipili ng isang kinatawan sa


bawat pangkat at bumunot sa nakahandang kahon. Sa loob ng kahon ay
may papel na naglalaman ng parte ng kwento at babasahin ang nabunot
sa pangkat nito upang tukuyin kung anong banghay ng maikling kwento
ang kanyang nabunot.

e. Abstraksyon

- Ipapaliwanag ng guro kung anu-ano ang mga bahagi ng banghay ng


maikling kwento.

a. Simula
b. Suliranin
c. Papataas na aksyon
d. Kasukdulan’
e. Pababang aksyon o kakalasan
f. Wakas

d. Aplikasyon

- Ang bawat mag-aaral ay gagawa ng sariling kwento batay sa kanilang


karanasan at tukuyin ang banghay ng sariling kwento.

Pamantayan
Pagkakasunod-sunod ng
70%
pangyayari
Nilalaman 20%
kaayusan 10%
Kabuuang puntos 100%

IV. Ebalwasyon
Panuto: Ibigay ang tamang pagkakasunod-sunod ng banghay.
1. Dito natutukoy ang paglalahad at paglalarawan sa tauhan.
2. Masasabing dito sa bahaging ito ang pinakakapana-panabik na bahagi ng
kwento.
3. Tumutukoy ito sa pagkakasunod sunod ng pangyayari sa kwento .
4. Dito nagaganap ang paglalahad sa Suliranin.
5. Ang banghay ng maikling kwento ay may ilang bahagi?
6. Ito ang nagpapadaloy at nagbibigay ng interes sa kwento.
7. Dito binibigyan kasagutan ang suliranin ng kwento.
8. Dito makikita ang kahihinatnan ng kwento kung ito ba ay magtatapos ng
masaya o malungkot.
9. Ang suliranin ay matatagpuan pagkatapos ng kasukdulan?
10. Ang pataas na aksyon ay matatagpuan bago ang kasukdulan?

Anim Simula Papataas na Aksyon Banghay

Kasukdulan Lima Suliranin Wakas

Gitna Pababang aksyon Tama Mali

V. Takdang Aralin
- Pumili ng isang maikling kwento at tukuyin kung ano ang banghay ng maikling
kwentong napili.

You might also like