You are on page 1of 7

Lesson PLAN IN Kinder MGA Hayop SA Kapaligiran

Elementary Education (Turac Elementary & National High School)

Scan to open on Studocu

Studocu is not sponsored or endorsed by any college or university


Detailed Lesson Plan in Kindergarten

A. Objectives: Tukuyin ang ngalan ng hayop at tirahan nito.


II. Subject Matter/ Paksang Aralin:
a. Natutukoy ang mga hayop sa kapaligiran.
b. Natutukoy ang tirahan ng mga hayop.
c. Maipapakita ang pagmamahal at tamang pangangalaga sa mga hayop.

A. Topic: Mga Hayop sa Paligid


B. Reference/s:
• Most Essential Learning Competencies,

C. Material/s: TV, Laptop, Larawan


D. Integration: Mathematics (pagbibilang)
English (Tell the name of animals)
III. Procedure/Pamamaraan

A. Panimulang gawain

1. Panalangin
Ipikit ang mga mata at tayo’y magdarasal.

2. Ehersisyo o exercise
Para naman sa ating exercise o ehersisyo, tumingin ang lahat sa harap at sundan ang
sumasayaw.

3. Pagbati
Magandang araw mga bata. Araw nanaman ng biyernes at dapat tayo ay masaya at
masigla. Maaari ba nating batiin ang bawat isa. Sundan ako at sabihing magandang
umaga sa ating lahat!

4. Pagtatala ng lumiban sa klase


Mayroon bang lumiban sa ating klase sa araw na ito?

Magaling dahil walang lumiban sa ating klase, bigyan niyo ng limang palakpak ang
inyong mga sarili.

5. Balik-aral

Noong nakaraan araw, tinalakay natin ang iba’t ibang kulay. Maaari ba kayong
magbigay ng halimbawa ng kulay.

Tama!
Lahat ng bagay na nakikita natin ay mayroong kulay.

B. Panlinang na Gawain

1. Pagganyak

Alam niyo ba ang kantang I have a pet?

Kung ganon tumayo ang lahat at ating kantahin at sasayawin ang I Have a Pet song.

Napakagaling naman ninyong sumayaw.

2. Paglalahad

Handa na ba kayong making sa ating aralin?

Alam niyo ba kung ano ang hawak ko?

Tama, ito ay isang laruan.

Kanina kinanta at sinayaw natin ang I have a pet song.. Sabihin niyo nga sa akin kung
ano mga pangalan ng hayop na hawak ko ?

Tama! Magaling!

Ito ay aso.
Ito naman ay isda.
Ito naman ay lion.

3. Pagtatalakay

(Magpapakita ng mga larawan ng hayop)


Aso, pusa, baboy, kalabaw, kabayo, manok
• Sa tingin ninyo, saan natin sila nakikita? Saan sila
nakatira o namamalagi?

Tama! Ang mga hayop na ito ay makikita natin na nakatira sa lupa. Bilangin natin.

Isda, hipon, pusit, octopus

• Sa tingin ninyo, saan natin sila nakikita? Saan sila nakatira o namamalagi?

Tama! Ang mga hayop na ito ay makikita natin na nakatira o namamalagi sa


tubig. Bilangin natin.

Ibon, paru-paro, lamok, bubuyog

• Sa tingin ninyo, saan natin sila nakikita? Saan sila nakatira o namamalagi?

Tama! Ang mga hayop na ito ay makikita natin na nakatira o namamalagi sa


hangin o sa himpapawid. Bilangin natin. Ano ang mapapansin ninyo sa mga hayop
na ito at bakit sila nakikita sa himpapawid?

…sila ay nakakalipad dahil sila ay may pakpak

4. Paglalahat

Balikan natin ang lahat ng nabanggit nating mga hayop.

Isa isahin natin sila.

(Ang mga bata ay sasagot)


Ang mga hayop na nakatira sa lupa ay mga

aso at iba pa.

Ang mga hayop sa nakatira sa tubig

isda at iba pa.

Ang mga hayop na makikita sa himpapawid.


ibon at iba pa.

C. Pangwakas na Gawain

1. Paglalapat
Para malaman natin kung may natandaan at natutunan kayo sa ating aralin,
May ibibigay si titser at inyo itong susuotin.

Pagkabigay, lahat sila ay pupunta sa harap at babanggitin ang pangalan ng


mask na suot nila at sasabihin kung nakatira ba ito sa lupa, tubig o
himpapawid.

IV. Pagtataya

Activity (By Group)

1. Para sa ating aktibidad na ating gagawin, bibigyan kayo ni titser ng malaking papel
bawat grupo.

Ang gagawin ng group 1 ay ididikit nila sa malaking papel ang mga hayop na makikita
sa lupa.
Sa group 2 naman ang hahanapin ninyo at ididikit sa papel ay mga hayop na makikita sa
tubig.

Sa group 3 naman ang hahanapin ninyo ay mga hayop na makikita sa himpapawid at


ididkit ito sa papel.

Naintindihan po ba?
V. Takdang aralin:

Maghanap ng mga larawan ng pagkain na nagmumula sa hayop. Idikit ito sa


inyong notebook.

Inihanda ni:

DARLEEN J. VILLENA
Teacher I

Isinumite kay:

LILY MAY S. GONZALES


Master Teacher I

You might also like