You are on page 1of 5

ICCT COLLEGES FOUNDATION INC.

V.V Soliven Avenue II, Cainta Rizal


College of Education

DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA SIYENSA


Iba’t ibang hayop na naninirahan sa tubig at lupa
(Kindergarten)
I. Layunin:
Sa pag tatapos ng Aralin ang mga mag aaral ay inaasahang:
A. Nakikilala ang mga hayop na nakatira sa tubig at lupa
B. Naipapangkat ang mga hayop ayon sa kanilang tirahan
C. Naipapakita ang pagpapahalaga sa tirahan ng mga hayop.
II. Paksang Aralin:
A. Paksa: Mga hayop na nakatira sa lupa at tubig.
B. Sanggunian: Science Plus More- Alona Ledesma, Salvacion Lindio- Dorado
pahina: 76 - 87
C. Kagamitan: Larawan ng mga iba’t ibang hayop, krayola at pandikit.
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Pananalangin
2. Pagsasaayos ng mga silid aralan
3. Pagtatala ng liban at hindi liban sa klase.
4. Energizer
5. Balik-Aral

B. Pagganyak
- Hahatiin ang klase sa dalawang pangkat ang unang pangkat ang mahahanap ng mga
hayop na nakatira sa lupa at ang ikalawang pangkat naman ang maghahanap ng mga
hayop na nakatira sa tubig.
C. Aktibiti
Ipapangkat ng guro ang mga bata sa dalawang pangkat.
Unang Pangkat: Kukulayan ng ASUL ang mga hayop na nakatira sa tubig at tutukuyin
kung anong hayop ito.
Ikalawang Pangkat: Kukulayang ng BERDE ang mga hayop na nakatira sa lupa at
tutukuyin kung anong hayop ito.
D. Analisis
Magsasalita ang guro at tatanungin ang mga mag-aaral patungkol sa mga hayop
na naninirahan sa tubig at lupa.
 Parang tao din ang mga hayop kailangan nila ng tirahan upang mabuhay.
 Nakakatulong kaya ang hayop sa atin? Sa paanong paraan?
 Ano kaya gagawin mangyayari pag nasira ang tirahan ng mga hayop?
 Sa Paanong paraan natin mapapangalagaan ang tirahan ng mga hayop?

E. Abstraksyon

Ilalahad ng guro ang ibat ibang hayop na naninirahan sa lupa at tubig.

Ilalahad din ng guro na mayroong mga hayop na kayang sa tubig at lupa at kilala ang

mga ito sa tawag na AMPIBYAN.


F. Aplikasyon

Magpapakita ng kahon ang guro na nag lalaman ng mga larawan ng iba’t


ibang hayop na nakatira tubig at lupa.
Sasabihin ng mga estudyante ang kanilang hinuha tungkol dito.
IV. Pagtataya

A. Panuto: Isulat sa kahon ang ngalan ng hayop na naayon sa kanyang tirahan.


Mga hayop na nakatira sa lupa Mga hayop na nakatira sa tubig

B. Panuto: Isulat sa patlang ang L kung ang hayop ay nakatira sa lupa at T naman
kung sa tubig.
_______1. Kuneho
_______2. Aso
_______3. Isda
_______4. Pugita.
_______5. Baboy.

V. Takdang Aralin
Gumupit ng mga larawan ng iba’t ibang na nakatira sa parehas tubig at
lupa. Idikit sa kwaderno.

You might also like